Share

Chapter 3 - gathering evidence

Penulis: Kuya AP
last update Tanggal publikasi: 2026-05-14 08:23:09

Hindi papayag si Ivory na basta na lang ibasura. Tatlong taon silang kasal ni Levi, kung wala siyang magagawa para pantay na mahahati ang property, nangangahulugan lamang iyon na ang pananatili niya sa piling ng lalaki ay walang saysay. Parang lubid kung saan nakasabit ang mga alimasag, kung titingnan ay may pakinabang pero ang totoo ay walang kwenta.

"Kung mamatay ako, ibig sabihin may nangyaring homicide. Si Levi ang magiging primary suspect. Take note, Lucille, maglikom ka ng mga katibayan, tulungan mo akong gumanti at nang mapunta sa ating dalawa ang mana."

"Okay, I got it. Gusto ko 50% ha?" Tango ni Lucille.

"Magandang ideya," nag-thumbs up si Ivory at nagkatawanan silang magkaibigan. 

Maya-maya pa ay nagpatuloy na sa seryosong discussion para sa kaniyang annulment. Dahil walang pre-nuptial agreement, maraming terms and conditions ang kailangang baguhin. Binawi ni Lucille ang mga dokumento at inayos.

"Malaki ang pakinabang sa iyo na wala kayong prenup ni Levi. Kung susumahin natin, ang property na mapupunta sa iyo is at least ten million, in fact, hindi sa wala kang makukuha na higit pa pero I suggest that you stay civil with Levi. He is the kind of man that we can't afford to mess with."

"Alam ko iyon. Ang lalaking iyon ay mukha lang mabait at desente pero hindi ibig sabihin, easy enemy siya."

"Buti naman at alam mo." 

"Paanong hindi? Three kaming mag-asawa, kahit papaano ay na-research ko ang tungkol sa pamilya nila."

The Malthe clan is deeply rooted in power. Walang pinagkaiba sa ahas na sakop ang lupain. Ang kapangyarihan ng mga ito ay balot ng kulay, pula at maningning, itim na tila anino at puti na akala mo ay pag-asa ng sangkatauhan. Sa likod ng imahe at kayang burahin ng mga ito ang ordinaryong tao.

"Sa gagawin mo, parang sapilitan mong wawakwakin ang kaniyang laman at bigyan siya ng matinding alalahanin. Alalahanin mong hindi agad magiging epektibo ang annulment ninyo, kailangan mong mag-ingat," worried na pahayag ni Lucille.

"Thank you, Luci. Alam ko naman kung hanggang saan lang ang limitasyon ko. Hindi ako magiging sakim. Sapat lang kailangan ko, pera. Ayaw kong isakripisyo pati ang buhay ko."

Parang giyera rin ang pag-aasawa at hindi siya pupunta sa laban nang hindi handa. 

Pagkatapos nilang mag-usap ni Lucille ay kinontak naman ni Ivory ang grupo ng private detectives na kilala niya. Sikat ang mga ito pero hindi ganoon kataas ang naitatalang achievements sa ahensya. Biggest advantage niya ang pagiging confidential ng mga ito. Makatitiyak siyang hindi lalabas sa ibang tao ang anumang ipapatrabaho niya.

"I need you to monitor Levi's activities and location, also isama na ninyo si Franchesca." Binigay niya ang envelope na naglalaman ng profiles ng dalawa kasama na ang pauna niyang bayad. "Be sure to take photos of them especially their secret meetings. But I suggest you keep a certain distance. Hindi kailangang kunan ninyo ng picture kung ano ang ginagawa nila. Okay na ako sa larawan na magkasama silang pumasok at lumabas sa isang lugar. Mag-iingat din kayo dahil maraming bodyguards si Levi, lahat iyon ay may military background. Alerto sila at matalas sa kanilang paligid."

"This is noted, Ma'am."

"Don't worry, kung may mangyari man, ako na ang bahala, po-protektahan ko kayo. Iyon lang, babawasan ko ang payment." 

Walang umangal sa sinabi ni Ivory. Ayon sa kasunduan ay magbabayad siya ng 500,000 in cash, bilang advance. Ang balanse ay saka na kung mayroon nang resulta sa trabaho ng mga ito.

