MasukNang bumagal ang tempo ng musika, dahan-dahan ding bumagal ang galaw ng mga sumasayaw. Mula sa siksikang pagsasayaw ng marami, unti-unting lumawak ang espasyo sa paligid nina Kate at Frank.Nakakahumaling ang musika, lalo na't isang romantikong love song ang itinutugtog ng banda. Ang dalawang taong may itinatagong damdamin sa isa't isa ay hindi na napapansin ang nangyayari sa paligid nila. Pareho silang magaling na dancer, kaya sa bawat nota ng kanta, natural na lumabas ang mga galaw ng kanilang classical duet dance.Nang magsimula silang sumayaw, hindi na sila makatigil. Wala silang pakialam kahit nabawasan ang mga tao sa paligid nila. Wala silang pakialam kahit nagbalik na sa kani-kanilang mesa ang iba para panoorin sila. Sa sandaling iyon, ang mahalaga lang ay ang sumayaw.Pagkatapos ng kalahating taon ng rehabilitation, napakalaki na ng ipinagbago ng kondisyon ni Kate kumpara sa dati. Ang mga galaw na hindi niya magawa noon ay nakakayanan na niya nang halos 80%, lalo na ang mga lif
"Kapag hindi mo pa rin itinikom 'yang bibig mo, ilalabas kita rito at iiwanan sa gitna ng malamig na snow!" Galit na lumingon si Vincent at sumigaw sa kanya.Kinausap lang siya ni Uncle Robert nang may kasamang kibit ng balikat. "Bahala ka. Kapag namatay ako, itapon mo ako kung saan mo gusto. Nung buhay pa ako wala ka namang pakialam, ano pa kaya kapag patay na ako?"Dumilim ang mukha ni Vincent sa sinabi ng amang si Robert.. Samantala, buong sigla at saya na nagmamaneho si Frank. Nang malapit na sila sa kalsada papunta sa park na patungo sa bahay nina Kate, bigla siyang huminto sa tabi. "Kate, gusto ko sanang tawagan si Kuya Blake.""Bakit mo tatawagan si Kuya?" Naisip ni Kate na medyo may pagka-isip-bata at pilya rin ang lalaking 'to. Sa tuwing nagpapacute ito na parang tuta, hindi niya talaga ito matiis."Kate, may ni-reserve akong restaurant. Isang buwan ko na itong na-book... Kasi akala ko, magkakaroon ako ng chance na ayain kang lumabas ngayong Pasko..." Yumuko si Frank habang g
Tanghali na nang makalabas si Kate mula sa rehabilitation session niya. Inalayan siya ni Frank habang lumalabas ng clinic. Dahil sa patuloy na pag-ulan ng snow, mas naging mahirap ang paglalakad para sa isang tulad ni Kate na may injury sa paa.Mukhang madagdagan pa ang intensity ng rehab session ni Kate ngayong araw, kaya nang makalabas sila ay medyo nangangatog at nanlalambot na ang magkabila niyang binti. Kahit alalay siya ni Frank, nang bitawan nito nang bahagya ang hawak sa kanya sa tapat ng sasakyan, mawawalan sana siya ng balanse at madudulas. Sa 'di kalayuan sa likod ng kotse nila, may isang sasakyang buong umaga ng nakatigil doon ng hindi gumagalaw.Ang taong nakaupo sa loob—si Vincent—ay napasuntok nang malakas sa steering wheel habang pinapanood ang nangyayari. "Is that what you call helping?! They didn't even bother to be careful!"Subalit, bago pa man matapos ang galit niyang pagsasalita, mabilis na naka-react si Frank at niyakap si Kate para pigilan ang pagkahulog nito.
