Masuk“Anong imposible… imposible na kaharap mo ngayon ang taong pinagbintangan mong magnanakaw?”
Tumayo si Sol mula sa kanyang upuan. “Excuse me? Nagsorry na nga ako eh… ano pa ba ang gusto mo?” “Wait lang guys ha…” singit ni Dianne habang pumagitna, hawak pa ang kutsara at tinidor, “do you know each other?” “Ang babaeng ‘to lang naman ang sumira ng araw ko kahapon,” sagot ni Cris habang nakatingin kay Sol, “wagas kung makapagbintang.” Bumuka na ang bibig ni Sol para sumagot, pero biglang may sumingit na boses mula sa gilid. “Hoy ano ba… aatenderan niyo ba ang customer niyo o makikipagbangayan lang kayo diyan?” Napalingon si Cris, saka napabuntong hininga. “Ay sorry po, sir,” agad niyang sabi bago tuluyang talikuran si Sol at inasikaso ang nagrereklamong customer. Nanatiling nakatayo si Sol, nakatitig sa likod ni Cris habang pilit pinipigilan ang sarili. “Maupo ka na nga, sis…” bulong ni Dianne habang hinahawakan ang braso niya, “tama na ‘yan.” Pero hindi agad gumalaw si Sol. May kung anong kumulo sa loob niya… naghalong nasaktang pride at inis. At hindi niya matanggap na siya ang napahiya. Kahit hindi pa sila tapos kumain, mabilis niyang dinampot ang pouch sa mesa at hinila si Dianne palabas. “Uy, hindi pa tayo tapos… oorder pa tayo…” “Halika na,” putol ni Sol habang dere-diretsong naglalakad. Ngunit bago sila tuluyang makalabas, natigilan siya. Huminto siya sa may pintuan. At dahan-dahan siyang lumingon. Sakto namang katatapos lang kausapin ni Cris ang customer at napatingin sa direksyon niya. Nagtagpo ulit ang mga mata nila. “Kung alam ko lang na dito ka nagtatrabaho,” madiin na sabi ni Sol, “hinding-hindi ako papasok dito.” Tahimik si Cris, nakatingin lang. “Hindi na ako babalik rito,” dagdag ni Sol habang nakaangat ang baba, “at ang pagkain niyo… ang tabang… pweh.” At bago pa makasagot si Cris, tinaasan pa niya ito ng middle finger. “Halika ka na nga, sis… ano ba…” hila ni Dianne, halatang nahihiya sa eksena. Ngunit hindi nagpahuli si Cris. “No problem…” sagot niya, saka bahagyang ngumisi, “layas na.” Saglit siyang tumigil, saka dinagdagan. “Kahit kailan hindi welcome dito ang mayayabang at magaspang ang ugali.” Napakuyom ang kamay ni Sol pero hindi na siya lumingon pa. Tuluyan na silang lumabas. Sa loob ng karinderya, tila tumigil sandali ang ingay… bago muling bumalik ang bulungan. “Chef… ex mo ba ‘yon?” tanong ng isang suki na may halong aliw. “Kung hindi pa, mukhang magiging ex na agad,” dagdag pa ng isa. Nagtawanan ang mga tao. Napailing si Cris habang bumabalik sa kusina, pero hindi niya napigilan ang bahagyang pag-angat ng labi. Sa labas, mabilis ang lakad ni Sol habang nagmamaktol. “Ang yabang niya… sobra!” reklamo niya habang halos hinahatak si Dianne. “Sis… kumakain tayo doon… hindi nag-a-audition sa teleserye,” sagot ni Dianne habang pilit siyang pinapakalma. “Bakit hindi mo sinabi na siya ‘yon?!” bulong ni Sol, halatang gigil pa rin. “Aba… malay ko!” sagot ni Dianne, “hindi mo naman sinabi ang pangalan ng nakasagupa mo kahapon.” Napabuntong hininga si Sol. “Hay… nakakainis… bakit doon pa siya nagtatrabaho?” “Sis,” napailing si Dianne, “hindi lang siya nagtatrabaho doon… siya ang may-ari ng karinderyang ‘yon, at siya mismo ang nagluluto.” Napahinto si Sol. “Ha?” “Dinig ko, frustrated chef ‘yan si Cris,” dagdag ni Dianne. Saglit na natahimik si Sol bago siya muling umiling. “Hay… pakialam ko sa kanya.” “Sis… ang attitude mo ha,” napatawa si Dianne, “alam mo ikaw lang ang kilala kong yayamanin pero kung makangarag parang squatter.” “Grabe ka… squatter talaga?” napatingin si Sol sa kanya, “kaibigan talaga kita.” Nagtawanan na lang silang dalawa habang naglalakad pauwi. Unti-unting nawala ang ingay ng karinderya sa likod nila, pero hindi ang pakiramdam na iniwan nito kay Sol. Samantala, sa loob ng Karinderya sa Kanto, unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat. Patuloy ang luto, patuloy ang pila, at patuloy ang kwentuhan ng mga suki. Kinuha ni Cris ang tray na iniwan ni Sol sa mesa. Napatingin siya sa laman. Halos ubos. Bahagya siyang napangiti. “Boss…” tawag ni Gemma mula sa gilid, “mukhang type ka nun ah.” “…problema niya na ‘yon,” sagot ni Cris habang ibinababa ang tray. “Grabe ang taray,” sabat ni Nilo, “pero ang ganda niya, diba boss?” Napailing si Cris. “Anhin mo ang ganda kung ganun kasama ang ugali.” Tahimik sandali. Pero hindi nawala ang bahagyang kurba ng labi