AVERY POVNang gabi nagkita kami ni Atticus na huli ako ng taga bantay ko sa balkonahe buti na lang hindi na nito naabutan si Atticus.Kinabukasan maaga kami tumulak ng mga tito at tita ko sa Attorney ni lolo sa maynila. Tanghali ng makarating kami doon.Hindi na ako na namangha sa mga naglalakihang building dito madalas ako magbakasyon dito simula ng bata kung hindi man dito nasa ibang bansa ako kasama ang pamilya ni Tito Bert.Hindi kasi madalas umuuwi dito ang dalawa pang lalaking kapatid ni mommy kaya hindi ko sila gaano kasundo.Pero mabait naman sila nanirahan na lang sila sa ibang bansa kaya pero ngayon sinundo namin sila sa mga hotels nila natataka ako dahil mag-isa lang ako sa magpipinsan na kasama ng mga kapatid ni mama.Hindi ko matanong si Tito Bert kung bakit hindi namin kasama si ZiahInaantok pa ako ng magsimula ang pagpupulong kalagitnaan ng pulong na gising ang diwang ko ng banggitin ni Attorney ang oabgalan ko."Miss Avery will take all the Verlace farm in province a
AVERY POVAlas kwatro pa lang ginising na ako ng tauhan ni Tito Bert humihikab pa ako habang pababa ng hagdan.Hindi muna ako naligo kaya naman nakapantulog pa ako nang pumunta ng kusina."PANGINOON MAHABAGIN AVERY!" nawala ang antok ko sa sigaw ni Ziah. "Ano yun?" hasik ko dito habang lumilinga sa likod ko. Baka nasa paligid si Tito Bert na paborito ako pagalitan.Naningkit ang mata ko ng nakita ko tumatawa si Ziah at prenteng nagkakape. "Narinig ko tumakas ka kagabi ah! Nagkita kayo ni Papa Atticus mo?" tatawa tawa pa ito sa pang-aasar sa akin."Hindi!" pasalampak ako umupo harapan nito. "Ano nga? Narinig ko lang na huli na naman nila si Papa Atticus mo na umaaligid sa sakahan ah!" taas baba pa ang kilay nito.Totoo nga si Atticus nga nakita ko kagabi na nakasunod sa likuran namin habang walang habas akong kinakaladkad ng nga tauhan ni Tito."Totoo nga!" pumalakpak pa ito sa harapan ng mukha ko. "Sa ngiti mong yan Avery.""Manahimik na na dyan Ziah baka marinig tayo ng papa mo maya
AVERY POV"Anong ginagawa mo dito?" hasik ko kay Atticus nakasimangot sa akin. "Ikaw dapat tinatanong ko ano ginagawa mo dito? "Kubo ko to Atticus kahit kailan ko maisipan pumunta dito wala makakapigil sa akin." pagsusungit ko dito. "Tara na doon kumain na tayo nagugutom na ako." Hinawakan ako nito sa kamay para lumabas na ng kubo. “Doon ka sumabay sa kausap mo babae.” Winaksi ko ang kamay nito nakahawak sa isa kong kamay. At sumalampak ako sa couch. Sumunod din ito pag upo sa couch ko. Sinamaan ko ito ng tingin. “Tara na baka bigka bumalik ang Tito mo hindi pa kita makasama ng matagal.” Natigilan naman ako sa banat nito hindi ko mapigilan mapangiti ng wala sa oras. Konting lambing lang nito sumusunod na ako. Nakikisalo na ako sa tanghalian nila ang nilantakan ko yung dala ni Atticus na itlog na maalat na kamatis at sibuyas. “Masarap ba?” hindi ako makapagsalita dahil sa daming laman ng aking bibig tanging tango lang na sagot ko dito. Kaya natawa na lang ito sa akin ginulo pa ang
AVERY POV"Kilala mo siya?" nabigla si Tito nang malaman na kilala ko ang kaharap nitong ginang.Nahintakutan ako ng magbasag ito ng vase malapit sakanya. "IKAW!!! ANG KAPAL NG MUKHA MO BIGLA NA LANG LUMITAW PARA SA MANA!" pangmamaliit ni Tito dito dinaluhan ko si Tita Cora awang awa sa sitwasyon nito.Nakaluhod habang punong puno ng luha. "Tito!" saway ko dito. "Huwag ka makielam dito Avery umakyat ka sa taas."Hindi na ako naka-apila dahil hinawakan na ako ng dalawang tauhan ni Tito sa higpit nuon hindi na ako nakapumiglas.Nang masarhan ang pinto ng kwarto ko mas lalo umingay sa baba nakinabahala ko lalo.Pinihit ko yung pinto ko ngunit nakasarado ito. Buong lakas ako kumatok doon para lang pagbuksan ako.Narinig ko ang boses ni Atticus sa baba.Naisipan ko pumunta ng banyo para sa maliit na lang na bintana doon ako dadaan. Kaso nang buksan ko iyon may nakaharang na nakawelding na bakal.Mukhan alam na nila Tito kung saan ako dumadaan pagtumatakas.Maaga ako nagising sa pinto ako k
