登入Napangiti na lang din si Tanya nang may kahulugan. Si Vincent naman ay naramdaman ang matinding panlalambot ng kanyang tuhod. Ang tanging salitang pumapasok sa utak niya ay: Tapos na.Sa pagkakataong ito, tuluyan ng nasira ang lahat.Tumingin siya sa malayo kung saan nakatayo si Kate. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Norman noon…. “Lahat ng partnership deals natin ay nasisira dahil kay Kate. Ito na ang ikatlong pagkakataon, at siguradong matutuloy Ito basta wala siya.”May ilang mga bisita sa paligid na nagsimulang magbulungan. “Teka, hindi ba't asawa 'yun ni Mr. Fuentebella? Bihira siyang lumalabas sa mga gatherings, bakit kasama siya ngayon ni Mr. Rossi sa stage?”Huminto sandali si Mattheus bago nagpatuloy sa pagsasalita sa mikropono. “I also go by another name within my family. I am Mattheus. And the lady standing beside me tonight is my cousin, Kate.” Nakangiting kumaway si Kate sa mga bisita sa ibaba.Dahil sa kanyang magandang tindig at pino na galaw mula sa matagal na pagsas
Nagsimulang maging maingay at pader ang buong ballroom. Matagal nang naririnig ng lahat ang pangalan ni Mr. Rossi, pero napakakaunti ng mga taong nakakita sa kanya sa personal. Ang ilang mga prominenteng milyonaryo at matataas na opisyal sa Maynila ay nakatingin na sa pwesto ni Mattheus.Nang dumating si Mattheus sa Maynila, syempre ay nabisita na niya ang mga pamilyang ito. Dahil sa kanilang mataas na status, hindi sila sumali sa gulo sa gitna ng hall at nanatili lang na tahimik sa gilid.Sa gitna ng ingay at excitement ng mga tao, naroon din ang mga alipores ni Mitch na masayang nagsisisigaw sa likod.“Mitch! Lalabas na si Mr. Rossi!”“Oo nga, Mitch! Maipapaghiganti mo na ang dalawang sampal na natanggap mo!”“Ipaghihiganti ka ni Mr. Rossi! Ipapakaladkad niya ang mga taong ito palabas!”Nagtataka at naguguluhan sina Vincent at Norman sa narinig. Anong kinalaman ni Mr. Rossi kay Mitch? Umiwas ng tingin si Mitch habang nakahawak sa kanyang namumulang mukha, hindi makapagsalita sa kaba.
“Kate...” Pakiramdam ni Vincent ay sasabog na ang ulo niya sa sakit. “Asawa kita. Bakit mas pinipili mong sumama sa isang pinsan na itinuturing mong mas malapit kaysa sa sarili mong asawa?”Malamig na natawa si Kate. “Sino ba talaga ang outsider? Ang pinsan ko, kailanman ay hindi ako pipiliting mag-sorry sa ibang tao! At kapag kasama ko ang pinsan ko, walang sinuman ang makakapang-api sa akin! Higit sa lahat, hinding-hindi ako ipamimigay ng pinsan ko sa mga kidnapper para lang masaksak ng kutsilyo!”“Kate!” Nagalit na nang husto si Vincent, mahina ngunit matalim ang boses. “What kind of event do you think this is?! Pwede mo bang basta-basta sabihin 'yang mga bagay na 'yan?! Do you want everyone to make fun of us?!”Sarkastikong tumingin si Kate sa kanya. “Ah, alam mo palang mali 'yun? Alam mo palang kapag sinabi 'yun ay magmumukha tayong katatawanan? Pero ginawa mo pa rin, 'di ba?”Hindi nkakibo si Vincent…. Natahimik at hindi nakapagsalita si Vincent sa matinding tama sa kanya.Galit
