LOGINSa guest room natulog si Ivory. Mahimbing at tuluy-tuloy ang tulog niya sa buong magdamag. Nakaalis na ng bahay si Levi pagkagising niya.
Habang kumakain napansin niya si Manang Laura na tila may gustong sabihin pero nag-aatubili. "May problema ba, Manang?" tanong niya sa kasambahay. "Nag-away po ba kayo ni Sir? Aburido kasi siya kanina at hindi kumain ng agahan." Naintindihan niya ang pag-aalala ng katulong. Nagsimula itong magtrabaho rito pagkatapos ng kasal nila ni Levi. Kung maghiwalay sila, malamang apektado rin ang trabaho ng kasambahay. "May napag-usapan lang kami." Tumango si Manang Laura at umurong para bigyan siya ng privacy habang inuubos ang pagkain sa kaniyang pinggan. Tatlong araw araw na sunud-sunod, hindi na naman umuwi ng bahay si Levi. Tumindi ang ligalig ni Ivory lalo na nang mag-send ng chat ang detectives. - Nag-host ng dinner party si Mr. Malthe sa isang summer resort at ayon sa coverage ng media ay nakapangalan sa Malthe Enterprise. Dumalo ang ilang politiko, business tycoons at celebrities. Naroon din si Ms. Franchesca Smith at sa nakalap naming footage, buong party nasa tabi niya ang babaeng iyon- -Anything else? How about today?- Nag-reply si Ivory. -Maagang umalis ng opisina si Mr. Malthe at nagtungo sa private club, kasama niya si Ms. Smith- -Take photos and send it to me, telling me is not enough! Picture ang gusto ko, ebidensya na nagtaksil si Levi sa akin. Wala akong mapapala kung hanggang kwento lang kayo kahit araw-araw pa kayong nagre-report. Kung walang tangible evidence, tsismis lang lahat ng iyan!- Kailangan na ba niyang makialam? 'Yong siya mismo ang pupunta roon sa location para mahuli ang asawa niya at ang babaeng iyon? Kinagabihan, sinubukan niyang i-search ang address ng private club na sinabi ng detective. Medyo malayo sa lungsod ang club at ang buong compund ay malawak. Mistulang leisure center na nasa premises ng five star hotel at may fitness gym sa loob. Airtight ang security at napapaligiran ng CCTv cameras, high end ang safety features. Nagbihis si Ivory at nagtungo sa lugar na iyon mag-isa. Nagkita sila ng detective sa labas ng compound. "Mag-ingat po tayo, Ma'am, may mga surveillance camera, baka mahagip tayo at mapansin ng asawa n'yo." "Bakit, takot kang mamatay?" sikmat niya. Natawa ang detective at nagkunwaring takot. "Nag-alala lang ako na baka makita tayo ng asawa mo at ma-misinterpret niya kung bakit kasama mo ako. Baka ang ending nito ay ipa-hunting niya ako at ipasok sa container tapos buhusan ng semento at itapon sa dagat." "Grabe iyang imagination mo ha, tingin mo mag-e-effort ang husband ko para gawin iyon dahil sa akin? Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo, eh." Parte ng agreement nila na pati ang pangalan ng detective ay confidential at nirespeto niya iyon. Itinigil niya ang sasakyan at sinulyapan ang katabing detective. Mahusay ito magsalita. Bata pa at may hitsura. Matangos ang ilong, messy hair, bagay rito ang suot na sweatshirt. Makikita sa aura nito ang easy go lucky vibe ng isang college student. Pero sagad siguro ito sa training dahil halata ang muscles nito, tanda ng pagbabanat ng buto. Napatagal yata ang pag-check niya sa appearance nito dahil natawa ang detective, nilantad ang mga ngipin na malinis at puting-puti. "Name?" "Hindi nga pwedeng sabihin, Ma'am, nasa kontrata iyon." Sumimangot siya. Medyo nataranta naman ang lalaki. "My name is Rex