Share

CHAPTER 7

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2026-02-05 18:15:11

Nakaramdam si Jazz ng matinding kirot sa kanyang dibdib, habang rumaragasa ang galit sa kanyang buong pagkatao. Nagmamadali niyang tinipon ang kanyang mga dokumento, pero napatigil siya nang buksan niya ang huling drawer.

Sa loob nito ay may isang salansan ng mga certificate—ang pinakaprestihiyosong CPA at CFA credentials sa finance world.

Kahit isa lang sa mga ito ay sapat na para maging pasaporte sa malupit na labanan sa labas upang magkaroon ng magandang posisyon sa kahit anong kumpanya, pero narito ang mga ito, nakasiksik lang sa pinakatagong sulok.

Hindi ba’t ang tingin nila sa kanya ay isang walang kwentang tao na walang ibang alam kundi ang humabol sa lalaki?

Sulyap lang ang ibinigay niya sa mga ito, ayaw nang magtagal, at mabilis na nag-impake ng ilang damit sa maleta para umalis.

Eksakto namang pumasok si Emerson. “Ate, maglalayas ka na naman ba? Itigil mo na nga ’yan—gutom na gutom na ako!”

Dali-dali itong lumapit at hinablot ang maleta mula sa kanyang mga kamay.

“Kung hindi ka hihingi ng tawad kina Mama, Papa, at Ate Angelyn, wala nang kakausap sa’yo. Ilang araw mo na namang balak maglaho ngayon? ’Di ba nagbanta ka na ring maglalayas kahapon? Pero heto ka, bumalik ka rin ngayong umaga. Nakakahiya ka talaga. Parang nawawasak ang pamilyang ito dahil sa’yo. Ano bang klaseng utak meron ka?”

Habang nagsasalita, padaskol niyang inihagis ang maleta sa tabi.

Kumalat sa sahig ang mga damit na maingat na itinupi ni Jazz.

“Alam mo ba kung bakit gustong-gusto ng lahat  si Ate Angelyn?” patuloy nito nang may kalamigan. “Mabait siya, edukada, at magaling sa trabaho. Wala ka sa kalingkingan  kanya. Hanggang ngayon, ayaw pa rin nina Mama at Papa na bigyan ka ng shares—marahil dapat mong pagnilayan ang sarili mo.”

Tinitigan ni Jazz ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig. May kung ano sa loob niya ang tuluyan nang naputol.

Itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal ang kapatid.

PAAAK!

Napahawak si Emerson sa kanyang mukha habang agad na namula at namaga ang kanyang pisngi. Tumitig siya kay Jazz nang hindi makapaniwala. “Ika… ikaw, sinampal mo ako?”

Ang panganay niyang ate ay palaging ang may pinakamahabang pasensya at pinakamalambot ang puso sa kanya.

Pero ngayon—totoong sinaktan siya nito.

Sa isang saglit, nakaramdam si Emerson ng hindi maipaliwanag na pait sa kanyang puso.

“Sinampal mo ako?! Talagang sinampal mo ako?!” sigaw ni Emerson. “Ate, sa pagkakataong ito, tapos na talaga tayo! Maliban na lang kung ipagluluto mo ako sa loob ng isang buong taon, huwag mong asahan na papatawarin kita. Kung gusto mong maglayas, lumayas ka na ngayon din! Babalik ka rin naman dito pagkalipas ng ilang araw para magmakaawa!”

Mabilis na tumalikod si Emerson at padabog na lumabas.

Habang hinihila ni Jazz ang kanyang maleta pababa ng hagdan, narinig niya ang matinis na boses ni Norelyn.

“Hindi ako makapaniwala! Jazz, talagang nagawa mong saktan ang kapatid mo! Wala ka nang—wala ka na sa katwiran! Lumabas ka at lumuhod doon! Huwag kang tatayo hanggang hindi kami nasisiyahan, kung hindi ay hindi ka na tatanggapin ng pamilyang ito! Itatakwil ka na namin ng tuluyan!”

Tumingin si Jazz sa direksyon ng sofa.

Maingat na dinidiinan ni Angelyn ng yelo ang pisngi ni Emerson, bakas sa mukha ang labis na pag-aalala. Madamdaming nakatingin sa kanya si Emerson, at sadyang napasinghal nang mapansing nakatingin si Jazz.

