LOGIN"'YAN ANG RASON mo kung bakit nakapanakit ka ng damdamin ng ibang tao?" tanong ni Leo na mas lalo lang ikinaestatwa ni Jasmine."U-Uhh..." Hindi na nito alam ang isasagot.Mapang uyam na napangisi si Leo. "Nagbago ka na talaga, Jasmine. Sobrang nagbago ka na at halos hindi na talaga kita kilala..." Ilang saglit lang, tumalikod na rin si Leo at naglakad na papalayo. Tila nasemento na ang paa ni Jasmine doon at nanatili na lang sa kaniyang pwesto.Kasi... paanong nagbago daw siya ayon kay Leo? Hindi siya nagbago. Talagang ganito na siya dati pa. Maling mali si Leo sa sinabi nito.Dahil ganito na siya dati pa! Pinaniwalaan ni Leo na siya ang babaeng nakasama nito sa kweba ilang taon na ang nagdaan. Pero nakakainis lang dahil may parte kay Leo na paniguradong nag iisip na si Hyacinth ang nakasama nito sa alaala niyang iyon.Hindi makakapayag si Jasmine doon. Nagtagis na lang ang bagang niya sa sobrang inis kay Hyacinth. Talagang pinaghandaan din nito ang araw na ito! Naisip talaga niton
MAGHEHEAD TO HEAD TALAGA ANG dalawang pinakagwapong lalaki sa buong university. Nahigit na lang ng lahat ang kanilang mga hininga.Mabilis ang galaw ni Charles at sinubukang agawin ang bola. Pero mas mabilis naman si Cole at talagang natakasan si Charles na sinubukan na lang itong iblock.Mataas na tumalon si Cole. At ang sumunod nitong ginawa ay dinunk na ang bola. Tila naging slow motion lahat bigla dahil hinangin pa ang shirt niya sa bandang laylayan nito kaya bahagyang sumilip ang matigas nitong kalamnan.Masyadong malinis ang bawat galaw ni Cole. At hindi maipagkakailang magaling ito dahil parang effortless lang lahat dito. Walang naging chance si Charles.Sumigaw ng napakalakas ang mga girls na nanunuod."Ahhh!! Ang gwapo ni Cole!""Si Charles naman ang team captain sa basketball team, 'di ba? May possibility na hinahayaan lang siguro siya magshine ni Cole all this time! Pfft!""Ang galing galing niya, grabe!"Pinulot ni Cole ang itim niyang jacket sa lapag. Mas bumigat na ang p
"AYAW NA NIYA KAY CHARLES at ang gusto na niya ngayon ay si Cole?" bulong pa ng isang estudyante.Kilala ni Charles si Cole. Noong college entrance exam kasi natatandaan pa ni Charles noon na nagranked one ito tapos siya ay first. Talagang pakiramdam ni Charles noon ay naungusan siya ni Cole.Tapos parehas silang nakapasok sa university at itinuring na silang dalawang pinakagwapong lalaki sa buong campus. Kaya imposibleng hindi ito makilala ni Charles.Pero ang nakakainis lang lalo para kay Charles ay tinapos na lahat ni Cassie ang kung anong meron sila para kay... Cole? At talagang mukhang siya pa ang naghahabol dito. Talaga bang gustong gusto nito si Cole?Kumuyom na lang ang kamao ni Charles. Si Cassie naman ay tuluyan ng nahabol si Cole."Hi, Cole!"Binalingan ni Cole si Cassie habang blangko ang kaniyang ekspresyon. Matamis na ngumiti lang si Cassie. Ang maliit nitong mukha na ngayon ay wala ng bakas ng birthmark ay tila nagliliwanag. "Nakikilala mo ba ako, Cole? Ako 'to, si Cas
NAGLAKAD SI HYACINTH patungo kay Cassie. Hindi tuloy maiwasang mag complain ni Cassie kay Hyacinth. "Hya, itong mga taong ito, puro mga walang hiya! Binabago nila ang totoong nangyari at nagpapakalat ng kasinungalingan!""'Wag kang mag alala, Cassie. Alam ko ang mga nangyari," pang aassure na lang ni Hyacinth kay Cassie.Napahalakhak bigla si Jasmine. "Perfect timing ang pagdating mo, Hyacinth. Iyang kaibigan mo kasi parang gustong palabasin na nagustuhan talaga siya ni Charles. Ikaw ba, naniniwala doon?" nang uuyam na anito. "Ang mga tao nga naman... dapat alam nila ang limitasyon nila. Kaya, Hyacinth... sa tingin mo ba maganda si Cassie para magustuhan ni Charles?"Nagtaas lang ng kilay si Hyacinth. "Oo naman. Hindi pangit si Cassie. Dahil magandang maganda siya," sagot nitong puno ng confidence.Tila may dumaan na anghel dahil doon. Hanggang sa nagtawanan na lang ang lahat sa naging sagot ni Hyacinth. Si Lira ay napapaliyad na lang dahil sa sobrang tawa."Hya, talagang iniisip mong
MAHAL NA MAHAL SIYA NG DADDY niya pero hindi naman sobrang lungkot si Cassie sa nangyari. Kasi una sa lahat, hindi naman talaga sila nagdate ni Charles at hindi naman as in na may romantic feelings sa kanilang dalawa."Dad, hindi ako gusto ni Charles kaya walang saysay na ipilit pa itong arrangement na ito sa kaniya. Ayaw ko na rin sa kaniya. Ibinalik ko na 'yung heirloom bracelet sa kaniya. Called off na ang engagement kaya wala na kaming business pa sa isa't isa..." sagot ni Cassie sa ama."Naiintindihan ko. Pero haharapin ko ang lahat ng ito pagbalik ko," sagot nito, walang klarong sagot kung pumayag sa gustong mangyari ni Cassie o wala.Natapos din naman ang tawag. Hindi bumalik si Cassie sa dorm sa gaming iyon. Nagtungo siya sa enggrande niyang kwarto at nagrelax. Nagmilk bath din siya na may mga rose petals para masigurong tanggal lahat ang mga negativities sa katawan niya.Habang nakababad siya sa bath tub, pumasok bigla sa isip niya si Cole. Nalaman niyang ang ama nito ay puma
AGAD NAG IWAS NG TINGIN si Cassie at kunyari ay may tiningnan sa itaas. Pakiramdam niya ay gusto na lang niyang mawala sa sobrang kahihiyan. Kasi naman... si Cole naman ang nagluto. Kaya may karapatan itong magdesisyon kung sino ang kakain sa luto nito.Malamig pa rin ang tingin ni Cole. Si Cassie naman ay tila nakaramdam ng awkwardness mula sa pagkakapahiya kanina. Ayaw naman niyang ipilit ang sarili niya doon kaya nag isip na lang siya ng rason."Ah... ano pala... tumawag kanina ang dad ko, nakalimutan ko lang. Kailangan ko na pong umuwi agad," pagsisinungaling ni Cassie.Syempre, ayaw naman ng ina ni Cole at pati si Chloe na pigilan si Cassie kaya kahit labag sa loob nila ay pumayag din sa huli."Oh, sige, hija. Balik ka na lang dito ulit kapag may oras ka."Matamis na ngumiti si Cassie at kumaway. "Okay po. Una na ako," aniya at tumikod na.Tinahak ni Cassie ang daan pabalik. Ganoon pa rin ang daanan, maputik at may pagkamakipot din. Hindi na siya nakatiis na bahagyang itaas ang s
NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni
MATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.







