AV ➭ 011
❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Kinaumagahan pagdating ko sa opisina, may isang bouquet of red and white roses sa table ko. “Beautiful flowers for a beautiful angel like you. Good morning, my love. -your suitor, ZFH.” Basa ko sa nakasulat sa isang maliit na papel na nakalagay sa bulaklak. May kasama din itong isang box ng cookies.May kilig akong naramdaman pero pilit ko din itong winaksi kaagad. “I’m here for my mission. Hindi pwede, not now, Levana.” Paalala ko sa aking sarili. Tao na talaga ako, nakakaramdam na ko ng kilig ‘yun nga lang sa maling tao at maling pagkakataon pa talaga.“I hope you like it.” Nagulat na lang ako ng biglang lumitaw na lang sa harap ko ang nakangiting mukha ni Feitan at sobrang lapit pa nito sa mukha ko. Nag-init ang pisngi ko ng mapatingin ako sa mapula niyang labi. Kailan pa ko na akit sa labi ng lalaki? Hindi naman ako ganito kay Hikaru at KohenAV ➭ 063❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Natuod ako sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko sa mga sandaling ito. Gusto ko mag-back out pero hindi ko magawa ihakbang ang mga paa ko. Nagsalubong ang mga mata namin ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko magawang kalimutan. Wala itong emosyon, malamig lang ang tingin nito sa akin na tila hindi ako nakilala at salubong ang makapal na kilay. “Please proceed.” Wika ng Vice President. Umiwas ako ng tingin kay Feitan. Base naman sa reaksyon niya, hindi niya ako kilala. Kahit paano ay nabawasan ang alalahanin ko. Hindi niya naman ako nakilala, right?Tumikhim ako at inayos ko muli ang postura ko. Iniwasan ko ang mapatingin kung saan naka-pwesto si Feitan, which is sa gitna ko mismo siya nakatapat sa dulong bahagi ng mahabang lamesa. I tried to remain calm para wala siyang mahalata na hindi dapat sa kilos ko. “If you invest in this project of our company, the profit wi–”“Sorry to interrupt you but you’re kind of famil
AV ➭ 062❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †“Ayos ka lang dad? Anong nangyayari sa ‘yo” Nag-aalala ko na tanong. Bigla na lang kasi nawalan ng balanse si daddy at nakahawak sa ulo niya na parang nakararamdam ng hilo. Ang alam ko ay papunta siya ngayon dapat sa kumpanya dahil may importante siyang meeting pero dito pa lang sa sala na pahinto na siya sa paglalakad.“Bigla ako nahilo, anak.” Inalalayan ko si daddy makaupo sa sofa.“Maupo ka po muna, dad.” Nakisuyo ako sa kasambahay na kuhaan ng maiinom na tubig si daddy.“Salamat, anak. Magpahinga lang ako saglit, aalis din ako.” Napapangiwi nitong sabi.“Dad, hindi ba pwede na ipagpaliban mo muna ‘yan? Nahihirapan ka na nga.”“Hindi pwede, anak. Napaka tagal na panahon ang hinintay namin bago kami nabigyan ng pagkakataon na makausap ang investor na ito. Masyado siyang malaking isda para pakawalan. Matagal na kami nagbibigay ng proposals sa kanila at ngayon lang napansin kaya ayaw ko ito palampasin. Once in a lifetime lang ito, anak. Alam
AV ➭ 061❀❀❀THIRD PERSON’S P O V“Dami mo talaga alam, Damon. Manahimik ka muna diyan sa gilid.” Asar na wika ni Ken. Nailing na lang ang lahat sa biglang pagsulpot ni Damon na para bang hindi siya naka-abala.“Ang kulit talaga.” Naiiling na wika ni Lance. “Let’s continue. Kagaya ng huling sinabi ko, maingat na pagpaplano at paghahanda ang kailangan natin gawin kundi malalagasan tayo ng kasama. I know you are all professionals pero ‘wag pa rin pakampanti.” Makahulugan na sabi ni Lance. Bumalik sa pagiging seryoso ang buong paligid. Dama nila ang bigat ng misyon.“Asvaldr, Storm, Thunder, Lieve, and Fire, kayo ang magkakasama sa first mission- kay Aterus Donomie. Para naman sa KL Lounge, Ken, Damon, Earl, and Ava, Azi. At panghuli, Ashen Veil, Llewela, Hikaru, Kohen, Vladimir, at Ezekiel kayo naman ang para sa underground laboratory. Ang natitirang iba ay may nakalaan na ibang misyon para sa kanila.” Tumukod si Lance sa dulo ng lamesa. “May tanong ba kayo o violent reaction sa mga
