Share

Chapter 7 - bouncing back

Penulis: Kuya AP
last update Tanggal publikasi: 2026-05-15 10:08:40

Halata sa pagmumukha ng mga naroon ang inis kay Ivory. Siguro, kung hindi pa nagkunwari ang asawa niya na may pakialam ito sa kaniya, baka kanina pa siya sinabunutan doon at hinahamak. But to them, it is obvious that Levi wants to support his wife.

"Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka-close, ano'ng susunod niyan, baby na ba?" Pang-aasar ni Gino.

Natawa si Levi at sumulyap sa kaniya. "Ayaw ni wifey magkaanak," sabi nito.

At siya pa talaga ang isinalang sa paggiging defensive nito. Umirap si Ivory at nagtangkang kumawala sa nakalingkis na braso ni Levi sa kaniyang baywang pero ayaw siya nitong bitiwan.

Hinamig niya ang sarili. Walang masama kung papakinabangan niya ang acting ng kaniyang asawa. Lahat ng narito ngayon ay prominenteng mga personalidad. Second or third generation ng mayamang pamilya ang pinagmulan, tagapagmana ng malaking corporation at mga anak ng mataas na opisyal ng bansa. 

Karamihan din sa mga ito ay magkakaibigan mula pagkabata. Although ang ilan ay hindi ganoon ka-close pero ayaw ng mga ito na banggain si Levi dahil business partnership.

"Ms. Smith, I've heard so much about you." Nag-alok siya ng palad kay Franchesca. 

May kumpiyansang tinanggap nito ang kaniyang kamay. Aminado si Ivory na ubod ng ganda ang babaeng ito kaya naintindihan niya kung bakit hindi ito makalimutan ni Levi at hindi niya mapalitan sa puso ng lalaki kahit sa tatlong taon nila bilang mag-asawa. 

Bukod sa matingkad na ganda, apo si Franchesca ng isang mayamang pamilya sa Quezon Province. Sa ibang bansa ito nag-aral at maganda ang background bilang artist at international supermodel. Wala siya kalingkingan kung ikukumpara sa babae. Kaya nga sa labas man o loob ng entertainment industry ay maraming naghihimagsik dahil hindi matanggap na siya ang pinakasalan ni Levi. 

Nitong nakaraang mga buwan ay may ilang netizen na nag-expose sa love story ng dalawa kaya lalo siyang nabaon sa panghuhusga ng lipunan. Siya ang lumabas na kontrabida at mang-aagaw. Substitute na ambisyosa. 

"Narinig kong tagumpay ang art exhibitions mo abroad. Ang bata mo pa pero ang talented mo. Dati ko pa narinig kung gaano ka kahusay. Ngayong nakita kita sa personal, mas maganda ka kaysa sa promotional photos. No wonder, beautiful painter ang tawag ng mga editor sa iyo sa write ups nila," pahayag ni Ivory na nakangiti. 

Sincere naman ang sinabi niya. Franchesca is an outstanding woman. His husband has a good taste in women.

Binawi ni Franchesca ang kamay. "Don't be so polite. Masyadong exaggerated lang ang reporters at mga writer tuwing nagsusulat ng tungkol sa akin. You know the trend today, people will write whatever is sensational to get attention. It's embarrassing to even think about it."

Tumango si Ivory, hindi nawala ang ngiting paskil sa labi. 

"By the way, I'ven been abroad for several years now, hindi na ako masyadong familiar sa mga lugar at mga tao rito sa atin. Ikaw, Ms. Ivory, saang pamilya ka nga galing? Ano'ng kompanya ng ama mo? I hate to offend someone really."

Obviously, Franchesca wanted to humiliate her in front of everyone. Imposibleng hindi nito alam dahil kilala naman siya ng ibang kasama ni Levi. Baka nga pinaimbistigahan na siya ng babaeng ito.

Sinulyapan niya si Levi, napansin niya kasing pinisil nito ang baywang niya na tila ba warning para hindi siya magsalita ng masama kay Franchesca. 

Sorry na lang. Pag-aari niya ang kaniyang bibig at sasabihin niya ang tama.