Tan. Don't worry, narito ako para magtrabaho, hindi para magkaroon ng affair sa kliyente ko. Pero kung gusto n'yo, I can recommend some guys, high requirements? May kilala akong mga model, pero kailangan may commission ako." Maingat nitong inayos ang neckline ni Ivory para i-adjust ang maliit na surveillance camera na nakakabit doon. Tinabig ni Ivory ang kamay ng lalaki. "May rainbow ka talaga sa utak no? Masyadong makulay." Kastigo niya. "Lumabas ka na," sikmat niya. Hindi naman umangal si Rex at bumaba ng sasakyan. Inapakan niya ang accelerator at iniwan sa alikabok ang detective. Pero hindi rin kaagad siya nakapasok sa premises ng building dahil hinarang siya ng gwardiya. "Pasensya na po, Ma'am, pero bawal po kayong pumasok dito." Ngumiti lamang si Ivory at pinapupungay ang mga mata. "Alam ko ang rules, pero kasi ang asawa ko ay nandiyan sa loob at kailangan ko siyang makita." Confident siyang nagsalita. Siyempre, alam niyang maganda siya at ang sasakyang minamaneho niya ay mamahalin. Hindi na nagtangka ang security guard na pigilan siya. Ipinarada niya ang sasakyan sa bakanteng parking lane at bumaba. Sinadya niyang ibalandra ang mukha sa camera at ilang saglit pa'y naging maingay na ang walkie-talkie na hawak ng security guard. "Mrs. Malthe..." Medyo nagsisi pa ito at kabado. Hindi siya nagsalita at nag-abot ng pera sa gwardiya. "Thank you." Sinapit ni Ivory ang mismong clubhouse, may mga waiter na nag-aabang sa kaniya sa entrada at pinagbuksan siya kaagad ng pinto. May kumuha sa dala niyang bag at ini-escort siya patungo sa looban. Pagkaupo pa lamang niya sa couch ay lumapit agad ang manager para asikasuhin siya. Dessert, fruit plates and champagne were served. "Pasensya na po kayo, Ma'am, hindi namin alam na pupunta kayo ngayon, bago lang yong guard sa labas at hindi ka kilala kaya hinarang ka kanina. I'm really sorry," hinging dispensa ng manager. "Okay lang, naintindihan ko. Ginagawa lang niya ang trabaho niya. Wag mo siyang parusahan." Ikinumpas niya ang kanang kamay habang nagsasalita. "Maraming salamat, Ma'am, tunay nga, napak-approachable ninyo," at binola pa siya ng manager. Alam naman ng mga taong ito ang pinanggalingan niya. Kung hindi siya pinakasalan ni Levi, baka hanggang ngayon ay baon pa rin siya sa kahirapan ng pamilya niya. Sa unang taon ng kasal nila, kaliwa't kanan ang tsismis sa kaniya kasi hindi niya deserve ang magandang buhay sa piling ng kaniyang asawa. "By the way, ano'ng oras bababa si Levi?" prangka niyang tanong. Bahagyang namutla ang mukha ng manager at pilit na tumawa. "Kasama ni Sir Levi ang mga kakilala niyang businessmen, nag-inuman po sila at mausok doon dahil sa sigarilyo. May iba pa po ba kayong gusto? Food or drink? Mr. Malthe booked the entire place, alam po niya na dumating kayo at sinabihan kami na gusto n'yo raw ng seafood? Masarap po ang seafood namin dito, gusto n'yo bang tikman?" Pero hindi pinansin ni Ivory ang sinabi ng manager. Isang bagay lang ang rumehistro sa kaniyang utak. Alam ni Levi na darating siya?Habang nasa meetings si Levi, nakatulog sa loob ng opisina si Ivory. Nang magising siya ay wala pa rin doon ang asawa niya. May snacks sa center table pero ang mas umagaw sa atensiyon niya ay ang kislap ng diamond ring sa kaniyang daliri. Kailan pa iyon napunta roon?Sinipat niyang maigi ang singsing, kung anu-anong anggulo ang ginagawa. Wonderful! Umirap siya at bumuntong-hininga. The ring has a classic design. A platinum band with a ring of one-carat diamonds surrounding a six-carat blue diamond. This is her wedding ring. Hindi niya iyon madalas isuot. Nakatago lang sa gem safe roon sa old mansion's treasyre room. May bantay pa at iniingatan ng mga bantay na naka-duty lang sa lugar na iyon.Kailan iyon pina-deliver ni Levi? At hindi man lang niya namalayan kanina nang isuot sa kaniya ng asawa. Sobrang himbing siguro ng tulog niya. Parang gusto niyang matawa. 