niya. “Pero feeling ko… babalik ‘yon, boss,” dagdag ni Gemma habang nag-aayos ng mesa. Hindi agad sumagot si Cris. Dahan-dahan siyang napatingin sa labas… sa direksyon kung saan umalis si Sol. At sa kabila ng lahat… Bahagya siyang napangiti. Hindi niya alam kung bakit. Pero parang sigurado siya sa isang bagay… hindi pa ito tapos. “Ano kaya siya ni Dianne…” bulong ni Cris habang nakatingin sa pintuan, “parang ang saya asarin ng babaeng ‘yon.”Pagod na pumasok si Sol habang inaalis ang suot nitong heels. "Babe... nandito na ako." Mula sa kusina ay agad sumilip si Cris. "Welcome home." Napangiti si Sol nang makita siya. "Ang bango." Lumapit agad si Cris at marahang kinuha ang laptop bag at shoulder bag nito. "Ako na." "Babe, kaya ko." "Hindi. Relax ka lang." Maingat niyang inilapag ang mga bag ni Sol sa sofa at inalalayan pa itong maupo sa dining chair. "Maghuhugas muna ako ng kamay." "Sige, Babe. Tatapusin ko lang ang pag-aayos ng mesa." Ilang saglit ay bumalik si Sol sa dining table. Nakahain na ang iba't ibang pagkain. May mainit na beef bulalo, fresh garden salad, at bagong saing na kanin. Napatingin doon si Sol. "Ano 'to?" Napangiti si Cris habang inilalapag ang huling kubyertos. "Siya ang bida ngayong gabi." "Remember the dish that won me the International Young Chef Challenge?" Tumango si Sol. "Ah eto pala Ang H.O.M.E." "Hindi mo pa 'yan natitikman. Kaya naisip kong ikaw ang unang ipagluto ko nit
Bago tuluyang lisanin ang Vienna, pumunta si Cris sa isang maliit ngunit prestihiyosong jewelry boutique sa lumang bahagi ng lungsod.Pagpasok pa lamang niya ay agad siyang sinalubong ng isang sales consultant."Good afternoon, sir. How may I help you?"Napangiti si Cris."I'm looking for an engagement ring.""Certainly, sir. Do you have a particular design in mind?"Umiling siya."Not really. I just want something simple... but timeless."Isa-isang inilabas ng consultant ang iba't ibang disenyo ng engagement rings. Tahimik na pinagmasdan ni Cris ang bawat isa hanggang sa huminto ang kanyang tingin sa isang 18-karat rose gold ring. Nasa gitna nito ang isang princess-cut diamond na kumikislap sa ilalim ng ilaw, habang magkabilang gilid ng manipis na band ay napalamutian ng maliliit na blush-pink sapphires na banayad ang kinang. Hindi ito ang pinakamalaki o pinakamamahal na singsing sa boutique, ngunit may kakaibang ganda itong hindi niya maipaliwanag.Parang si Sol.Simple but elegant.
Tatlong linggo na ang lumipas mula nang manalo si Cris sa International Young Chef Challenge.Kasabay ng paglipas ng mga araw ay unti-unti ring nagbago ang takbo ng kanilang komunikasyon.Napansin ni Cris na hindi na kasing sigla ng dati si Sol tuwing magkausap sila. Kung dati ay halos hindi ito maubusan ng kuwento tungkol sa nangyari sa opisina, ngayon ay ilang minuto pa lang ang video call nila ay nagmamadali na itong magpaalam."Babe, may kailangan pa akong tapusin.""Bukas na lang tayo magkuwentuhan, ha?"Sa una ay inisip niyang baka stress lang ito.Pagkatapos ay sinabi niyang baka epekto lang iyon ng problemang kinakaharap ng Prima Sorrento.Hanggang sa halos siya na lang ang laging unang tumatawag. Siya na rin ang laging naghahanap ng tamang oras para makausap ang kasintahan.At kahit ramdam niyang may nagbago, pinili pa rin niya itong unawain. Alam niyang hindi biro ang responsibilidad na pasan ni Sol bilang CEO.Kaya nang dumating ang araw ng kanyang kaarawan, wala siyang iba
Dumating ang medical responders ng Prima Sorrento ilang sandali matapos ang tawag."Give us some space!"Maingat nilang inilipat si Sol sa stretcher."BP is dropping.""Let's move!"Kasabay ng pagtakbo ng mga paramedic palabas ng conference room ay mabilis ding sumunod si Dianne."Kailangan ko siyang samahan!"Isa sa mga security personnel ang humarang sa mga empleyadong nagkakagulo sa hallway."Please give way!"Halos lahat ng staff ay napatingin habang mabilis na isinusugod ang kanilang CEO palabas ng gusali.Mabilis na isinakay ng mga paramedic si Sol sa nakaparadang ambulansiya sa harap ng Prima Sorrento Building.Bago tuluyang maisara ang pinto, sumakay rin si Dianne at umupo sa tabi ni Sol."Ma'am, kamag-anak po ba kayo ng pasyente?" tanong ng isa sa mga paramedic habang ikinakabit ang oxygen mask sa mukha ni Sol.Umiling siya."Hindi... I'm her executive secretary."Tumango ang paramedic."Hold her hand.""At kausapin n'yo siya.""May posibilidad na naririnig pa rin niya kayo."
