Share

Chapter Five

Faith's POV

Napalunok ako ng laway. Pambihira naman itong lalaking ito! Nakakagulat naman siya! Hindi ko alam kung dahil sa gulat kaya nagwawala ang puso ko! Dinaig pa kasi ng puso ko ang paglundag ng rabbit!

Naamoy ko ang mamahalin niyang pabango. Ang sarap sa ilong! Putik! Masarap siguro itong yakapin at amoy-amuyin? Gusto kong batukan ang sarili ko! Ang landi-landi ko na! Kagagaling ko nga lang sa heartbreak eh!

"Y-Yes I am." nauutal kong saad.

Hindi na magkamayaw sa pagwawala yung puso ko nang ngumiti siya. Nakita ko na naman ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin! Dinaig pa niya ang model ng toothpaste!

"In what department exactly?" tanong pa niya sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag nang bahagya siyang lumayo sa akin. Hindi ko namalayan na pinipigilan ko pala ang paghinga ko kanina!

"Cardiothoracic Surgery department. How about you?" tanong ko naman sa kanya.

Nakapamulsa na ito ngayon. Mukhang nag-iisip pa kung ano ang isasagot sa akin. Inilagay nito ang kamay sa baba saka iniabot sa akin ang tatlong paper bag.

"I am a pilot." matipid nitong saad.

Tinanggap ko naman ang iniabot niyang paper bag. Laman pala niyon ang damit pambabae! Nahihiya akong nag-angat ng tingin sa kanya. Mas matangkad kasi siya! Masyado ngang matangkad!

"Thank you for this. I'll compensate you with coffee, next time." nakangiti kong saad sa kanya.

"No need. Just change for now." saad niya sa akin.

Napatango na lang ako. So, ito na pala ang huling pagkikita naming dalawa. Wala na palang next time! It's a shame. I don't mind meeting him all the time. Kung ganito ba naman kagwapong nilalang ang makikita ko sa araw-araw eh!

Hindi ako nagsalita. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nagtungo ako kaagad sa banyo para doon magpalit ng damit. Nang makapasok ako, ini-lock ko kaagad ang pinto. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Naghilmos ako dahil namumula ang pisngi ko! Nakakahiya!

Niyaya ko ba naman siyang mag-coffee. Para ko na din siyang niyaya na mag-date. Natampal ko ang noo ko. Anong bang nangyayari sa akin ngayon? Side effect ba to ng gamot na itinurok sa akin?! 

Ano na lang iisipin ng lalaking iyon? Na isa akong desperada na babae na nagkakandarapa sa kanya?! Impit akong tumili!

Gaga ka talaga, Faith! kastigo ko sa sarili.

Napabuntong-hininga kong kinuha ang dami mula sa paper bag. Maganda ito, long-sleeved turtle neck peach dress ito na floral. Namangha ako sa design niyon. May tag pa ito. Halatang bago pa. Nang tingnan ko ang presyo halos lumuwa ang mata ko. Putik! Dress lang ganito ang presyo? Mantakin mo ba namang nagkakahalaga ito ng one hundred thousand pesos! Aba ilang sweldo ko na din yun! 

"Grabe namang damit to!" komento ko saka tiningnan ang kabuuan niyon.

Napasinghap ako. Ang mahal naman ng dress na ito! Ito ba ang babayaran ko ng kape! Kahit isang timba ng kape hindi magkakahalaga ng ganito kalaki! Dahan-dahan ko iyong ibinalik sa paper bag. Binusisi ko naman ang laman ng isang paper bag. May kahon doon. Nang buksan ko ang kahon make-up set iyon na may perfume. Tulad ng dress may tag din iyon.  Napalunok ako ng maraming laway nang makita ang presyo niyon. Eighty-thousand pesos! Ano ba ito, ginto?

Naiiling na ibinalik ko ang make-up kit sa lagayan niyang paper bag. Yung panghuling paper bag naman ang binusisi ko. Agad na nag-init ang magkabila kong pisngi nang makita ang laman niyon. Underwear ba naman ang laman niyon! Nakakahiya na talaga! Pati ba naman panty at bra binili pa niya! Pinaypayan ko ang sarili ko! Paano ko haharapin yung gwapong nilalang na yun?!

"Mag-isip ka Gracious Faith!" kausap ko sa sarili.

Nagmumukha na akong ewan ngayon! Hindi ko naman kasi akalain na hahantong sa ganito ang lahat! Balak ko lang naman talagang makipag-break sa g*go kong boyfriend. Ay! Correction! Ex na pala! Nagdadrama lang naman ako para mailabas ko ang mga hinanakit ko sa buhay! Tapos nagkaroon pa ng hold-upping incident at ako ang naging biktima! Kung nasa ospital lang sana ako hindi mangyayari ito! Marami pa sana akong maililigtas na buhay! 

Pero wala na eh! Nangyari na ang nangyari! Hindi na mababayaran yung kahihiyan at kadramahan ko sa araw na ito! Isang gabi lang ito pero madami ng nangyari! Nakakaloka! Nasapo ko na lang ang ulo ko!

