Masuk"'WAG MO AKONG HAWAKAN," asik ni Hyacinth at sinubukang lumayo kay Warren.Ang kaso nga lang, hindi naman siya nito pinakinggan. Mas nakakakilabot pa itong ngumiti. "Alam mo, kanina kaya ko pang maghintay at magpigil, eh. Pero ngayon, parang hindi ko na kaya."Naalarma naman si Mona na nakarinig no'n. "B-Boss Warren, pakawalan niyo na po kami, parang awa niyo na! Mga bata pa po kami..." nagmamakaawang sambit nito."Tumahimik ka!" sigaw ni Warren at itinulak si Mona na lumapit nang bahagya sa kaniya.Malakas na tumama ang likod ni Mona sa pintuan ng kotse kaya nalukot na lang ang mukha nito."Mona!" nag aalalang sigaw na lang ni Hyacinth at sinubukang tulungan sana ang kaibigan pero pinigilan siya ni Warren at humarang sa kaniya.Sa mga oras na iyon, pasikretong kinuha ni Hyacinth ang maliliit niyang patalim na nakatago sa kaniyang katawan. Nawalan na siya ng choice. Ang balak niya kanina ay atakehin si Warren kapag nakarating na sila sa lugar kung saan sila nito dadalhin. Pero hindi n
IPINAGDASAL NA LANG NI HYACINTH na sana tumahimik na lang si Warren at 'wag ng magsalita. Pero talagang walang tigil ang bibig nitong kumuda."'Di ba nakakatawa? Talagang sinabi niyang siya si Mrs. Cantavieja!" dagdag pa ni Warren na siyang ikinatawa ng ibang businessman doon."Alam mo na... medyo bata bata pa ang nobya mo, Mr. Nunag. Minsan talaga may mga kakulitan pa sila na ipinapakita...""Kung sabagay, hindi mo rin naman siya masisisi. Kasi nga sino ba namang babae ang hindi papangarapin ang kagaya ni Mr. Cantavieja na mayaman at makapangyarihan?""Kaya nga! Kaya maraming nagkakagusto sa kaniya, eh!"Muli silang nagtawanan lahat. Nag init na lang ang pisngi ni Hyacinth sa sobrang kahihiyan.Ilang saglit lang, itinaas ni Warren ang kaniyang wine glass at binalingan si Leo. "Toast, Mr. Cantavieja?" alok ni Warren kay Leo.Wala namang sinabi si Leo. Nanatili lang nakaupo at walang reaksyon sa mukha pero hindi nakipagtoast kay Warren. Ngunit ang mga mata nito ay natagpuan si Hyacint
DALAWANG BODYGUARDS MULI NI Warren ang lumapit. Mahigpit na lang na napayakap si Mona sa braso ni Hyacinth sa takot."Ano ng gagawin natin, Hya?" tanong ni Mona.Nang mas lumapit pa ang mga bodyguards, lakas loob muling pumunta sa harap si Hyacinth, na malamig ang ekspresyon."Wala kang karapatan para gawin ito sa amin!" muling asik ni Hyacinth kaya natigilan ang mga bodyguards. Tumingin siya ng masama kay Boss Warren."At sino ka para utusan ang mga bodyguards ko?!" Nakasimangot na tanong pa ni Boss Warren.Taas noo si Hyacinth. Ayaw niyang ipaalam sa lahat pero ito na lang ang nakikita niyang paraan para makaligtas sila ni Mona ngayon."Sino ako? Asawa ako ni Leo. Ako si Mrs. Cantavieja."Natigilan ang lahat. Ang mga mata ni Boss Warren bigla ay namimilog, halatang hindi makapaniwala. "I-Ikaw si Mrs. Cantavieja?" ulit pa nitong tanong."Oo," kalmadong sagot ni Hyacinth. "Kaya kapag hinawakan niyo kahit ang dulo lang ng buhok namin, hindi iyon papalagpasin ni Leo. Pgbabayarin niya k