'Yong ang gulo ng kasal nila pero dapat pa siyang magsuot nitong wedding ring? Para ano?Kung hindi lang pretty ang diamond
Umarangkada ang kaba ni Ivory. Paano kung maniwala si Levi sa sinabi ng bata? Dahil sa stress ay biglang humilab ang puson niya at sumakit ang kaniyang ulo. "Are you okay? Namumutla ka." Puna ng lalaki."Biglang sumakit ang ulo ko," angal niya para i-divert ang isip ng lalaki mula sa sinabi ng bata kanina. "Pumunta na tayo roon sa kabilang park." Humawak siya sa bisig ng asawa. Kailangan nilang makaalis, baka bumalik na naman ýong bata at kulitin siya ulit."I know what you're thinking, masyado kang defensive. Hindi naman sa ayaw kong magkaanak, kung nag-aalala kang baka hindi ko kilalanin ang bata o kaya ipapalaglag ko, nagkamali ka. Kapag nabuntis ka, itutuloy natin. Isisilang mo siya at aalagaan natin," pahayag ni Levi at hindi niya inaasahan iyon. Hindi sumagot si Ivory at tumango lang. Naglakad sila palabas ng park at binaybay ang kalye na maghahatid sa kanila sa kabilang parke. "Gusto mo bang mag-enroll sa workout?" tanong ni Levi."Para saan?""Para sa katawan mo.""No, I'm
Ayon sa update ni Lucille, baka abutin ng isa't kalahating buwan ang processing ng annulment basta't may pera siya. Kung hindi sana magulo si Levi, sapat lang ang panahong iyon. Huminga ng malalim si Ivory matapos basahin ang chat ng kaibigan. Hindi rin talaga siya pwedeng umalis nang walang pera. Hindi niya maaring tipirin ang kaniyang anak. Kapag nakuha na niya ang pera, hindi siya magsasayang ng oras, aalis agad siya. Sapat na sapat na ang 500 million. Naidulog niya kay Lucille ang tungkol sa trabaho na inalok ni Levi kapalit ang malaking halaga na iyon. "I wish you both happiness," usal niya na nakatingin sa picture nina Levi at Chesca. Dead-end marriage ang mangyayari sa pagitan ng dalawa. Magkakaroon ng maraming anak sa future. Nilapag niya sa kama ang cellphone at sumaglit ng banyo. Paglabas niya ay nasa loob ng kwarto ang asawa. "Mamaya pa tayo aalis, di ba?" tanong niya rito."Hm, I just thought we can make love for an hour before going out." Ngumisi ito.Ikinalma ni Ivor
Nang sumunod na araw ay inabala ni Ivory ang sarili sa panonood ng Netflex. Ngayon lang ulit siya nagka-time mag-movie marathon. Umaasa siyang hindi siya gugulihin ni Levi lalo pa at ang mga pinapanood niya ay hindi naman pasok sa panlasa ng lalaki. Pero hindi man lang niya natapos ang pangatlong horror movie ng Thailand, pinasok na siya ng staff doon sa kwarto dahil dumating si Levi at hinahanap siya.Nagmamaktol na sumunod siya sa staff patungo sa living room. Her husband is peeling some oranges while waiting for her. "You love orange, I bought some on the way. These are freshly picked from the farm. Try it." Binigyan siya nito ng isa. Nakasimangot na kinuha niya iyon at tinikman. Matamis nga at halatang bagong pitas. Mabilis niyang naubos ang isang piraso. "Kausap mo kanina si Chesca?" pa-simpleng tanong ni Levi.Expected na niyang malalaman nito. May tracker ang phone niya. Namo-monitor nito kung sino ang mga kausap niya. Si Rex lang siguro ang hindi nito makukuha ang registra
