LOGIN“Ang aga naman natin… sino bang excited dito ha…” “Tingnan mo sarili mo, Bella… ikaw yung pinakamadaldal simula kanina…” natatawang sagot ni Dianne habang inaayos ang buhok. Maaga pa lang pero puno na agad ng ingay at tawanan ang loob ng van. Halo-halo ang kwentuhan, kantahan, at asaran na parang walang pakialam sa mahabang biyahe. Sa unahan, tahimik lang si Cris sa passenger seat, nakatanaw sa daan, pero paminsan-minsang sumisilip sa salamin, tila nakikinig din sa kasiyahan sa likod. Sa likod niya, sa may bintana, si Sol… katabi si Dianne. “Ang ganda ng view…” bulong ni Sol habang sinusundan ng tingin ang mga punong nadadaanan. “Mas maganda ka…” pabirong sagot ni Dianne sabay tawa. “Loko ka talaga…” sagot ni Sol pero napangiti rin. Sa kabilang side, likod ng driver, ang kambal na abala sa sariling mundo at nag-aagawan ng chichirya. Sa pinakadulo, magkakatabi sina Nanay Delia, Manang Hilda, Gemma, at Nilo, habang si Brownie ay tahimik sa loob ng cage. “Ang kukulit ninyo…” rek
“Okay… makinig muna kayo lahat…” Maaga pa lang pero buo na ang presensya ni Cris sa gitna ng karinderya habang tinipon niya sa harap niya ang mga tauhan. Magaan ang galaw niya ngayon, parang walang bakas ng awkward na nangyari kahapon. Saktong pagpasok ni Sol… siya ang huling dumating. “Sorry… late na ba ako…” sabi niya, bahagyang hingal. “Okay lang… timing lang dating mo,” sagot ni Cris, mabilis na ibinalik ang focus sa topic. “Magre-reshuffle tayo ngayon…” Napatingin ang lahat. “Gemma… ikaw muna sa cashier. Nilo… ikaw mag-aasikaso ng customers. Manang… sa kusina ka pa rin…” Saglit siyang tumigil… saka tumingin kay Sol. “Ikaw… sa kusina rin… kasama ko.” Sandaling katahimikan ang sumunod. Sa likod ng counter, si Anton abala sa tuta, inilalagay ito sa cage. “Behave ka muna dito, Brownie ha… uuwi kami ng maaga…” bulong niya habang sinisigurong nakasara. Kasabay nito, pababa ng hagdan si Bella… at naabutan ang huling sinabi ni Cris. “Si ate Sol… sa kusina?” sabay taas ng kil
“You are safe now… I think wala nang sumusunod sa’yo…” Nahimasmasan si Sol. Agad siyang kumawala sa bisig ni Cris, halatang nagulat sa sarili niyang ginawa. “Ahmmm… sorry… and thank you…” “Hindi ka na dapat lumalabas ng ganitong oras mag-isa… dis oras na ng gabi…” “Kasi naiwan ko yung…” “Yung phone mo?” sabat ni Cris hindi na pinatapos si Sol sa pagsasalit sabay abot ng cellphone sa kanya. “Eto… ihahatid ko din naman sana… ang daming messages baka emergency…” Biglang nabalisa si Sol. “May… nabasa ka ba?” tanong niya, nauutal. Umiling si Cris. “Hindi ha… hindi ko ugaling magbasa ng message ng iba…” Saglit siyang napatitig sa kanya, saka bahagyang tumango. “Kung ganun… salamat dito. ” Nagkatinginan sila. May sandaling tila may hinihintay pa silang sabihin, pero parehong hindi sigurado kung sino ang mauuna. “Sige… uwi na ako…” “Hatid na kita… baka bumalik yung tinakbuhan mo kanina…” Ngumiti si Sol at tumango. Sabay silang naglakad papunta sa direksyon ng Pedrino residence.
