Mag-log inSanay na si Ivory sa mga negatibong opinyon na ipinupukol sa kaniya. Open book naman kasi ang fairy tale nina Levi at Chesca. Siyempre, sa kwento ng dalawa'y siya ang laging kontrabida. Pagod na siyang patunayan ang sarili. Pagod na siyang magpaliwanag kahit sa tibok ng puso niya para lang gumaan ang kaniyang pakiramdam at ang bigat sa kaniyang konsensya.Nagulat siya nang pumulupot ang braso ni Levi sa kaniyang baywang at hinapit siya nito, walang babalang hinalikan sa labi. Kasunod ng halik na iyon ang nagkikislapang camera. Of course, this is just for a show. Ipapakita lang nila na maayos pa rin ang pagsasama nila at walang basehan ang kumakalat na tsismis na maghihiwalay na sila. "Hanggang kailan ba natin gagawin ang drama na ito. Hindi tayo okay, may issue ang marriage natin. Gusto mo lang i-build up ang character ni Chesca gamit ang symphaty ng mga tao tapos sisirain mo ako dahil ako lagi ang lalabas na kontrabida," sumbat ni Ivory sa asawa pagbalik nila ng unit. "I'm really a
Hinagkan ni Levi ang kamay ni Ivory at pinangko ang babae, dinala sa kama. She's exhausted. Sandali lang daw pero nakatatlong ulit sila sa couch. "I'm so sleepy," angal ni Ivory."Matulog ka, babalikan kita pagkatapos ng meeting ko ." Ibinalabal ni Levi sa kaniya ang kumot. "I will transfer 500 million to your account tomorrow." Lumayas ang antok niya at napadilat ng mga mata si Ivory. "Five hundred million? Talaga?" bulalas niya."Yes, just promise me never to bring up annulment again." Ngumuso si Ivory. Kaya pala, babayaran siya nito para hindi na niya ipipilit ang annulment. Malaking halaga iyon pero isasakripisyo na naman ba niya ang sarili ang kaniyang kalayaan para lang sa pera? Kinapa niya ang tiyan. Sapat na sa kaniya ang 80 million. Mabubuhay na sila ng komportable ng kaniyang anak. "Wag na," sabi niya at nagtalukbong ng kumot. Nakatulog siya at binalikan ni Levi nang madaling araw. Amoy alak ang asawa niya nang mahiga sa kaniyang tabi. Late na siyang bumangon kinabukasa
Nakasimangot na hinagis ni Ivory ang cellphone sa kama at padaskol na naupo sa couch. Mapapanis siya rito sa bahay. Gusto yata ng lalaking iyon na mabaliw siya sa inip at wala na siyang choice kundi sumama sa bodyguards nito para sumunod kung nasaan ito ngayon. "Ivory, nasa telepono si Madam Claudia," abiso ni Manang Laura sa kaniya. Nalukot ang mukha niya. "Ano'ng kailangan niya? Pakisabi po tulog ako at masama ang pakiramdam, ayaw ko po siyang kausapin."Marahang tumango ang kasambahay at iniwan siya. Pero bumalik din ito, dala ang telepono. Sa landline na ito tumawag kasi naka-block ito sa cellphone niya. Mula noong sabihin nitong wag tawagin na mommy dahil hindi siya nito matatanggap, tinanggal na rin niya ito sa kaniyang sistema.Kinuha niya ang telepono. "Bakit po?" Bakas ang antagonismo sa kaniyang tono. "Ano'ng ginawa mo kay Levi?""Pinatay ko po siya, kaya lang may siyam na buhay po kaya ayon masigla pa rin at malusog.""Sagutin mo ako ng maayos!""Pati ba kayo, kailangan
Dalawang araw ang dumaan mula nang tangayin ni Levi si Ivory sa Miracle Tower Garden. Hindi siya nag-stay roon ng isang araw, iniwan din niya agad ang asawa dahil may investors forum siyang dinaluhan. "Sir, na-deploy ko na ang mga tao natin," abiso sa kaniya ni Greg.Levi ordered to inspect all residences under Ivory's name. Pina-close monitor niya ang mga area, bakasali maligaw doon si Jancy. "Keep me posted," bilin niya bago lumabas ang security. Sakto ring tumunog ang cellphone niya. Si Ivory ang tumatawag. Inaasahan na niyang magtatalak na naman ito. Kinondisyon na niya ang tainga. "Nasaan na ang draft ng annulment na binigay ko sa iyo?" sikmat kaagad ng babae."Nawala, hindi ko maalala kung saan ko nailagay. Anyway, that is irrelevant. Kilala mo ako, I seldom put my attention to useless stuff." Ngumisi siya.Parang nai-imagine na niya ang simangot at pamumula ng mukha ni Ivory dahil sa inis. "Don't worry, we can draft another one. Do you remember the contents of the draft? H
