Share

Two

“Hey, miss!” Natigil ako sa paglalakad nang bigla akong tawagin noong lalaki.

Tinignan ko siya at napakunot ang noo. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. Kahit pa lito ay dahan-dahan din akong lumapit at takang tinignan ang tinuro niyang bakal.

“Help me.” Kumulo kaagad ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Matapos akong palayasin ay gusto namang tulungan ko siya ngayon. May problema ba pagiisip nito? At dahil may kabaitan naman ako ay tinulungan ko na siya roon sa tinuro niya. “Nice!” Bumuka ang bibig ko sa gulat dahil bigla siyang lumayo sa akin.

“H-hoy!” Nakapameywang ko siyang pinanood na umalis. He glanced at me again and smirked. My forehead frowned and I scoffed. Napakamot ako sa batok at tinignan ang bakal na nakalatag sa sahig.

Why did I even come back? Bakit pa pinagkatiwalaan ko ang ungas na ‘yon? Mabuti na lang at may ilang tumulong na lalaki sa akin para buhatin ang bakal na iyon. Kaya tuloy sininghalan ako noong dalawa kong kaibigan.

“Masyado ka kasing chismosa muntikan na tuloy tayo malate!” Pumikit ako at binuklat ang libro na nasa upuan.

“Manahimik ka na, Uryel. Hindi naman tayo nalate! Napaka-OA mo.”

“Bruha ka!” Pinalo ako nito at tumawa. “Gwapo ba?” Umirap ako at umiling. “Ingay mo!” sigaw ko.

“Nakuha mo pangalan?” pangungulit pa rin nito. “Hindi nga! Sinabi ko na ngang pangit ang ugali!” Sinigaw ko iyon dahilan kung bakit tumingin sa amin ang mga kaklase.

“Ang taray! Winner sa kasungitan ang kuya mong boy, sana all.”

Nagsimula at nagpatuloy ang klase namin at tinutuon ko lamang ang atensyon ko sa guro namin. “Excuse me, Miss Zayirah?” Inangat ko ang tingin nang may ibang boses na nagsalita. Tumaas kaagad ang dalawa kong kilay dahil sa nakita. Why was he here?

“Class 03, this is Arthielo Ramirez. He will be transferred in your class from now on.”

Siniko ako ni July at nginuso si Arthielo. Pinagkrus ko ang kamay ko at ako naman ang nagkaroon ng pagkakataon na titigan siya ngayon. I eyed him like how he did earlier. And when he glanced at me, his lips rose up when he noticed what I was doing. Yes, I was surveying you, jerk!

“Thank you, ma’am.” Inilibot ng guro namin ang paningin niya kaya tinignan ko nang masama si July dahil sa biglang pagtayo nito. “You can seat there.” She pointed the seat near Uryel.

“Uh, miss? Malabo po kasi ang mata ko at medyo hirap akong mabasa ang sinusulat niyo mula rito.” Nilakihan ko ng mata si July at sinenyasan siyang maupo ulit. Ano’ng pinagsasabi nito? Ano’ng malabo ang mata?

“Ganoon ba, Miss Hermosa?” Tumango si July. “Kung gano’n, magpalit na lang kayo ni Mr. Ramirez.” Tuwang-tuwa na nagligpit si July ng gamit niya at kinindatan ako nang makitang papalapit si Arthielo sa amin.

Nang makaupo sa tabi ko ang lalaking ‘to ay tahimik akong nagsulat ng kung ano-ano sa papel ko. I was trying my best not to catch his attention or vice versa.

“Hey, miss.” Mariing pumikit ang mata ko nang marinig ang boses niya. “Helpful,” dugtong niya.

Mabilis ko siyang binalingan at bumulong. “Will you stop that, please?” He shrugged and ignored what I said.

The two hours of class with this man beside me was so stressful. Naiirita ako tuwing bigla niyang sisikuhin ang table ko o kaya ako. I didn’t what he’s up too but whatever it was, he should stop. I was not up for games.

“Taray naman! Kupido na ba ‘ko ngayon, dai?” Pinaypayan pa ni July ang sarili niya habang nakikipagdaldalan kay Uryel.

