Inabot ni Lilliane ang doorknob ng kanyang unit, nanginginig ang kanyang kamay habang sinususian iyon at sinusubukan ding ibalik ang kanyang katinuan.
Para siyang sinalakay nang malakas na buhawi mula pagkagising niya at matagpuan na mayroon siyang katabi sa kama, at ang kanyang huling inaasahan ay ang makita ang dalawang tao na ayaw muna niyang makaharap na ganoon ang hitsura niya. Sa wakas ay nagawa na rin niyang tuluyang maipasok ang susi, pinihit niya ang doorknob sabay tulak sa dahon ng pinto. Pagod siyang napabuntong-hininga. Ngunit nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ay nabitin sa lalamunan niya ang kanyang paghinga. Nakatayo sa gitna ng kanyang living room ang kanyang tiyuhin na si Richard na nakahalukipkip, tumaas ang noo ni Richard nang makita siya at nilinga naman siya ni Mathilda na nakaupo sa pang-isahang sofa, magkahalong galit at pagkayamot ang nababakasan niya sa ekspresyon ng mga ito. Damang-dama ni Lilliane ang matindi at mataas na tensyon sa loob ng unit at para siyang masa-suffocate kaya mas higit pang tumindi ang nerbyos na nararamdaman niya. Ang mga tingin ng dalawa sa kanya ay nagdudulot din nang pagkabalisa. “Lilliane!” matalas ang boses ni Mathilda na parang patalim na humiwa sa katahimikan. Bago pa man tuluyang rumehistro kay Lilliane ang nangyayari ay lumipad na ang kamay ni Mathilda sa hangin at malutong na humampas iyon sa kaliwa niyang pisngi. Tumabingi ang mukha ni Lilliane at nasapo ang namanhid na pisngi, tigagal din dahil sa gulat. Hindi agad nakaimik si Lilliane dala nang matinding pagkagulat, nanlalaki rin ang kanyang mga mata na napatitig sa tiyahin. “A-auntie,” nauutal niyang wika, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Nananatiling mabangis ang mga mata ni Mathilda, at ang matinding galit nito ay damang-dama ni Lilliane. Napatuon ang tingin nito sa suot ng pamangkin—isang kapansin-pansin at eskandaloso na silk dress, matapang at lantad. Dumagdag ding umagaw sa pansin nito ay ang puting long sleeve na may mahabang manggas na wala rin namang nagawa upang tabunan ang epekto nang matinding pang-akit niyang dress, mas nakadagdag pa nga yata iyon sa ningas ng galit ng dalawang tao na kasama niya ng mga sandaling iyon. “Ikaw na babae ka,” halos hindi bumubuka ang bibig ni Mathilda sa gigil nang sambitin iyon bago nito inangat ang dalawang kamay upang sabunutan ang pamangkin. Napahiyaw sa sakit si Lilliane lalo na nang maramdaman niyang tila mahuhugot ang kanyang mga anit mula sa pagkakasabunot nito. “Aray ko po, auntie, bitawan n’yo po ako!” “Malandi kang babae ka!” Pilit inaalis ni Lilliane ang dalawang kamay ng tiyahin na nakasabunot sa kanyang buhok ngunit napakatindi nang kapit nito at ayaw siyang bitawan. Maluha-luha sa sakit ang dalaga habang nagmamakaawa sa tiyahin na bitawan siya nito. Ngunit wala itong puso, muling sinalubong ang mukha niya nang mag-asawang sampal. Sa lakas niyon at dulot na rin nang pananabunot nito’y bumagsak siya sa sahig. Pakiramdam ni Lilliane ay naalog ang kanyang ulo at mas tumindi rin ang pananakit. Hindi pa man siya nakababawi ay dinaklot nito ang buhok niya sa ituktok ng kanyang ulo dahilan upang mapatingala siya. Pilit na tinatanggal niya ang kamay ng tiyahin na nakahawak doon. “Auntie, tama