Share

Chapter 4

Penulis: Amaya
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-07 17:17:49

Madilim na nang marating nila ang private villa ni Primo. Napapalibutan ito ng matataas na puno, at kahit sa dilim, kita ang engrandeng istruktura ng lugar. Mamahalin ang bawat sulok, pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ni Megan.

Ang unang sumalubong sa kanila? Isang babae na halos kasing-liwanag ng araw ang ngiti.

“Oh my god! Finally, I get to meet you in person!”

Nagulantang si Megan nang biglang yakapin siya ng hindi niya kilalang babae. Makinis ang kutis nito, mahaba ang buhok na bahagyang kulot, at naka-dress na parang bagong labas sa isang summer magazine.

Napaatras siya sa sobrang gulat. “H-ha?”

Tumawa ang babae at mas lalo pang hinigpitan ang yakap. “I knew it! Ikaw nga ‘yung nasa balita! I knew Primo would marry someone interesting!”

Mabilis siyang nilingon ni Megan. “Primo, sino ‘to?!”

Nagkibit-balikat lang si Primo, halatang ine-enjoy ang pagkabigla niya. “Sunny Giovanni De Luca, pinsan ko.”

“AND I LOVE HER ALREADY!” sigaw ni Sunny bago hinila si Megan papunta sa may ilaw. “Damn, you’re even prettier in person!”

Bago pa makapag-react si Megan, biglang kumislap ang ilang camera flashes mula sa di kalayuan.

“HOLY—ANO ‘YON?!” Megan almost jumped.

Napamura si Primo at mabilis siyang hinila palapit sa katawan nito. “Damn it. May paparazzi.”

“You brought them here?!” singhal ni Megan.

Primo gritted his teeth. “Hindi ako gago. Someone tipped them off.”

“OH MY GOD!” sigaw ni Sunny, hinila si Megan palapit. “Mukha itong romantic reunion sa picture! Look—parang kinikiss ni Primo ‘yung buhok mo!”

“WHAT?!”

Megan turned her head, only to realize—oo nga. From a certain angle, mukhang hinahalikan siya ni Primo habang mahigpit ang hawak nito sa bewang niya.

Mabilis na lumapit ang ilang security at pinataboy ang paparazzi.

Pero alam nilang tapos na ang damage.

“Crap,” bulong ni Primo, naglalabas-masok ang ilaw mula sa camera flashes. “Tomorrow, the headline will be: ‘Primo Giovanni, Passionate Night with Secret Wife?!’”

Halos lumubog si Megan sa hiya.

Habang inaalis pa ang mga paparazzi,

nagmamadaling tinulak ni Sunny si Megan papasok sa loob ng villa.

“Hurry up before they snap another scandalous angle!” natatawang sabi nito.

Sa pagmamadali ni Megan, hindi niya napansin ang basang parte ng sahig malapit sa pool area.

At bago pa siya makapag-react—

PLAK!

Dumulas siya, and before she knew it—BULAGTA SIYA SA POOL.

“AARRRGHHH!!” sigaw ni Megan habang bumagsak sa malamig na tubig.

“Megan!” sigaw ni Sunny.

Napamura naman si Primo at nagmamadali itong lumapit at lumundag sa pool para tulungan siya.

Nanginginig si Megan nang hilahin siya ni Primo sa braso. “ANO BA ‘YAN!” sigaw niya. “PRIMO, IKAW ANG MAY KASALANAN NITO!”

“What?! Bakit ako?!” singhal ni Primo habang inaalalayan siya.

“Dahil kung hindi mo ako hinila kanina, hindi ako nagmadali, at kung hindi ako nagmadali, HINDI AKO NADAPA AT LUMAGPAK SA POOL NA ‘TO!”

Tumawa si Sunny. “Oh my god, I love you even more!”

Si Megan? Hindi makapaniwala na kasal siya sa isang Giovanni at mukhang isa na siyang walking disaster sa pamilya nito.

Pagdating nila sa malaking bahay na malapit sa villa, tatlong tao ang sumalubong sa kanila.

Isang babae na mukhang mas matured at elegante kaysa kay Sunny. Mahaba ang buhok nitong kulot, at ang tingin nito kay Megan ay parang sinisiyasat siya.

Bahagya namang nakaramdam ng hiya si Megan dahil basang-basa ang damit niya.

Isang lalaking nasa late twenties, matangkad, mukhang business-type ang aura, at may hawak na baso ng whiskey.

