LOGINPagpanhik ni Levi ng sala, nadatnan niya si Ivory na naghihintay. Nasa anyo nito ang pagkainip, pero nang magtagpo ang mga mata nila ay napansin niya ang pamilyar na kinang doon kasabay ang matamis na ngiti.
Naglakad ito papalapit. "Maaga ka yata ngayon, dapat sinabi mo at nang nakapaghanda kami sa kitchen." Malamig na tikhim na itinugon ni Levi. Kahit sa simpleng kilos ay hindi maikukubli sa tindig niya ang intimidation. They said, even his eyes can knocked down a tiger and suffocate an elephant. Umiwas ng titig sa kaniya si Ivory, ganito ang ginagawa nito para hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak ng asawa. Humagod pababa sa kaniyang damit ang paningin nito at kunyari ay tutulungan siyang hubarin ang kaniyang coat. "Magbihis ka muna sa itaas," sabi nito at tumingkayad para tanggalin ang coat niya. Akmang tatalikod na ang babae pero hinablot niya ito sa braso at kinuha rito ang coat, ibinigay sa katulong na naroon saka humakbang patungong hagdanan. Kumapit si Ivory sa braso niya. "Ilang araw din kitang hindi nakita, nami-miss na kita." Inginudngod pa nito ang mukha sa kaniyang balikat. May kasabihan na kung nasa tamang oras at lugar ang panlalambing, napapahupa nito ang galit ng mag-asawa. Epektibo nga iyon. Tuwing nilalandi siya ni Ivory, nababawasan ang pagod niya. Hinayaan niya lang itong nakapulupot sa kaniya hanggang sa sapitin nila ang kwarto. Pinaghanda siya nito ng bihisan. Nagpalit siya ng damit at muli silang bumaba para sa hapunan. **** Nakahanda na ang hapag. Naroon ang head chef para i-check kung naihain lahat ng pagkain. Isa sa mga na-e-enjoy ni Ivory sa married life niya rito ay ang masarap na mga pagkain. Dito siya bumabawi tuwing nag-aalburuto ang puso niya dahil sa katotohanang side dish lang siya sa buhay ng kaniyang asawa. Nawiwiling nilibot niya ang paningin sa masarap na mga putaheng nakalatag sa kaniyang harapan. Presentation pa lang ay dinaig na ang fine dining ng five star hotel. Naupo sila ni Levi at nagsimulang kumain. Medyo off ngayon ang appetite niya, siguro dahil sa hindi positibo ang resultang binigay ng detectives. Pero pinilit niyang kumain. After the meal, umakyat sila pabalik ng kanilang kwarto at sabay na nag-shower. Nakagawian na ni Levi ang short session nila habang naliligo. Hindi naman tumatanggi si Ivory. Satisfying her husband's desires is one of her jobs. Di bale, malapit na siyang mag-resign sa trabaho niya bilang substitute sa babaeng tunay nitong mahal. Kailangan lang niyang makalikom ng sapat na katibayan. Sexual routine in bed became their way of communication. Levi. Nagiging gentle naman ang lalaki pero hanggang sa katawan lang niya, balewala rito ang kaniyang puso. Naiisip niya, marahil gusto nitong maging tapat at dalisay kahit sa parteng iyon man lang para kay Franchesca. "Iv," sambit nito. "Hm, bakit?" she forced a smile. "The maid told me you went out for several days in a row without your bodyguards. You even decline the driver to take you to your destination. Saan ka nagpunta?" Seryoso ang mukha ni Levi. "And I notices you're spacing out again. I am talking here but your mind seems wandering somewhere. What have you been doing lately?" What she is doing? Of course, abala siya sa pag-iipon ng ebidensya para annulment nila. Kung pwede lang niyang isampal ang katotohanang iyon sa asawa niya. "Ilang araw ka rin kasing hindi umuwi, naiinip ako rito kaya lumabas ako para makipagkita sa mga kaibigan ko. Alam mo naman, ang lungkot dito sa bahay kung wala ka, feeling ko I'm so alone," nagtagumpay siyang magmukhang malungkot na malungkot. Mariin siyang tinitigan ni Levi. "Hindi sa pinagdududahan kita, Ivory, but I know your personality has always been very simple. Ayaw ko lang na may makatagpo kang scammer sa labas at lokohin ka lang. Wala akong problema kung makipagkita ka sa mga kaibigan mo, pero hindi mo kasi isinama ang bodyguards mo at hindi mo rin sinabi sa mga katulong kung saan ka pupunta. I'm just worried." Para bang may pakialam talaga sa kaniya ang lalaking ito kung magsalita. Naisip niya tuloy ang mga larawang ipinasa ng detective kanina. Sina Levi at Franchesca, magkasamang nagpunta sa isang exclusive at pribadong bar. Kahit sino'ng may matinong isip ay mare-realize kung ano ang posibleng nangyari sa dalawa. "I know, I'll take someone with me next time I go out, thank you for your concern, Levi." Iniwas niya ang mukha para hindi nito mabasa ang pagkamuhi sa kaniyang mga mata. Umahon siya sa kama. "I can go to another room if you don't need me here tonight," dagdag niya at naglakad paalis. Hindi niya binigyan ng pagkakataon si Levi na magsalita pa kahit halatang mayroon pa sana itong gustong sabihin. *** Nagtagis ng mga bagang si Levi. Para bang hinahabol ng asong nangangagat ang asawa niya sa tulin ng mga hakbang nito. He can manage his temper well but he find it hard to control himself right now. Pinalaya niya ang mabigat na hininga. His wife is becoming strange these days and it caught his attention. Ang sinabi niya ay paraan lang naman para suyuin ito pero iniwasan ng babae at ginamit pa ang intimacy nila para baliktarin siya. Sinulyapan niya ang empty space sa kama kungsaan ito nakahiga kanina. Baka alam na ni Ivory ang tungkol kay Franchesca. This is quiet alarming. *** Ilang minuto ring nagbabad sa bathtub si Ivory. Nasanay na siyang hindi pinupuntahan ni Levi tuwing nagtatampo para suyuin, maliban na lang kung nasa master's bedroom siya at nakahiga sa mga bisig nito. Ipokrito ang lalaking iyon. Kunyari gentleman habang nasa kama, pero pagkatapos nilang magtalik, parang estranghero na poker face. Hinango ni Ivory ang sarili mula sa bathtub, binalot ng towel ang katawan. Huminto siya sa harap ng salamin at pinagmasdan ang sarili. She is young, her skin is firm and glittering, eyes are bright. She knew she is beautiful enough from inside and outside. This is the only truth that no one can take away from her. "Twenty-five years old lang ako, ang bata ko pa, tapos magkakaroon ako ng maraming pera pagkatapos ng annulment, dapat hindi ako malulungkot. Ang Levi na iyon, thirty years old na. Kahit gwapo pa siya pero mas mauuna siyang tatanda sa akin. Wala akong dapat pagsisihan." Hinaplos ni Ivory ang sariling reflection sa salamin habang nagsasalita na tila ba may imaginary friend siyang kinukumbinsi para sumang-ayon na tama ang desisyon niyang makipaghiwalay sa asawa.Habang nasa meetings si Levi, nakatulog sa loob ng opisina si Ivory. Nang magising siya ay wala pa rin doon ang asawa niya. May snacks sa center table pero ang mas umagaw sa atensiyon niya ay ang kislap ng diamond ring sa kaniyang daliri. Kailan pa iyon napunta roon?Sinipat niyang maigi ang singsing, kung anu-anong anggulo ang ginagawa. Wonderful! Umirap siya at bumuntong-hininga. The ring has a classic design. A platinum band with a ring of one-carat diamonds surrounding a six-carat blue diamond. This is her wedding ring. Hindi niya iyon madalas isuot. Nakatago lang sa gem safe roon sa old mansion's treasyre room. May bantay pa at iniingatan ng mga bantay na naka-duty lang sa lugar na iyon.Kailan iyon pina-deliver ni Levi? At hindi man lang niya namalayan kanina nang isuot sa kaniya ng asawa. Sobrang himbing siguro ng tulog niya. Parang gusto niyang matawa. 