Share

Chapter Six

Faith's POV

Buntong-hininga lamang ang maririnig mula sa akin habang naglalakad ako papunta sa ospital. Kanina pa kasi nag-aapoy ang cellphone ko sa mga tawag at text. Kailangan na daw kasi ako sa ospital na pinagtatrabahuan ko. May dalawang surgery ako na naka-schedule ngayon. Pero hindi naman sila ganito dati. Ngayon lang ito! Ano ba kasing problema sa ospital at kailangang-kailangan ang kagandahan ko doon?! Ayaw ko namang sagutin ang dahil baka sermunan ako ng head ng ospital. Hay naku! Nakakaloka na!

Hindi ko na naman kasi nakita si Froiland nang magising ako. Nawala na naman kasi siya samantalang bago ako tuluyang nilamon ng antok narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Nahihiwagaan na talaga ako sa lalaking iyon. Ano kayang trabaho noon? Bakit kaya bigla na lang yung naglalaho ng parang bula?!

Napahinto ako sa paglalakad saka ko ipinadyak ang paa. Teka nga! Bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon? Hindi ko naman siya kaano-ano. Siya lamang ang taong naglistas ng buhay ko. Why do I care about him anyway? Napairap ako sa sarili ko. Naglakad na lang ulit ako. Baka antok lang ito. Kailangan ko ng pampagising! Nakakita ako ng coffee shop sa na malapit lang sa kinatatayuan ko.

"Kape! Kailangan ko ng kape." usal ko sa sarili.

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa coffee shop na napasukan ko. Malapit lang yun sa ospital na pinagtatrabahuan ko. Nakangiti ang mga ito habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa akin at sa cellphone nila. Napakunot naman ang noo ko. Bakit kaya nakatingin sila ng ganyan sa akin?

Iniling ko na lamang ang ulo ko. Bahala sila sa mga buhay nila. Kailangan ko ng kape! Nagtungo agad ako sa counter ng coffee shop para umorder ng kape. Natatawang nakatingin din ito sa cellphone kaya naman tumikhim ako kasi hindi man lang niya napansin ang paglapit ko. Nalungkot ito nang makita ako. May mali ba sa hitsura ko? Tiningnan ko ang sarili ko. Wala namang mali sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang mukha niya.

"One mocha latte, one americano with extra shot, one caramel manchiatto and one ice americano. For take out lahat." matipid kong saad sa kanya.

Binilhan ko na din kasi ng kape ang mga kasama ko sa office na sina Dra. Hernandez at Dr. Jacinto, pati na din si Lalaine. Agad naman itong nag-punch ng mga order ko. Binayaran ko na din yun. Pinaupo niya muna ako. Siya na daw ang maghahatid sa akin ng order ko. Saka pumunta sa coffee maker para gawin ang order ko. Umupo naman ako doon sa lamesa na itinuro niya. Gayo pa din ang titig ng mga tao sa akin. Ano ba kasing meron? Nakakastress na yung pagtitig nila sa akin. Kapwa naaawa kasi ang mga ito sa akin. Ramdam ba nila na broken hearted ako? Ano sila, psychic? Hindi ko na lang sila pinansin. Hinintay ko na lang ang mga order ko. Hindi naman iyon nagtagal dahil nakita kong papunta na sa akin ang yung babaeng waitress. Iniabot niya sa akin ang mga order habang nakanguso ito.

"Here's your order, ma'am. Buti nga yun sa boyfriend niyo, ma'am. Huwag kayong mag-aalala kakarmahin din iyon." malungkot nitong saad sa akin.

Nawiwirduhan na tinanggap ko na lang ang mga order kong kape. Binigyan din ako nito ng isang box ng cake. Libre daw iyon ng coffee shop sa mga babaeng katulad ko. Tinanggap ko na lang din iyon. Tatanggihan ko pa ba ang libre? Nagpasalamat na lang ako bago ako tumayo upang umalis ng coffee shop. Naloloka na ako sa sinasabi ng babaeng iyon! Babaeng katulad ko? Bakit ano ba ako? Baka nagandahan lang sa akin? Napangiti ako sa naisip saka masiglang naglakad papuntang ospital.

------

Nasa entrance pa lamang ako ng ospital pinagtitinginan na ako ng mga tao. Ano ba kasing meron? Mas gumanda ba ako ngayon? Nag-glow ba ako dahil sa break up? Sabagay stress naman talaga ako noong kami pa ni Jordan. Palagi na lang kasi nanghihingi iyon ng kung anu-ano sa akin. Kumulo na naman ang dugo ko nang maisip ko ang ex ko. Nakakabadtrip tuloy! Iniiling ko ng marahas ang ulo ko. Ayaw kong simulan ang araw ko ng bad vibes! 

Hindi ko na lang pinansin ang pagtingin nila sa akin. Kinutuban tuloy ako, pati kasi kapwa ko doktor, nurses at staff ng ospital nakatingin sa akin. Ano ba kasing meron? Napayuko na lang ako. Grabe kasi sila makatitig sa akin eh! Wagas! Nagmadali ako sa paglalakad papunta sa opisina namin. Nang marating ko iyon agad kong isinara ang pinto. Nakapikit na naisandal ko ang noo sa pinto saka ako bumuntong-hininga.

 "What time is it? Bakit ngayon ka lang, Dra. Alonzo?" tanong ni Dra. Hernandez sa akin.

Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Dra. Hernandez. Anak ng tinalupang tupa! Nagulat ako ng husto! Binalingan ko ito. Tatlo silang naroon. Nandoon din kasi sina Lalaine at Harold. Kapwa nakahalukipkip ang tatlo. 

"Pasensya na po, late po ako. Personal reasons po." nakayuko kong pahayag.

Bumuntong-hininga si Dra. Fernandez saka ako nilapitan. Gayundin ang ginawa ng dalawa. Kinuha ni Harold ang mga kape. Si Lalaine naman ang kumuha sa cake. Iginiya nila ako paupo sa dining table namin. Kapwa naaawa ang mga tingin na ipinupukol nila sa akin.

"So, how did it go?" tanong ni Dra. Hernandez.

Nalungkot ako sa itinanong niya. Alam kong mag-uusisa ito tungkol sa break-up namin ni Jordan. Buntong-hininga lamang ang isinagot ko. Hindi ko pa kayang magkwento. Ano naman ang sasabihin ko sa kanila? Na hinampas ko ng balde sa mukha yung ex ko? Pagkatapos noon, na hold-up pa ako? Tapos niligtas ako ni Froiland na may dreamy eyes and handsome face. He has broad shoulder also and he's tall. Hay naku! Break-up nga eh! Hindi ko dapat iniisip ang kagwapuhan ng lalaking iyon!

"I ended it. Very clean and nicely." pagsisinungaling ko sa kanila.

Napatawa naman ang tatlo sa sinabi ko. Yung tawang halos gugulong sila sa sahig anytime! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Nagsinungaling na nga ako dahil alam kong ganitong-ganito ang reaksyon nila kapag nalaman nilang pinaliguan ko ng maruming tubig si Jordan at hinampas ko siya ng balde.

"Clean and nicely pala ha?" natatawang sabi ni Harold saka pinakita sa akin yung phone niya.

Napamulagat ako sa nakita! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status