Isang bugso ng kirot ang dumaan sa puso niya. Ngunit dahil wala na talaga siyang maalala, kasama ring naglaho ang anumang pagnanais na kumapit sa ilusyon ng pagmamahal ng pamilya.

Hinila niya ang maleta patungo sa pinto, ang kanyang boses ay kalmado at matatag.

“Ayos lang sa akin kung hindi na ako mananatili sa bahay na ito. Kung hindi niyo ako matagalan, sige. Kayong apat na lang ang mamuhay nang masaya—hindi ko na kayo guguluhin pa. Magmahalan kayo hanggang gusto niyo. Good bye..”

Sa isang sandali, akala ni Norelyn ay namamalikmata lang siya. Kumakabog ang kanyang dibdib sa tindi ng galit. “Ikaw—ikaw—paano ba ako nagkaanak ng batang kasing-walang utang na loob mo? Sige, lumayas ka. Hindi ka pa nagtatrabaho simula noong grumaduate ka. Tingnan natin kung hanggang kailan ka mabubuhay nang mag-isa sa labas. Darating ang oras na babalik ka rito na umiiyak at nagmamakaawa sa amin!”

Ang tanging sagot na natanggap niya ay ang malakas na kalabog ng pinto sa pag-alis ni Jazz.

Napaupo si Norelyn sa sofa sa tindi ng galit, nanginginig ang mga daliri habang itinataas ang baso ng tubig. “Sana hindi ko na lang siya ipinanganak!”

Kumislap ang mga mata ni Angelyn sa tuwa na pilit niyang itinago, habang ang boses niya ay punong-puno ng pag-aalala. “Ma, huwag na kayong mag-alala. Ganyan naman po palagi si Ate. Kung gaano katapang ang mga salita niya, ganoon din siya kabilis bumalik.”

Nagsalita din si Emerson. “Nagawa pa niya akong saktan sa pagkakataong ito. Hinding-hindi ko siya papatawarin.”

Sa labas, nakatayo si Jazz sa may  gate bitbit ang kanyang maleta.

Ang tanging pera lang na mayroon siya ay ang sampung libo na ipinadala ni Sheena kanina. Ang makahanap ng matitirhan ang kanyang pangunahing prayoridad.

Kahit na nag-alok si Sheena na doon na muna siya tumuloy, ayaw ni Jazz na maperwisyo ito nang matagal.

Naghanap siya sa internet ng mga paupahan, umaasang makakahanap ng lugar na malapit sa building ng Robles company.

Ngunit ang Robles Group ay matatagpuan sa center ng lungsod, kung saan napakamahal ng presyo ng lupa. Maging ang pinakamurang apartment ay nagkakahalaga ng halos dalawampung libo kada buwan—higit pa sa kaya niyang bayaran.

Kung uupa naman siya sa malayo, mangangahulugan ito ng mahabang biyahe at mamahaling pamasahe sa taxi araw-araw. Naglalakad siya habang nag iisip.

Matapos timbangin ang kanyang mga option, napansin niya na may mga  bisekleta doon na itinitinda.

Sa huli, wala siyang nagawa kundi umupa ng matitirahan sa isang lumang residential area—isang biyaheng tumatagal ng dalawampung minuto mula sa building ng Robles Group gamit ang bisekleta.

Nagtanong siya sa may ari kung pwede iyong subukan. Dahil sa kanyang charm, pumayag iyon. Sinakyan niya iyon sa mas malaking kalsada.

Dahil wala siyang alaala ng kanyang nakaraan, hindi niya sigurado kung marunong ba siyang sumakay nito. Gayunpaman, mukhang madali naman ito kapag ginagawa ng iba.

Pasuray-suray na umabante ang bisekleta. Medyo nahihirapan pa siyang manimbang. Halos lahat ng sasakyang dumadaan ay bumubusina sa kanya dahil nga pasuray suray ang takbo niya na parang lasing.

Namuo ang butil ng pawis sa noo niya habang pilit siyang sumisiksik sa gilid ng kalsada, takot na masangkot sa isang aksidente.

Hindi kalayuan, sa loob ng isang mamahaling sedan, ibinaba ni Malachi ang kanyang tingin sa mga dokumentong nakapatong sa kanyang hita.

Huminto ang sasakyan matapos abutin ng red lights. Isinara niya ang folder at kaswal na tumingin sa labas ng bintana—saktong nakita niya si Jazz na nakatigil sa tabi ng daan.