AVERY POVKahit hating gabi na ako nakatulog maaga pa rin ako nagising dahil sa katok ng kasambahay namin."Miss Avery pinapatawag na po kayo sa hapagkainan." tumango lang ako dito at dumiretso na ng banyo.Nagsipilyo at ng hilamos lang ako hindi ko na inabala ang sarili magbihis. Bumungad sa akin ang tahimik na hapag kahit kubyertos ng mga ito hindi ko naririnig kumiskis sa plato. Nasa gitna upuan si Tito samantalang bakante ang kanan parte. Si Tita Cora at Atticus ay parehas nasa kaliwang parte kaya sa kanan banda ako umupo.Kita ko ang pagsipat ni Atticus sa suot ko bigla tuloy ako na ilang dahil manipis lang iyon."Avery aalalayan ka ni Atticus sa sakahan ngayon tutal may alam siya doon." tumango lang ito nagtataka ako dahil biglang na iba ang ihip ng hangin.Mukhang nakuha na ni Atticus ang loob nito. Dalawang gabi lang nakakalipas. Paano nangyari iyon?Mabilis kami natapos sa pagkain nandito na kami sa sakahan hindi man lang ako nito kinakausap. Hinayaan ko na lang iyon nakihal
AVERY POVGabi na ng umuwi kami sa mansion wala naman ibang nangyari bukod sa halikan naganap. Napakiusapan ko ito na hindi pa ako handa sa bagay na yun.Kahit pumapayag ako magpahalik dito hindi ko pa rin kaya ibagay sa kanya ang pagkababae ko. Bigla respeto sa sarili ko.Iniingat ko ito para sa tao mamahalin ko ng lubos at papakasalan.Magaan ang pakiramdam ko pagkagising naligo na muna ako bago bumababa. Dahil panigurado nasa baba na si Atticus kumakain.Nakakahiya naman na kakagising ko lang walang hilamos magpapakita sa mga ito.Sus Avery ginawa mo na yun nung nakaraan araw ngayon ka pa tinamaan ng hiya palibhasa ng kasundo na kayo.Nagtaka ako nang maabutan ko si Tita Cora lang ang nasa hapag. Siguro na basa nito ang nasa isipan ko kaya nagsalit na ito. "Naku iha maaga sila tumulak ng manila. Bilin ng Tito mo magpahinga ka na muna ngayon."Bagsak ang balikat na kumain pagkatapos ay tumambay lang ako saglit sa balkonahe namin sa taas. Bago magpasya maglakad lakad sa sakahan.Kasa
AVERY POVUnang beses ko lang nakapagsuot ng one piece masyado pa revealing. Binili ito sa akin ni Ziah nung ng baksyon ako sa kanila sa ibang bansa. Para daw hindi puro pang manang ang suot ko masyado ko daw tinatago ang maganda ko kayawan.Sinubukan ko lang maimpress ko lang si Atticus. Hindi ko masabi mahal ko ito siguro hinahanga ko dahil angking kakisigan at kagwapuhan. At ito lang sa lahat ng binata dito sa bayan namin ang nangahas na lapitan ako.Nalulungkot nga ako nung estudyante pa lang ako ni isa sa mga kaklase ko o mga mag-aaral sa eskwelahan namin wala nanligaw man lang sa akin. Tanging si Masha at dalawa pa namin kaibigan ang naglakas loob na lapitan ako.Mahigpit din kasi sa akin si Lolo pag may pinapakilala ako kaibigan ay kinakausap daw nito ng palihim. Nalaman ko iyon kay Masha dahil kinausap daw siya nito na layuan ako dahil hindi naman daw siya anak mayaman.Nagulat ako na may kagaspangan sinabi ni Lolo sa kaibigan ko. Isang linggo ako nagtampo dito kaya muli nito
AVERY POVKimabukasan kahit hindi pa nag-aagahan tumulak na ako sa ilog kahit hindi nagpapaalam kay Tito. Dahil sa walang hiyang Atticus na yun nqudlot ang plano ko paglalangoy.Nasasabik ako tumalon sa tubig. Nanginig ako sa lamig nang umahon ako papunta sa batoNasisiguro ko na walang na mang-iistorbo sa akin narinig ko sa usapan ni Tito Bert at Atticus ang pagluwas nila sa kalapit bayan. Isang oras din byahe papunta doon.Nang magsawa sa paglublob sa ilog na isipan ko magbanlaw na sa banyo sa kubo.Medyo disente na ang suot ko ngayon one piece na kulay pula iyon. Pero may dala pa ako isang puting two piece na galing din kay Ziah. Baka maisipan ko muli maglublob sa ilog pagkakain ng tanghalian.Nang makakain ako nagpalit muli ako panglangoy.Taas noo ako naglalakad papunta sa ilog may narinig akong yabag sa likuran ko."ATTICUS?" gulat ako nang makita si Atticus na sumusunod sa akin papunta ng ilog."Bakit ka nandito? Hindi ba pupunta kayo sa kalapit bayan?" hasik ko dito mukhang ma