Share

Chapter 8 Basted

Ang lahat ay nakatingin na sa akin at naghihintay na simulan ko ang pagkanta. Nasa sala na kami ng bahay nina Ryker. Mas lalo akong nabalisa sa kinatatayuan at wala sariling napadikit kay Ryker dahil na rin sa kahihiyan.

“Hindi mo kailangang kumanta,” natatawa niyang bulong malapit sa tainga ko.

“Sabihin mo 'yan sa mga taong nakatingin sa'kin ngayon dito,” sabi ko na pekeng nakangiti at halos hindi na bumubuka ang bibig.

Mas umakyat pa ang kaba ko nang lumapit na ang nanay ni Ryker sa akin. Hawak na nito ang birthday cake ni Ryker na may nakasinding kandila.

Tumikhim ako at huminga ng malalim. Ayaw ko naman na maging panira sa birthday celebration niya.

“Happy birthday to you . . .” panimula ko sa halos pumipiyok na boses. Tumikhim ako at sinubukang ayusin ang boses.

“Happy birthday to you.” Mas naging klaro na ang boses ko at nagsimula na ring sumabay sa akin sa pagkanta ang lahat.

Iniabot ng nanay ni Ryker ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status