"Ma'am, gusto ko lang po ipaalala sa inyo na hindi magagamit ang mga ebidensya na makukuha namin sakaling aakyat ang kaso sa korte. If in case matalo kayo, labas na kami roon," pahayag ng head ng team.

"I know." Tumango siya. 

If ever aabot nga sila ni Levi sa korte, mahihirapan siyang ipaliwanag kung saan niya nakuha ang mga katibayan at kung wala siyang nilabag sa batas. Pero hindi niya hahayaang makarating sila sa demandahan.

"Wala kayong dapat alalahanin, ako lang gagamit sa mga larawang iyon. Basta magiging responsable kayo sa mga shots, pati na ang properties niya. I appreciate kung mapapabilis. Pwedeng hindi lahat, but you can check as much as you want."

Kilala niya si Levi. Ayaw nito ng kahit kunting issue sa reputasyon nito. Kapag may ebidensya na siya, magagamit niya iyon para isampal dito ang moralidad na kunyari iniingatan nito. 

Wala siyang pakialam kung magiging mediums ang mga iyon para akusahan niya ang asawa o atakehin ang konsensya, o kaya ay pang-blackmail dito. Basta ang bottom line, makakukuha siya ng property at magtatagumpay ang annulment.

Masakit sa puso. Nakakapanghina. Pero iniisip na lamang niya na magiging masaya siya pagkatapos ng hiwalayan nila. May pera siya at magagawa niya ng malaya anumang gusto niyang gawin. Kahit papaano ay sumigla ang kaniyang pakiramdam. She is hopeful for the good things to come in the future.

Pero hindi maganda 'yong mag-expect ng sobra. Sampung araw ang lumipas at naghihintay siya ng resulta mula sa detectives pero wala siyang natatanggap. Tinawagan niya ang head ng team.

"Ma'am, pasensya na po, pero ang daming bodyguards ng asawa n'yo, hindi kami makakuha ng pagkakataon para lumapit."

Walang pagkakataon? Laging nasa ceremonies ng ribbon cuttings si Levi, laman ito ng mga balita. Lahat ng event na dinaluhan ng lalaki ay covered ng media. Siguro nga, masyadong risky kung basta na lang lalapit ang mga detective. Malaking problema kung mahahala ang mga ito. Kahit nagbabayad siya pero malamang takot pa rin ang mga ito na banggain si Levi.

"Pero regular ang daily travel niya, Ma'am. Masusundan namin siya mula sa kompanya hanggang sa bahay, paminsan-minsan ay nagtutungo rin siya sa private bar, naglagay na kami roon ng surveillance, nag-iingat lang kami talaga na hindi mahuli."

"Okay, so there is no progress at all?" Nakadama si Ivory ng inis pero nagtimpi siya. 

"May file photo akong ipapasa sa inyo." 

Dali-dali niyang binuksan ang laptop at tiningnan ang file. Sasakyan ni Levi ang bumungad sa kaniya at may anino ng babae sa loob. Bulto iyon ni Franchesca. May address na naka-attach sa photo. 

Mabilis niyang tiniklop ang laptop nang marinig ang katok sa pinto. 

"Sino iyan?" tanong niya.

"Ma'am, pauwi na po si Sir!" sagot ng kasambahay mula sa labas.

Dali-dali niyang nilagay sa file folder ang photos at itinago ang laptop. Nag-ayos siya ng sarili at huminga ng malalim, Ikinalma ang sarili. Kailangan din niyang mag-ingat nang maigi. Matalas si Levi, oras na malaman nito ang binabalak niya, baka wala siyang makuha ni piso kapag naghiwalay na sila.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   84 - trending

