เข้าสู่ระบบNagpadala ng mensahe si Vincent para sabihing aalis na ang mga ito.. Hindi nag-reply si Kate. Sa totoo lang, wala na siyang kahit anong pakialam sa itinerary nito dahil ang buong isip niya ay nakatutok na sa sarili niyang flight bukas ng umaga.Nag-set siya ng alarm ng alas-kwatro ng madaling araw para sunduin ang lola niya, bago sila diretso sa airport para sa kanilang early morning flight. Kailangan niya talagang makatulog ngayon!Pero mukhang ayaw siyang patulugin ni Vincent dahil bigla itong tumawag sa FaceTime.Dahil alam niyang hindi pa naman ito nakakaalis ay sinagot pa rin ni Kate ang tawag. Lumabas sa screen ang mukha nito habang nasa sasakyan…Nang makita ang mukha niya, bahagyang ngumiti si Vincent. “Natutulog ka na ba? Naabala ba kita?”“Oo,” prangka niyang sagot.“Sige, gusto ko lang makita kung anong ginagawa mo. Matulog ka na ulit, hindi na kita aabalahin. Papunta na ako sa boarding gate.”Habang nagsasalita ito, biglang sumulpot ang mukha ni Mitch sa screen at kumaway s
Ang takbo ng utak ni Kate… Asa ka pa!Pero sinabi lang ‘yun ni Vincent at hindi naman talaga siya pinag-impake nito. Pagkapasok ng kwarto, pumasok muna ito sa banyo para mag-shower, at pagkalabas ay siya na mismo ang nag-ayos ng kanyang bag. Pero kahit tapos na, nakatayo pa rin ito sa loob at ayaw pang umalis.Gusto na sanang tawagan ni Kate ang lola niya, pero dahil kanina pa ito nakaharang at nakakaabala sa mga plano niya, hindi niya na napigilang mag-apura. “Hindi ka pa ba lalayas?”“Pwwede bang maging malambing ka naman kahit kaunti?” lumapit si Vincent sa likod niya.Nakaharap si Kate sa vanity mirror habang tinatanggal ang pagkakatali ng kanyang buhok.Biglang iniunat ni Vincent ang kamay para tulungan siyang alisin ang rubber band, tsaka yumuko at niyakap siya mula sa likod. Sa salamin, nakita niyang nakadikit ang mukha nito sa pisngi niya. Sa totoo lang, sobrang nandidiri na si Kate sa tuwing lumalapit ito sa kanya. Sa bawat pagdikit nito, bigla niyang naaalala ang amoy ni Mitc
Itinuro ni Kate ang direksyon ng dining area, kung saan nakapila ang isang dosena ng mga glass jars na naglalaman ng pulang-pulang fruit wine.“Kung ganoon... kumain ka na lang ng grapes,” sabi ni Vincent. “By the way, matagal-tagal na ring nagbabakasyon si Lola sa labas at hindi pa bumabalik, ‘di ba? Kailan natin siya susunduin?”Eksaktong tumama ang tanong nito sa bagay na kanina pa gustong sabihin ni Kate.“Bukas ay diretso na si Lola sa airport, kaya mamaya ay—”“Kate,” putol ni Vincent sa sasabihin niya.Nagtataka siyang tiningnan ni Kate. Naupo si Vincent sa tabi niya sa sofa. Ang mga salitang hindi niya masabi-sabi kanina sa restaurant ay kailangan niya ng buksan ngayon.“Tungkol sa...” Medyo nag-aalinlangan ang boses niya. “Sa tingin mo ba ay pwede nating baguhin ang schedule ng biyahe natin papuntang Hongkong?”“Baguhin?” Lumingon si Kate sa kanya habang nakataas ang isang kilay.“Oo...” pilit na ngumiti si Vincent. “Kung sa susunod na linggo na lang kaya tayo umalis? May dal
