Share

ACADEMIAN II: Café

last update Last Updated: 2021-02-18 20:40:15

Hannah Nicole Villareal

"Sigurado ka ba sa nakita mo, Reiber?" 30 minuto na mula nang nagsimulang kausapin ni Ma'am Sisa si Reiber, at hindi pa rin sila natatapos hanggang ngayon.

Mariing tumango si Reiber, sabay tumuro sa building ng Grades 8 at 10. "'yon po 'yung ginigiba ng mga tao sa nakita ko."

Imbes na hindi maniwala si Ma'am Sisa ay mas nagkaroon pa ito ng interes sa nakita ni Reiber. "Tell me. Ano pang mga nakita mo?"

"Anino ng sampung tao, kulay puti at itim na flag, s-si Sir William." Nag-alangan pang sabihin ni Reiber ang pang-huli.

"Tingin mo ba maniniwala si Ma'am Sisa?" Katabi ko ngayon si Basang. Umiiral nanaman ang pagiging pasaway niya kaya hindi siya tumutulong sa paglilinis, bagkus ay nakikinig pa siya sa pinag-uusapan nila Reiber at Ma'am Sisa.

"Hindi sila magtatagal sa pag-uusap kung hindi naniniwala si Ma'am Sisa. She won't waste her time listening to unsurreal visions." Ngayon ko lang napansin na nasa likuran namin sina Athasia at Charm.

"For now, Don't tell this to anyone. Hindi pa tayo sigurado sa nakita mo but I believe you. Sadyang kailangan nating mag-ingat at baka ma-alarma ang lahat kapag nalaman nila ang nakita mo." Tinawag ni Ma'am Sisa si Athasia.

May ibinulong ito sa kaniya, at tumango naman si Athasia. Mabilis itong bumaba ng hagdan at mula doon ay narinig ko pa ang kaniyang sigaw.

"Achievement!! Wala raw munang uuwi after maglinis!" Narinig ko kung paano magreklamo ang mga kaklase ko sa baba.

"Ano ba 'yan! Wala na kaming masasakyan!" Reklamo ni Jzairene.

"Sarado na 'yung Computer Shop 'pag hindi pa ako uuwi!" Dagdag ni Rimar.

"Ano bang gagawin mo sa Computer Shop?!" Para talagang mag-ina sina Athasia at Rimar. Matangkad kasi si Athasia at siya ang isa sa pinakamatanda sa amin, habang mas maliit pa si Rimar kaysa kay Suzzaine.

"Magpapa-print ako ng Assignment sa Science! Mero'n kasi kayong printer sa mga bahay ninyo kaya 'di kayo nagpapa-print sa Computer Shop!" Banat niya.

"Pwede namang handwritten eh!" Sabad ni Charm.

"Pake mo ba? Gusto ko nga printed eh!" Nagpatuloy lang sila sa pang-aasar sa isa't-isa hanggang umabot sila sa habulan.

"Mukhang kailangan nating tulungan si Athasia. Nakikipag-harutan na siya kay Rimar eh." Natatawang ani ni Basang.

Tumango naman ako. Bumaba ako para puntahan ang mga miyembro ng Group 2, na naglilinis ng basurahan sa lugar ng pag-igiban.

"Yow Pipol! Wala raw munang uuwi after maglinis sabi ni Ma'am Sisa." Anunsyo ko sa kanila.

Hindi na sila nag-reklamo, kabilang do'n sina Reiber at Alexi. Marahil ay nasabi na rin ni Reiber sa kanila ng tungkol sa pag-uusap nila ni Ma'am Sisa.

Sumunod naman akong pumunta sa mga ka-grupo ko, na naglilinis sa itaas.

"Bawal daw munang umuwi sabi ni Ma'am." Katulad ng inasahan, may natanggap akong reklamo sa kanila.

"Ano ba 'yan! Malayo pa naman bahay namin." Inirapan ko si Pax.

"Anong malayo ka dyan?! Nasa likod nga lang ng school 'yung bahay niyo eh!" Sita sa kaniya ni Khecy.

"Okay lang sa'kin." Tipid na sagot ni Darlyn.

"Kasabay ko pa naman si Rimar na magpapa-print sa Science." Sabad ni Robert.

"Sa Library tayo magpa-print." Aya ni Ronald.

"Lalayo ka pa? Pwede namang sa Computer Room natin." Ani Darlyn.