Nakatali ang kanyang buhok sa isang ponytail . Ang sikat ng araw ay tumatama sa kanyang maputing balat, na nagbibigay sa kanya ng isang hindi inaasahang masiglang anyo.

Lampa at hindi matatag ang kanyang pagmamaneho; muntik na siyang bumangga sa isang sasakyang lumiliko.

Natigilan ang tingin ni Malachi. Bahagyang gumalaw ang dulo ng kanyang mga daliri nang halos hindi mapapansin.

Mula sa upuan ng drayber, nagsalita si Yexel. "Hindi ba si Miss Jazz iyon? Anong pakulo na naman ang ginagawa niya ngayon? Dati ay tumatanggi siyang sumakay sa kahit anong kotse na ang halaga ay mas mababa sa tatlong milyon. Tapos ngayon, nakasakay siya sa isang bike?"

Si Yexel ang assistant ni Malachi at kababalik lang din sa bansa.

Tumingala siya at nasalubong ang mga mata ni Malachi sa rearview mirror.

"President, mas mabuting lumayo tayo sa malas na iyan. Ayaw nating madamay sa kanya." Mariin nitong sabi, "ang babaeng iyan ay maraming alam na gawin, baka mamaya, puro kalokohan na naman ang iniisip niya."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   CHAPTER 7

    Nakaramdam si Jazz ng matinding kirot sa kanyang dibdib, habang rumaragasa ang galit sa kanyang buong pagkatao. Nagmamadali niyang tinipon ang kanyang mga dokumento, pero napatigil siya nang buksan niya ang huling drawer.Sa loob nito ay may isang salansan ng mga certificate—ang pinakaprestihiyosong CPA at CFA credentials sa finance world.Kahit isa lang sa mga ito ay sapat na para maging pasaporte sa malupit na labanan sa labas upang magkaroon ng magandang posisyon sa kahit anong kumpanya, pero narito ang mga ito, nakasiksik lang sa pinakatagong sulok.Hindi ba’t ang tingin nila sa kanya ay isang walang kwentang tao na walang ibang alam kundi ang humabol sa lalaki?Sulyap lang ang ibinigay niya sa mga ito, ayaw nang magtagal, at mabilis na nag-impake ng ilang damit sa maleta para umalis.Eksakto namang pumasok si Emerson. “Ate, maglalayas ka na naman ba? Itigil mo na nga ’yan—gutom na gutom na ako!”Dali-dali itong lumapit at hinablot ang maleta mula sa kanyang mga kamay.“Kung hindi

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   CHAPTER 6

    Bago umalis matapos kumain, medyo nahihiyang nagtanong si Jazz, “Puwede mo ba akong pahiramin ng pera?”Huminga nang malalim si Sheena. “Ang cufflinks na ibinigay mo kay Damon noong nakaraang linggo ay nagkakahalaga ng isang daang libong piso. Tapos ngayon, sasabihin mong manghihiram ka ng pera dahil wala kang pera?”Napakamot sa pisngi si Jazz, halatang napahiya. “Nangutang lang ako para mabayaran ang bill sa ospital kahapon. Babayaran din kita agad.”Nag-transfer si Sheena ng sampung libong piso sa kanya sa pamamagitan ng WeChat at tinapik siya sa balikat. “Ilang taon nang nililimitahan ng pamilya mo ang gastos mo, pero tinitiis mong mag-ipon para lang maibili ng regalo si Damon—pati nga mga kamag-anak niya, sinusuyo mo. Hayaan mo na nga. Wala na ring saysay ang magsalita pa ako sayo. Hindi mo na kailangang magbayad. Kung wala kang matutuluyan ngayong gabi, bumalik ka lang dito.”Lubos na natouch ang damdamin ni Jazz sa sinabing iyon ng kaibigan.Ngayon, sigurado na siyang magtatra

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   CHAPTER 5

    Sa sobrang frustration, hindi na nakapagsalita si Jazz. At dahil nakita niyang pagod na pagod si Sheena, nanahimik na lang siya.Naglatag si Sheena ng bagong pajama sa ibabaw ng kama. “May sariling banyo ang kwarto mo. Maligo ka na at magpahinga. Pagod na pagod ako ngayong araw—hindi na muna kita dadaldalin.”Tumango nang mahinahon si Jazz. “Salamat.”Pinanood niyang maglakad si Sheena patungo sa isa sa mga pinto ng kwarto, at alam niyang ang kabilang kwarto naman ang para sababae.Matapos maligo at magpalit ng pajama, sa wakas ay gumaan nang kaunti ang kanyang pakiramdam.Eksaktong papatulog na sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone dahil sa isang bagong mensahe.Galing ito sa kanyang nakababatang kapatid na si Emerson.[Ate, naka-bakasyon ako ngayon. Kararating ko lang sa bahay. Birthday ngayon ni ate Angelyn—bakit wala ka rito? Sabi ni Mama naglayas ka na naman daw. Kailan ba ito matatapos? Umuwi ka na. Hindi ko gusto ang luto ng mga katulong dito; mas gusto ko ang luto mo.