Pagbalik ni Sol sa kanyang opisina matapos ang check-up sa OB, maingat niyang inilagay sa pinakailalim ng drawer ng kanyang mesa ang maliit na brown envelope na naglalaman ng unang ultrasound photos ng kanilang baby."Next month ko na ipapakilala sa'yo ang baby natin, Babe..." mahina niyang bulong."Birthday surprise ko sa'yo 'to."Hindi niya napigilang mapangiti. Kung manalo pa si Cris sa International Young Chef Challenge, mas magiging espesyal ang selebrasyon nila.Isasara na sana niya ang drawer nang biglang pumasok si Dianne na may bitbit na tablet at makapal na folder."Pwede bang mamaya na muna yang lovelife?"Napatawa si Sol."Hay naku... eto na naman ang Reyna ng mga Marites.""Hindi ako naglo-lovelife rito. Nagtatrabaho ako, 'no.""Talaga ba?" nakangiting tukso ni Dianne. "Eh bakit ganyan ang ngiti mo? Huwag mo 'kong lokohin. Sigurado akong tungkol na naman 'yan kay Chef Boyfriend."Napailing si Sol. "Baliw."Ngunit napansin niyang biglang naging seryoso ang mukha ng kaibiga
Umalingawngaw ang boarding announcement. Napatingin si Sol sa monitor. "Time na." Tumango si Cris, kahit halatang ayaw pa nitong bumitaw. Dahan-dahan silang tumayo. Mahigpit siyang niyakap ni Cris. "Mag-iingat ka." "Ikaw rin." "Huwag kang magpapagod masyado." Napangiti si Sol. "Promise." Marahan siyang hinalikan ni Cris sa noo at sa labi bago siya muling niyakap ng mahigpit. "I love you." "I love you too." Huminga nang malalim si Sol bago hinila ang kanyang maleta at naglakad papunta sa boarding entrance. Ilang hakbang pa lamang ay muli siyang lumingon. Nakatayo pa rin si Cris sa parehong puwesto. Nakangiti. Pero halatang pilit lamang nitong itinatago ang lungkot. Kumaway si Sol. Kumaway rin si Cris. Hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa likod ng security checkpoint. Nanatili pa ring nakatayo si Cris sa kanyang puwesto. "Six months… at uuwi na rin ako, Babe." __________________________ Tatlong buwan ang lumipas... Halos magkasunod na dumating ang mga pagbabagong ma
“Manong, pwede bang huminto muna tayo… nasusuka ako.”Napatingin agad ang driver sa rearview mirror, halatang nag-aalala. “Ma’am, malapit na po tayo sa simbahan, konti na lang...”“Please… hindi ko na kaya,” sabat ni Sol habang pinipikit ang mga mata at pinipilit magmukhang nahihilo.Hindi na ito n
Nag hahanda na sila umuwi.. Before they left the resort, namili muna sila sa souvenir shop. Habang abala ang lahat sa pamimili ng mga souvenir items, pasimpleng lumapit si Cris kay Sol. Tahimik niyang hinila palabas, pumunta sila sa likod ng shop. “Bakit ba… ano ginagawa natin
“Okay… makinig muna kayo lahat…” Maaga pa lang pero buo na ang presensya ni Cris sa gitna ng karinderya habang tinipon niya sa harap niya ang mga tauhan. Magaan ang galaw niya ngayon, parang walang bakas ng awkward na nangyari kahapon. Saktong pagpasok ni Sol… siya ang huling dumating. “Sorry… l
“Ano ang pangalan mo, miss?”Tanong ng pulis habang nasa loob na sila ng estasyon.“Ann… ako si Sol Pedrino.”Muntik pa niyang masabi ang totoong buong pangalan. “Kayo, sir, ano ang pangalan?”“Ah… Crisanto Domingo po.”Sa tabi, ngumisi nang bahagya si Sol.“Hmm… ang panghi naman ng pangalan,” bu







