Share

CHAPTER 43- PSYCHOPATHS' REUNION

Matapos niyang kumain ay hinila niya na ako patayo. Pakiramdam ko ay nanginginig pa ang buong sistema ko.

"Sipsip laway, nice!"

"Bampira? Ay wait, dugo pala sinisipsip niyon," alaska sa amin nina Xandria at Shines nang dumaan kami sa table nila.

"Sipsip laway? Paano kaya iyon, Ate?" inosenteng tanong ni Kendra kaya napabunghalit ng tawa ang dalawang kasama niya.

"Malalaman mo rin 'yan sa takdang panahon."

Tuluyan na kaming lumabas ng DH. Tahimik lang kaming naglakad, hindi ko pa rin kasi nakakapa ang dila ko.

"Napakanyawa mo! Bakit mo iyon sinabi ha?" reklamo ko sa kanya nong nasa flat ko na kami.

"Why? Problem?"

"Nakakahiya sa kanila."

"Ikinahihiya mo ako?"

"Hindi. Pero nakakahiyang malaman nila ang ginagawa natin."

"Iyon lang naman ang sinabi ko kahit pa may iba pa talaga akong sinisipsip sa'yo."

Hinampas ko siya sa braso, muling nanginit ang mukha ko.

Pesteng nyawa! Para namang ang landi-landi ko nun.

"Ewan ko sa'yo!" singhal ko at pasalampak ng naupo sa sofa. Naupo naman siya sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status