AV ➭ 060❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Kumpleto kaming pamilya ngayon dito sa sala habang ang mga bata ay nanonood ng cartoons. Simula ng dumating ang mag-asawang Maximillano kanina, napansin ko ang madalas na pagtitig ni Rhysand sa anak ko. Minsan nahuhuli ko pa na sinisiko siya ni Lilura ng pasimple para agawin ang atensyon nito. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero base sa expression ng mukha niya, tila namumukhaan niya ang anak ko. Dito ko lang naisip na baka kilala ng bayaw ko si Feitan dahil pareho sila na kiláláng negosyante sa Pilipinas. Kumabog bigla ang dibdib ko sa naisip. I'm just wishing na wala siya mapagsabihan ng tungkol sa anak ko. Bukod kay Hikaru, wala ng ibang nakakaalam kung sino at ano ang pagkatao ng ama ng anak ko. Miski kay Lilura ay hindi ko ito binaggit. May hinala lang ako na kaya hindi na nagtanong sina Llewela at Lieve dahil alam na nila kung sino ito. Pinakilala ko na si Feitan noon sa kanila noon ng nagpanggap sila bilang college friends ko.
AV ➭ 059 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † Sinamaan ako ng tingin ni Hikaru pero dinilaan ko lang siya at lalong inasar pa. Excited na ko makilala ang babaeng mapapangasawa niya. Sana lang talaga matibay tuhod niya. Matagal tagal na kasing tigang ang kaibigan ko na ito. Tatlo pa naman paa ng lalaking ‘to. Hindi ko maiwasan mapangiti sa iniisip ko. “And why are you smiling like that, creepy little brat?” Salubong ang kilay na tanong nito sa akin. “I'm just wondering paano kung sa first meet niyo hindi ka magustuhan ng babaeng nireto nila daddy sa ‘yo?” I teased. “That's impossible, baby girl. Sino naman ayaw sa ganitong ka gwapo na mukha? Kahit mangkukulam at impakta nahuhumaling sa kagwapuhan ko.” Mahangin nitong sabi na ikinatawa ng mga magulang ko. “Grabe sa pagbubuhat ng sariling bagko ah? Wala kang ka yabang-yabang sa katawan. Swear.” Umirap ako sa hangin. Good luck talaga sa kaibigan kong ito kapag siya ang naging under de saya. Tatawanan ko talaga siya. ✤✤✤ Halos
AV ➭ 058❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Naagaw ng atensyon ko ang pangalan na binanggit ni Hikaru. Lumingon muna ako sa anak ko na nasa backseat para malaman kung naririnig iya kami. Abala lang ito sa pinapanood sa tablet habang nakasuot ito ng headset."Let's talk about her later when we get home." I said while looking at my son."Yeah. Tita Heleth is inviting me too for dinner. Syempre hindi ako tatanggi, tita Heleth 'yan eh. Ipagluto niya daw ako ng beef caldereta, my favorite!'"Tsk. Tapos kami na mga totoong anak hindi bibigyan? Palayasin talaga kita." Banta ko dito. Isang tunay na anak na rin kasi ang turing ng parents ko kay Hikaru. He’s like our big brother. Nagtataka na nga lang kami kung bakit hindi pa nag-aasawa ang mokong na ‘to eh."Oh, come on, baby girl. Don't be jealous. Alam mo naman na ako na ang nag-iisa nilang anak na lalaki. That's why I'm the favorite one." Mayabang nitong saad. Inirapan ko talaga siya."Yabang mo. Sabihin ko kay mommy at daddy, i-arrange marri