“Nandito naman ako para magbalat para sa’yo,” sabi ni Vincent. “Maaari ko ring utusan ang server para gawin ‘yun.”“Gusto ko ng crab fat rice! Kung gusto mo ng alimango, bakit hindi mo na lang i-order ang sarili mo?” Ito ang pambihirang pagkakataon na nagpakita si Kate ng katigasan ng ulo, matapos ang limang taon ng palagiang pagsunod sa mga gustong kainin ni Vincent.Bahagyang natigilan si Vincent sa narinig.Naging kakaiba ang reaksyon ni Kate ngayong gabi. Noong mga nakaraang taon kasi, palagi lang nitong sinasabi ang mga linyang: “Anong gusto mong kainin?” “Sige, kung ano ang gusto mo, doon na rin ako.” “Kahit ano, okay lang ako.”Gayunpaman, pilit pa rin itong ngumiti. “Crab fat rice lang naman pala, hindi naman ganoon kahirap ang buhay natin para hindi natin ‘yan mabili. Kailangan ba talagang pag-awayan natin ‘yan?”Isinara niya ang menu, saka humarap sa server. “Iyan na lang ang lahat ng order namin, magdagdag ka na lang ng isang serving ng gulay na bagay sa mga putahe.”Ginamit
“Ma’am, masyado naman po itong malaki,” sabi ni Manang Nova na halatang nahihiyang tanggapin ang pera.“Tanggapin mo,” seryosong sagot ni Kate. “Dahil sa sugat mo, dalawa hanggang tatlong buwan kang hindi makakapagtrabaho. Ituring mo na lang ‘yan na bayad sa mga araw na nawalan ka ng kita. Para sa kinabukasan mo, kung may kailangan ka o may naisip kang bagong plano, sabihin mo lang sa akin. Kahit wala na ako rito, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan ka.”Hindi nagtagal si Kate sa loob ng ospital dahil biglang tumunog ang phone niya. Tumatawag si Vincent. Pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag, agad nitong itinanong kung nasaan siya.“Nasa ospital ako, binibisita si Manang Nova. Nandiyan ka na ba sa bahay?” biglang kinabahan si Kate. Hindi kaya nakita na nito ang annulment papers sa drawer?“Oo, kadarating ko lang at wala ka rito. Kailan ka ba matatapos diyan? Susunduin kita.”“Ah, malapit na rin.” Hingang-maluwag si Kate; ibig sabihin ay hindi pa nito nabubuksan ang draw
Sinagot niya ang tawag. Mukhang nasa gitna ng isang meeting si Vincent dahil may naririnig siyang mga boses ng ibang tao, pero base sa tunog ng mga yabag ay mukhang lumalabas ito ng kwarto. “Kate, nakita ko na ‘yung ticket. Bukas ng tanghali ang flight natin papuntang Hongkong, ‘di ba?”“Oo, magpapalipas muna tayo ng isang gabi roon bago tayo kumuha ng sasakyan para mag-transfer sa’yo ng mga kailangan kung laging blocked ang number ko.”mag-road trip.” Seryoso ang tono ng boses niya na parang pinagplanuhan talaga ang lahat ng detalye.“Sige,” pag-sang-ayon nito. “I-unblock mo na rin ako sa mga contacts mo, napakahirap “Sige, gagawin ko.” Doon lang naalala ni Kate na kaya lang pala ito nakakatawag at nakakapag-text ay dahil sa ibang number na gamit nito.May narinig siyang boses ng isang lalaki na dumaan sa harap nito at nangaasar, “Wow, sino ba naman ang may lakas ng loob na mag-block sa ating kilalang CEO?”Narinig ang mahinang tawa ni Vincent mula sa kabilang linya. “Huwag mo na akon
NGUNIT ang labis na pinalaking pagtatanghal na iyon ay lalo lamang nagdulot ng walang tigil na tawanan sa loob ng private room. Si Mitch, na nakaupo sa tabi ni Vincent, ay halos mapatawa nang husto at napasandal pa sa balikat nito.At si Vincent ay tahimik lang. Wala siyang sinabi kahit isang salita
NILABAG ni Vincent ang sarili niyang patakaran, uminom siya ng alak. Halata iyon sa boses niya sa video. Medyo lasing na siya. Paos, masigla, at hindi na kontrolado ang sitwasyon.Ngunit si Vincent? Sisigaw ng ganito?Sa alaala ni Kate, si Vincent noong high school ay malamig at mataas ang tingin sa
SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin n
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.Bagay talaga sila…Tahimik na kinuhanan ni Kate ng lit