Kumuha na lang ako ng basahan sa likuran, at inumpisahang punasan ang mesa at bintana sa harapan.

🔺🔻🔺🔻🔺🔻

"Siguro ang iba sa inyo ay alam na ang nangyari kanina," Panimula ni Ma'am Sisa.

Aakalain mong wala nang tao sa loob ng Classroom namin, Sarado ang mga bintana pati ang kurtina at isa lamang ang pintuang nakabukas. Nagsi-uwian na rin ang lahat ng mga mag-aaral at nag-uumpisa nang umalis ang mga guro.

"Mas mabuti siguro kung tayo na lang muna ang makaka-alam at wala nang iba. Sana maintindihan ninyo na para rin ito sa kaligtasan ninyo at ng ADM. Kahit dito man lang, isara niyo ang mga bibig ninyo. Nagkaka-intindihan?"

"Opo,"

"Yes Ma'am,"

"Okay po."

Mga sagot namin sa kaniyang sinabi. Napatango naman si Ma'am.

"I will let Ma'am Sarah and Sir Reymark know this, at sila lang. Iwasan niyo munang pag-usapan ang nangyari kanina." Tango-tango kami sa dinagdag ni Ma'am Sisa.

Tuluyan nang natapos ang maikli naming meeting. Nagmamadali nang umuwi ang mga kaklase ko. Humiwalay na rin ako kina Suzzaine dahil magpapa-print p raw sila sa Computer Room kasama sina Rimar.

"Hannah. Maiwan ka saglit."

Nabigla pa ako nang pigilan ako ni Ma'am Sisa. Napabalik ako sa loob ng classroom at umupo sa upuang nasa tabi lang niya.

"Nabanggit sa akin ni Reiber na nakita mo rin ang mga nakita niya,"

"Opo, pero 'yung kalahati lang." Pag-amin ko.

"I was confused kung bakit nakita mo rin ang nakita niya, but he explained,"

"And he said it was a Chained Vision."

Napatango naman ako. I haven't heard that kind of ability.

"It is an ability to link visions to someone close to you, meaning, makikita mo rin ang mga makikita niya,"

"But the problem is, there is no perfect Chained Vision. May mga pumapalya na tanging isa lang sa kanila ang nakakita ng vision, o kaya ay kumpleto ang nakita ng isa pero kulang ang sa pangalawa,"

"Tell me. Bukod sa mga nakita ni Reiber, ano ang mga nakita mo?" Nagkatitigan pa kami ni Ma'am sa isa't-isa.

"Nakakita lang po ako ng anino ng sampung tao at isang building na ginigiba."

Huminga siya ng malalim. "Okay. So Reiber saw more than you. Anyway, it's fine. Mabuti at ikaw ang na-link sa vision ni Reiber."

Nagpaalam na ako kay Ma'am Sisa, ngunit hindi pa ako nakakalayo sa pintuan ay tinawag niya ako ulit.

"Remember what I will say, Hannah," napatingin ako kay Ma'am Sisa. Naging Seryoso ang aura nito.

"Never trust people around you, even how long you've been together,"

"You will never know them."

🔺🔻🔺🔻🔺🔻

Hanggang pag-uwi ko ay nanatili sa aking isipan ang mga litanya ni Ma'am Sisa. Though it left me a fact that I can't really trust anyone, why do I feel na may ipinapahiwatig siya?

"You okay?" Nabalik ako sa wisyo nang tanungin ako ni KUya Ethan.

Sabay-sabay kami ngayong kumakain, dahil Biyernes ngayon. Nandito rin si Professor Q'er, ang aming guro.

"Kanina pa nga 'yan eh. Wala sa sarili." gatong ni Kuya Cedrick.

"She's just tired. Sisa said they had their long quizzes today." Nakahinga naman ako ng maluwag nang ipagtanggol ako ni Prof.

Napatango na lang din ako. "Don't mind me. P-Pagod lang ako."

Bigla palang sumagi sa isip ko kung bakit kilala ni Prof. Q'er si Ma'am Sisa. Saglit akong napasulyap sa kaniya. Sakto naman na napatingin din ito sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Una na'ko sa taas." Hindi ko na sila hinintay na sumagot at pumunta sa aking kwarto.

Nang maisara ko na ang pintuan, tumakbo ako papunta sa aking bag para kunin ang aking cellphone.

Nang buksan ko ang Wifi connection ay halos sumabog na ang notifications ko sa Messenger, Facebook at Instagram.

Hindi ako famous. Sadyang maganda talaga ako. Hikhok :)

Kidding aside. Mga kaklase ko 'yan. Oras-oras ata ay tina-tag nila ako, kahit wala naman ako sa mga posts nila.

Tulad na lang nitong mga nangunguna sa notifs ko.

Suzzaine Angelieque Laroco tagged you and 4 others in a post: "Thank you @Hannah Nicole Villareal sa paglibre😘."

Charm Neri mentioned you in a comment: "@Hannah Nicole Villareal parang ikaw to HAHAHAHA."

Robert Andrei Gudio tagged you in a post: "@Hannah Nicole Villareal Mythic nako oyy!!"

Rimar Tugade Kigangan mentioned you in his post: "@Hannah Nicole Villareal bilhan moko netoooooo"

Napailing na lang ako sa mga pi-nost nila, lalo na 'yung sa dalawang lalaki. Si Rimar, shi-nare niya 'yung picture ng isang limited edition na Tablet.

Maya-maya ay isang text ang nag pop-up sa cellphone ng aking screen.

From: 09128539016

You want to know them?

A part of me urged me to reply, and so I did.

To: 09128539016

Who's 'Them'? And how did you know my number, stranger?

Kaagad naman itong nag-reply.

From: 09128539016

The traitors. Those ten shadows you saw. You want to know who they are?

Kaagad naman akong nag-reply.

To: 09128539016

Answer me. Are you an ally or my enemy?

May limang minuto ata akong naghintay bago siya nag-reply.

From: 09128539016

Meet me tomorrow afternoon. 5:00 PM, if you want to know me.

I scoffed. Sinong niloko mo?

To: 09128539016

Convince me more, stranger.

Let's see how long will he last.

Nanlaki ang mga mata ko nnag mabasa nag sumunod niyang reply.

From: 09128539016

Your friend is too small. She wanted to buy shoes in the store but she can't afford it.

Your friend really loves Milk tea, huh? I wanted to buy one for her.

Your brother is grumpy that he almost fire his butler this afternoon.

How did he know all of that? Nabanggit sa akin ni Suzzaine na may gusto siyang bilhing sapatos sa bayan, pati ang kwento sa akin ni Kuya Lucifer.

To: 09128539016

Because of you, my trust issues grew bigger.

From: 09128539016

Is it still my fault? I know you already agreed. 5:00 pm, Crescent Archives'.

Wews. Sana all big time, hanggang Moon Archers' nga lang ako, tapos siya level-up na.

Napailing na lang ako. Yeah right, my curiousity told me that I should agree, and so I did.

Ibinaba ko ang aking cellphone sa table na nasa tabi ko at humiga at tuluyang nakatulog.

🔺🔻🔺🔻🔺🔻

Mabilis na dumaan sa akin ang maghapon. It's already 3:30 in the afternoon, kaya naisipan ko nang maligo.

O, 'di ba? 'wag nyo'kong tularan. Maliligo lang ako kapag naisipan ko.

Mabilis akong natapos at nag-ayos. Wala sa mansiyon ang mga Kuya ko kaya malaya akong nakalabas hanggang ADM.

Mula sa school, liliko ako sa pangatlong kanto tapos liliko sa pangalawang kanto sa kanan. May makikita kang kulay kayumangging gate---pero hindi pa do'n. Liliko ka pa ulit ako sa kanan at doon bubungad sa'yo ang kaka-varnish lang na gate na gawa sa kahoy.

Walang tao sa loob, except sa isang babae at lalaki na parehong nasa counter, at sa isang lalaki na nakaupo sa pinakasulok ng cafe.

No no. This isn't a cafe. It's more like a tea shop.

I am wrong with what I said. There are four of them, because the other one is hiding at the back of those counters.

Nang binuksan ko ang pinto ay lumikha ito ng tunog na katulad sa isang bell. Kaagad na dumapo ang tingin ko sa lalaking nasa sulok. Naging slow motion ang paglakad ko hanggang sa umupo ako sa harapan niya.

"My brother will arrive in our house in 30 minutes. So don't take your time." Bungad ko.

"Hindi naman tayo masyadong mag-uusap." Napakunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na logo sa kaniyang damit.

He's an Academian, obviously.

"You told me you knew about those shadows."

"Honestly, we don't know yet." Putol niya sa aking sasabihin.

"That means, there aren't only ten of them." Prente akong sumandal sa aking upuan.

"You don't want to lose your school, and so do we." Kita ko kung paano siya napasulyap sa dalawang tao sa counter.

"Alam ko. Everyone don't want to." Saglit na namayani sa amin ang katahimikan.

"You're going to find who they are, right?"

"With you? Yes." Kaagad akong napasulyap sa kaniya.

"Why me?" Sinalubong ko ang kaniyang tingin.

"Do you have something against me that can make me agree?" I murmured.

Tumango siya, that made me scoffed. "Which one?"

"I'll tell you when you agreed to be part of us."

"How can I be sure na hindi tayo mabubuking dito?"

"It's up to you if you are going to betray us."

My lips formed a smirk. "Correct me if I am wrong. Gusto niyo akong maging espiya para malaman kung sino 'yung sampung anino na nakita ko, dahil sila ang magpapabagsak sa ADM." litanya ko.

Tumango siya. "Come on. What's urging you not to say 'yes'? From your questions, you already agreed pero naghahanap ka lang ng dahilan para tanggihan mo kami." Hirap na hirap na'kong magsalita ng Ingles tapos marunong din pala siyang mag-tagalog.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng isang atake na papunta sa direksiyon namin. Isa iyong bala mula sa isang baril. Sabay pa kaming napatago sa mesa.

"I'm not a long-range mage." anang lalaki na kausap ko kanina.

"Me too." Iwinasiwas ko ang aking kamay sa ere, dahilan upang lumitaw ang pana at palaso ko. Ikinasa ko iyon kaagad at saktong tumama sa binti ng isa sa kanila.

Yes. There are 7 of them, and I want to bring them down myself.

Mabuti na lang at walang masyadong tao ngayon dito sa paligid, kundi ay magpa-panic sila kung sakali.

Ibinato ko ang dalang patalim at tumama sa isa sa kanila. Nagtaka pa ako kung bakit naging isang abo at tuluyang naglaho sa hangin ang napatay ko.

They are clones. Decoys from someone with Dark Magic Abilities.

Kaagad akong nakaamoy ng pamilyar na dugo. Napalingon ako nang makakita ng isang 'aso.'

Kapag sinabi kong 'aso,' it is a wolf.

Walang pag-aalinlangan itong pinasok ang cafe at akma akong aatakihin. Makakalapit pa ito sa akin nang bigla na itong maglaho sa hangin.

Napatingin ako sa lalaking kausap ko kanina. There's this Black Magic Ball on his palm, that made the wolf disappeared.

Nasalubong ko ang tingin ng apat sa kanila, maya-maya ay naging abo na rin sila at naglaho.

"Gotcha." Napatingin ako sa lalaking nasa counter.

"Uwi ka na. Wala nang susunod sa'yo." Anang babae na ansa counter din. May sumusunod sa akin? Kanina pa sila nandyan?

Tipid akong napatango. Napasulyap ako sa isa pang lalaki na nagpakita na rin galing sa counter. Tipid siyang ngumiti sa akin na hindi ko naman tinugon.

Kinuha ko ang patalim na nasa labas ng cafe, at naglakad pauwi na para bang walang nangyari.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Academia Del Magia 1: Academy Traitors   ACADEMIAN: Epilogue

    April 3, 2021SaturdayMore than 2 months laterKeisha Maecy Enrile"Keisha! Ang bagal mong magbihis!" Sigaw ng kapatid kong si Nicole."Sandali lang! Hayst!" Inis na singhal ko. Nagpapaganda lang naman ako dito ah! Graduation day na ngayon kaya kailangang ganito. Hmph!Nang makalabas ako ay padabog ko pang isinara ang pinto dahilan para mapatingin sa akin ang PANGIT kong kapatid.Oo. Pangit siya. PANGIT!"Tsk. Nagmamaganda ka nanaman?" May halong pang-aasar na tanong niya.Matalim ko siyang inirapan. "At least nagpapaganda. Eh ikaw?" Pabalik na banat ko."Hindi kasi ako maarte tulad mo." Aniya habang pareho kaming naglalakad papunta sa tabi ng kalsada.Siya na ang pumara ng traysikel na duma

