Share

Chapter 155.1

last update Huling Na-update: 2024-08-14 07:24:48

Kinabukasan, kung hindi pa siya ginising ni Lucas ay hindi pa siya magigising dahil sa sarap ng tulog niya. Agad na siyang nagbihis at naligo pagkatapos nun dahil nga kailangan niya pang pumasok sa ospital. Bago pala siya pumasok ay may ibinigay itong kwintas sa kaniya, yung katerno nang hikaw na ibinigay nito sa kaniya noong nakaraan. Napangiti na lang siya sa loob-loob niya at naalala niya ang lolo nila na kung nakikita lang siguro sila nito ay magiging masaya ito.

Inihatid siya ni Lucas sa may ospital. Dahil nga medyo tinanghali na siya ay hindi na niya nakuha pa ang mag-almusal. Nag-leave ang assistant ni Dr.Belle kaya siya na muna ang pumalit rito. Nagsasagawa ito ng konsultasyon ng mga oras na iyon at ang pila ay napakahaba hindi lang sa labas ng pinto kung hindi hanggang sa corridor, ang mga tao ay nagsisiksikan upang makapila lamang.

Si Dr.Belle ay napakabait na tao, kahit anong oras kahit na tapos ang check up niya sana basta may dumating kahit gaano pa ito ka-huli sa oras ay
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (13)
goodnovel comment avatar
Domingo Navarro Edith
good job ka jan Annie,wag Kang papa api sa babaeng Yan.
goodnovel comment avatar
Ma Kosem Nashia Ally
ay nku mgulo tlga c Trisha Lucas tapon muna yn
goodnovel comment avatar
Beth Serrano
Ganyan nga Annie labanan mo yan Trisha na yan.at yan Tungkillo sa kwintas ay Hindi ibinigay ni Lucas sa knya sau nya pinabibigay yun kc kla nya di na siya mkakaligtas.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   EPILOGUE

    Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 163

    Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.4

    Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.3

    “Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.2

    Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.1

    “Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status