Umuugong ang bulung-bulungan sa simbahang kinaroroonan ng pamilya Sandoval. Inip na sa paghihintay sa bride ang lahat ng naroon. May ibang nag-aalala.
“Baka naaksidente na ang bride.”
“Susmaryosep, wala naman sanang masamang nangyari sa babaing yun!”
Hindi mapakali ang groom, panay ang punas nito ng panyo sa pinagpapawisang mukha. Ramdam ang pagkapahiya, dahil dalawang oras na ang nakalilipas sa takdang oras ng kasal, ay hindi pa rin dumarating ang kanyang pakakasalan.
Biglang hinimatay ang mama ni Tony, matapos bulungan ng isa sa mga staff ng security force na siyang nagtsi-check sa pamamagitan ng pagtawag sa phone, kung saan na naroon ang babaing ikakasal.
Nanlamig ang buong katawan ni Tony ng ibulong din sa kanya ng kanyang best man ang bagay na ibinulong ng security staff sa kanyang mama.
Wari ay gustong magwala sa galit ang papa niya.
“Hindi ko matatanggap ang kahihiyang ito!” sa pagitan ng nagngangalit na mga ngipin lumabas ang mga salitang sinabi.Alam na ng lahat ng nasa simbahan ang pagtakas ng bride.
At ang pagkapahiya ay animo sugat na binudburan pa ng asin, nang marinig ni Tony ang usap-usapan sa paligid.
“Natanggalan siguro ng helmet ‘yung bride, tapos nauntog. Ayun, natauhan. Tumakas!”
“E, ampangit naman kasi ng groom! Kahit ako, hindi ako magpapakasal sa ganyang kapangit na lalake!”
Napakasakit na mga panlalait!
“Mayaman ba talaga ‘yan? Dapat nagpaplastik surgery siya kung talagang mayaman siya!”“Baka naman scam lang ang yaman niyan. Nagkunwaring mayaman para makabingwit ng mayaman.”
“Bakit mayaman ba ‘yung bride?”
“Mayaman ang mga Samonte!” singit ng isang hindi naman kasali sa usapan.
Nilait na siya, inupasala at hinusgahan pa ng mga taong walang alam sa puno’t dulo ng mga pangyayaring nagaganap.
Napatulala si Tony. Hindi malaman kung ano ang gagawin ni ang iisipin. Namamanhid ang kanyang mukha sa pagkapahiyang nararamdaman. Manhid rin ang kanyang utak, sa pag-iisip ng dahilan kung bakit siya nalagay sa ganoon katinding kahihiyan.
“Pangit kasi”, nasagap ng tainga niyang komento ng isang pintasera,“malamang tinakot lang ang bride kaya napilit sa pagpapakasal at tumakas ng makatiyempo ng pagkakataong makatakas.”
Sari-saring istorya na ang nabuo. Iba’t ibang haka-haka, na lahat ay lumalait at umuupasala sa kapangitan ni Tony Sandoval.
Kapangitang hindi niya alam kung kaninong ninuno niya namana.
Beautiful couple kung tagurian ang kanyang mga magulang. Wala siyang nakitang pangit sa sino man sa mga buhay niyang kamag-anak.
“Bakit ako lang yata ang nag-iisang pangit sa lahi namin?” ang nagtutumining na tanong sa kanyang isip.
Kung siya lang ang nasunod, hindi sana niya sinapit ang pagkapahiyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
Maraming ulit na niyang tinangka ang pagpapa-cosmetic surgery, subalit lagi itong tinatanggihan ng kanyang mama.“Bigay sa iyo ng Diyos ang mukha mong iyan, kaya hindi mo dapat baguhin.” Iyon ang laging sinasabi ng mama niya sa tuwing malalaman nito ang balak niyang pagpapaayos ng mukha.
Grabe sa pagiging maka Diyos ang kanyang mama.
“Hindi kasi siya ang nalalait. Hindi siya ang inuupasala at nakakaramdam ng pagkapahiyang nararamdaman ko.”Katulad niya, hindi rin magawa ng kanyang ama na makipagtalo sa asawa. Lagi itong umaayon sa dikta ng kanyang ina, dahil sa takot na biglang mamatay ito kapag nakipag-argumento at manikip ang dibdib sa pakikipagtalo.
May sakit sa puso ang mama niya at hindi kakayanin ang matinding emosyon, bagay na matagal na nilang alam na mag-ama.
…….Maingay ang sirena ng police mobile habang halos isinisibat itong patungo sa pinakamalapit na ospital.
Ang police mobile na iyon kasama ang mga naka motorsiklong hagad ang i-escort sana sa sasakyan ng mga bagong kasal (kung hindi tumakas ang bride) papunta sa pagdarausan ng wedding reception.
Wedding reception na ginastusan ng milyong piso, binale wala lang ng babaing tumakas sa kasal.
“Napaka walang konsiderasyon!” ang nasambit ng wedding planner ng malaman ang pagtakas ng bride.
Kayang bale-walain ng mga Sandoval ang lahat ng tumapong salapi sa kasalang hindi nagkaroon ng kaganapan.
Ngunit ang hindi nila mababale wala ay ang mga uyam, pagtatawa at insultong matatanggap mula sa mga kakilala, kamag-anak at kaibigan.
Ang wedding of the century na ipagyayabang sana ni Senyor Gaspar at ipamamayagpag sa lahat ng uri ng media, ay naging isang kahihiyan at iskandalo ng siglo.
Ilan lang ba ang makakaunawa? Ilan ang totoong dadamay sa kanila sa daigdig nilang puno ng kaipokritahan at kayabangan?
Agad sinalubong ng mga nurse at attendant ang dumating na pasyente. Organisado ang bawat galaw na agad itong isinakay sa may gulong na higaan at ipinasok sa emergency room. At segundo lang ang dumaan matapos buksan ang pinto ay muling sumara iyon.
Naiwang nakatayo sa harap ng saradong pinto ang mag-amang Sandoval.
*******
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama