登入Huminga ng malalim si Ivory. Sabagay, bakit pa ba siya magtataka kung alam ni Levi na parating siya? Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa'y kabisado na niya kahit papaano ang kakayahan at pwersa nito. Masyado itong maingat kahit sa pinakamaliit na detalye. Tuwing lumalabas ay may kasamang bodyguards. Kapag nag-book sa isang lugar, gusto nitong organize at malinis. May karapatan din naman itong mag-demand dahil karamihan sa venue na binibisita nito'y may shares ang lalaki.
"Sigurado kang naninigarilyo ang asawa ko roon sa itaas?" baling niya sa manager.
Pinaharap sa kaniya ang manager para mapaalis siya, kaso lang, walang maayos na briefing. Hindi naman naninigarilyo si Levi dahil ayaw ni Franchesca sa amoy ng usok ng sigarilyo.
"Oo, Ma'am." Tumango ang manager. "May iba pa po kayong gustong kainin?"
"Ayaw kong kumain, wala akong gana ngayon. Nasa taas ba si Ms. Smith?" prangka niyang tanong at ngumiti.
Pero walang sumagot. Lahat ay nagkunwaring busy sa pag-aayos ng mga pagkain at inumin sa mesita sa kaniyang harapan. Pati ang manager ay akmang aalis para kunwari may sasaguting tawag.
"Wait!" pigil ni Ivory. "I am asking if Ms. Smith is with my husband upstairs," matigas na ang kaniyang tono.
"Mapagbiro po pala kayo, Mrs. Malthe." Pekeng tawa ang itinugon ng manager. "Ang alam po namin tapat at strict ang asawa ninyo. Business partners po ang kasama niya sa itaas at tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila."
Naglapat ang mga labi niya bago sumilip ang nababanas na ngiti. "Kabado ka naman masyado, may dapat ka bang ikatakot? Aakyat ako sa itaas para tingnan, huwag kang mag-alala, kung may pangit akong makikita roon hindi maaapektuhan ang trabaho mo." Tumayo siya at humakbang patungo sa hagdanan.
Humabol sa kaniya ang manager. "Mrs. Malthe, baka magalit po si Sir Levi."
"Okay lang, I can handle his anger. Hayaan mo, pagkababa ko mamaya, bibigyan ko kayo ng malaking tip."
Napansin niyang umaliwalas ang mukha ng manager, pati ang ibang crew na naroon at nakaantabay ay na-excite sa narinig.
Pero hindi rin siya nakatapak sa unang baitang ng hagdanan dahil pababa na ang grupo ni Levi. Tumingala si Ivory at nasumpungan ang asawa. Hindi lang puro lalaki ang nakabuntot dito, may mga babae rin, mga socialites. Pero umagaw sa atensiyon niya si Franchesca na nasa tabi ni Levi. Nakangiti at ang ganda nito sa suot na cocktail dress.
"Kaya pala umingay rito sa ibaba, dumating pala ang hipag natin. Bakit hindi ka umakyat doon sa second floor?" Nang-aasar na pahayag ni Gino.
"Parang asong tahol nang tahol," kastigo ni Ivory at hindi pinansin ang lalaki. Ipinako niya ang titig kay Levi na nakatingin din sa kaniya. Pagkuwa'y sumilay sa mga nito ang sarkastikong ngiti.
His intentional sarcastic smile.
Alam na marahil nitong darating siya para hulihin ito sa pangangaliwa kaya sinadya nitong magsama ng maraming kakilala at kaibigan. He simply showed his might with her, letting her know that she is stupid and his mistakes were not easy for her to catch.
"Cheap," bulong niya pero tiniyak niyang mababasa ng lalaki ang galaw ng kaniyang labi.
Kumunot ang mga kilay ni Levi at tumalim ang titig sa kaniya. She rolled her eyes. Ayos lang. Bigo siya ngayon na makakuha ng ebidensya. Kahit magkasama ang dalawa, may ibang tao sa paligid ng mga ito at hindi niya mapapatunayan ang affair.
"Akala ko magtatagal ka pa roon sa itaas, naisip kong dalhin ang dalawang bottle ng wine," she forced a smile.
Naglaho ang tapang sa mga mata ni Levi, dumilim ang mukha. "Why are you here?" matigas nitong tanong.
"nag-mall kasi ako, nakita ko rito ang sasakyan mo. Dumaan na lang ako para sana ipa-drive muna kay Lando ang car dahil magha-hike ako sa park. Pero sabi niya narito ka, kaya naisip kong maghintay na lang muna," palusot ni Ivory at sinipat ang mga kuko. She's not really good at lying. Mahahalata siya si Levi kung tatapatan niya ang titig nito. "Hubby, pwede bang sumabay na ako sa iyo at si Lando na lang ang magmaneho ng sasakyan ko? Bigla kasing sumakit ang ulo ko." Kulang na lang ay mangaligkig siya sa eksaheradang lambing ng kaniyang boses.
Tumikhim si Levi. Habang ang expression ng mga taong nakapaligid sa kanila'y hindi niya maipinta. Para bang nanonood ng drama sa set ang mga ito. Ang iba ay inaabangan ang magiging reaction ni Franchesca. Karamihan sa mga ito ay childhood friends ng dalaga, kumpara sa kaniya na bagong salta, literal na outsider siya kung ituring.
"Ang lakas din talaga ng loob mo, ano?" sabat ni Gino. "You came to show off your might to Chesca?"
"Ivory Sanchez, iyang mga paandar mo ay hindi nagbabago, sobrang bulok!" May humiyaw pa.
Rumolyo ang bola ng mga mata niya. The one talking just now is Arlene, anak ng may-ari ng isang malaking hardware store at tila alila ni Franchesca. Nilipat niya ang tingin sa babaeng taas-noong nakatitig sa kaniya. Arogante ang expression at kinukutya siya. Hinagod siya nito ng tingin, head to foot, tila ba sinasabing, kahit ano'ng gawin niya ay mas superior ito. Sa paraan pa lamang ng pananamit, hindi kasi siya choosy, ang importante sa kaniya ay komportable siya.
"Are you afraid that other people will not know you married a rich man?" mapanglait nitong sabi.
Tawanan ang mga nakapalibot sa kanila, pati mga crew.
"Girl, kahit ano'ng gawin mo, hindi ka babagay sa table namin. Umaalingasaw ang pagiging poorita mo," sabat ni Arlene.
Sarcastic na ngumiti si Ivory. "Bakit, mayaman ka ba? Pakita mo nga sa akin ang bangko mo. Parang hindi ko alam na hanggang ngayon umaasa ka lang naman sa mga magulang mo, Ms. School-drop-out," pukol niyang nagpatahimik kay Arlene.
Humakbang si Levi, lumapit sa kaniya at hinatak siya sa tabi nito. "Angry? You should've waited for me at home." Inakbayan siya ng asawa. He was not standing up for her. Ang layunin lang nito ay tumahimik siya.
"May balak ka bang umuwi kung hindi ako pumunta rito?" she hissed at him. Tinanggal niya ang kamay ng lalaki sa kaniyang balikat. Pero lalo lang siya nitong hinapit at humigpit ang yakap sa kaniya.
Hindi na lamang siya sumubok na pumiglas, medyo nag-enjoy rin naman siya sa selos na nababasa sa mga mata nina Franchesca at Arlene.
"My wife do not go out frequently, I want her to take advantage of the opportunity today while she's here." Nagpaliwanag si Levi sa mga kaibigan. Gustong ipakita na close silang dalawa at maayos ang relasyon nila bilang mag-asawa sa kabila ng tsismis.
Kumalma si Levi at muling nagsalita. "Please, Iv, calm down. We can talk it out properly. If this goes on, the misunderstanding between us will just go worse.""Kahit ano'ng paliwanag ang gagawin mo'y sirang-sira na ako sa publiko dahil sa sakit ng aking ama." Nagpunas ng luha si Ivory. "Dahil sa iyong ina hindi naging madali ang buhay ko bilang asawa mo. Oo, hindi ako nagugutom, may mga mamahaling gamit at kaya kong puntahan ang mga lugar na gusto ko, pero ang pagkatao ko ay parang anino na nababalot ng dilim. Nilunok ko ang mga pang-iinsulto mula sa family mo dahil umaasa akong darating ang time na mamahalin mo rin ako at matitigil lahat ng pangungutya. Hindi nangyari, Levi. Hanggang sa bumalik si Chesca. Ano sa palagay mo ang iisipin ko?""Naniniwala ka talagang hindi kita mahal? Kung wala akong nararamdaman para sa iyo, bakit pa hahanapin at dadalhin sa tabi ko? Ano'ng mapapala ko kung ibubunyag ko ang sakit ng tatay mo? Kung gusto kong mawala ka sa buhay ko, hindi ba mas madalin
Lumapit si Levi at banayad na hinaplos ang buhok ni Ivory. Bigla namang naging emosyonal ang babae, hindi dahil nagtatampo siya kundi sa inis na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya napapirma sa annulment papers ang asawa niya. Pigil-pigil ang paghikbi, tinabig niya ang kamay ng lalaki at nahiga. "Umalis ka na, okay lang ako rito. Baka may trabaho ka pa sa opisina, ayaw kong makaabala. Sasabihin na naman ng mommy mo na perwesyo lang ang dulot ko sa iyo." "Nag-alala ako, inisip kong baka nasaktan ka." Pinapakalma siya ni Levi, mahinahon ang boses nito at naroon ang pag-iingat.Umakyat si Greg kasama ang grupo ng mga bodyguard. Sumenyas si Levi na walang mag-iingay. "Maghanda kayo ng makakain at dalhin doon sa may pool," utos ng lalaki sa mga katulong.Naramdaman nitong na may mali, pero hindi ito nangahas na pilitin siyang magsalita."I will stay with you. Matulog ka muna, gigisingin kita once the food is ready at the pool.""Bakit pinaakyat mo rito ang mga bantay? Grou
Binuksan ni Greg ang pinto ng maliit na villa pero natigilan ito nang makita ang bulwagan. Mabilis na lumingon ang sekretary/bodyguard at lalong kinabahan nang makita ang ekspresyon ni Levi. Kaagad nitong itinabi ang sarili sa gilid ng pintuan. Pumasok si Levi at agad dumilim ang mukha. Magulo ang entrance hall ng mansion, kalat-kalat sa sahig ang mga piraso ng papel, ilang upuan ang nakatumba, at basag ang iilang decorative flower pots na nasa counter. Kalat-kalat sa malinis na sahig ang mga halaman at itim na lupa.Kumunot ang noo ni Levi. "Nasaan ang mga kasambahay at ang mga tagalinis? Hinahayaan lang nilang ganito ang bahay?"Bukod sa kalat at maruming sahig, ang dami ring bubog."Did you see those? Paano kung may masugatan? Paano kung maapakan iyan ng asawa ko? Si Ivory ay nagsusuot lang ng malambot na tsinelas dito sa bahay at hindi iyon tumitingin sa sahig pag naglalakad."Kaagad nagpulasan ang mga kasambahay. Ang iba ay hiningal pa at halata ang takot."What happened here?"
Pagkaalis ng mainhouse ay hindi agad umuwi si Levi sa Miracle Graden. Pumunta muna siya sa kompanya para pagalitan ang mga tauhan at alamin kung sino ang nag-leak ng impormasyon, 'yong mga kunwari sumusunod pero sa likod nakikipagsabwatan kay Claudia.Si Don Aurello ay ilang taon nang nakatira sa resthouse at karamihan ng mga gawain ay naipasa na kay Levi. Karaniwan, hinihingi lang nito ang summary ng proyekto at sinisilip ang mga importanteng plano. Isa sa dahilan ay kulang na talaga ito sa lakas. Malapit na rin itong mag-ninety at may cancer pa, kahit gaano ito kahalaga bilang pundasyon ng Malthe, hindi na nito kayang makipagsabayan sa normal na tao. Sa kabilang banda, nakialam din si Levi at sadyang hinaharangan ang mga balita, umaasa na maging smooth ang paglipat ng mana, kaysa maghintay na lang na kusa itong ibigay ng matanda. Pero ngayon nakapupunta si Claudia para magsumbong kay Don Aurello nang hindi man lang nakakatanggap ng balita si Levi. Ang unang problema na kinaharap n
Dumating na parang bagyo si Claudia. Hindi lang marami ang dalang bodyguards, bawat isa sa mga ito ay may dalang stun gun at napapaligiran ng ilang sekretarya na may dalang mga dokumento at files. Halatang handang-handa ito. Pero ang mga pang-iinsulto, paulit-ulit pa rin. Una, minamaliit nito ang pinagmulan ni Ivory, tapos ikukumpara siya kay Chesca. Aminado naman siyang malayo ang agwat nilang dalawa. Pero naririndi na siya sa gasgas na mga salita ng kaniyang biyenan. May kalyo na ang puso niya kaya hindi na siya apektado pa."Hindi ka karapat-dapat, lumayas ka na sa pamilya ko ngayon din! Sinungaling ka, may sakit sa pag-iisip pala ang pamilya mo. Alam ko noong sinabihan kita na nagpapanggap ka lang na baliw, iyon pala totoo talagang may sakit ka sa utak."Pero ngumisi lamang si Ivory. "Bakit hindi mo pagsabihan ang anak mo na palayain ako at nang matapos na ang problema mo? Akala mo ba gusto kong manatili sa piling niya?""Ang yabang mo pa rin? Tingnan natin kung hanggang kailan k
Nagkunwaring humikbi si Ivory at sisinghot-singhot na humilig sa dibdib ni Levi. Pagkahilig ay umirap siya. "Palagay mo magsusumbong si Chesca sa mommy mo?" tanong niya sa asawa. Mas maigi kung iyon ang gagawin ng babaeng iyon. Kailangan niya ng mas dagdag na pressure para tuluyan nang pumayag ang lalaki sa annulment. "Ivory, listen to me." Levi cupped her face and stared her directly. His eyes were unfathomable, up close, he possessed a cold hardness like an inorganic substance, making him difficult to see through. "If you want, I can distance myself from Chesca. In fact, after we ger married, I basically stayed away from places where socialites are rampant." Mahinahon itong nagsalita. "Who are you trying to fool? Yong si Gino lagi akong sinisendan ng mga larawan ninyo, kasama ang sinu-sinong mga babae." Umismid siya."That's business, most of them are representatives from the investors." "Rep na pang-seduce sa iyo? Para i-shortcut ang investments, I know." She brushed him off.B
Halata sa pagmumukha ng mga naroon ang inis kay Ivory. Siguro, kung hindi pa nagkunwari ang asawa niya na may pakialam ito sa kaniya, baka kanina pa siya sinabunutan doon at hinahamak. But to them, it is obvious that Levi wants to support his wife."Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka-close, an
Sa guest room natulog si Ivory. Mahimbing at tuluy-tuloy ang tulog niya sa buong magdamag. Nakaalis na ng bahay si Levi pagkagising niya. Habang kumakain napansin niya si Manang Laura na tila may gustong sabihin pero nag-aatubili."May problema ba, Manang?" tanong niya sa kasambahay."Nag-away po
Pagpanhik ni Levi ng sala, nadatnan niya si Ivory na naghihintay. Nasa anyo nito ang pagkainip, pero nang magtagpo ang mga mata nila ay napansin niya ang pamilyar na kinang doon kasabay ang matamis na ngiti. Naglakad ito papalapit. "Maaga ka yata ngayon, dapat sinabi mo at nang nakapaghanda kami s
Hindi papayag si Ivory na basta na lang ibasura. Tatlong taon silang kasal ni Levi, kung wala siyang magagawa para pantay na mahahati ang property, nangangahulugan lamang iyon na ang pananatili niya sa piling ng lalaki ay walang saysay. Parang lubid kung saan nakasabit ang mga alimasag, kung titing







