["Nong nagpaalam akong dadalo sa event ng FIS, nagmadali akong umalis kasi nakita ko kayo. Nakita ko kung gaano kayo kasaya kapag kayo lang dalawa. Nakita ko ang lahat ng eksena niyo, Marciella. Sobrang sakit na para bang hindi ako makahinga pa pero 'di ko magawang direktahin kayo dahil sobra akong natakot. Sobra akong natakot na baka... Na baka pareho kayong mawala sa akin."]Napasandal ako habang rumaragasa na naman ang mga luha ko. Hindi ko matapos-tapos ang liham ni Percy dahil sa sobra akong nasasaktan. Kahapon ko pa ito natanggap pero hanggang ngayong magdidilim na ulit ay hindi ko pa rin tapos na basahin. Pahinto-hintong pagbasa ang ginagawa ko. Nakasaad sa sulat ang lahat ng nalalaman niya patugkol sa amin ni Ash. Muling inalala ko ang araw na tinutukoy niya, ang araw na nalaman niya ang kabaliwan namin ng hindi man lang namin namalayang nakamasid pala siya.["I wanna sleep here, pwede ba?"Nanlaki naman ang mata ko."Baliw ka ba? Nandito si Percylla."Napanguso siya at napa
"What the hell? Inaano ba kita, Ashmer?!" singhal na ni Mer sa lalaking tila ba pino-protektahan ako dahil hinarangan pa talaga ako."Stay away from, Ell." Malamig ang kanyang boses."Nag-uusap lang kami, ano bang masama doon?" Seryoso na rin ang isa. Nahilot ko na lang ang sentido ko."She's my girlfriend, Lovimer, so please, back-off!" Halata sa boses niya ang iritasyon sa kanyang pinsang nagpapagpag na ng damit."I don't care. Kakausapin ko si Marciella kung kailan ko gusto.""Let's see," mapanghamon niyang tugon."Hindi pa nga kayo kasal sinasakal mo na siya? Ano pa kaya kapag mag-asawa na kayo? Lahat ba ng kaibigan niya ay hindi na siya pwedeng kausapin?" Puno ng sarkasmo ang tinig ni Mer na para bang gusto nitong sabihin na wala na akong kalayaan pang kumausap sa kahit na kanino."She can talk to anyone... Except you.""Ay? Exemption ako? Gano'n na ba ako kagwapo para pagselosan mo nang ganyan, Ashmer?" Humagalpak pa ito ng tawa. Gusto ko ring matawa kaya lang baka ako na naman
Kinuha ko ang stun gun ko at isinukbit iyon sa bewang ko. Halos sabay-sabay yata kaming lahat na napalabas sa kaniya-kaniya naming flat. "What's that?" halos sabay na usisa namin ni Shane. Ang iba ay mukhang naalimpungatan pa. Katulad ni Gab na hawak-hawak pa ang kanyang kumot na angry bird ang design. Si Jin na bitbit ang unan niyang Angry Bird din. Si Faller na kukusot-kusot sa mata. Si Kenya na naka-roba lang. Si Beatrice na naka-short shorts at inner lang. Hinila ko si Ashmer at tinakpan ang mata niya bago niya pa makita si Beatrice. "Bakit?" Halata sa boses niya na naguguluhan sa ginawa ko."May makikita kang bawal makita... My God, bakit damit ko ang suot mo?" halos pabulong kong saad nang mapagtantong damit at jogging pants ko ang kanyang suot."Eh... Wala na akong ibang masuot, basa, remember?"Gusto ko siyang batukan. Nagpalinga-linga ako at sinuri kong may nakamasid ba sa amin ngayon pero mukhang wala naman dahil lahat sila ay distracted pa rin sa pagtunog ng alarm."Mag
Narinig ko ang hikbi ng bata. Nagpumiglas siya sa pagkakakarga ni Ash sa kanya at pumasok sa nakabukas kong kwarto. Tumayo ako para sana sundan ang bata pero agad na nahila ako ng nyawa kaya bumagsak ako sa kandungan niya."Kakausapin ko lang...""Huwag na muna. Natural lang na reaksyon iyon ng bata. Unti-unti ay masasanay at matatanggap niya rin ang lahat." Napabuntonghininga na lang ako. "Watawatawat!" Bigla akong napatayo dahil sa gulat. Si Shane ang nagsalitang iyon."Hindi ka ba marunong kumatok?" tanong sa kanya ni Ash. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin."Marunong naman pero hindi naman naka-lock kaya pumasok na ako. Kapag ang pinto ay nakabukas ay hindi mo na kailangang katukin pa kasi nangangahulugan lamang iyon na bukas ito para sa lahat ng gustong pumasok."Sinipat na naman nito ang kanyang bangs sa selpon na nasa kanang kamay."Sana all, bukas 'di ba? Sana ang kanyang puso ay tulad ng pinto ng flat ni Marciella Perrer. Laging bukas para sa gustong pumasok. Oh well,
