"Don't force yourself to move, Quennie," mariing wika ni Jairon nang asta kong huhugasan ang pinagkainan namin. Tatlong araw na ang nakakalipas buhat nang natahi ang sugat ko. Sa isang katulad ko na sanay sa iba't ibang uri ng sakit ay wala ng epekto ang tama ko."How can I not? I am fvcking here in your house, in your family's house to be specific," mahinang singhal ko at pasimpleng tumingin sa itaas ng hagdanan para siguraduhin na hindi kami nakikita ng mga magulang niya.Puros pagmumura ang lumabas sa bibig ko sandaling nagising ako sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa biglaang pagdala sa akin ni Jai rito o matatakot sa pupwede nilang isipin sa 'kin dahil may tama ako ng baril no'ng naparito ako.Hindi ako kailanman nagkaroon ng pakialam sa tingin ng mga nasa paligid ko, ito ang unang pagkakataon na nabahala ako ng ganito, na tila ba gagawain ko ang lahat bumango lang ang imahe ko sa kanila.Jairon smiled and stood up from his seat. Lumapit s'ya sa 'kin at inag
"Thank you," Jairon spoke as he sat on my side.Nandito kami ngayon sa garden ng bahay nila. Nakaupo habang tinatanaw ang mga bituin at nagliliwanag na buwan. "Para sa'n?" Tiningnan ko s'ya habang nakaangat ang isang kilay ko.He didn't look at me, instead he just stared at the night sky as his lips formed a little smile. "Kung hindi dahil sa ginawa mo ay baka hindi ko na kasama ang kapatid ko ngayon," aniya.Napahinga ako nang malalim at tumingin din sa kalangitan. "Kahit sino gagawain ang ginawa ko sakaling sila ang naroon sa aking posisyon," mahinang wika ko.Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. Ang mga huni ng kuliglig ay malinaw kong naririnig sa paligid."Doon ko lang lubos na naintindihan ang nararamdaman mo..." Muling pag-imik niya.Mabagal ko s'yang nilingon. He forced a smile then glanced at me. "Your pain, your hatred, your regrets." Saglit akong natigilan at umiwas ng tingin. Hindi ako nakaimik sapagkat hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong sabihin sa
Hindi katulad noon ay masaya kaming naghapunan ng pamilya ko. Mayroon man sa aking loob na nalulungkot sapagkat malimit kong maalala si Quenevere ay ipinagsawalang bahala ko muna 'yon.Sa unang pagkakataon ay napagdesisyunan kong magpalipas ng gabi sa bahay namin. Nagpunta ako sa kwarto ko at marahang pinasadahan ng tingin ang paligid. Walang nagbago.Iyon ang una kong napansin. Ang mga m'webles, kama at iba pang bagay ay hindi man lang naibo sa kanilang mga lugar. I sighed and laid down on my bed. Tulala kong tiningnan ang kisame habang inaalala ang mga masasayang kulitan namin ni Quenevere noon. Ilang saglit pa ay narinig ko ng tatlong katok mula sa pintuan. Mabagal itong bumukas hanggang sa nakita ko ang imahe ni Daddy. He stared at me then roamed his eyes around my room. Tipid s'yang ngumiti bago naglakad papasok, palapit sa 'kin.Bumangon ako at saka pinagmasdan ang kanyang kilos. He sat on my side as silence envelop the two of us. "Ilang taon na rin pala ang nakararaan..." Pa
Kinabukasan ay ramdam ko ang kaibahan ni Jairon, para siyang hindi mapakali o anuman. "Natatae ka ba?" usisa ko nang hindi na ako nakatiis sa itsura niya. Daig niya pa 'yong na-eebak kung mamawis ng todo. Nasa condo ko na ulit siya pagkatapos n'yang magbihis sa kanyang bahay. Kasalukuyan akong nag-aayos ng 'itsura ko sa salamin habang kunot-noong pinagmamasdan ang maya't maya niyang pagkuskos sa kanyang kamay.Mabilis s'yang umayos ng tayo saka tumingin sa 'kin. Tipid niya pa akong nginitian at umiling."I am just... excited," he said.My lips twitched because of that. "Malimit naman tayong mag-date, ngayon ka pa nangiba," kibit-balikat na sambit ko.He just laughed 'though it seems like he forced to do it. "Don't mind me. Just continue fixing yourself."Pinaikutan ko s'ya ng mata at itinuloy ang pagtatali ko sa aking buhok. Naglagay ako ng kaunting powder sa mukha saka lipstick bilang pagtatapos ng gayak ko."Let's go." Tumayo ako at hinigit ko ang inihanda kong mini bag.He looked
"What happened to my father?" namamawis kong tanong sa kabila nang panlalamig ng katawan ko.Hindi ako agad sinagot ni Aycxe kaya mabilis ko s'yang nilapitan at hinawakan sa balikat."Tell me... what happened to my father?" nakikiusap kong tanong.Malungkot niya akong tiningnan. "Sumabog ang sinasakyan ng Daddy mo," namamaos niyang usal. Para akong naupos na kandila nang narinig ko iyon. Ilang beses kong pinaulit-ulit sa 'king utak ang sinabi niya. Nananaginip lang ako, hindi ba?"H-He's safe right?" I barely managed to ask with my shattered voice.Marahan s'yang tumungo para iwasan ang paningin ko. "I am sorry to tell you. He's... dead on the spot."Tuluyan na akong nabuwal sa 'king tayo. Napasalampak ako sa buhanginan, mabilis na umalalay sa 'kin ang mga kasamahan ko pati na rin si Jairon pero hindi ko sila pinagtuunan ng atensyon.Pagak akong tumawa habang nagtutuluan ang mga luha ko. Ilang beses akong umiling at mariin na napapikit."You're joking right?" pumipiyok kong sambit.