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   CHAPTER 4

    Nanatiling nakatayo si Jazz, tulala matapos ang sampal. Nakabiling ang kanyang ulo at tila wala nang buhay ang kanyang mga mata. Dinig niya ang matinis na ugong na iyon sa kanyang tainga.Dali-daling lumapit si Angelyn sa tabi ni Norelyn at dahan-dahang hinaplos ang likod nito para kumalma ang paghinga. “Ma, ayos lang po talaga ako. Isang milyon lang naman ang laman ng account. Nag- aalala lang ako na baka walang magamit si ate. Kaunti lang ang perang naroon para hindi na siya masyado pang makapaglustay.”Kumirot ang lalamunan ni Jazz sa sakit. Bigla niyang binuksan ang pinto ng isang taxing nakaparada sa kanyang tabi. “Excuse me…”Ngunit wala siyang maisip na destinasyon. Ang tanging nagawa niya ay tumitig sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang mga taong iyon na naglalakad papasok sa loob ng bahay.Sinulyapan ng driver ang kanyang namumutlang pasaheroi, “Pamilya mo ba ang mga ‘yon o mga kaaway? Wala kang kaimik-imik kanina kahit nasampal ka na. Huwag mo na alalahanin ang dal

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   CHAPTER 3

    Hindi na niya alam kung kanino pa hihingi ngthirty thousand na kabayaran sa kanyang hospital bill. Sa huli, alas-nuwebe na ng gabi nang muli niyang tawagan si Malachi.Isang malalim at paos na boses ang sumagot sa tawag niya—malamig at tila malayo, kagaya ng isang naliligaw tuta.“Jazz?”Agad na parang may bumara sa kanyang lalamunan ng marinig ang titig ng lalaki sa kabilang linya. Isang matinding bugso ng hinanakit ang bumaha sa kanyang puso. Naaalala niya kung paano sinaktan ng kanyang ina ang kanyang damdamin. Nanginginig ng bahagya ang kanyang tinig, ng mag umpisa siyang magsalita.“Hello… Malachi. Maaari– maaari ba akong makahiram ng thirty thousand?” mahina niyang tanong. “Nasa ospital ako at hindi ko mabayaran ang aking medical fees. Kilangan ko ng maka bill out upang hindi na lumaki pa ang aking babayaran dito.”Mula sa kabilang linya, narinig niya ang mahinang tunog ng paghinga, kasabay ng bahagyang kaluskos ng tela.Noong nawalan na siya ng pag asa, dahil sa hindi nito pag

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   CHAPTER 2

    Pagkatapos nito, inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang ni Angelyn at umalis nang walang pag-aalinlangan.Nakatitig lang si Jazz sa mga numero sa kanyang cellphone. Ang kanyang totoong fiancee ay hindi man lang nagpakita ng malasakit sa kanya, mula pa umpisa, bagkus, hinamak siya nito kahit alam na nito ang kanyang kalagayan. Ang mga binitawan nitong salita, ay para lamang sa sarili, at sa babaeng kasama nito, na kapatid niya mismo.Para siyang sinasakal sa puso. Namutla ang kanyang mukha at isang mapurol at hindi mapigilang sakit ang kumalat sa kanyang dibdib. Kahit malabo pa ang ilan niyang alaala, hindi maipagkakailang nasasaktan siya sa sinabi nito.Halatang magaling na si Angelyn mula sa aksidenteng kinasangkutan nila, pero siya—na siyang sinisisi ng lahat—ang halos mawalan ng buhay.Paano niya naging fiancé ang isang lalaking tulad nito?Tatlong araw na siyang nawawala, pero wala ni isa mula sa pamilya niya ang nagtangkang kumontak sa kanya at mag alala. Sa kanyang isipan,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status