“Ginalingan mo roon, dai! Ikaw na talaga ang iboboto ko sa susunod na halalan,” biro nito.

“Sira ka! Ito ‘ka mo ang tatakbo sa halalan.” They laughed. Hindi ako nakisali sa kulitan nila at iniisip pa muna ngayon ay naging panaginip ko kagabi.

I was sure enough that he wasn’t the man I saw in my dreams. Mabait at palakaibigan ang nakita ko sa panaginip ko. While Arthielo, he was a jerk! Noong una ay ang sungit tapos ngayon ay ginagago na ako. Napakagulo!

“Ano ka riyan, dai? Lumilipad ang isip mo roon kay Art?” Bumuga ako ng hangin at umiling. My memories were frustrating me again. It was bothering me. “Taray! Art daw, close kayo?” tukso ni July kay Uryel.

“Ano ka ba? Art naman talaga ang matatawag sa mga ganoong kagwapong lalaki.” Bumaling ang tingin sa akin ni Uryel. “Tama, ‘di ba, Eyshen!” I shrugged and ate another spoonful of rice. Gwapo nga, pangit naman ang ugali. Hindi bagay sa kaniya ang pangalan niya. “Malay ko, bakit ako ang tinatanong mo?”

“Sino ba ang katabi? Ikaw ang pinakamatalino sa atin pero ang hina mo pagdating sa gwapo!” I rolled my eyes and finished my food.

My thoughts were already exhausting me. Masyado kong pinagtutuunan ng pansin ang napanaginipan ko kaya naman ay nade-drain na ang utak ko. I shouldn’t be bothered with the memories I saw, and I would see in my dreams.

Ayaw ko nang maulit ang nangyari sa magulang ko. Kahit pa nagugulo ang isip ko no’n dahil ngayon na lang ulit ako nagkaroon nang ganoong kalabong panaginip, hindi dapat ako nagpapaapekto roon. Wala lang ‘yon.

“Ingat ka, dai! Ingat ka rin doon sa tigre sa bahay niyo!” Pinalo ko ito at sinilip si Yana sa loob ng sasakyan. “Sira ka! Hinaan mo nga ‘yang bunganga mo.”

“Ano ang masama sa pagiging totoo? Eh, ‘yon ang natutunan ko sa ‘yo!” I rolled my eyes and jokingly smirked at him.

Matapos ang ilang pamamaalam ay binuksan ko ang pinto noong backseat at uupo na sana ngunit pinigilan ako ni Yana. “I’m going somewhere with my friends,” she informed me. “Mag-commute ka na lang pauwi.”

Kinagat ko ang labi ko at hinanap kung nasa sakayan pa ba sila Uryel. Bigo ako nang hindi ko makita ni-isa sa kanila. “Why? You can’t commute?” Halos mapairap ako dahil sa sinabi niya. Nagsalita ang marunong mag-commute.

Wala tuloy akong naging choice kundi mamasahe pauwi. Sumakay ako roon sa jeep na nakaparada. “Excuse me, po.” Napabuga ako ng hangin nang makita ang natatanging libreng upuan. Kahit pwet ko yata hindi na makakaupo riyan, eh!

Pahirapan ang biyahe pauwi dahil nagkasakit-sakit na ang binti ko kakatiis sa sikip ng inuupuan. Halos mawalan pa ako ng pasensya sa driver dahil kada may bababa ay magpapasakay ulit siya kahit pa wala na ngang maupuan.

“Para po!” Mabilis akong bumaba nang tumigil ang jeep at nagpunas ng pawis habang naghihintay ng tricycle papasok sa village namin. Natigil lang ako sa pagpupunas nang may biglang bumusina ang kanina pang kotse sa harap ko. Dahan-dahang bumukas ang bintana noon at nakita ko si Art.

“Hop in!” he shouted. Lito akong lumapit sa sasakyan niya.

But I felt embarrassed when a man opened the door and looked at me with confused eyes. Then I glanced at Art who was now smirking at me. “I’m sorry, miss helpful. How ‘bout next time?” He chuckled and closed the window not even letting me speak.

Humarurot ang kotse at napalo ko ang noo sa hiya. Nakakahiya ka, Raeyshen!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status