'Yong ang gulo ng kasal nila pero dapat pa siyang magsuot nitong wedding ring? Para ano?Kung hindi lang pretty ang diamond
Umarangkada ang kaba ni Ivory. Paano kung maniwala si Levi sa sinabi ng bata? Dahil sa stress ay biglang humilab ang puson niya at sumakit ang kaniyang ulo. "Are you okay? Namumutla ka." Puna ng lalaki."Biglang sumakit ang ulo ko," angal niya para i-divert ang isip ng lalaki mula sa sinabi ng bata kanina. "Pumunta na tayo roon sa kabilang park." Humawak siya sa bisig ng asawa. Kailangan nilang makaalis, baka bumalik na naman ýong bata at kulitin siya ulit."I know what you're thinking, masyado kang defensive. Hindi naman sa ayaw kong magkaanak, kung nag-aalala kang baka hindi ko kilalanin ang bata o kaya ipapalaglag ko, nagkamali ka. Kapag nabuntis ka, itutuloy natin. Isisilang mo siya at aalagaan natin," pahayag ni Levi at hindi niya inaasahan iyon. Hindi sumagot si Ivory at tumango lang. Naglakad sila palabas ng park at binaybay ang kalye na maghahatid sa kanila sa kabilang parke. "Gusto mo bang mag-enroll sa workout?" tanong ni Levi."Para saan?""Para sa katawan mo.""No, I'm
Ayon sa update ni Lucille, baka abutin ng isa't kalahating buwan ang processing ng annulment basta't may pera siya. Kung hindi sana magulo si Levi, sapat lang ang panahong iyon. Huminga ng malalim si Ivory matapos basahin ang chat ng kaibigan. Hindi rin talaga siya pwedeng umalis nang walang pera. Hindi niya maaring tipirin ang kaniyang anak. Kapag nakuha na niya ang pera, hindi siya magsasayang ng oras, aalis agad siya. Sapat na sapat na ang 500 million. Naidulog niya kay Lucille ang tungkol sa trabaho na inalok ni Levi kapalit ang malaking halaga na iyon. "I wish you both happiness," usal niya na nakatingin sa picture nina Levi at Chesca. Dead-end marriage ang mangyayari sa pagitan ng dalawa. Magkakaroon ng maraming anak sa future. Nilapag niya sa kama ang cellphone at sumaglit ng banyo. Paglabas niya ay nasa loob ng kwarto ang asawa. "Mamaya pa tayo aalis, di ba?" tanong niya rito."Hm, I just thought we can make love for an hour before going out." Ngumisi ito.Ikinalma ni Ivor
Nang sumunod na araw ay inabala ni Ivory ang sarili sa panonood ng Netflex. Ngayon lang ulit siya nagka-time mag-movie marathon. Umaasa siyang hindi siya gugulihin ni Levi lalo pa at ang mga pinapanood niya ay hindi naman pasok sa panlasa ng lalaki. Pero hindi man lang niya natapos ang pangatlong horror movie ng Thailand, pinasok na siya ng staff doon sa kwarto dahil dumating si Levi at hinahanap siya.Nagmamaktol na sumunod siya sa staff patungo sa living room. Her husband is peeling some oranges while waiting for her. "You love orange, I bought some on the way. These are freshly picked from the farm. Try it." Binigyan siya nito ng isa. Nakasimangot na kinuha niya iyon at tinikman. Matamis nga at halatang bagong pitas. Mabilis niyang naubos ang isang piraso. "Kausap mo kanina si Chesca?" pa-simpleng tanong ni Levi.Expected na niyang malalaman nito. May tracker ang phone niya. Namo-monitor nito kung sino ang mga kausap niya. Si Rex lang siguro ang hindi nito makukuha ang registra
