Home / Romance / ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ? / CHAPTER 03 : Sautéed Curiosity

Share

CHAPTER 03 : Sautéed Curiosity

last update publish date: 2026-04-12 13:36:48

“Dianne… saan mo nga ulit binili ‘yung pagkain kagabi?”

Napalingon si Dianne mula sa kinakain niyang tinapay, saka ngumiti nang may halong panunukso. “Bakit… iniisip mo pa rin? Hindi ka talaga maka move on..”

“Hindi ah,” mabilis na sagot ni Sol habang kunwari’y abala sa pag-aayos ng buhok, “gusto ko lang i-check kung consistent.”

“Consistent?” natawa si Dianne, “food critic ka na ngayon?”

“ Baka nakalimutan may ari ng hotel at restaurants pamilya namin…Syempre alam mo na dapat maging curious ako when it comes to foods.. "

" OO na.. hindi na ako makikipagtalo sa'yo. Nakalimutan ko na Miss Heiress ka pala.. " sagot ni Dianne

" So ano..  sasama ka ba o hindi?”

“Tara na nga,” sagot ni Dianne habang tumatayo, “pero aminin mo… nagustuhan mo talaga.”

“Hindi ko pa sinasabing babalik ako dahil masarap,” sagot ni Sol, pero nauna na siyang lumabas ng pinto.

Ngumiti si Dianne at sumunod.

Ilang minuto lang ang lumipas ay narating nila ang isang kanto na mas buhay kaysa inaasahan ni Sol.

“Dito?” tanong niya habang nakatingin sa karatulang nakasabit.

Karinderya sa Kanto.

Hindi engrande, hindi sosyal, pero puno. Literal na punong puno, dinadagsa ng mga tao ano mang estado sa buhay.

May pila sa labas, may usok na sumisingaw mula sa kusina, at may halo-halong amoy ng bawang, sibuyas, at sabaw na parang may sariling buhay.

“Grabe…” bulong ni Sol habang nakatingin sa paligid.

May mga professionals, naka-uniform na estudyante, may naka-tsinelas, at may ilang kotse na naka-park sa gilid.

“Dianne… bakit parang hindi lang basta karinderya ‘to?”

“Sabi ko sa’yo sikat ‘to dito,” sagot ni Dianne habang pumipila.

Biglang may sumingit sa harap nila.

“Excuse me, nauna ako,” reklamo agad ng isang lalaki.

“Hoy, walang reserved dito!” sigaw ng isa pang customer mula sa likod.

Napatingin si Sol sa eksena, bahagyang nanlaki ang mga mata.

“Grabe… ganito sila dito?”

“Totoong buhay ‘to, wala to sa mundo mo” natatawang sagot ni Dianne.

Habang unti-unting umaabante ang pila ay napapatingin si Sol sa loob.

Hindi niya makita nang maayos ang kusina, pero rinig niya ang tuloy-tuloy na galaw.

May kumakalansing na sandok, may sumisitsit na mantika, at may boses na nagbibigay ng utos.

“Manang Hilda, bantayan mo ‘yung sabaw!”

Napahinto si Sol. Parang… pamilyar ang boses na kanyang narinig.

“Gemma, may na-miss ba tayong order?” muling tanong ng boses.

“Ayos na po lahat, bossing!” sagot ng isang babae mula sa loob.

“Kuya, alis na kami!” sigaw ng isang dalagitang palabas ng karinderya.

“Sandali,” sagot ng parehong boses, “ingat kayo… uwi agad pagkatapos ng klase, walang lakwatsa.”

“Noted yan, kuya… ewan ko lang dito kay Bella,” sagot ng isang binata na may halong biro.

“Hoy!” reklamo ng babaeng tinawag na Bella.

Napakurap si Sol.

“Dianne…” mahina niyang sabi, “parang narinig ko na ‘yung boses na ‘yon.”

“Baka gutom ka lang,” sagot ni Dianne habang inaabot ang tray.

Nang sila na ang oorder ay halos hindi na makapag-isip si Sol.

“Ano po?” tanong ng tindera.

“Uh… same na lang sa kanya,” sagot niya habang itinuturo si Dianne.

Kinuha niya ang tray at naupo sila sa isang bakanteng mesa.

Masinsinan niyang tinitigan ang pagkain. Simple, walang plating. Walang arte. Pero may amoy na parang hinihila siya pabalik.

Kumuha siya ng unang subo. At doon siya napahinto. Napatingin siya sa kutsara… saka muling sumubo.

“Hindi pwede…” bulong niya, “bakit ganito kasarap ‘to?”

Ngumiti si Dianne habang kumakain. “Sabi ko sa’yo eh.”

“Hindi ito normal,” dagdag ni Sol habang muling sumusubo, “hindi ito pang-karinderya.”

Habang abala siya sa pagkain ay muling narinig ang boses mula sa kusina.