“Hoy… ibalik mo na sabi ’yan…!” “KUYA?!” “Bakit ka sumisigaw, Bella…” tanong ni Anton habang bumaba rin para alamin ang nangyayari.Paikot-ikot si Cris sa pagitan ng mesa, hinahabol ang tuta na kagat ang brief niya. Halos madulas siya habang pilit inaabot ito, hawak ang tuwalya sa baywang. Tumawa nang malakas ang kambal habang pinapanood ang habulan, tila mas nae-enjoy pa ang eksena kaysa tumulong. “HAHAHAHA kuya bilisan mo!” “Tumahimik kayo!” sagot ni Cris, sabay sabat sa direksyon ng aso hanggang sa sa wakas ay nasunggaban niya ito at nabawi ang brief. Hindi na siya nagtagal pa. Bahagya siyang napalingon, saka biglang natauhan at kumaripas agad paakyat ng hagdan, hawak ang tuwalya at brief na parang ayaw nang maulit ang nangyari. “Kuya naman!” tawa pa rin ng kambal. Tumingala si Anton mula sa ibaba, kalong na ang tuta, halatang aliw na aliw. Huminto si Cris sa kalagitnaan ng hagdan, hindi na lumingon. “Maliwanag kong sinabi kagabi na responsibilidad ninyo ’yan… itali ninyo
“Grace…?” Napalingon si Cris nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran niya, kasabay ng paghinto ng taxi sa tapat ng bahay nila ni Dianne. “Cris… kamusta ka na?” halos sabay nilang nasabi, pareho pang napangiti pero halatang nagulat sa biglaang pagkikita. Sandaling natahimik ang dalawa, parang naghahanap ng tamang sasabihin, hanggang sa sumingit ang driver. “Ma’am, naibaba ko na po lahat ng bagahe ninyo.” “Ah sige kuya…” sagot ni Grace habang dumudukot ng pera sa bag. “Eto po… keep the change na po… salamat.” “Salamat po, ma’am.” Pagkaalis ng taxi, napansin agad ni Grace ang supot na hawak ni Cris. “Gabi na… magde-deliver ka pa ng ulam? Hindi ba nagsasara ka na pag ganitong oras?” tanong niya habang bahagyang nakangiti. “Ah… cancelled order lang ’to… sayang naman kasi, ibibigay ko na lang sana kay Aling Delia,” sagot ni Cris, halatang pilit maging kaswal. “Ah ganun ba…” lumapit si Grace ng kaunti. “Sana sa akin na lang… hindi pa kasi ako naghahapunan.” Saglit na nag-isi
" Oh... nasaan na si Eugene? " Pagpasok pa lang sa bahay, agad na hinanap ni Dianne ang bisita. Si Sol na lang mag-isa sa sala. “Umalis na ang bisita mo, Sol?” tanong ni Nanay Delia habang inilalapag ang mga pinamili. Tumango si Sol. “Oo... nagmamadali rin siya. Sa barko na lang daw magla-lunch dahil may ka-meeting pa mamaya...” “Sayang... hindi niya natikman ang pagkain...” “Hayaan mo na...” sagot ni Sol, pilit magaan ang tono. “Masarap pa rin naman kahit tayo-tayo lang. Tayo na lang kakain ng lahat niyan...” napahawak siya sa kanyang tiyan. “Tamang-tama... nagrereklamo na ang sikmura ko.” Umupo silang tatlo sa hapag, at agad napuno ng ingay ang bahay. “Grabe... ang sarap talaga magluto ni Crisanto... ano kaya ginagawa niya dito?” sabi ni Sol habang tuloy-tuloy ang kain, halos hindi na humihinto. Napatingin si Dianne, nakangisi. “Uy... parang gutom na gutom ah.” “Sinabi mo pa...” sagot ni Sol na hindi man lang tumigil sa pagsubo. “Swerte magiging asawa ni Cris...” dugtong