At ang pangatlo…

Napasinghap si Megan.

“Levi?!”

Nagulat din ang lalaki pero mabilis na nakabawi. “Damn, Megan. Hindi ko akalaing magkikita tayo ulit nang ganito kabilis. I really thought it was fake. Okay, in my defense, we were all drunk. Akala ko joke lang lahat!”

Pero imbes na magalit, umiling lang si Primo at tumingin kay Levi. “You’re an idiot.”

Levi smirked. “Yeah, but come on, Giovanni, huwag mo nang itanggi. Kahit na paano, you’re actually enjoying this, aren’t you?”

Primo scoffed. “Tangina mo, Levi.”

Nagkatawanan ang lahat. Si Megan? Hindi pa rin makapaniwala sa kabaliwan ng buong sitwasyon.

Tumingin si Megan kay Sunny, na ngumiti nang malawak.

“So, Megan… since you’re officially a Giovanni now, I think it’s time you learn the number one rule in this family.”

Napakunot ang noo ni Megan. “Ano ‘yon?”

Ngumisi si Sunny. “Never let the world see your weakness. Because once they do, they will use it against you.”

Natigilan si Megan.

Tumingin siya kay Primo, na tahimik lang pero may malalim na titig.

At sa sandaling ‘yon, narealize niya—hindi lang basta simpleng kasal ang pinasok niya.

She was now part of something bigger. Something more dangerous.

And there was no turning back.

Biglang nagsalita si Laurence, ang lalaking eleganteng may hawak na whiskey. May matalim itong titig pero may bahid ng kasiyahan sa boses.

“Dahil nandito na tayong lahat,” aniya, itinataas ang hawak niyang baso, “I think we should drink tonight to celebrate the newly married couple.”

Mabilis na napamura si Primo sa ilalim ng hininga. “Damn it.”

Si Megan naman, biglang kinagat ang labi, biglang bumalik ang alaala ng gabing ikinasal sila—at ang totoong dahilan kung bakit sila nandito ngayon.

Alak.

Lahat ng ito, dahil sa alak!

Napansin iyon ni Levi at agad siyang natawa.

“Laurence, alam mo bang iniisip ngayon ni Megan?”

Nagtaas ng kilay si Laurence habang umiinom ng whiskey. “Ano?”

Natatawang umiling si Levi. “Ang dahilan kung bakit siya kasal ngayon ay dahil din sa alak.”

Natahimik si Megan habang ang iba ay nagtawanan.

Nagpakawala ng buntong-hininga si Primo at umiling. “Absolutely not. Walang iinom ngayong gabi.”

At sa gabing iyon, habang nakatayo sa harap ng isang pamilyang hindi niya lubos kilala, isang bagay lang ang sigurado kay Megan.

This was just the beginning.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 122

    Tahimik lang si Primo.Parang walang naririnig.Nakayuko ito habang patuloy na inilalabas ang mga damit ni Megan sa maleta, tila hindi tinanggap ang sinabi nito. Walang pag-aalinlangan sa bawat kilos niya, walang pag-aalinlangan sa bawat paghila niya ng damit mula sa loob at itinatapon ito pabalik sa kama, sa sahig—kahit saan, basta’t hindi sa maleta.Walang pakialam si Primo kung nagkakalat siya. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang desperado.Ang tanging alam lang niya ay hindi niya kayang panoorin na muling lumalayo si Megan sa kanya.Pinanood siya ni Megan habang patuloy itong ginagawa ni Primo. Sakit ang namuo sa kanyang dibdib. Bakit ba hindi ito nakikinig? Bakit hindi niya maintindihan?Napapikit siya ng mariin bago tuluyang binitiwan ang isang pangungusap na parang kutsilyong tumarak sa puso ni Primo.“Let me leave, Primo.”Napatigil si Primo.Dahan-dahan siyang humarap kay Megan.Sa isang iglap, parang isang dagok ang tumama sa kanyang dibdib. Para siyang nauubusan ng