"Walang kompanya ang aking pamilya." She gave a sweet, innocent but sickening smile. "Nasa middle class ang status namin pero hindi namin kami nagugutom. We're able to eat three times a day, may disenteng bahay at nakapagdamit naman ng maayos kahit papaano. Although, thankful ako kay Levi dahil na-promote ako sa pagiging secretary niya." Nilingon niya ang asawa. Hinamon na pagalitan siya roon. 

The atmosphere around him turned cold for a moment. Pero walang isa man sa mga kaibigan ni Levi ang nagtangkang magsalita. They noted Arlene's lesson just a while ago.

"Joker ka talaga, Ivory!" natatawang hiyaw ni Gino.

Sa lahat doon, pinakabata ang lalaking ito at maayos ang ugnayan kay Levi kaya nasasabi nito nang walang pag-aatubili ang opinyon.

Sasagot pa sana siya pero naunahan siya ng asawa. 

"Don't be a bad girl, Iv." His tone carried a hint of helplessness as his eyes swept over everyone before finally settling on Franchesca. "Chesca's memory is really bad. Nakalimutan mo bang junior natin sa school ang asawa ko? Top student siya ng Philo Department. State scholar at ka-batch niya ang kapatid mong lalaki. I think, she defeated your brother in a competition back then."

Nakita ni Ivory kung paano nanigas sa labi ni Franchesca ang ngiti. 

Naalala niya, iyon ang time na nagbabalak ang babae na magtungo sa abroad at ang mismong panahon na nagkasundo ang pamilya Malthe at Smith na kanselahin ang engagement nina Levi at Franchesca.

Hindi halata ang low key na kalupitan ng lalaki para ipaalala sa ex-girlfriend nito ang ginawang pang-iiwan na tila ba hindi ito nagtanim ng sama ng loob. Sabagay, balewala na ngayon dahil tiyak naibalik na ni Franchesca ang dating connection nito kay Levi.

"As for her position as a secretary, kaga-graduate lang ni Ivory noon sa university. Bata pa siya at masyadong impulsive. On top of that, she is a girl, I can't let her go out alone and suffer. It was better to keep her by my side, made things easier for me, kaysa mag-alala ako habang nasa trabaho."

Tumawa ang lahat.

"Bantay-sarado mo pala. Ikaw 'yong pinakamabilis na naikasal sa ating lahat. Naalala ko tuloy, di ba ikaw rin yong nagsabi na ayaw mong mag-asawa?" kantiyaw ni Alfonze.

"Ang daldal mo, baka magalit si Ivory, kita mo mawawalan ka ng capital para sa bago mong business," pabirong sabat ni Gino. "Di ba, President Levi?"

"Hilig n'yo talagang magyabang," kastigo ng lalaking umahon mula sa bar sa malapit at lumapit sa kanila.

Si Samzon Aresgado. 

"Huwag mo silang pansinin, Ivory. Tsismoso ang mga lalaking iyan. Nanibago kasi sanay silang aloof si Levi. Kunting bagay tungkol sa asawa mo'y big deal na sa kanila."

"At nagsalita ang hindi tsismoso. Sa iyo rin naman nanggaling ang ibang info namin kasi lagi namang nasa news si Levi," angal ni Gino.

"Ganoon ba? I wonder, sino kaya iyong nakunan ng picture na pumasok ng hotel kasama ang isang minor celebrity at nag-trending pa sa social media for two days," banat ni Samzon pabalik. 

Kahit papaano ay gumaan ang atmosphere ng paligid dahil sa asaran at tuksuhan ng magkakaibigan at nawili sa pakikinig si Ivory. Parang naging katuwaan pa ang i-expose ang kahinaan ng bawat isa. Pati si Levi ay nakikitawa. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   84 - trending