We are like cautious thieves sneaking into Gabriel's house today. Crystal, Mer, and Beatrice are on standby in our rented house.Yes, we've included Beatrice in this mission because she'll serve as our lookout, as Shines and Kendra couldn't join us due to their commitments in the camp's control room, and some other agents are on their own missions. Furthermore, Beatrice made a promise to Allyssa to assist in this mission."Mauna ka," rinig kong saad ni Shane sa kabilang linya. Inayos ko ang aking listening device para 'wag mawala kung magkagipitan na."Copy."I slowly opened the room, quicker than the wind, and swiftly entered, with Shane following closely.Mer and Crystal had already discreetly placed cameras at each entrance of the house earlier, unbeknownst to the residents. According to their report, the household staff has allegedly increased to three.I locked the door again and approached the trap, which was no secret to us. I examined it closely. The rope leading downward wasn
Nasa opisina ako ngayon ni Ashmer kasama sina Shane, Mer, Crystal, Beatrice at Lyssa. Isinama na namin ang bata dahil hindi naman na lingid sa kanyang kaalaman ang tungkol sa misyon namin patungkol sa kanyang pamilya. Naipaliwanag na iyon sa kanya ni Ash nang maayos kahit alam kong hindi lahat ng nalalaman niya ay lubusan niyang naiintindihan. Still, bata pa rin siya, kulang pa rin ang hubog ng kanyang kaisipan pero pasalamat na lang kami at sadyang matalino ang batang ito. "Lyssa, alam mo ba ang tungkol sa secret passage na nakakonekta sa bahay niyo at bahay ng Tito Gabriel mo?" usisa ni Shane. Marahan namang tumango ang bata. Napasinghap na lang ako. Sa mura niyang edad, hindi akma na mapasok niya ang ganitong klase ng sitwasyon. Ang ganitong klase ng buhay."Ipinagawa po talaga iyon nina Mom at Dad para po makapunta kami ni Lyrra sa bahay nina Andrea nang hindi na lumalabas ng main gate namin. Delikado daw ho kasi. Kung minsan naman po ay si Andrea ang pumupunta sa amin.""And t
"Where's Shane?" bungad na tanong ko kay Beatrice na siyang naabutan ko sa DH. As usual, nakapangalumbaba na naman siya na para bang ang laki ng problema niya sa mundo. Hinawi ko ang kamay niyang napapatungan ng kanyang panga dahilan para kamuntik na siyang mamudmod sa mesa. "Bitch! Inaano ba kita?!" mataray niyang asik. Well, lagi naman siyang mataray sa pananalita, eh."Where's Shane?" ulit ko na lang sa tanong ko dahil ang sama na ng tingin at timpla ng mukha niya."Ewan, 'di ko alam. I don't know. I don't care.""Okay. Galit agad? Nagtatanong lang naman, eh," asik ko rin at inilibot ang tingin ko sa kabuan ng DH. "Where's Lovimer?" usisa na naman sa kanya ni Crystal nang pumasok ito. "Bakit ako tinatanong mo?""Dahil ikaw lang naman ang huling kausap niya kanina, 'di ba?" Mababakasan ng sarkasmo ang tinig ng isa. Umismid lang ang Beatrice. "Kanina pa iyon, malay ko bang nagpakamatay na pala ang lalabs mo?""What?!" Naiirita na talaga ang isa. Napangiwi na lang ako. Suminghap
"Anong balita kay Piamonte?" usisa ko sa nakasimangot na Shane. Hindi ko nakita na nakabuntot siya kay Faller sa araw na ito kahit pa hindi naman na kami masyadong busy. Nagkulong lang yata ito dito sa flat niya.Kailangan namin ang pahinga dahil kapag nagsimula na uli kaming kumilos ay hindi na kami titigil hanggang sa matapos ang misyon. Sa ngayon ay si Harvey ang pinakamahalagang susi na meron kami. Mamaya ay papasukin ko ulit ang bahay ng Snellenn. "He's fine. Wala tayong dapat ipag-alala sa kanya dahil bago pa man siya naging abogado ay alam niya na kung paano protektahan ang kanyang sarili. Hindi ko pa ba nasabi sa'yo na isa siyang Francisco?""Francisco? You mean, 'yong pamilyang may-ari ng Francisco International School? Iyong pinagtatrabahuan ng RAO agents?""Yup, kailangan detalyado? Psss! Francisco talaga 'yon. Piamonte ang dinadala niya which is apelyido ng kanyang ina. Alam mo naman na like Mhinn ay vulnerable din ang Francisco kaya mas safe siya kapag 'di iyon ang gam