  • Academia Del Magia 1: Academy Traitors   ACADEMIAN LXXX: Magic Council

    January 24, 2021SundayA month later....Christa EsperonNagising ako nang marinig kong may kumalampag sa bakal na rehas.Napabangon ako kaagad nang makitang binuksan ni Earl Jhon ang pintuan ng sarili kong kulungan."Tayo." Utos niya kaya kaagad naman akong tumalima.Akala ko ay poposasan niya ang dalawang kamay ko, pero sinenyasan niya lang ako na sundan siya, kaya tahimik akong naglakad sa likuran niya.Hindi ko maiwasang magulat at mamangha nang lumabas kami sa Dungeon. Mula September ay nandito na ako sa lugar na 'to.Laking pagtataka ko nang nandoon sina Lawrence—kaming mga nakulong nang pare-parehong araw tatlong buwan na ang nakakaraan.Hindi ako nagsalita pa, at sumama sa kanila, hanggang sa sumak

  • Academia Del Magia 1: Academy Traitors   ACADEMIAN LXXIX: His Birthday

    December 24, 2020ThursdayAlmost a month later...Albestein TorresI woke up late, so obviously, I went late on school. However, there's nothing to worry about. The whole Academia Del Magia will have our Annual Christmas Party. It'll be celebrated by each sections.When I went inside our classroom, my classmates are all wearing their formarl attires. Red dresses. Green shirts. Gold earrings and accessories.As for me, I only wore my typical green shirt with black pants and white shoes. Aside for the Christmas Party, there's nothing I should celebrate for.Since it was boring inside, I went outside our classroom, and there I saw Freya.It seems someone forced her to wear that sttire. She's looks like one of Santa's Elves, because she's wearing fake elf e

  • Academia Del Magia 1: Academy Traitors   ACADEMIAN LXXVIII: Halloween Party

    November 30, 2020MondayAlmost a month later...Hannah Nicole VillarealTime Check: 7:25 am, at nagkakagulo na ang buong Academia Del Magia nang ganito kaaga.Oops. Hindi dahil Flag Raising Ceremony na—wala kaming ganoon ngayon—dahil HALLOWEEN PARTY na!Pagpasok ko sa aming classroom ay kaagad bumungad sa akin si Rimar. Hindi ako matatakot sa make-up niya kahit nagmukha naman talaga siyang zombie doon."Awoo!" Malakas na sigaw niya pero pinatawa niya lang ako."Ano ka ba talaga? Zombie o lobo?" Sarkastikong tanong ko."Kunwari namang matakot ka ah! Robert!" Biglang tawag niya sa kaniyang likuran.Doon na talaga ako literal na nagulat nang makita si Robert. Although alam kong costume lang din niya 'yo

  • Academia Del Magia 1: Academy Traitors   ACADEMIAN LXXVII: Borrow

    Hannah Nicole VillarealNagising ako... nang nakatayo?!Napalinga-linga kaagad ako sa paligid, ngunit tanging kulay puti lamang ang nakikita ko."Hannah." Napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa akin.Nabigla ako nang makita si Jadehlyse. Nakasuot siya ng kulay asul na damit.Blue symbolizes Truth."Nakapag-desisyon ka na ba?" Kumunot ang noo ko dahil nalilito ako sa kaniyang tanong."S-Saan?" Nauutal na usal ko."Maaari ko pang mahiram ang iyong katawan. Kahit sa maikling panahon lamang?" Muling tanong niya kaya naalala ko ang parehong tanong na isinumbat niya sa akin kanina."H-Hindi ba pwedeng kausapin mo siya nang ganiyan ka?" Nag-aalangang tanong ko.Umiling siya. "Sana ay pagbigyan mo ako. Pakikiusapan ko siya na itigil n

  • Academia Del Magia 1: Academy Traitors   ACADEMIAN LXXVI: Fake

    Hannah Nicole Villareal"Bring Demi and the others back!" I shouted at Christa's face. I attacked her but she caught my sword, kaya niya ako nahila palapit sa kaniyaWalang isang metro ang pagitan ng mga mukha namin, at ramdam kong may ilang kadena na rin ang nakapalupot sa binti ko.She laughed. "If you defeat me, they'll be back to normal, but if you can," saglit siyang napatingin kina Muse Demi na hindi pa rin gumagalaw ngayon.She's not a time controller, but she can break the time for a person. Siya ang nagpatigil sa oras nila Muse Demi kaya hindi sila gumagalaw."Damn you, Christa!" I shouted again sabay sinipa ko siya sa tagiliran. Hinarangan 'yon ng kaniyang mga kadena, pero laking gulat niya na nang dahil sa sipa ko ay nagkapira-piraso ang mga kadenang 'yon.Sa kaniyang gulat ay kinuha ko na 'yong pagkakataon par

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status