Pagbalik ni Ivory sa loob ng kuwarto ay sakto ring tumunog ang cellphone niya. May chat siya galing kay Chesca.Chesca: May balak ka pang ituloy ang annulment o pinatatagal mo lang dahil gusto mo akong inisin.Siya: Hindi ako ang nagpatagal kundi ang lover boy mo. Bakit hindi mo siya kausapin at kumbinsihin? Pumasok ang tawag ni Rex at agad niya itong sinagot. "May update ba?" tanong niya sa lalaki."Mam, talagang decided ka nang tumakas? Alam mo kasi, isang buhay lang ang mayroon ako." "Ngayon pa ba babahag iyang buntot mo?" "Magre-resign na ako sa trabaho, Mam. May pera naman na ako. Magbabagong buhay na ako, hindi ko na kaya itong pinagagawa mo sa akin. Kapag nalaman ng asawa mo, tiyak ihahagis niya ako papuntang impeyerno." "Dadagdagan ko ng 500k ang bayad sa iyo." Ilang saglit na hindi umiimik si Rex. "Sige na nga, pinagmukha mo talaga akong pera, ah!""Mukha ka naman talagang pera," biro ni Ivory. "Basta, ihanda mo ang materials at hanapin mo si Lucille. Siya na ang bahala
Masyado nang late, 11:30 pm at hindi pa tapos si Ivory sa pagtatanggal ng make-up niya. Tinatamad na siyang tapusin iyon lalo at kumikirot pa ang mga binti niya sa katatayo. Nag-aalala siya kanina nang humilab ang kaniyang tiyan. Hindi pa rin siya makapunta sa doctor. Imposible kasing hindi iyon malaman ni Levi. Nag-halfbath lang siya. Habang nasa loob ng shower ay sinipat niya ang impis na tiyan at hinaplos."Stay put ka lang diyan, baby. Gagawa ng paraan si Mommy para ma-check tayo ng doctor at malaman natin ang kalagayan mo diyan sa loob." Kausap niya sa anak. "Pasensya ka na, hindi ka pwedeng makilala ng mga lolo at lola mo, lalo na ng daddy mo. Baka gagawin din nila ang ginawa nila sa kuya mo noon. Hindi ko na sila papayagang kunin ka sa akin at patayin." Mariin niyang kinagat ang labi at pinigil ang pagpatak ng mga luha.Bata pa siya noon at wala siyang lakas ng loob kaya nagtagumpay ang biyenan niyang babae na ipalaglag ang anak niya. Pero ngayon, kaya na niyang lumaban. Oras
Kahit umalis ng maaga si Levi ay wala namang problema iyon kay Ivory. Sa mga mata niya, busy lagi ang lalaki kaya hindi siya umaangal at naghangad ng extra sa attention na ibibigay nito. Nasa peak na ang market value ng Malthe Enterprise pero tambak pa rin ang trabaho ni Levi tuwing nasa opisina.
Bumalik na sa Pilipinas ang true love ni Levi Duetrich Malthe.Hindi mawala sa utak ni Ivory ang balitang iyon. Umaalog ang ulo niya sa kaiisip at ilang araw na siyang hindi makatulog. Ang eyebags niya, halos magkulay uling na at nagmistulang black-eye sa palibot ng kaniyang mga mata. Gaya ngayon,
Halata sa pagmumukha ng mga naroon ang inis kay Ivory. Siguro, kung hindi pa nagkunwari ang asawa niya na may pakialam ito sa kaniya, baka kanina pa siya sinabunutan doon at hinahamak. But to them, it is obvious that Levi wants to support his wife."Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka-close, an
Huminga ng malalim si Ivory. Sabagay, bakit pa ba siya magtataka kung alam ni Levi na parating siya? Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa'y kabisado na niya kahit papaano ang kakayahan at pwersa nito. Masyado itong maingat kahit sa pinakamaliit na detalye. Tuwing lumalabas ay may kasam







