“Clairox, mag-isip ka ng paraan para makalusot ka sa kakambal mo! Pag nalaman niyang alam mong sinundan mo siya… baka ito na ang huling araw na magiging malapit kayo sa isa’t isa.” Sa isip iyon ni Clairox, habang ramdam niya ang bigat ng kaba sa dibdib. Para siyang nilalamon ng tensyon, nanginginig ang kanyang kamay na hawak ang strap ng bag. Si Mr. V naman ay nanatiling nakatitig sa kanyang kakambal—matatalim ang mata, malamig ngunit may halong lungkot na pilit niyang itinatago. “Umalis ka na lang… magdahilan ka na lang at papayagan kitang makaalis kaagad!” Saad ng isip ni Mr. V, o mas kilala bilang Roxiel. Ang bawat tibok ng kanyang puso ay parang martilyong kumakatok sa kanyang dibdib. Ayaw niyang masira ang tiwala ng kambal, pero ayaw niya ring masangkot ito sa panganib ng kanyang mundo. Samantala, sa isang madilim na sulok ng lumang gusali, may dalawang matang nagmamasid na puno ng pagtataka at pananabik. Si Ivony Cruz iyon. Hindi siya mapakali mula kanina at bumalik para
Sa loob ng Zealand House, habang abala si Carolina sa pag-aayos ng mga papeles, biglang dumating si Dark Nathaniel Clinthon Villamonte at nakangiti itong parang may itinatagong sikreto. Dark: “Honey… sino yung kausap mo kanina? Ang seryoso kasi ng mukha mo eh, parang nagte-telenovela kayo sa telepono.” sabay kindat na parang detective. Carolina: “Ah si Mr. Villar ‘yon, yung binatang nakapansin noon sa gulong ng sasakyan… yung dapat magde-deliver ng fake na diamond necklace.” Dark: “Ahh, kaya pala parang nagkukwento ka ng action movie! Seryoso nga ‘yon. Wala pa ring balita sa diamond necklace… sana nga magtagumpay ka sa plano mong auction.” Saglit siyang tumigil, saka ngumisi ng maloko. “Pero bago ‘yan, may bisita tayo, honey… at sigurado, mapapangiti ka ng sobra.” Carolina: (napataas ang kilay) “Talaga honey? Sino na naman ‘to? Baka naman surprise delivery ng utang mo ha!” sabay tawa. Dark: “Hindi ah! Hahaha! Eto legit— si Doctora Terisita mismo. Narito siya para dalawin ka…
Makalipas ang ilang sigundong pagsusuri ni Mr. V sa paligid ng kanilang hideout, bahagyang kumunot ang kanyang noo. Tahimik ang paligid, tanging ihip lang ng hangin ang maririnig. “Baka pusa lang ang naglikha ng malakas na kalabog sa labas. Ituloy na natin ang usapan at nang makaalis na tayo kaagad,” seryosong saad ni Mr. V, sabay sulyap sa apat na kababaihan na tila ba pinipigilan ang kaba sa dibdib. “Makaalis kaagad?!” halos pasigaw na tugon ni Ivony. Nakakunot ang kanyang noo, ngunit ang paraan ng kanyang pagkakaupo ay tila wala nang pakialam sa mundo—nakabukaka na para bang hindi siya isang babae, bagkus ay isa ring lalaking sanay makipagsagupaan. Napatingin sa kanya si Mr. V, matalim ang tingin na animo’y tumatagos. “Miss Ivony Cruz! Kung ayaw mong kumilos na parang babae, umalis ka na lang. Dahil kung mas malala kang kumilos ngayon tulad na lang nung dati—” “Oooopppsss! Mr. V, wag mo nang ipaalala pa ang matagal na!” mabilis na putol ni Ivony, agad na nagbago ang kanyang
“Narito na silang lahat,” mahinahong saad ni Mr. V habang papalapit sa kanilang grupo. Ang kanyang tinig ay may halong kasabikan at bigat, na para bang matagal na niyang inantay ang sandaling ito. Pinagmasdan niya ang bawat isa, saka marahang ngumiti. “Lalo pa kayong gumanda,” dagdag pa niya, puno ng paghanga at sinseridad. Ngunit nang dumapo ang kanyang mga mata kay Ivony, tila tumigil ang kanyang mundo. Sandali siyang natigilan at unti-unting kumunot ang kanyang noo. Sa ilalim ng kanyang isip ay dumaloy ang inis na hindi niya mapigilan. “Wala ka pa ring pinagbago, Ivony! Sayang ang ganda mo kung mananatili kang tila isang babaeng walang respeto sa sarili, batay sa iyong kilos at pananamit,” mariin niyang bulong sa kanyang sarili, may halong pagkadismaya. Samantala, si Ivony ay hindi maitago ang matinding kasabikan. Mula pa lang nang marinig niya ang pangalan ni Mr. V, parang bata siyang sabik na makasalubong ang matagal na inantay. Kumikinang ang kanyang mga mata at mabilis ang p
Pagbukas ng pintuan, agad na napahinto si Roxiel nang makita ang kakambal. “Ang bilis mo namang nakauwi, Kambal! Kanina lang ay nasa paaralan ka pa,” sambit niya, halos hindi maitago ang pagkagulat. Ang kanyang tinig ay may halong pagtataka at tuwa, habang ang mga mata’y nakatuon kay Clairox na nakaupo na sa sala, payapa at wari’y matagal nang naroon. Habang lumalapit, marahang kumislot ang labi ni Roxiel upang itago ang tunay na iniisip. Sa loob ng kanyang isipan ay kumislap ang isang tanong: “Paano ko kaya kukunin ang aking mga kagamitan sa aking silid?” Bahagyang natawa si Clairox, may kasamang ngiting pilyo sa kanyang mga labi. “Hahaha! Kakambal, nagpapatawa ka na naman. Alam mo namang pareho lang tayong pumapasok sa iisang paaralan—College pa nga! Bakit ka pa nagtataka kung nandito na ako, eh narito ka na rin naman, Roxiel,” biro niya, habang umiling-iling na parang natatawa sa simpleng tanong ng kapatid. Sandaling natahimik si Roxiel, ang kanyang ngiti’y medyo pilit, w
“Sino kaya ang babaeng iyon?” bulong ni Roxiel sa sarili habang mahigpit ang kapit niya sa strap ng kanyang bag. Hindi maalis sa isipan niya ang titig ni Steffie at ang salitang binitawan nito. “Paano niya nakilala ang apelyedo namin? Hindi kaya si Clairox ang talagang hinahanap niya—ang kakambal ko?” Saglit siyang napabuntong-hininga, at saka marahang tumango, tila nagsisisi. “Sht… sayang. Ngayon ko lang naalala.”* Mabigat ang loob nang siya’y paangkas na sa kanyang motorsiklo, handa nang lisanin ang eskuwelahan upang makalayo sa palaisipan. Ang malamig na hangin sa parking area ay tila ba nakikisama sa kanyang kaba—sumisipol sa pagitan ng mga nakaparadang sasakyan, habang ang araw ay nagsisimula nang dumilim sa dapithapon. Ngunit bago pa niya masindihan ang makina, isang hindi inaasahang eksena ang gumulat sa kanya. Apat na kababaihan ang sabay-sabay na dumating sa parking area. Ang kanilang presensya ay agad nakatawag