"Dedmahin ko na lang kaya! Hindi ko naman kasalanan na sinalo ko ang kamalasan sa araw na ito. Hindi ko naman din kasalanan na hahantong sa ganito ang break-up namin ni Jordan. Okay lang yan, self. Wala kang kasalanan." pang-aalo ko sa sarili.

Hinubad ko na ang dress ko na binili ko lang sa ukay-ukay. Pati na din ang mga undies ko. Nang mahubad ko iyon saka ko isinuot ang undies na binili ni Froiland. Pagkatapos ay isinuot ko din ang dress na napakamahal! Ni retouch ko na din ang make up ko pero manipis lamang. Nang masiguro na maayos na ang hitsura ko. Inilagay ko na sa paper bag ang mga hinubad ko saka ako lumabas ng banyo.

Bumalik ako sa kama ko ngunit wala na doon si Froiland. Nasaan na naman kaya ang lalaking iyon! Daig pa niya ang kabute! Bigla na lang susulpot, bigla ding nawawala ng parang bula! Inayos ko na ang mga gamit ko. Inilabas ko ang cellphone. Binuksan ko yun. Laking gulat ko nang tumambad sa akin ang 200 miss calls at 104 messages! Putik! Dami naman nito! Nang tingnan ko ang call register. Iba't-iba pala ang numero ng tumatawag. Mga kasamahan ko sa trabaho! May sampung miss calls at texts din si nanay. Tinawagan ko si nanay. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa akin! Kagabi pa akong hindi tumatawag sa kanya. Nag-ring ito ng isang beses narinig ko kaagad ang nag-aalalang boses ni nanay.

"Nasaan ka anak? Kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot! Nasaan ka bang bata ka? Nag-aalala ako ng husto sa'yo?" sunod-sunod nitong tanong sa akin.

Ganito si nanay ka-paranoid pagdating sa akin. Palagi na lang itong nag-aalala. Kapag nawala ako sa paningin niya hahanapin at hahanapin ako nito. Busy ako sa ospital kaya naman minsan nagte-text na lang ako sa kanya kapag nasa banyo ako. O kaya naman ay tumatawag ako. Napapanatag naman ang kalooban nito at nawawala ang pagka-praning. Minsan hindi ko siya maintindihan pero siguro ginagawa niya iyon kasi mahal na mahal niya ako.

"Okay lang po ako. Papunta na po ako sa ospital. Medyo na-late lang ako kasi nakipag-meet sa akin ang kaibigan ko sa Spencer Medical Center." pagsisinungaling ko sa kanya.

Dahil panigurado kapag nalaman nito na nahold-up ako at nawalan ng malay. Mas lalong mapa-praning yun. Kapag nalaman din niya na isinugod ako sa ospital tiyak na mawawalan iyon ng malay! Napaka-sensitive niya pagdating sa akin.

"Mabuti naman kung ganoon. Alalang-alala ako sa'yo akala ko kung napaano ka na! Mabuti na lang at nasa maayos na kalagayan ka pala." nakahinga ito ng maluwag sa kabilang linya.

Napangiti naman ako. Kaya mahal na mahal ko ang nanay ko eh! Masyado niya kasi akong pinapahalagahan. Ramdam ko talaga ang pagmamahal niya. Kahit na binubugbog siya minsan ng amain ko dahil sa akin. Pinoprotektahan niya pa din ako. May kumurot sa puso ko. Gusto kong magsumbong kay nanay sa lahat ng nangyari sa akin sa gabing iyon. Gusto kong ipaalam sa kanya ang lahat ng kag*guhan ng ex ko sa akin ngunit ayaw ko! Ayaw ko ng dagdagan pa ang suliranin ni nanay. I don't want to see her hurt. That is the last thing that I wanted.

"Huwag ka na pong mag-aalala. Ayos lang po ako. Ako pa ba? Kaya ko pong protektahan ang sarili ko." pinasigla ko ang boses ko kahit na medyo naluluha ako.

Pagkatapos kong kausapin si nanay. Nilinga-linga ko ang paligid. Wala pa din si Froiland. Hindi ko na siya mahihintay para magpasalamat ulit. Umaapoy na ang cellphone ko sa sobrang dami ng message galing sa ospital. Kailangan na ako doon!

Tumayo ako sa kama para puntahan ang nurse's station. Kailangan kong manghingi ng clearance for discharge. Nang makarating ako doon. Kinausap ko kaagad ang nurse. Ang sabi niya ay hintayin ko lamang ang clearance sa kama ko. Sila na daw ang magpa-process ng lahat. Nag-request na din ako ng medical certification. Wala na din akong nagawa kundi bumalik na lamang sa kama ko. 

Humiga ako nang maramdaman kong masakit na ang likod ko. Humikab ako ng mahaba tanda na inaantok ako. Pero nilabanan ko iyon. Namigat ang talukap ng mga mata ko saka ako tuluyang dinaig ng antok!

"Faith!" boses iyon ni Froiland pero wala ng lakas ang mga mata ko para dumilat ulit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status