na po! Masakit po!” hagulgol ni Lilliane. Inilapit nito ang mukha sa kanya sa nanlilisik na mga mata, nangangalit ang mga ngipin at nag-aalab sa galit. “Ano, nagpakan tot ka sa kung sinu-sinong lalaki sa club ha! Wala ka nang kahihiyan sa sarili mong hayop ka! Idadamay mo pa kami sa kaputa nginahan mo!” bulyaw nito. Nakaramdam na rin ng galit at gigil si Lilliane habang lumuluha, wala siyang nagawa kundi sagutin ang tiyahin. “Kaysa naman ang matandang iyon ang makinabang sa katawan ko—” isang malutong na sampal ang nagpatigil kay Lilliane na ikinatumba niya nang tuluyan sa sahig. Muling sinalubong ang katawan niya nang malamig na lapag. Sa lakas din ng sampal ay parang niyanig ang kanyang mundo. Dinakma ng tiyahin ang kanyang panga, ramdam niya ang talim ng kuko nito sa kanyang mga pisngi habang pilit nitong pinatitingin siya rito. Basang-basa ang mukha ni Lilliane dulot ng pinaghalong luha at pawis. Ang ilang hibla ng kanyang buhok ay dumikit na rin sa kanyang mukha. “Huwag kang umiyak! Hindi ‘yan gagana sa akin! Hindi ako naaawa sa iyo!” Pinagsasampal siya ulit nito habang pilit na hinaharang niya ang sariling mga braso. Sinubukan ni Lilliane na mag-ipon nang isasagot, ngunit natitigil ang mga nais niyang sabihin sa kanyang lalamunan. Ang sakit ng mga sampal at sabunot nito sa kanya ang nagiging dahilan kung bakit nahihirapan siyang mag-isip nang maayos. “You’re such a whore!” gigil na wika ni Mathilda sa pamangkin. “Akala mo kung sinong santa-santita kang babae ka, malandi ka! Kahit magpakan tot ka pa sa kung sinu-sinong lalaki diyan hindi na magbabago ang isip namin! Ikakasal ka kay Mr. Fuentes sa ayaw mo at hindi!” gigil na naman nitong sinikmat ang kanyang panga. “Naiintindihan mo ako?!” bulyaw nito sa nanlalaki at naninindak na mga mata. Hindi sumagot si Lilliane, napahagulgol na lang siya sa sinabi nito. Si Richard na kanina pang tahimik na nakatayo ay nagsalita na rin sa wakas, ngunit bago iyon ay inawat na muna niya ang asawa at inilayo kay Lilliane. Hindi maaaring magkagalos ito sa mukha dahil haharap pa ito mamaya sa mapangangasawa. Pabalya naman na binitawan ni Mathilda ang mukha nang lumuluhang pamangkin. “May isa kang dapat gawin ngayon, Lilliane. Isa lang. Ang maging handa para sa appointment natin kay Mr. Fuentes.” mahina ngunit may bigat nitong wika. “Inaasahan ka namin kaninang bago mag-alas nueve pero ano ang ginagawa mo? Paano kung umabot ito kay Mr. Fuentes? Para kang walang alam sa kung ano ang nakataya.” Nananatiling walang imik si Lilliane na sapo-sapo ang mga pisngi at nakaupo sa sahig. Tahimik din siyang humihikbi habang nakayuko. Kahit bumoses siya ay wala pa ring saysay. Pagod na rin ang isip niya, pagod na siyang makipag-argumento sa mga ito. “May ideya ka ba kung ano ang ibig sabihin nito? Naayos na namin ang lahat para sa inyo ni Mr. Fuentes pero anong oras na kanina ay wala ka pa rin!” mahina ngunit pasigaw at galit na wika ni Richard. “Mag-ayos ka nang sarili mo, Lilliane! Hihintayin ka namin sa mansyon ni Mr. Fuentes bago mag-alas sais nang gabi mamaya.” Huminga nang malalim si Mathilda, pilit kinakalma ang sarili at pinipigalan din na muling dambahin ang pamangkin. “Pasalamat ka at nakauunawa ang matanda at napakiuusapan,” ani nito na hindi