    Dumating na parang bagyo si Claudia. Hindi lang marami ang dalang bodyguards, bawat isa sa mga ito ay may dalang stun gun at napapaligiran ng ilang sekretarya na may dalang mga dokumento at files. Halatang handang-handa ito. Pero ang mga pang-iinsulto, paulit-ulit pa rin. Una, minamaliit nito ang pinagmulan ni Ivory, tapos ikukumpara siya kay Chesca. Aminado naman siyang malayo ang agwat nilang dalawa. Pero naririndi na siya sa gasgas na mga salita ng kaniyang biyenan. May kalyo na ang puso niya kaya hindi na siya apektado pa."Hindi ka karapat-dapat, lumayas ka na sa pamilya ko ngayon din! Sinungaling ka, may sakit sa pag-iisip pala ang pamilya mo. Alam ko noong sinabihan kita na nagpapanggap ka lang na baliw, iyon pala totoo talagang may sakit ka sa utak."Pero ngumisi lamang si Ivory. "Bakit hindi mo pagsabihan ang anak mo na palayain ako at nang matapos na ang problema mo? Akala mo ba gusto kong manatili sa piling niya?""Ang yabang mo pa rin? Tingnan natin kung hanggang kailan k

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   83 - mental illness

    Nagkunwaring humikbi si Ivory at sisinghot-singhot na humilig sa dibdib ni Levi. Pagkahilig ay umirap siya. "Palagay mo magsusumbong si Chesca sa mommy mo?" tanong niya sa asawa. Mas maigi kung iyon ang gagawin ng babaeng iyon. Kailangan niya ng mas dagdag na pressure para tuluyan nang pumayag ang lalaki sa annulment. "Ivory, listen to me." Levi cupped her face and stared her directly. His eyes were unfathomable, up close, he possessed a cold hardness like an inorganic substance, making him difficult to see through. "If you want, I can distance myself from Chesca. In fact, after we ger married, I basically stayed away from places where socialites are rampant." Mahinahon itong nagsalita. "Who are you trying to fool? Yong si Gino lagi akong sinisendan ng mga larawan ninyo, kasama ang sinu-sinong mga babae." Umismid siya."That's business, most of them are representatives from the investors." "Rep na pang-seduce sa iyo? Para i-shortcut ang investments, I know." She brushed him off.B

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   82 - text

    "Okay lang talaga ako," giit ni Ivory paglabas niya ng banyo. "Wag mo nang abalahin ang doctor." Naglakad siya patungo sa couch. Kailangan niyang maupo kung hindi matutumba siya. "Do not lie to me, Ivory. Your face is pale and you're sweating a lot. Ang lamig ng mga kamay mo.""Dahil nga ito sa hyper ko. Mawawala rin ito mamaya.""Are you hiding something from me? Ayaw mong magpa-check sa doctor dahil takot kang malaman ko ang tunay mong kalagayan?" Kunot ang noo ni Levi at nakaukit sa mga mata nito ang iritasyon. "Bakit masyado ka naman yatang concern sa akin ngayon? Noong mga panahong lumalaban ako sa depression hindi ka naman ganyan," bahagya siyang natawa at inirapan ang asawa.Nagtagis ng mga bagang si Levi. "Ang galing mo talaga sa ganyan, no? Hindi halatang umiiwas ka lang. Tell me, are you pregnant?"Para siyang nakalunok ng tinik. Pinilipit niya ang mga daliri at tumikhim. "Hindi. Makikipaghiwalay na ako sa iyo tapos magpapabuntis ako? Ganoon ba ako katanga sa tingin mo? Pa

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   81 - doctor and diamond

    Habang nasa meetings si Levi, nakatulog sa loob ng opisina si Ivory. Nang magising siya ay wala pa rin doon ang asawa niya. May snacks sa center table pero ang mas umagaw sa atensiyon niya ay ang kislap ng diamond ring sa kaniyang daliri. Kailan pa iyon napunta roon?Sinipat niyang maigi ang singsing, kung anu-anong anggulo ang ginagawa. Wonderful! Umirap siya at bumuntong-hininga. The ring has a classic design. A platinum band with a ring of one-carat diamonds surrounding a six-carat blue diamond. This is her wedding ring. Hindi niya iyon madalas isuot. Nakatago lang sa gem safe roon sa old mansion's treasyre room. May bantay pa at iniingatan ng mga bantay na naka-duty lang sa lugar na iyon.Kailan iyon pina-deliver ni Levi? At hindi man lang niya namalayan kanina nang isuot sa kaniya ng asawa. Sobrang himbing siguro ng tulog niya. Parang gusto niyang matawa. 'Yong ang gulo ng kasal nila pero dapat pa siyang magsuot nitong wedding ring? Para ano?Kung hindi lang pretty ang diamond

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   80 - he knows?