“Nilo, bantayan mo ‘yung apoy… huwag mong sunugin ‘yan.”

Muling napatingin si Sol sa direksyon ng kusina.

Parang mas malinaw ngayon. Parang mas malapit. Biglang may isang customer na nagreklamo.

“Boss! Mali ‘yung order ko!”

Nagkaroon ng kaunting ingay.

“Sandali lang po,” sagot ng isang staff.

“Hindi, hindi… hindi ito ‘yung inorder ko,” dagdag ng customer na medyo mataas ang boses.

Maya-maya ay may lumabas mula sa kusina.

“Anong problema?” tanong ng lalaki habang papalapit.

Napalingon si Sol. At sa sandaling iyon…

Nagtama ang mga mata nila. Biglang paramg tumigil ang oras.

 “...Ikaw?” sabay nilang nasabi.

Nanlaki ang mga mata ni Sol habang nakatitig kay Cris.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cris, halatang hindi makapaniwala.

“Ano bang ginagawa mo dito?” balik ni Sol, mabilis pero halatang nagulat.

“Trabaho ko ‘to,” sagot ni Cris habang nakataas ang kilay.

“Trabaho mo…?” napatingin si Sol sa paligid, saka bumalik ang tingin sa kanya, “ikaw… ang nagluluto dito?”

“Bakit, may problema ba?” sagot ni Cris, bahagyang lumapit.

Napatingin si Sol sa hawak niyang pagkain… saka muli kay Cris. Parang may biglang nag-connect. Parang may biglang nagbago.

“Hindi…” mahina niyang sabi, “imposible…”

“Anong imposible?” tanong ni Cris.

Hindi agad sumagot si Sol.

Sa halip ay napalunok siya, saka muling tumingin sa pagkain… at sa lalaki sa harap niya.

At sa unang pagkakataon…

Hindi niya alam kung alin ang mas nakakagulo sa kanya…

Yung lasa ng pagkain…

O yung binatang may hawak na sandok na kaharap at nakatitig sa kanya ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 35 : Ang Naudlot Na Hapunan

    Nang maibaba ni Cris ang cellphone, mabilis na kumilos si Sol papunta sa banyo. "Babe... pasensya na, ha? Kailangan ko nang maligo at mag-ayos agad bago pa tayo abutan ni Eugene," sabi ni Sol at agad tumungo sa banyo sa loob ng kwarto... "Pero Babe..." hindi natapos ang sasabihin ni Cris dahil agad na umalis si Sol sa harap niya. Napakamot na lang siya sa kanyang batok. "Hay... napakawrong-timing naman, malapit na sana eh..." napahawak siya sa kanyang puson na biglang sumakit dahil sa pagkabitin. "Iraraos ko nga lang 'to sa kubeta." Pinulot niya ang kanyang short at boxer na nasa sahig at sumunod kay Sol. Pagpasok niya sa kuwarto, agad niyang nasilayan si Sol sa loob ng banyo dahil bukas ang pinto nito. Nagtotoothbrush si Sol sa lababo sa harap ng salamin. Inihagis niya sa kama ang hawak na short at boxer, at tumayo sa entrada ng banyo na nakacross arms. Tinitigan niya si Sol mula paa pataas. Nakakalibog ang kasexyhan ng nobya kaya hindi niya napigilan ang sarili na magnasa. Hab

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 34 : Another Round Ginataang Tahong

    "Alin ang mas masarap?" inulit niya ang tanong, sabay ikit ng kanyang mga mata. "Bakit parang napakahirap sagutin niyan, ha?"Lumapit si Cris at inangat ang mukha ni Sol gamit ang kanyang daliri sa baba. "Sagutin mo na, babe. Gusto kong malaman ang totoo. Sabihin mo kung alin ang mas gusto mo."Natawa si Sol nang mahina at humigop pa ng kaunting tubig bago sumagot. "Alam mo, Babe... kapag pagkain ang pinag-uusapan, siguradong masarap ang luto mo. Walang makakapantay sa lasa ng luto mo. Pero pagdating sa'yo, ibang usapan na 'yan."Ang lasa mo... ang amoy mo, ang bawat bahagi ng pagkatao mo... lalo na ang mga ginagawa mo sa akin, mas masarap pa 'yan sa anumang putaheng nakalatag sa harapan ko."Nag-init ang pisngi ni Cris sa pakikinig, at hindi napigilang napangisi. Habang ang kamay niya ay dahan-dahang gumapang mula sa tuhod paakyat sa kanyang hita sa ilalim ng laylayan ng t-shirt na suot nito, napakagat-labi si Sol sa pananabik."Ganoon ba? ... Tapos ka na ba kumain?""Hmmm.. I'm done