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 121

    Tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Mabigat ang bawat hakbang ni Megan papasok, tila binabalot ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkabalisa ang kanyang buong katawan.Malalim siyang huminga, pilit pinipigil ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ngunit habang binabalikan niya ang lahat ng nalaman niya kanina mula kay Allison, hindi niya mapigilang muling mapaluha.Napatingin siya sa paligid ng condo—sa lugar na naging tahanan nilang dalawa ni Primo. Dito niya naramdaman kung paano mahalin at mahalin muli. Dito niya inisip na, sa wakas, natagpuan na niya ang lugar kung saan siya nababagay. Pero ngayon, parang hindi na siya dapat manatili rito.Dahan-dahan siyang lumapit sa aparador at hinila ang kanyang maleta. Isa-isa niyang inilagay ang kanyang mga damit sa loob, mabilis at may panggigigil, habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.Sa bawat piraso ng damit na inilalagay niya sa maleta, pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya. Napakaraming beses na niyang pin

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 120

    Tahimik na dumukot si Allison mula sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang ilang piraso ng lumang litrato at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. “Tingnan mong mabuti, Megan,” aniya, may bahagyang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Megan. Hindi agad gumalaw si Megan. Tila may bumabara sa kanyang lalamunan, hinihigop ng takot ang kanyang kakayahang huminga. Pero sa kabila ng panghihina, dahan-dahan niyang inabot ang litrato. At nang makita niya ang laman nito, nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano…?” Halos mabitawan niya ang papel. Nanginginig ang kanyang kamay habang unti-unti niyang sinuri ang imahe sa kanyang harapan. Tatlong kabataan ang nasa larawan, mukhang nasa high school pa lang. Magkakaakbay ang mga ito, nakangiti at tila ba walang anumang alalahanin sa buhay. Ngunit ang ikinagulat ni Megan ay ang mga taong naroon sa larawan. Si Alfred Davis—ang kanyang ama. Si Elisse Renaldi—ang kanyang ina. At si Apolo Giovanni—ang ama ni Primo

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 119

    Tahimik ang umaga sa café. Hindi tulad ng mga nagdaang araw na dagsa ang mga customer, ngayon ay tila nagpapahinga ang buong paligid. Ang tanging ingay lamang ay ang marahang tunog ng coffee machine at ang pagkalansing ng mga tasa habang inaayos ni Megan ang mga ito sa counter.Inilipat niya ang tingin sa labas ng bintana. Maaliwalas ang araw, ngunit kahit pa gaano kaganda ang panahon, pakiramdam niya ay may bumabagabag sa kanya—isang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib.DING!Biglang tumunog ang maliit na kampanilya sa ibabaw ng pinto, hudyat na may bagong pasok na customer.Napalingon si Megan, ngunit nang makita kung sino ito, agad siyang nanigas.Si Allison.Dahan-dahang pumasok ang babae sa loob ng café, ang matatalim na mata nito ay nakatuon sa kanya. Nakatayo ito nang may kumpiyansa, may bahagyang ngiti sa labi na hindi niya alam kung totoo o pang-aasar lang.Naramdaman ni Megan ang panginginig ng kanyang mga daliri habang mahigpit na hinawakan ang tray na hawak niya.

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 118

    Nagmamaneho si Primo nang hindi alintana ang bilis ng kanyang sasakyan. Masyado siyang naalog sa mga rebelasyong ibinunyag ni Enzo. Ang buong buhay niya, ang alam niya lang ay si Apolo Giovanni ang haligi ng pamilya, isang lalaking walang kinatatakutan, matalino at makapangyarihan, at higit sa lahat—hindi kailanman nagkakamali. Ngunit ngayon, isang nakatagong katotohanan ang unti-unting nagbabagsak sa imaheng iyon.“Totoo ba?”Ang paulit-ulit na tanong sa isip niya. Totoo bang ang lalaking inidolo niya noon ay siyang naging dahilan ng trahedya sa buhay ng babaeng minamahal niya?Mabilis siyang bumaba ng sasakyan pagkarating sa mansion at halos hindi na nag-abala pang iparada ito ng maayos. Sa labas pa lang, nakasalubong na niya si Charlisle, ang matagal nang assistant ni Apolo.“Nasan si Dad?” malalim at matigas ang boses ni Primo, halatang pinipigilan ang kanyang emosyon.Nag-aalangang sumagot si Charlisle ngunit sa huli, tumango ito.“Kakauwi lang niya galing sa business meeting.”