MAYAMAYA LANG AY CHINECK ni Mona ang oras bago dinampot muli ang bag. "May part-time job pala ako sa Elyndra Hotel ngayong gabi. Nagwowork ako bilang waitress doon kaya... alis na muna ako," paalam nito.Matapos sabihin no'n, lumabas na si Mona. Si Cassie naman ay umalis na rin dahil may klase pa ito. Naiwang mag isa si Hyacinth doon. Nagring bigla ang kaniyang phone.Tumatawag si Shaina. Sinagot iyon ni Hyacinth."Hello?""Hyacinth, may balita akong maganda!" bungad agad ni Shaina. Sa tono palang nito, alam na agad ni Hyacinth na baka magyayabang na naman ito."Ano iyon?" walang ganang tanong ni Hyacinth."Nakita ko ang legendary doctor!"Hindi nakasagot agad si Hyacinth doon. Kasi... paano naman nangyari iyon?Si Shaina naman ay mukha pa ring excited sa kabilang linya. Halata rin ang tuwa sa mga mata nito."Alam mo ba, lalaki pala talaga siya! Nakita niya ako at nalove at first sight siya sa akin agad! Nagdedate na kami ngayon!" dagdag pa ni Shaina."Huh?"Parang hindi na alam ni Hy
HINDI PA TULUYANG GUMAGALING ANG kamay ni Leo. May benda ito dahil tuluyan ng natahi ang sugat niya doon.Sa kabilang kamay niya ay hawak niya ang phone at napaisip na lang. Alam niyang sa buong linggo, nasa ospital lang si Hyacinth at inaalagaan si Rui. Sa isang linggong iyon, hindi niya iniwan ang lalaki doon."Leo? Hindi mo ba ako narinig? Dalhin mo si Hyacinth ngayong gabi, ah? Doon na kayo magdinner."Doon lang naalala ni Leo na kausap pa pala niya ang kaniyang Lola sa phone. "Okay po, 'La," sagot niya sa matanda.Sa gabing iyon, bumalik na si Leo sa family house nila. Sinalubong siya ng kaniyang Lola na masayang masayang makita siya. Ngunit ang sayang iyon ay napawi nang may mapagtanto."Bakit mag isa ka, Leo? Nasaan si Hyacinth?" tanong ni Lola Elizabeth."'La, mukhang busy po si Hyacinth sa school. Kung namimiss niyo siya, pwede niyo naman po siyang tawagan at kayo na lang ang mag imbita sa kaniya na pumunta dito," sagot ni Leo, hindi maiwasang malungkot din para sa Lola dahil
MABIGAT ANG ATMOSPHERE doon. Mabuti na lang at bumukas na ang OR at iniluwa no'n ang doktor na nagperform ng operation kay Rui."Doc, kumusta na po siya?" agad na tanong ni Hyacinth sa kalalabas lang na doktor."Naging successful ang surgery. And we hope na gigising din siya within the next 48 hours," balita ng doktor.Nakahinga ng maluwag si Hyacinth. Mabuti na lang at maayos na ang lagay ni Rui. Nakita niya ang pagkakabaon ng kutsilyo sa lalaki at sa tantsa niya, wala namang vital organs na natamaan. At ngayong narinig iyon mismo sa doktor, mas lalo lang naginhawaan ng nararamdaman si Hyacinth.Kasi kung may nangyaring masama kay Rui, talagang habambuhay niyang dadalhin ang guilt na iyon sa isip at puso niya.Ilang saglit lang, inilapas na si Rui sa OR. Inilipat na ito sa isa sa mga VIP rooms ng ospital kaya naman mabilis na sumunod si Hyacinth. Nang makapasok siya sa kwarto, hindi na niya tinapunan pa ng pansin sina Jasmine at Leo.Kumapit si Jasmine sa braso ni Leo. "Nakita mo na,