    Dumating na parang bagyo si Claudia. Hindi lang marami ang dalang bodyguards, bawat isa sa mga ito ay may dalang stun gun at napapaligiran ng ilang sekretarya na may dalang mga dokumento at files. Halatang handang-handa ito. Pero ang mga pang-iinsulto, paulit-ulit pa rin. Una, minamaliit nito ang pinagmulan ni Ivory, tapos ikukumpara siya kay Chesca. Aminado naman siyang malayo ang agwat nilang dalawa. Pero naririndi na siya sa gasgas na mga salita ng kaniyang biyenan. May kalyo na ang puso niya kaya hindi na siya apektado pa."Hindi ka karapat-dapat, lumayas ka na sa pamilya ko ngayon din! Sinungaling ka, may sakit sa pag-iisip pala ang pamilya mo. Alam ko noong sinabihan kita na nagpapanggap ka lang na baliw, iyon pala totoo talagang may sakit ka sa utak."Pero ngumisi lamang si Ivory. "Bakit hindi mo pagsabihan ang anak mo na palayain ako at nang matapos na ang problema mo? Akala mo ba gusto kong manatili sa piling niya?""Ang yabang mo pa rin? Tingnan natin kung hanggang kailan k

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   83 - mental illness

    Nagkunwaring humikbi si Ivory at sisinghot-singhot na humilig sa dibdib ni Levi. Pagkahilig ay umirap siya. "Palagay mo magsusumbong si Chesca sa mommy mo?" tanong niya sa asawa. Mas maigi kung iyon ang gagawin ng babaeng iyon. Kailangan niya ng mas dagdag na pressure para tuluyan nang pumayag ang lalaki sa annulment. "Ivory, listen to me." Levi cupped her face and stared her directly. His eyes were unfathomable, up close, he possessed a cold hardness like an inorganic substance, making him difficult to see through. "If you want, I can distance myself from Chesca. In fact, after we ger married, I basically stayed away from places where socialites are rampant." Mahinahon itong nagsalita. "Who are you trying to fool? Yong si Gino lagi akong sinisendan ng mga larawan ninyo, kasama ang sinu-sinong mga babae." Umismid siya."That's business, most of them are representatives from the investors." "Rep na pang-seduce sa iyo? Para i-shortcut ang investments, I know." She brushed him off.B

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   82 - text

    "Okay lang talaga ako," giit ni Ivory paglabas niya ng banyo. "Wag mo nang abalahin ang doctor." Naglakad siya patungo sa couch. Kailangan niyang maupo kung hindi matutumba siya. "Do not lie to me, Ivory. Your face is pale and you're sweating a lot. Ang lamig ng mga kamay mo.""Dahil nga ito sa hyper ko. Mawawala rin ito mamaya.""Are you hiding something from me? Ayaw mong magpa-check sa doctor dahil takot kang malaman ko ang tunay mong kalagayan?" Kunot ang noo ni Levi at nakaukit sa mga mata nito ang iritasyon. "Bakit masyado ka naman yatang concern sa akin ngayon? Noong mga panahong lumalaban ako sa depression hindi ka naman ganyan," bahagya siyang natawa at inirapan ang asawa.Nagtagis ng mga bagang si Levi. "Ang galing mo talaga sa ganyan, no? Hindi halatang umiiwas ka lang. Tell me, are you pregnant?"Para siyang nakalunok ng tinik. Pinilipit niya ang mga daliri at tumikhim. "Hindi. Makikipaghiwalay na ako sa iyo tapos magpapabuntis ako? Ganoon ba ako katanga sa tingin mo? Pa

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   81 - doctor and diamond

    Habang nasa meetings si Levi, nakatulog sa loob ng opisina si Ivory. Nang magising siya ay wala pa rin doon ang asawa niya. May snacks sa center table pero ang mas umagaw sa atensiyon niya ay ang kislap ng diamond ring sa kaniyang daliri. Kailan pa iyon napunta roon?Sinipat niyang maigi ang singsing, kung anu-anong anggulo ang ginagawa. Wonderful! Umirap siya at bumuntong-hininga. The ring has a classic design. A platinum band with a ring of one-carat diamonds surrounding a six-carat blue diamond. This is her wedding ring. Hindi niya iyon madalas isuot. Nakatago lang sa gem safe roon sa old mansion's treasyre room. May bantay pa at iniingatan ng mga bantay na naka-duty lang sa lugar na iyon.Kailan iyon pina-deliver ni Levi? At hindi man lang niya namalayan kanina nang isuot sa kaniya ng asawa. Sobrang himbing siguro ng tulog niya. Parang gusto niyang matawa. 'Yong ang gulo ng kasal nila pero dapat pa siyang magsuot nitong wedding ring? Para ano?Kung hindi lang pretty ang diamond

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   80 - he knows?