halos bumuka ang bibig. “Pumayag na ilipat ang oras kaya ihanda mo ang sarili mo! Dapat nasa mansyon ka na bago ang itinakdang oras dahil kung hindi ay hindi lang ‘yan ang aabutin mo!” Wala na ang mga ito ay hindi pa rin nagawang tumayo ni Lilliane. Pagod na pagod ang katawan niya. Mabigat ang kanyang ulo at masakit din mula sa hangover at sabunot na inabot niya. Niyakap niya ang sarili habang walang humpay sa pag-iyak. Wala na yatang natitirang pag-asa para sa kanya.Maingat na sumilip siya sa tahimik na kalsada at luminga. Wala ni isang sasakyan. Inayos niya ang suot na baseball cap at maging ang facemask saka nagpasyang tumawid sa kabilang kalsada.Binaybay niya ang main road kung saan siya nanggaling kaninang ibinaba siya ng bus. Maghihintay siya ng kahit anong sasakyan na daraan na puwede maghatid sa kanya sa terminal.Ugong ng trycicle na paparating ang narinig ni Lilliane at nilingon ito. Pinara niya ang matandang driver at agad naman siyang hinintuan nito."Manong, puwede ho bang ihatid n'yo ako sa terminal? Hindi ko ho kasi kabisado rito." Matatag niyang sambit kahit nanginginig siya sa kaloob-looban.“Saan ka ba papunta, Ineng?”“Basta ho 'yong may sasakyan palabas... kahit van o jeep. Pabalik po kasi ako sa Maynila ngayon."Nang senyasan siya ng drayber na sumakay na ay agad siyang pumasok sa loob.Nagsimulang umandar ang tricycle, ramdam ni Lilliane ang pagyanig ng malamig na hangin sa kanyang balat. Bawat pag-uga ng sasakyan ay parang
Palabas na sana siya sa pinagtataguan nang bigla siyang mapahinto.Isang paninikip sa ilalim ng tiyan ang sumalubong sa kanya—hindi masakit, pero sapat para mapakapit siya sa malamig na pader ng waiting shed na natatakluban ng matataas na damo.Napakagat siya sa labi, mariing pumikit. Parang pinaaalalahanan siya ng kanyang katawan na hindi na lang siya ang nagmamay-ari rito.Hindi rin niya alam kung gutom ba iyon o pagod. O baka naman… dala lang ng takot—takot na sa kahit anong iglap ay may humila sa kanya mula sa dilim.“Kalma lang, Lilliane...” bulong niya sa sarili habang sinusubukang mag-focus sa paghinga. Isa, dalawa, tatlo.Pero hindi iyon sapat para tuluyang mawala ang kilabot sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya’y binabara ang kanyang lalamunan, habang ang mundo sa paligid ay mabagal na umiikot.Hinagod niya ang sentido, pinipilit na itinutulak ang panghihina pabalik sa ulirat. Ramdam din niya ang panlalamig ng kanyang noo at batok mula sa pawis.'Isang buwan na ba?'Sandali siy
Bumukas ang pinto at sumilip si Manang Beatrice. “Miguel...” Mahinang tawag ni Manang Beatrice—hindi kailanman nasanay na tawagin siyang ‘sir’, maliban na lang kapag may ibang nakikinig. Hindi rin kailanman nagbago ang tono nito, kahit pa naging CEO na siya. “Magpapa-overtime ka ba? O gusto mo nang magpahinga?”Hindi sumagot si Miguel. Bahagya lang niyang inangat ang baso habang nanatiling nakatalikod dito, tinitigan ang kulay brown na likido na tila ba sinasalo ang bigat ng araw na iyon.Nararamdaman ni Beatrice ang mabigat na anyo sa mukha ni Miguel. Isang klase ng katahimikang may kasamang lungkot—hindi siya sanay makakita ng ganoon sa bata niyang amo. Simula nang mabuhay ang kuryosidad nito sa anak ng dating sikat na tech mogul na si Leandro Olivares ay nasaksihan na njya ang mga ganoong uri ng emosyon na hindi niya kailan man nakita rito para sa ibang babae."Hindi mo na kailangang sabihin," bulong ni manang Beatrice, halos hindi marinig. "Kahit hindi ka magsalita ay batid ko na
