LOGINNakatitig si Kate sa notifications ng bank transfer sa kanyang phone. Napakaraming zeros na kahit siya ay ayaw ng bilangin pa. Labing-dalawang taong pagmamahal at limang taong marriage—nagbunga lang pala ng ganitong serye ng mga numero.Naisip niya, kung mababalik lang ba ang oras labing-dalawang taon ang nakalipas, ano kaya ang gagawin niya? But then, eliminate the "what ifs"—walang rewind button ang buhay. Human beings can only move forward. Habang hawak niya ang kanyang phone, bumaba mula sa second floor ang pinsan niyang si Mattheus. "Vincent is outside. May ibibigay raw siya sayo. Do you want to see him? Kung ayaw mo, ako na lang ang lalabas."Natigilan sandali si Kate. Paano nalaman ng kanyang pinsan na nasa labas si Vincent? Na-gets agad ni Mattheus ang pagtataka sa mukha ni Kate kaya nagpaliwanag ito, "Naka-block kasi siya sa 'yo, right? He called the lawyer, then the lawyer informed me."Ayaw na talagang makipagkita ni Kate kay Vincent. "Pakisuyo na lang, pinsan. Ikaw na la
Tulad ng sinabi ni Vincent, kailangan na niyang mag-impake at lumipat ng bahay. Kaya pagkatapos ng kanyang lakad ng umaga at tanghali, kumuha siya ng moving company para hakutin at linisin ang lahat ng kanyang kagamitan sa condominium na naging tirahan nila ni Kate.Maraming mahahalagang gamit sa bahay—mga appliances, luxury decorations, at mamahaling kitchenware na hindi mura noong binili nila. Nang tanungin siya ng moving crew kung ano ang gagawin sa mga gamit, sinabi ni Vincent na itapon o ipamigay na ang mga ito. Nakatayo siya sa gitna ng sala habang nakatitig sa bawat sulok kung saan nakatatak ang mga alaala ni Kate.Si Kate ay totoong nakasama niya sa loob ng limang taon. Siya ang taong nagbuhos ng buong buhay at pagmamahal para sa kanya..."Ako na ang mag-iimpake sa kwartong ito," mahinang sabi ni Vincent. "Kayo na ang bahala sa ibang bahagi ng bahay."Dahil dito, napatingin na lang ang mga tauhan ng moving company sa kanya habang wala silang magawa sa labas ng kwarto.Nan
Ang nakasulat sa pangalawang papel… "Grandma, please get well soon. Vincent only has you in this world." Ang parehong handwriting—ang cute, bilugan, at medyo matabang sulat-kamay ni Kate na napaka-distinct. Sobrang layo nito sa sulat-kamay ni Mitch…Nakatitig si Vincent sa mga salitang ito habang ang kanyang puso ay parang nahuhulog sa isang walang hanggang kailaliman… Dire-diretso patungo sa pinakamadilim na abiso. Ang nawala sa kanya... ay higit pa sa kanyang inakalang buhay.Pinagsama niya ang dalawang papel at tuluyan na siyang napaiyak nang malakas."Kate... I'm so sorry..."Naupo siya sa kanyang opisina habang ang buong paligid ay napakatahimik. Kung ito na sana ang katapusan ng mundo, mas maganda pa. Ayaw na niyang gumising pa para sa susunod na araw… Pero wala siyang magagawa kundi ang manatiling gising habang binabagtas ang mahabang gabi.Napakadilim at napakahaba ng gabing ito. Ang buhay niya mula ngayon ay puno na lamang ng kadiliman… Buong gabi siyang naupo sa opisin