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 117

    Tahimik sa loob ng opisina. Ang tanging maririnig ay ang patuloy na tikatik ng wall clock sa gilid at ang marahang paghinga ng dalawang taong magkaharap. Sa harapan ng malawak na mesa, nakaupo si Enzo, nakaakbay sa sandalan ng upuan, waring walang pakialam. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon, may dumadagundong na emosyon.Si Allison naman ay nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kamay ay nakapatong sa mesa habang ang kabila ay mahigpit na nakahawak sa mga lumang litrato nina Elisse, Alfredo, at Apolo.“Tama ba ang dinig ko?” malamig na tanong ni Enzo matapos marinig ang buong kwento mula kay Allison.Tumango si Allison, titig na titig sa kanya. “Oo. Ngayon alam mo na kung anong koneksyon ni Megan kay Primo—at higit sa lahat, kung paano natin ito magagamit para paghiwalayin sila.”Nanatili siyang walang reaksyon. Sa loob-loob niya, hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa koneksyon nina Megan at Primo, kundi dahil sa kung anong binabalak gawin ni Allison.Sa halip na magp

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 116

    Tahimik na nakaupo si Allison sa kanyang opisina, nakasandal sa upuan habang sinusuri ang mga papeles sa kanyang mesa. Sa labas ng bintana, kitang-kita ang malawak na cityscape, ngunit hindi iyon ang nasa isip niya ngayon. Ilang linggo na siyang balisa—mula nang bumalik si Megan sa buhay ni Primo, wala na siyang ginawa kundi pagmasdan ang bawat kilos ng babae. Alam niyang hindi niya basta-basta mapapatumba si Megan nang walang matibay na bala.At ngayon, narito na ang sagot sa kanyang matagal nang hinihintay.Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking inutusan niyang imbestigahan si Megan. May hawak itong isang brown envelope at diretsong lumapit sa kanya. Hindi ito umupo, halatang seryoso ang ekspresyon nito.“Allison, narito na ang lahat ng impormasyon tungkol kay Megan,” anito, inilapag ang envelope sa mesa.Agad itong kinuha ni Allison at walang pag-aalinlangan na binuksan. Isa-isang lumabas mula sa envelope ang mga lumang litrato—mapurol na ang kulay, halatang dekada na ang lumipa

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 115

    Tahimik na naglalakad si Primo sa loob ng isang high-end na jewelry store. Mamahalin ang bawat piraso ng alahas na naka-display sa mga glass cases—mga singsing na may nagkikislapang brilyante, kuwintas na puno ng kinang, at pulseras na gawa sa pinakamahuhusay na materyales. Ngunit isa lang ang dahilan kung bakit siya narito.Isang engagement ring.Sa wakas, gusto na niyang pakasalan si Megan.Isang totoong kasal na nararapat para sa babaeng katulad ni Megan. Marami na silang pinagdaanan, at alam niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok. Pero sa halip na matakot, mas lalo niyang nararamdaman ang kagustuhang makasama ito habang buhay. Gusto niyang harapin ang anumang unos nang magkahawak-kamay sila.“Magandang araw po, Sir! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” bati ng isang saleslady na nakasuot ng eleganteng uniform at may propesyonal na ngiti.“Engagement ring,” diretsong sagot ni Primo habang tumingin sa paligid.Saglit na napataas ang kilay ng babae bago muling ngumiti. “Napaka

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 114

    Tahimik ang paligid ng sementeryo, tanging ang mahihinang huni ng ibon at ang malamlam na ihip ng hangin ang maririnig. Ang dapithapon ay nagkulay kahel sa kalangitan, binibigyang-diin ang katahimikan ng lugar.Sa harap ng isang puntod, isang lalaking nakaitim ang nakaluhod, ang mga kamay ay marahang nakapatong sa malamig na marmol. Ang kanyang tikas at awtoridad, na kadalasang nagbibigay-takot sa iba, ay nawala. Wala ang mabangis na Apolo Giovanni—ang makapangyarihang negosyante, ang lalaking walang kinatatakutan.Ngayon, siya ay isang lalaking nabibigatan sa kanyang nakaraan.Dahan-dahang hinaplos ni Apolo ang ukit na pangalan sa lapida.Elisse Renaldi Davis.Mahina siyang huminga, parang sa bawat pagbuga ay inilalabas niya ang sakit na matagal nang nakabaon sa kanyang puso.“Elisse…” mahina niyang bulong, halos pinuputol ng bigat ng emosyon ang kanyang tinig.Sa likod niya, tahimik lang na nakatayo si Charlisle, ang kanyang matagal nang pinagkakatiwalaang sekretarya. Hindi siya nag

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status