Pagbalik ni Ivory sa loob ng kuwarto ay sakto ring tumunog ang cellphone niya. May chat siya galing kay Chesca.Chesca: May balak ka pang ituloy ang annulment o pinatatagal mo lang dahil gusto mo akong inisin.Siya: Hindi ako ang nagpatagal kundi ang lover boy mo. Bakit hindi mo siya kausapin at kumbinsihin? Pumasok ang tawag ni Rex at agad niya itong sinagot. "May update ba?" tanong niya sa lalaki."Mam, talagang decided ka nang tumakas? Alam mo kasi, isang buhay lang ang mayroon ako." "Ngayon pa ba babahag iyang buntot mo?" "Magre-resign na ako sa trabaho, Mam. May pera naman na ako. Magbabagong buhay na ako, hindi ko na kaya itong pinagagawa mo sa akin. Kapag nalaman ng asawa mo, tiyak ihahagis niya ako papuntang impeyerno." "Dadagdagan ko ng 500k ang bayad sa iyo." Ilang saglit na hindi umiimik si Rex. "Sige na nga, pinagmukha mo talaga akong pera, ah!""Mukha ka naman talagang pera," biro ni Ivory. "Basta, ihanda mo ang materials at hanapin mo si Lucille. Siya na ang bahala
Masyado nang late, 11:30 pm at hindi pa tapos si Ivory sa pagtatanggal ng make-up niya. Tinatamad na siyang tapusin iyon lalo at kumikirot pa ang mga binti niya sa katatayo. Nag-aalala siya kanina nang humilab ang kaniyang tiyan. Hindi pa rin siya makapunta sa doctor. Imposible kasing hindi iyon malaman ni Levi. Nag-halfbath lang siya. Habang nasa loob ng shower ay sinipat niya ang impis na tiyan at hinaplos."Stay put ka lang diyan, baby. Gagawa ng paraan si Mommy para ma-check tayo ng doctor at malaman natin ang kalagayan mo diyan sa loob." Kausap niya sa anak. "Pasensya ka na, hindi ka pwedeng makilala ng mga lolo at lola mo, lalo na ng daddy mo. Baka gagawin din nila ang ginawa nila sa kuya mo noon. Hindi ko na sila papayagang kunin ka sa akin at patayin." Mariin niyang kinagat ang labi at pinigil ang pagpatak ng mga luha.Bata pa siya noon at wala siyang lakas ng loob kaya nagtagumpay ang biyenan niyang babae na ipalaglag ang anak niya. Pero ngayon, kaya na niyang lumaban. Oras
Bumalik na sa Pilipinas ang true love ni Levi Duetrich Malthe.Hindi mawala sa utak ni Ivory ang balitang iyon. Umaalog ang ulo niya sa kaiisip at ilang araw na siyang hindi makatulog. Ang eyebags niya, halos magkulay uling na at nagmistulang black-eye sa palibot ng kaniyang mga mata. Gaya ngayon,
Halata sa pagmumukha ng mga naroon ang inis kay Ivory. Siguro, kung hindi pa nagkunwari ang asawa niya na may pakialam ito sa kaniya, baka kanina pa siya sinabunutan doon at hinahamak. But to them, it is obvious that Levi wants to support his wife."Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka-close, an
Huminga ng malalim si Ivory. Sabagay, bakit pa ba siya magtataka kung alam ni Levi na parating siya? Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa'y kabisado na niya kahit papaano ang kakayahan at pwersa nito. Masyado itong maingat kahit sa pinakamaliit na detalye. Tuwing lumalabas ay may kasam
Pagpanhik ni Levi ng sala, nadatnan niya si Ivory na naghihintay. Nasa anyo nito ang pagkainip, pero nang magtagpo ang mga mata nila ay napansin niya ang pamilyar na kinang doon kasabay ang matamis na ngiti. Naglakad ito papalapit. "Maaga ka yata ngayon, dapat sinabi mo at nang nakapaghanda kami s