Iika-ikang bumangon si Ivory at naglakad palabas ng kwarto. Nagbihis siya ng bestida na may malambot na tila at suot ang branded na tsinelas. Bumaba siya ng pool area. Nadatnan niya roon ang bodyguards ni Levi na kino-confiscate ang cellphone ng ilang male models. "Sumama na lang kayo sa amin, idi-discuss ni boss ang compensation para sa inyo."Nakaramdam siya ng awa sa tatlong guests. Halata ang takot sa mukha ng mga ito. Bigla ring naging tahimik ang kanina ay masiglang paligid. "Ano ito? Hindi pa ba sapat na napapaligiran na ako ng mga bantay at may surveillance camera pa? Pati mga bisita ko ay gaganyanin ninyo na parang nakagawa ng krimen? 'Yong phone ko kinuha rin ni Levi, bawal akong umalis ng bahay. Kulang na lang i-kandado n'yo ako sa kwarto," angal niya.Tahimik lang ang mga bodyguard. Walang balak na magpaliwanag. Nagmana sa boss. Lumapit sa kaniya si Manang Laura."Ivory, Ma'am...sumunod lang sila sa utos ni Sir. Huminahon lang tayo. Tara na, naghanda ako makakain mo, inu
"Sigurado kang hindi siya na-scam? Maraming kumakalat na scam online investments ngayon." Pagtitiyak ni Levi.Umiling si Greg. "Hindi po, Sir." Matagal na siyang naglilingkod bilang head of security ni Levi. Marami siyang alam na inside information sa buhay ng mag-asawa. Saksi siya sa ups and downs ng relasyon ng dalawa. Isa na roon ang internal conflict sa pamilya ng Malthe. Madalas sabihin ni Levi noon na bahagi ng pamilya si Ivory mula nang pakasalan ito ng boss niya kaya natural lamang na bigyan ng proteksiyon. Hindi tino-tolerate ni Levi ang anumang istelo ng bullying pagdating sa asawa nito. Minsan, may gang na tinarget si Ivory, isa sa mga iyon ay attracted sa babae at sa pera na rin na binibigay ni Levi. Tinangka nitong kidnapin si Ivory. Doon nakita ni Greg kung paano magalit ang boss niya. Bali ang mga binti at pinakulong ang gang ng hanggang twelve years. Ilan sa mga miyembro at pinatay. Mula noon ay wala nang sumubok pa na guluhin si Ivory. "Sabi ni Manang Laura, bad m
Halata sa pagmumukha ng mga naroon ang inis kay Ivory. Siguro, kung hindi pa nagkunwari ang asawa niya na may pakialam ito sa kaniya, baka kanina pa siya sinabunutan doon at hinahamak. But to them, it is obvious that Levi wants to support his wife."Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka-close, an
Huminga ng malalim si Ivory. Sabagay, bakit pa ba siya magtataka kung alam ni Levi na parating siya? Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa'y kabisado na niya kahit papaano ang kakayahan at pwersa nito. Masyado itong maingat kahit sa pinakamaliit na detalye. Tuwing lumalabas ay may kasam
Sa guest room natulog si Ivory. Mahimbing at tuluy-tuloy ang tulog niya sa buong magdamag. Nakaalis na ng bahay si Levi pagkagising niya. Habang kumakain napansin niya si Manang Laura na tila may gustong sabihin pero nag-aatubili."May problema ba, Manang?" tanong niya sa kasambahay."Nag-away po
Pagpanhik ni Levi ng sala, nadatnan niya si Ivory na naghihintay. Nasa anyo nito ang pagkainip, pero nang magtagpo ang mga mata nila ay napansin niya ang pamilyar na kinang doon kasabay ang matamis na ngiti. Naglakad ito papalapit. "Maaga ka yata ngayon, dapat sinabi mo at nang nakapaghanda kami s







