Share

One

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at tumitig sa puting kisame ng kwarto ko. Wala sa sarili kong nilibot ang paningin at tinitigan ang bintana. The curtains were already open.

The next thing I did was checking my phone. Bumangon ako nang makitang magaalas-sais na. Matapos maligo ay hinanap ko ang platsadong uniporme sa cabinet ko. I buttoned my polo and looked at myself in the mirror.

My brows furrowed when I remembered the dream I had earlier. Malabo iyon sa alaala ko pero kuryoso ako sa aking nakita. I wasn’t sure if it was a random dream or something that would happen. Tinignan ko ang mga mata ko sa salamin at napanguso nang maisip na imposible ang naisip ko. Bakit naman magkakatotoo ang isang panaginip?

Kinuha ko na lamang ang bag ko sa study table at malungkot na ngumiti nang makita ang litrato ng mga magulang ko roon. My memories were the reason why my parents died. Nakita ko sa paniginip ko kung kalian at paano sila namatay.

Hindi ko na napansin ang pagluha ng mga mata ko. Patuloy kong sinisisi ang panaginip at mga memorya ko sa pagkamatay ng mga magulang ko.

“Raeyshen! Bumaba ka na.” Nakuha ni Tita ang atensyon ko. She was looking at my parents’ pictures when I glanced at her. Madilim ang binigay niyang tingin sa akin at umiling bago ako iniwan doon.

Sila naman ang mga taong sinisisi ako sa pagkamatay ng magulang ko. Ako raw ang totoong dahilan kung bakit sila namatay. Ako raw ang dapat sisihin. Bumigat muli ang dibdib ko sa naisip. I loved my parents so much. Why would I do something that will make them leave me?

I’m sure my memories and dreams weren’t true. Nagkataon lang iyon! They didn’t die because of my memory. Namatay sila dahil sa mga taong pumatay sa kanila.

“Good morning po, Tita. Kaysheana.” Nagmano ako sa aking Tita at naupo sa hapag-kainan. I served food on my plate. Tahimik akong kumain ngunit mabilis. Bukod sa late na ako ay hindi ko rin makaya ang manatili sa tabi ng pinsan ko.

I didn’t know why she hated me a lot. Palagi siyang masungit at mataray sa akin. Hindi naman ako kinakawawa sa bahay na ito. Her mom, which was my Tita,was kind to me. Nagagalit at naiinis lang siya sa akin kapag pamilya ko ang pinaguusapan. Dahil nga hanggang ngayon, ako ang sinisi niya roon.

Muntikan na ako ma-late sa pagpasok nang makarating sa paaralan namin. My friends were already eyeing me when I sat on my chair. Simple ko silang sinabihan na mamaya kami maguusap dahil magsisimula na ang klase.

Binigay ko ang buong atensyon ko sa pakikinig sa guro namin. Minsan ay nagsusulat sa aking notebook kapag may kailangan isulat.

Natatawa at napapairap pa ako kapag nararamdaman ko ang pangungulit ng dalawa kong kaibigan. My friends were July and Uryel. Sila lang ang natatangi kong kaibigan sa ngayon dito sa school namin. Sila lang din ang natatanging mga tao na nakakapaglabas ng totoong ako.

Kaibigan ko na sila muli pa lang noong highschool kami. At iyong dalawa, hanggang kolehiyo ay sinundan ako. “Ang kulit niyo!” natatawa ko iyong sinabi nang magkasama-sama na kami.

Kasama ko sila sa paghanap ng table na pagkakainan namin dito sa cafeteria. Nilibot ko ang paningin sa buong cafeteria at napangiti nang makakita ng bakanteng upuan. Hinatak ko ang dalawang kaibigan papunta roon at nagulat nang biglang may makabunggo sa akin.

Agad ko siyang tinulungan at nginitian. He surveyed me before speaking. “Thank you, Miss.”

Ngumiti muli ako at inayos ang nagulong buhok. “Wala ‘yon. Mag-ingat ka sa susunod, ha.”

Mabilis na kumunot ang noo ko nang mapagtanto ang sinabi. I suddenly remembered the dream I had earlier. Ganitong-ganito ang nangyari roon. Kahit ang sinabi ko ngayon at sinabi ko sa panaginip ko ay magkaparehas.

“Huy, Eyshen! Dito ka na.” Iniling ko ang ulo ko at kahit lito ay naupo sa nakuhang bakanteng table nila Uryel. “Ano ba ‘yon? Nakatulala ka, bakit? Gwapo ba?”

Mabilis akong umiling at kinuha ang wallet ko sa bag na dala. “Hindi, may naalala lang.”

Si Uryel ang bumili ng pagkain namin. Onti pa lang muna ang pinabili ko ngayon dahil break pa lang naman. Mamaya na ako bibili nang marami kapag lunch time na namin.

“Dai! Alam mo ba.” Tahimik akong nakinig kay Uryel na may bagong chismis na naman. “Nakita ko ‘yong anak ng mayor kanina! Papasok ako sa school tapos kasabay ko siya.”

“Oh, ano naman? Nakuha mo ba pangalan?” usisa ni July.

“Tanga ka! Nakasabay ko nga lang.” Natawa ako nang sambunutan ni Uryel si July. “Ano’ng akala mo sa akin, dai? Maharot?”

“Bakit! Hindi ba?” Ngumiwi ako nang magsimulang magbangayan ang dalawa. Walang araw na hindi mangyayari sa kanilang dalawa iyan! Mga nasa kolehiyo na pero ang isip naiwan yata sa high school.

Matapos ang ilang minuto ay nagkayayaan na kaming apat na bumalik sa room namin. Magkakaroon muli kami nang mahabang klase mamaya kaya naman si Uryel ay pahirapan kumbinsihin na bumalik sa room. Hindi niya raw kaya ang susunod na subject.

“Gaga ka! Ako rin naman, hindi kaya. Nagreklamo ba ‘ko? Napakaarte mo.” Mariin akong pumikit nang biglang may malakas na tunog ang narinig sa hallway.

Noon muli kumunot ang noo ko sa nakita at narinig. Tinignan ko kung saan nanggaling ang ingay at lumaki ang mata nang mapagtantong tama nga ang naalala ko. Nangyayari talaga ngayon ang paniginip ko kanina. Those memories were hunting me again.

“Saglit lang,” pinigilan ko sila July. “May titignan lang ako.”

Dahan-dahan akong lumapit doon sa isang lalaki at sinubukan siyang kausapin. “May maitutulong ba ako?” Halos tumalon ang balikat ko matapos makita ang itsura niya. He looked pissed or frustrated.

Compared to the man I saw in my dream; he didn’t look approachable. Kumunot ang noo nito. “Who are you?”

Tumaas ang parehas na kilay ko. “Raeyshen.” Tumaas ang isang kilay nito at pansin sa mata ang pagtingin sa kabuuan ko.

“Leave, Miss.” Lito akong tumingin sa kaniya.

Dahan-dahan akong tumango nang may mapagtanto sa isip. I knew my dreams and memories weren’t true. Masyado lang akong nagpanic dahil sa kanina. They were just a random dream, and I should ignore them.

“Leave, you look like someone! It’s pissing me.” Bumalik muli siya sa pagbubuhat at iniwan ako roong lito. Bigo akong naglakad. Gwapo ka na sana, pangit nga lang ugali!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status