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 33 : Alin Ang Mas Masarap

    Gumapang ang mga braso ni Cris pababa sa baywang ni Sol. Binuhat niya ito habang nakaposisyon siya sa pagitan ng mga hita ng dalaga, at inihiga siya sa kama habang patuloy ang kanilang maalab na paghahalikan. Hinila ni Sol pataas ang t-shirt ni Cris at itinapon ito sa sahig, habang sinisimulan naman niyang tanggalin ang mga butones ng blusa ni Sol. Saglit silang humiwalay sa isa’t isa upang huminga, at dahan-dahang hinugot ni Cris ang blusa mula sa balikat ni Sol at inihagis din ito sa sahig. Hinaplos ni Sol ang matipunong katawan ni Cris. Itinulak niya ito pahiga, at siya naman ay umupo sa ibabaw nito. Dahan-dahan niyang idinampi ang kanyang mga labi mula sa panga, pababa sa leeg, patungo sa dibdib at tiyan ni Cris. Napapaungol si Cris habang unti-unti nang tumitigas at bumubukol ang kanyang pagkalalaki sa loob ng kanyang pantalon. “You’re so yummy, babe...” “Ikaw din, babe... Pwede

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 32 : Ano Ang Gusto Mong Dessert

    Hinihingal sila nang sandaling naghiwalay ang kanilang mga labi. Mahinang napahampas si Sol sa dibdib ni Cris gamit ang dalawang kamay niya. “Ang daya mo... tagal mo hindi nagparamdam. Paano mo ako natiis?” Napabuntong-hininga si Cris habang nakahawak sa bewang niya. “I’m really sorry. Akala ko sobrang galit ka na sa akin... kasi hindi ka na rin nagparamdam. Kinapalan ko na mukha ko at humingi na ng tulong kay Eugene.” “You broke up with me... umasa ka pa na hahabulin pa rin kita?” napailing si Sol. “I’m not that stupid para ipagpilitan ko sarili ko sa taong ayaw sakin.” “Kaya nga nagsosorry na ako eh...” bahagyang natawa si Cris kahit guilty ang mukha. “After that night, akala ko inignore mo na lang lahat ng sinabi ko.” Biglang naalala ni Sol ang gabing iyon. Agad niya tinulak nang bahagya si Cris palayo sa kanya. “Wait... and about that night...” seryosong sabi niya. “Lasing ako and I do not remember anything. Two weeks akong napraning... pinagsamantalahan mo ba ako habang

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 31 : A Meal To Remember

    “Ang daya mo... ang bilis mo bumitaw...” Mahinang bulong ni Sol habang nakahiga sa kama sa loob ng kanyang kuwarto sa mansion. Pagod na pagod siya at kakauwi lang mula sa business trip niya sa Sorsogon pero imbes na makatulog agad, si Cris na naman ang laman ng isip niya. Naka-zoom pa sa cellphone niya ang stolen shot ni Cris na pinadala ni Dianne. “Hindi ka na talaga nagparamdam...” Mas lalo siyang nasaktan habang nakatitig sa larawan nito. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siyang yakap ang cellphone niya. Kinaumagahan... tanghali na nagising si Sol. Pagkatapos niya mag-shower, bumaba siya mula sa kanyang kuwarto papunta sa dining room habang tinatawag ang yaya niya. “Yaya... nakapagluto na ba si Manang Josie?” Kasalukuyang nasa business trip sa Europe ang parents ni Sol, gutom na gutom na siya at mag-isa lang siya sa hapag-kainan ngayon. Pero pagpasok niya sa dining room... Bigla siyang natigilan. Punong-puno ng pagkain ang mahabang mesa. May pasta... steak.

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 30 : Amnesia De Leche pt.2

    Pagdating ni Sol sa mansion sa San Andres, pumasok agad siya ng banyo. Nang mapatitig siya sa salamin habang balot ng tuwalya ang katawan niya, napakunot-noo siya nang makita ang mapulang marka sa bandang ibaba ng collarbone niya. “Hala ano ’to... saan at paano ko nakuha ang pulang markang ’to? Parang hindi naman kagat ng lamok ’to... anong insekto ang kumagat kaya dito?” Hinaplos niya iyon gamit ang dulo ng daliri habang mas lalong lumalalim ang pagkakunot ng noo niya. “Hay naku... baka kung anong allergy lang ’to.” Hindi na niya iyon gaanong inisip at pumasok na siya sa shower. Nakapikit siyang sumandal sa tiles habang dinarama ang maligamgam na tubig na dumadaloy sa kanyang katawan. Ngunit habang pilit niyang nire-relax ang sarili, unti-unti ring bumabalik sa isip niya ang ilang putol-putol na alaala kagabi. Si Cris... Nakatapis lang ng tuwalya... At siya... Halos nakadikit ang dibdib sa abs nito habang hawak niya ang laylayan ng tuwalya ng binata. Bigla siyang napadilat.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status