“Kate...” Nakatingin si Vincent sa dumaraming taong nakapalibot sa kanila, nakakunot ang kanyang mga kilay. “Can we please talk about this somewhere else? Hindi magandang tingnan na nag-aaway tayo sa harap ng maraming tao.”Bahagyang natawa si Mattheus nang marinig iyon. “Ang pinsan ko, may karapatang mag-ingay at magpadala ng kahit kanino rito sa kahihiyan.”Inakala ni Vincent na nagmamayabang lang ang lalaki, kaya hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin.Subalit sa likod niya, patuloy sa pag-iyak si Mitch. “Vincent, siya 'yun! Siya 'yung paulit-ulit na nagsasalita ng masama rito, walang ka-respe-respeto at walang modo…. Natatakot lang naman akong makipagkaibigan si Kate sa kanya at baka makasama pa sa kumpanya mo, kaya gusto ko lang sanang ilayo si Kate... tapos bigla na lang nila akong... Vincent, sinampal ako sa harap ng napakaraming tao….Ayoko na... I don't want to live anymore...”Nakarating na rin sina Norman at Barry sa eksena. Nang makita ang kaguluhan, pareho silang napas
Pagkatapos, napatingin si Mitch sa kwintas na nakasabit sa leeg ni Kate. Napailing siya at nagpakawala ng buntong-hininga. “At 'yang kwintas mo... Kung lalabas ka para i-represent ang mukha ni Vincent, bakit ka magsusuot ng murang kwintas na gawa sa salamin?! Kita mo nga, malapit nang kalawangin ang chapa niyan! Hindi ka ba natatakot na mapahiya si Vincent dahil sa'yo?”Nahawakan ni Kate ang kwintas sa kanyang leeg sa sobrang gulat. Kwintas na gawa sa salamin? Kalawanging metal?! Hindi na siya makapaniwala sa katangahan ng babaeng ito. Siyempre, hindi rin naman siya ang tipong sisigaw sa gitna ng hall para sabihing “Ang kwintas na ito ay nagkakahalaga ng 300 million pesos!”Nasa ilang hakbang na lang ang layo ni Vincent sa kanila. Ang mga mata nito ay napatingin din sa kwintas na suot ni Kate.Patuloy pa rin sa pagpapakita ng kagalingan si Mitch, “Pero okay lang, Kate. Alam kong wala kang alam. Fine arts student ka lang naman, wala kang ibang alam kundi ang sumayaw. Tapos nung naging d
“May saysay ba ang pagpapakalat ng ganitong kwento? Kung talagang gusto siya ni Mr. Rossi, babalik pa ba siya rito?” Hindi na talaga maintindihan ni Kate kung anong napapala ni Mitch sa pag-imbento ng ganitong mga kwento. Para lang ba sa pansamantalang clout at reputasyon?“Syempre may nakukuha siya diyan,” pabulong na paliwanag ni Mattheus sa tabi niya.Dahil galing sa arts at ballet background si Kate, wala siyang masyadong ideya sa mga pasikot-sikot ng kalakalan.Malamig na nagsalita si Tanya, “Sa ganitong lipunan, ang reputation at status ay sariling likha lang. Basta lakasan mo lang ang loob mong magmayabang, may mga taong maniniwala sa'yo. Yung mga maliliit na kumpanya, sasaidin ang pagpabor sa kanya. Walang malaking mawawala sa kanya, kapalit ng mga libreng designer bags at branded perfumes. Kahit hindi matuloy ang proyekto sa huli, wala namang makakapagbawi ng mga naibigay na sa kanya.”Ganoon pala 'yun?Lumingon si Kate kay Mattheus, at nang makitang nakangiti ang pinsan niya,
NILABAG ni Vincent ang sarili niyang patakaran, uminom siya ng alak. Halata iyon sa boses niya sa video. Medyo lasing na siya. Paos, masigla, at hindi na kontrolado ang sitwasyon.Ngunit si Vincent? Sisigaw ng ganito?Sa alaala ni Kate, si Vincent noong high school ay malamig at mataas ang tingin sa
SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin n
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.Bagay talaga sila…Tahimik na kinuhanan ni Kate ng lit
“Vincent…” hindi niya napigilan ang sariling humikbi. Binigkas niya ang pangalan nito na parang isang panalangin na mahina, basag, puno ng pagod.“Hmm? Kate?” marahan nitong hinawakan ang kamay niya. “What’s wrong? Naiiyak ka ba? If you want to cry, just cry. Huwag mong pigilan ang sarili mo.”Napak