Mabuti na lang at nagdala rin si Kate ng mga regalo at binigyan ang bawat tao sa loob ng clinic. Nang papasok na si Kate sa treatment room para sa acupuncture, malakas na nagpaalam sa kanya si Uncle Robert. Suot ang kanyang pulang costume at dala ang bakanteng pulang bag, nagpaalam din ito kay Frank at binati ito ng Merry Christmas bago umalis. Laging nararamdaman ni Kate na may kulang sa eksenang iyon. Bigla niyang naisip na ang lalaking laging kasama ni Uncle Robert ay wala roon ngayon—baka nagbakasyon din dahil pasko?Karaniwan ay napakaraming kotseng nakaparada sa labas ng clinic dahil sa dami ng pasyenteng nagpapasuri. Ngayong pasko, mas kaunti ang tao, pero may ilang kotseng nakatigil pa rin sa tabi ng kalsada.Sumakay si Uncle Robert sa passenger seat ng isa sa mga kotseng iyon. Sa driver's seat naman ay nakaupo ang isang lalaki. Malamig ang mukha nito habang nakatingin ng diretso sa unahan, at nung sumakay si Uncle Robert ay wala man lang itong naging reaksyon.Natawa si Robert
Nagising si Kate kinaumagahan na nakahiga na sa sarili niyang kama.. Hindi niya alam kung sino ang naglipat sa kanya roon; ang huling alaala niya kagabi ay nakatulog siya sa kandungan ng kanyang lola. Ang fireplace kagabi, ang bumabagsak na snow, ang mga ilaw, at ang Christmas dinner—lahat ay napakaganda. Pakiramdam niya ay nakalutang pa rin siya sa mainit na kapaligiran ng nagdaang gabi.Noong bata pa siya tuwing nanonood ng New Year Specials sa TV, laging may kantang "An Unforgettable Night."Kailanman ay hindi niya totoong naintindihan kung ano ang pakiramdam ng isang "unforgettable night."Ngayon ay naintindihan na niya.nAng mga magagandang gabi ay nagpapahiwatig sa 'yo na umasang sana ay humaba pa ito nang kaunti... at mas humaba pa. Naghintay pa siya nang ilang sandali sa ilalim ng mainit na kumot bago tuluyang nagising ang kanyang isip. Nang umupo siya, napansin niyang may apat na balot ng regalo sa tabi ng kanyang kama.Kahit hindi na niya buksan, alam na niyang galing ang mga
Sa huli, ang Tita Cathy ay parang "na-oust" sa kusina, at pagkalipas ng ilang sandali, maging si Blake ay pinalabas na rin."Masyado daw akong nakakasagabal sa kanila!" Natawa na lang si Blake.Wala naman siyang problema sa pagsubok sa kakayahan ng batang ito. At doon na nga, sa loob lang ng isang hapon, nakahanda si Frank ng napakaraming pagkain para sa buong mesa… Kabilang na doon ang dessert!May pinagsamang western at italian cuisine, at mayroon pa ngang homemade soup dumplings.Gulat na gulat ang Tita Cathy. "Frank, may negosyo ba ang pamilya niyo sa restaurant industry?"Natawa nng kaunti si Frank. "Hindi po, Tita Cathy. Sadyang hilig ko lang po talaga ang magluto.""Ito... Blake, sa napakaraming taon, ngayon lang ako nakakain ng ganito kasaganang hapunan!" Manghang-manghang sabi ng Tita Cathy.Medyo may halong exaggeration ang sinabi niya, pero sapat na iyon para ipakita kung gaano kahanga-hanga ang ipinakita na talento ni Frank."Maraming salamat po sa papuri, Tita Cathy!" Hind
NGUNIT ang labis na pinalaking pagtatanghal na iyon ay lalo lamang nagdulot ng walang tigil na tawanan sa loob ng private room. Si Mitch, na nakaupo sa tabi ni Vincent, ay halos mapatawa nang husto at napasandal pa sa balikat nito.At si Vincent ay tahimik lang. Wala siyang sinabi kahit isang salita
NILABAG ni Vincent ang sarili niyang patakaran, uminom siya ng alak. Halata iyon sa boses niya sa video. Medyo lasing na siya. Paos, masigla, at hindi na kontrolado ang sitwasyon.Ngunit si Vincent? Sisigaw ng ganito?Sa alaala ni Kate, si Vincent noong high school ay malamig at mataas ang tingin sa
SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin n
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.Bagay talaga sila…Tahimik na kinuhanan ni Kate ng lit