    Umarangkada ang kaba ni Ivory. Paano kung maniwala si Levi sa sinabi ng bata? Dahil sa stress ay biglang humilab ang puson niya at sumakit ang kaniyang ulo. "Are you okay? Namumutla ka." Puna ng lalaki."Biglang sumakit ang ulo ko," angal niya para i-divert ang isip ng lalaki mula sa sinabi ng bata kanina. "Pumunta na tayo roon sa kabilang park." Humawak siya sa bisig ng asawa. Kailangan nilang makaalis, baka bumalik na naman ýong bata at kulitin siya ulit."I know what you're thinking, masyado kang defensive. Hindi naman sa ayaw kong magkaanak, kung nag-aalala kang baka hindi ko kilalanin ang bata o kaya ipapalaglag ko, nagkamali ka. Kapag nabuntis ka, itutuloy natin. Isisilang mo siya at aalagaan natin," pahayag ni Levi at hindi niya inaasahan iyon. Hindi sumagot si Ivory at tumango lang. Naglakad sila palabas ng park at binaybay ang kalye na maghahatid sa kanila sa kabilang parke. "Gusto mo bang mag-enroll sa workout?" tanong ni Levi."Para saan?""Para sa katawan mo.""No, I'm

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   79 - baby

    Ayon sa update ni Lucille, baka abutin ng isa't kalahating buwan ang processing ng annulment basta't may pera siya. Kung hindi sana magulo si Levi, sapat lang ang panahong iyon. Huminga ng malalim si Ivory matapos basahin ang chat ng kaibigan. Hindi rin talaga siya pwedeng umalis nang walang pera. Hindi niya maaring tipirin ang kaniyang anak. Kapag nakuha na niya ang pera, hindi siya magsasayang ng oras, aalis agad siya. Sapat na sapat na ang 500 million. Naidulog niya kay Lucille ang tungkol sa trabaho na inalok ni Levi kapalit ang malaking halaga na iyon. "I wish you both happiness," usal niya na nakatingin sa picture nina Levi at Chesca. Dead-end marriage ang mangyayari sa pagitan ng dalawa. Magkakaroon ng maraming anak sa future. Nilapag niya sa kama ang cellphone at sumaglit ng banyo. Paglabas niya ay nasa loob ng kwarto ang asawa. "Mamaya pa tayo aalis, di ba?" tanong niya rito."Hm, I just thought we can make love for an hour before going out." Ngumisi ito.Ikinalma ni Ivor

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   Chapter 3 - gathering evidence

    Hindi papayag si Ivory na basta na lang ibasura. Tatlong taon silang kasal ni Levi, kung wala siyang magagawa para pantay na mahahati ang property, nangangahulugan lamang iyon na ang pananatili niya sa piling ng lalaki ay walang saysay. Parang lubid kung saan nakasabit ang mga alimasag, kung titing

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   Chapter 2 - the annulment plan

    Kahit umalis ng maaga si Levi ay wala namang problema iyon kay Ivory. Sa mga mata niya, busy lagi ang lalaki kaya hindi siya umaangal at naghangad ng extra sa attention na ibibigay nito. Nasa peak na ang market value ng Malthe Enterprise pero tambak pa rin ang trabaho ni Levi tuwing nasa opisina.

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   Chapter 5 - stalking her husband

    Sa guest room natulog si Ivory. Mahimbing at tuluy-tuloy ang tulog niya sa buong magdamag. Nakaalis na ng bahay si Levi pagkagising niya. Habang kumakain napansin niya si Manang Laura na tila may gustong sabihin pero nag-aatubili."May problema ba, Manang?" tanong niya sa kasambahay."Nag-away po

  • ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN   Chapter 4 - loveless bed

    Pagpanhik ni Levi ng sala, nadatnan niya si Ivory na naghihintay. Nasa anyo nito ang pagkainip, pero nang magtagpo ang mga mata nila ay napansin niya ang pamilyar na kinang doon kasabay ang matamis na ngiti. Naglakad ito papalapit. "Maaga ka yata ngayon, dapat sinabi mo at nang nakapaghanda kami s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status