    Umarangkada ang kaba ni Ivory. Paano kung maniwala si Levi sa sinabi ng bata? Dahil sa stress ay biglang humilab ang puson niya at sumakit ang kaniyang ulo. "Are you okay? Namumutla ka." Puna ng lalaki."Biglang sumakit ang ulo ko," angal niya para i-divert ang isip ng lalaki mula sa sinabi ng bata kanina. "Pumunta na tayo roon sa kabilang park." Humawak siya sa bisig ng asawa. Kailangan nilang makaalis, baka bumalik na naman ýong bata at kulitin siya ulit."I know what you're thinking, masyado kang defensive. Hindi naman sa ayaw kong magkaanak, kung nag-aalala kang baka hindi ko kilalanin ang bata o kaya ipapalaglag ko, nagkamali ka. Kapag nabuntis ka, itutuloy natin. Isisilang mo siya at aalagaan natin," pahayag ni Levi at hindi niya inaasahan iyon. Hindi sumagot si Ivory at tumango lang. Naglakad sila palabas ng park at binaybay ang kalye na maghahatid sa kanila sa kabilang parke. "Gusto mo bang mag-enroll sa workout?" tanong ni Levi."Para saan?""Para sa katawan mo.""No, I'm

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   79 - baby

    Ayon sa update ni Lucille, baka abutin ng isa't kalahating buwan ang processing ng annulment basta't may pera siya. Kung hindi sana magulo si Levi, sapat lang ang panahong iyon. Huminga ng malalim si Ivory matapos basahin ang chat ng kaibigan. Hindi rin talaga siya pwedeng umalis nang walang pera. Hindi niya maaring tipirin ang kaniyang anak. Kapag nakuha na niya ang pera, hindi siya magsasayang ng oras, aalis agad siya. Sapat na sapat na ang 500 million. Naidulog niya kay Lucille ang tungkol sa trabaho na inalok ni Levi kapalit ang malaking halaga na iyon. "I wish you both happiness," usal niya na nakatingin sa picture nina Levi at Chesca. Dead-end marriage ang mangyayari sa pagitan ng dalawa. Magkakaroon ng maraming anak sa future. Nilapag niya sa kama ang cellphone at sumaglit ng banyo. Paglabas niya ay nasa loob ng kwarto ang asawa. "Mamaya pa tayo aalis, di ba?" tanong niya rito."Hm, I just thought we can make love for an hour before going out." Ngumisi ito.Ikinalma ni Ivor

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   Chapter 7 - bouncing back

    Halata sa pagmumukha ng mga naroon ang inis kay Ivory. Siguro, kung hindi pa nagkunwari ang asawa niya na may pakialam ito sa kaniya, baka kanina pa siya sinabunutan doon at hinahamak. But to them, it is obvious that Levi wants to support his wife."Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka-close, an

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   Chapter 6 - amidst the wolves

    Huminga ng malalim si Ivory. Sabagay, bakit pa ba siya magtataka kung alam ni Levi na parating siya? Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa'y kabisado na niya kahit papaano ang kakayahan at pwersa nito. Masyado itong maingat kahit sa pinakamaliit na detalye. Tuwing lumalabas ay may kasam

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   Chapter 5 - stalking her husband

    Sa guest room natulog si Ivory. Mahimbing at tuluy-tuloy ang tulog niya sa buong magdamag. Nakaalis na ng bahay si Levi pagkagising niya. Habang kumakain napansin niya si Manang Laura na tila may gustong sabihin pero nag-aatubili."May problema ba, Manang?" tanong niya sa kasambahay."Nag-away po

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   Chapter 4 - loveless bed

    Pagpanhik ni Levi ng sala, nadatnan niya si Ivory na naghihintay. Nasa anyo nito ang pagkainip, pero nang magtagpo ang mga mata nila ay napansin niya ang pamilyar na kinang doon kasabay ang matamis na ngiti. Naglakad ito papalapit. "Maaga ka yata ngayon, dapat sinabi mo at nang nakapaghanda kami s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status