Share

Chapter 7 Birthday

Bumalik ang sinabi sa akin ni Jandy kanina. Hindi na mababago ang pagiging gago ni Ryker. Dumapo ang tingin niya sa akin at nahinto siya sa paglalakad. Parang nahihiya pa niyang iniiwas ang mukha kahit na nakita ko na naman ang pasa sa kanyang pisngi.

“Mr. Gamba!” galit na pagtawag sa kanya ng Dean.

Umigting ang kanyang panga. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at hindi na ako muling tiningnan pa.

Ilang minuto pa akong nanatili sa kinatatayuan dahil nag-ugat na ang mga paa ko sa lupa. Ano kaya ang nangyari? Halatang napaaway na naman si Ryker.

Sinulyapan ko ang suot na relo at nakitang limang minuto na lang ay simula na ng klase ko. Mabilis akong nagpatuloy na sa paglalakad. Nabunutan ako ng tinik pagdating ng classroom namin nang makitang wala pa si Prof.

Tinungo ko ang upuan at napansin ang katabi kong si Ems na kausap si Jemima.

“ . . . bigla na lang daw nagalit iyong Ryker Gamba.” Dinig kong sinabi ni Ems.

“Pat

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status