Nasanay na ang mga magulang ni Mark sa madalas na pagbisita ni Vincent. Pagkabukas ng pinto, mainit nila itong pinapasok habang naaamoy sa buong bahay ang masarap na amoy ng nilulutong hapunan.Nagtungo muna si Vincent sa grocery store sa dulo ng kalsada para bumili ng maraming prutas at pagkain. Pagkakita sa mga dala niya, sinabi ng mga magulang ni Mark…. "Naku, napakabait mong bata. Huwag ka nang masyadong mag-abala, ituring mo nang sariling bahay ito."Halos maiyak si Vincent sa narinig. Simula ngayong araw, wala na talaga siyang sariling bahay at wala na rin siyang mapupuntahan. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang ari-arian nang hindi nag-iiwan ng kahit ano para sa kanyang sarili, at hindi man lang niya naisip kung saan siya titira pagkatapos nito.Inanyayahan siya ng mga magulang ni Mark na mag-hapunan kasama sila. Hindi tumanggi si Vincent. Bukod sa kumain siya ng maayos, tumulong pa siya sa paghuhugas ng mga plato at nakipag kwentuhan sa mag-asawa hanggang sa gumabi na nang hu
"Hindi na kailangan," sagot ni Kate nang hindi man lang lumingon. "In the future, kahit magkasalubong man tayo, isipin na lang natin na never tayong magkakilala.""Kate—" Napasigaw si Vincent habang nanginginig ang boses sa pag-iyak, pero hindi na siya narinig ni Kate. Nakasakay na ito sa kotse at mabilis na lumayo ang sasakyan. Ang emosyong matagal niyang pinipigilan ay tuluyan nang sumabog at lumunod sa kanya. Nanlabo ang kanyang paningin sa mga luha at napasandal na lamang siya sa gilid ng kanyang sasakyan habang nanginginig ang buong katawan.Ang tanging pinagpapasalamat na lang niya, napanatili niya ang maayos niyang hitsura sa harap ni Kate bago ito tuluyang umalis."Vincent!"Sa gitna ng malabong paningin, may narinig siyang gulat na boses ng babae.Mabilis niyang pinalitan ang kanyang posisyon para hindi makita ng sinuman ang kanyang mukha."Vincent, umiiyak ka ba...?" Ang boses ni Mitch ay puno ng pagkagulat at pagkadismaya.Humarap muli si Vincent pagkalipas ng ilang sa
Mabilis na lumipas ang isang buwan. Wala pang isang linggo matapos ang pagkikita nila ni Kate sa bahay nina Mark, dumating na ang huling araw ng 30-day cooling-off period para sa kanilang annulment. Noong nakaraang araw, nakatanggap si Vincent ng tawag mula sa abogado ng pinsan ni Kate na si Mattheus para ipaalala sa kanyang huwag kakalimutang pumunta sa korte para sa final sign-off.Ang orihinal na plano ni Vincent ay pahirapan si Kate sa annulment na ito. Kahit alam niyang sa hiwalayan din naman ang tuloy ng lahat, gusto niyang patagalin ang proseso hangga't maaari. Gusto niyang maghain ng mga apela o magpa-reschedule ng paulit-ulit para man lang magkaroon siya ng dahilan na makita si Kate nang mas marami pang beses… Pero ngayon, wala na siyang mukhang maihaharap para gawin pa 'yon. Alas nuwebe pa rin ng umaga. Dumating siya sa tapat ng gusali nang eksaktong alas nuwebe, at tulad ng inaasahan, nauna nang dumating si Kate. Kasama ni Kate ang kanyang abogado at Mattheus na mismong nag
MAINGAT na inobserbahan ni Mitch ang sitwasyon at saka siya sumingit sa tamang sandali.“Vincent, huwag kang magalit dahil sinasabi ng lahat na hindi maganda ang asawa mo,” malumanay niyang sabi. “They’re just worried about you. Think about it—ilang taon na kayong magkakaibigan. Kahit may nasabi sil
NGUNIT ang labis na pinalaking pagtatanghal na iyon ay lalo lamang nagdulot ng walang tigil na tawanan sa loob ng private room. Si Mitch, na nakaupo sa tabi ni Vincent, ay halos mapatawa nang husto at napasandal pa sa balikat nito.At si Vincent ay tahimik lang. Wala siyang sinabi kahit isang salita
NILABAG ni Vincent ang sarili niyang patakaran, uminom siya ng alak. Halata iyon sa boses niya sa video. Medyo lasing na siya. Paos, masigla, at hindi na kontrolado ang sitwasyon.Ngunit si Vincent? Sisigaw ng ganito?Sa alaala ni Kate, si Vincent noong high school ay malamig at mataas ang tingin sa
SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin n