"How did this happen?" nanghihina kong tanong sa mga kasama ko."Planado na nila ang lahat buhat palang no'ng umalis ang tatay mo papuntang Singapore," panimula ni Aycxe sabay abot sa 'kin ng kanyang cellphone.Nagngitngit ang ngipin ko nang nakita ang litrato. May nakalagay na malaking K, senyales ng kanilang grupo, sa kalsada kung sa'n sumabog ang sinasakyan ni Daddy. May kasama rin na mensahe ang litrato na s'yang nakapagpamuhi sa 'kin ng todo.You messed up with my business, now it's time to repay you. -Farro"Bakit hindi mo ipinaalam sa 'kin ang pagkilos mo mag-isa?" malamig na usisa ni Aycxe.Kinain ako ng pagsisisi dahil sa paglilihim ko noon. Hindi ako nakasagot sa tanong ni Aycxe bagkus ay nanghihina akong napaupo sa sahig. Mabilis na umalalay sa 'kin sina Noella, Shiela at Sophia—kung nasaan ang asawa niya ay iyon ang hindi ko alam.Tahimik akong napaluha. "Kasalanan ko... kasalanan ko ang lahat.""Walang may gumusto nito, Rose. Stop blaming yourself," Sophia said while tapp
Nagising ako sa isang puting silid. Ilang sandali ko munang prinoseso ang lahat at marahang inilibot ang paningin ko sa k'warto. I saw my friends standing on the corner, tanging si Sophia lamang ang nakaupo sa isang bakanteng upuan. Siguro ay kararating niya lang ngayong umaga rito sapagkat wala s'ya kagabi. Bagay na naiintindihan ko dahil sa sitwasyon niya. Pare-pareho silang nakatungo na tila may mga malalalim na iniisip.Hindi rin nakaligtas sa 'kin ang nanay ko na naka-ub-ob sa gilid ng higaan ko. Nanghihina kong ipinatong ang aking kamay sa tiyan ko at mariing napapikit.Are you still there?"Anak," bulong na tawag ng aking ina. Marahil ay nagising siya sa ginawa kong pagkilos.Mabagal kong ibinaling ang atensyon sa kanya, sa kanila. Lahat sila ay nakamasid sa 'kin habang bakas ang kalungkutan sa kanilang mga mata."L-Ligtas s'ya hindi ba?" garalgal kong usisa.Walang sumagot sa 'king tanong, awtomatiko akong napapikit at tahimik na napaluha."Isa na namang nilalang ang hindi ko
I am ready to end my life. Isang hakbang lang ay tuluyan na akong mahuhulog sa malalim na ilog, gano'n nalang ang gulat ko nang may malakas na p'wersang humila sa 'kin pabalik at ikinulong ako sa isang matipunong katawan."Fvck! Damn it!" a familiar voice exclaimed."J-Jairon?" utal na pagtawag ko.Kumalas s'ya sa 'kin saka nag-aalalang sinuri ang kabuuan ko. "Are you okay?" he asked worriedly.Lalo akong naiyak. Mahina ko s'yang hinampas sa dibdib at itinulak. "Why are you here? Why did you stop me?" Muli niya akong kinabig at mahigpit na niyakap. "Bae, this is not the solution to all your problems," he murmured as he kept kissing my head.Pilit akong nagpumiglas ngunit mahigpit akong nakakulong sa braso niya. "Let me die, Jairon. I don't deserve to live," pumipiyok kong sambit sa gitna nang paghagulhol ko."Ssshhh. I get it, you're emotionally stressed. Please, rest, Quennie. Stop thinking this shit."Nanghihina akong tumigil sa pagkalas ko sa kanya at umiyak nalang nang umiyak. "