LOGINChapter 21 Nagpapatuloy kami sa paglalakad palabas ng building nang biglang tumunog ang phone niya. Sinagot niya agad. Tahimik lang ako sa tabi, kunwari walang pakialam pero syempre, nakikinig ako. Ilang segundo lang napailing siya nakatingin sa akin. Parang alam nitong makikinig ako kaya ibinaba ang tawag. Ano ba yan, wala naman akong narinig. Kailangan ko maglinis ng tainga para maka tsismis ako hehehe. “Go home,” bigla niyang sabi matapos seryoso tumingin sa akin. Napakurap ako sa aking malaking mata. “Lah siya,” busangot kong sagot, “paano ako makakabalik sa palasyo mo? Hindi ko nga alam address!” Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. “Tsk! Ipahatid kita sa company driver,” malamig niyang tugon. “I have an important meeting. Ayaw ko ng may sumusunod sa akin na parang anak ko.” Napasinghap ako. “Wow ha!” sagot ko. “Anak agad? Eh kasalanan mo din naman ‘to, nagpakasal ka sa babaeng may 40 years gap sa’yo!” Bigla niya akong sinamaan ng tingin. Ay… mali ata ang lum
Chapter 20“Hahaha, impressed.”Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Mukhang nasa early 30s, maayos ang postura, at halatang hindi basta-basta ang estado sa kumpanya.“Kahit mas bata ka kay Mrs. Ortiz ay mas marami kang alam tungkol sa batas,” dagdag niya, may halong amusement sa boses. “Hmm… why don’t you continue your study?” Napangiti ako ng kaunti.“Ahh… hehehe,” sabay kamot ko sa batok, “nag-iipon pa ako para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko, Mister…?”“John Belmont,” sagot niya, sabay abot ng kamay. “Just call me John.”Tiningnan ko ang kamay niya saglit bago ko tinanggap. “Sky,” sagot ko, simple lang.“Nice to meet you, Sky,” sabi niya, may kakaibang kislap sa mata. “Sayang ang talent mo kung hindi mo itutuloy.”Napangisi ako. Dahil may talent raw ako. Wow ha… ngayon lang may naka-appreciate. Pero bago pa ako makasagot sa sinabi nito ay magsalita ang katabi ko.“Meeting is not yet adjourned.” Biglang bumaba ang temperatura ng paligid.Diretso ang tingin niya kay John. Tahimik
Chapter 19Tahimik ang buong conference room. Tanging tunog lang ng keyboard ang maririnig habang minamadali ng staff ang paglabas ng full access logs.Tick… tock… tick... tock...Parang bawat segundo ay mas lalong umiinit ang laban.Sumandal ako sa upuan ko, naka-cross arms, kunwari relaxed.Pero sa totoo lang? Naka-ready na ako mangagat. Sumulyap ako kay Celine. Kanina confident. Ngayon ay medyo… stiff na ang kanyang galaw." Ay… kinabahan?" sambit sa aking isipan habang may ngising nakapaskil sa aking labi.“Sir…” biglang sabi ng staff. “Nandito na po.”Lahat napatingin sa screen. Syempre pati ako.dahil dakilang tsismosa kaya ako. Kaya tumayo ako upang makita ko ng malapitan.“Read it,” utos ni hubby.“Yes, sir.” Huminga nang malalim ang staff. “Transaction time: 9:14 AM…” nasa nito habang kami ay tahimik lamang nakikinig. “Access granted using internal credentials…”Napataas ang kilay ko. Internal? So hindi outsider.“User ID…” Saglit siyang natigil parang nag-aalangan.“Go on,”
Chapter 18 “Wait… saan tayo pupunta?” tanong ko habang mabilis ang lakad niya. Hindi man lang lumilingon. “Company…!” diretso niyang sagot. Kaya napangisi na lang ako saka biglang naisip ko na. Ohhh… ito na ‘yon. Parang eksena sa teleserye. Ako ang bida. At si Celine? Kumokontrabida na palaka. “Okay, tanda -este, hubby pala!” habol ko, sabay mabilis na hakbang para maabutan siya. Napailing siya. “Hindi ka talaga nagbabago.” “Bakit? Gusto mo ba magbago ako? At saka pangalawang araw pa ako dito sa palasyo mo naglabasan na ang mga daga.” balik ko agad. Saglit siyang tumingin sa akin. “Hindi. At isa pa kaya sila lumabad dahil sa ingay mo.” " Hala siya, maingay na talaga ako?" "Oo!" Pagdating namin sa sasakyan, siya agad ang nagmaneho. Kaya bahagya ako nag aalala baka ma disgrasya kaming dalawa. "Wait, okay lang ba na ikaw ang magmamaneho?" ano ko dito. "Diyos ko Lord, gabayan mo kami. Ayaw ko pang mamatay." "Tsk! noisy!" sagot lamang nito kaya tumahimik na lamang
Chapter 17 Sky POV “Boysit…!” Napatalon ako sa lakas ng sigaw mula sa study room. “Paano nawalan tayo ng 2 million ng ganun kadali?!” sunod na sigaw. Napakunot ang noo ko. Wait… Parang pamilyar ang boses. Napangisi ako bigla. “Uy…” bulong ko sa sarili ko, “boses ni David ‘yun ah.” Hmm. Interesting. At dahil likas akong, ehem curious ay dahan-dahan akong lumapit sa pintuan nag tiptoe pa na parang ninja at sabay dikit ng tenga ko sa pinto. Yes, Sky. Very classy. Tahimik akong nakikinig. “Hindi pwedeng mawala ‘yan nang walang galaw sa system!” boses ulit ni—este, ni David… o ni hubby? Hay naku. Nalito na ako kung si David na ito o.anh asawa ko. Pero.magkabosea nga pala silang dalawa dahil pamangkin niya ito. “Sir, chine-check na po namin lahat ng access logs—” sagot ng isang staff na pumunta dito sa mansion. “Check faster!” matigas na utos niya. Napanganga ako ng bahagya. Ay… galit na galit si lolo ah. Pero wait, 2 million? Hmm…. parang may kakaiba. “Impossible na walang tr
Chapter 16 Kinabukasan, maaga pa lang nasa labas na ako ng kumpanya ni Tito. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko ay mas okay ito. Kahit na medyo kabado. Pero mas nangingibabaw ang isang bagay na desperasyon. Huminga ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan. “Relax, Celine…” bulong ko sa sarili ko. “Kaya mo ‘to.” Dire-diretso akong pumasok sa building. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng mga empleyado. “Good morning, Ma’am Celine.” Ngumiti ako `yung normal at walang bahid ng plano. “Good morning,” sagot ko, kalmado. Pero sa isip ko ay kailangan kong mag focus. Hindi ako pwedeng magkamali. Dumiretso ako sa elevator. Pinindot ang floor kung saan matatagpuan ang accounting department. Habang paakyat napapikit ako sandali saka inaayos ang aking sarili. Inaalala ang plano. Simple lang, kukuha ako ng 2 million at tatapalan ang records. At kung may magtanong walang iba ididiin kundi si Sky. Pagbukas ng elevator ay tahimik ang hallway. Konti pa lang ang tao. Hmm, perfect.