Tahimik ang buong silid. Nakatayo siya sa floor-to-ceiling na salaming bintana ng opisina at mula roo'y tanaw niya ang unti-unting paglubog ng araw sa likod ng mga gusali ng lungsod. Sa isang kamay ay hawak niya ang isang basong may kulay brown na likido—malamig, ngunit humahagod ang init sa lalamunan kapag nilagok.Ang liwanag ng papalubog na araw ay dahan-dahang hinahaplos ang gilid ng kanyang mukha, nililikha ang aninong tila kalahating nilulunod ng dilim. Ang kanyang mga mata ay animo'y malayo ang tanaw, sinusukat ang lawak ng langit at bigat ng mga desisyong kailangang gawin.Tahimik na sumimsim siyang muli sa baso. Walang imik. Tanging ang tibok ng puso at tunog ng orasan sa dingding ang bumabasag sa katahimikan.Sa kanyang tindig ay taglay ang awtoridad ng isang lider, ngunit sa likod ng malamig na salamin ay may bakas ng pagod at siguro na ri'y pangungulila.Nakatanggap siya ng tawag kanina mula kay Agus. Nasa lungsod daw ang babaeng matagal na niyang hinahanap.Nang marinig n
TRIGGER WARNING: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng graphic at disturbing na mga eksena mula sa pananaw ng isang predatoryong karakter. May tema ng obsessive desire, psychological grooming, at sexual content na maaaring hindi angkop o komportable para sa lahat ng mambabasa. Mag-ingat sa pagpapatuloy. *** Mabilis na bumaba ng taxi si Lilliane at hindi na nag-abala pang kunin ang sukli. Wala na siyang panahon na dapat pang sayangin dahil sigurado na siyang tinutugis na siya ngayon ng kung kanino mang tauhan. Abot-abot ang kanyang kaba pero pinanatili niyang kalmado ang bawat kilos nang sa gayon ay hindi siya mataranta at mawala sa mga plano. Nagtanong siya sa isang ale kung anong oras na at sinabi nito na 4:50 na nang hapon. Mabilis siyang nagpasalamat at pumunta sa harapan ng terminal na binabaan kanina. Nagtatawag ang kundoktor ng bus na byaheng Lucena at malapit na raw itong umalis. Walang pasa-pasakalye na sumakay siya at tinungo ang dulo ng sasakyan kahit hindi niya alam kung
Sa kabilang linya, matalim na tinig ang bumungad sa informant. “Where?” “Mall of Asia. About 23 minutes ago.” Bahagyang nanginig ang mga daliri ng informant habang tina-type niya ang quick command upang kumpirmahin ang ATM details. Mall of Asia, Pasay City Terminal. The timestamp read at 4:17 PM. “She just withdrew ten thousand in Mall of Asia. Want me to dig deeper, boss?” dagdag ng lalaki. Sandaling sumagitsit ang linya bago muling narinig ng informant ang isang mababang boses. “Send me everything. Location, timestamps. I’ll handle the rest.” Napatango ang informant, bumilis ang pintig ng kanyang mga pulso. “Consider it done.” Sa ilang mabilis na pindot ng kanyang mga daliri, mabilis niyang ipinadala ang data packet saka sumandal na may tusong ngiti. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya, ang pangako na dagdag bayad sa kanyang serbisyo sa oras na nakuha niya ang impormasyon na magdadala sa mga ito upang mahuli si Ms. Olivares. Sa kabilang banda, mabilis na tinipon