Share

4

Penulis: sammilyna
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-30 13:39:03

Nasa harap na ako ngayon ng Z Tower na pagmamay-ari ni Mr. Fuentes. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na tinawagan ako ng isang kilalang tao. Kadalasan naman kasi kapag nagmomodel ako ay sa maliit na company lang at hindi gaanong kilala but now. Grabe! Pakiramdam ko sa susunod, sa runway na ako kukunin. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. This is it. This is the time to shine. Naglalakad na ako ng mahagip ng mata ko si Ysrael. Napahinto ako at nakita kong kausap niya si Brian habang ito ay inaayusan.

"Excuse me. Sino po sila?" Napatingin ako sa nagtanong at nakita ang isang babae na sa palagay ko ay isang empleyado rito.

"Ummm... I'm Isabella Rivera. Pinapunta po ako ni Mr. Fuentes dito." Tumango naman siya pagkasabi ko no'n.

"This way, Maam." Sabi niya sa'kin at tinuro ang daan. Ngumiti naman ako sa kanya at nauna na siyang maglakad. Lumingon ako kung nasaan sila Brian kanina kaso wala na sila roon kaya tumigin ako sa paligid.

"Ms. Rivera?" Tawag nito muli sa'kin.

"Ah.. Ayan na po," sabi ko at sumunod agad sa kanya. Istorbo naman ‘to, psh!

---

Marami kaming dinaanan na pinto at halos lahat ay may mga ginagawa at busy sa kanya-kanyang photoshoot. Huminto kami sa tapat ng isang silid na nakauwang ang pinto at nakita namin sa loob ang isang mini studio pati na rin si Mr. Fuentes na nakikipag-usap sa isang photographer.

"Ms. Rivera, pasok na po kayo kanina pa po kayo." Tumango naman ako sa kanya at binuksan ko ng tuluyan ang pinto. Nakikipag-usap si Mr. Fuentes sa isang photographer at sa gilid naman niya ay may babaeng sa palagay ko ay kasing edad ko lang. Agad namang sumenyas si Mr. Fuentes na lumapit ako ng makita niya ko.

"Ms. Rivera, finally you're here." Sabi niya sa'kin ng nakangiti. Nang makalapit ako kay Mr. Fuentes ay hindi maalis ang tingin ko sa kanya dahil ang bata pa ng itsura nito at talagang napaka-gwapo.

"Let's start," sabi niya sabay palakpak at sinenyasan ang kanyang mga staff, "Mrs. Chi pakiayusan siya para makapagsimula na tayo. Wendy, ikaw muna ang mauna para hindi sayang ang oras." Sabi muli ni Mr. Fuentes.

Tinawag ako ni Mrs. Chi at pinaupo sa upuang nasa harapan niya saka niya ako sinimulang ayusan, "Hmm... Flawless at maganda ka naman kaya iha-highlight nalang natin ang beauty mo," Nakangiting sabi niya habang nagse-shade ng make-up sa aking mukha.

Matapos niya akong lagyan ng make-up ay kinulot niya ang dulo ng aking buhok. Napangiti ako ng makita ko ang itsura ko sa salamin dahil tulad ng sabi niya ay mas nangibabaw ang natural kong ganda. Inabot sa'kin ng isang staff ang susuotin kong damit, isa itong off-shoulder dress na above the knee ang haba at kulay peach na tinernuhan ng white sandals na one inch ang taas.

"Wow! You're so beautiful!" Sabi sa'kin no'ng stylist pagkalabas ko at pumalakpak pa. Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"You're right, Mrs. Chi. My camera really loves her." Sabi ng photographer at pinakita ang litrato ko mula sa kanyang DSLR.

"Halika na, pose in front of my camera, Iha." Sabi muli ng photographer at nauna ng maglakad sa'kin. Sumunod naman ako sa kanya at tinuro niya na pumunta ako kung nasaan ang green screen.

"Kailangan maging cute at sweet ka sa mga picture mo," sabi ng photographer at tumango naman ako bilang sagot.

"Ready... Set...Go..." Ang unang post ko ay nakaupo ako sa bench at naka-cross legs. Sunod naman ay parang may hinihintay akong dumating habang nakapalumbaba ako.

"Good. It looks very natural. Continue," Nakangiting sabi niya sa'kin. Ang sumunod naman ay nakatayo ako habang nakapamewang. Matapos iyon ay nagkaroon kami ng ten minutes break kaya nag-cr na muna ako. Pabalik na ako ng makasalubong ko si Brian sa hallway.

"Hey, You're Aurelia's cousin, right?" Tanong ni Brian sa'kin at napatango nalang ako bilang sagot sa kanya.

"Woah! You look gorgeous on that dress," Sabi niya at kumindat pa.

Hold on heart! Si Brian lang iyan ng duong "YoBay" bitbit ang nakakalusaw niyang ngiti.

"T-Thanks. I'm Isabella. By the way, una na ako sa'yo hinahanap na kasi nila ako doon." Nauutal kong sabi kay Brian.

"Sige. Nice to see you." Sabi niya at kumaway bago umalis. Nang makapasok ako muli sa studio ay nakatingin silang lahat sa'kn.

"Woah! Even Brian Garcia notice you," hindi makapaniwalang sabi ng photographer sa'kin. Ayan nainspired tuloy ako lalo para da phitoshoot na ito.

"Can I use that umbrella to be my props po?" Tanong ko at tinuro ang payong na nasa gilid niya. Tumango naman siya at kinuha ito saka binigay sa'kin. Ang unang pose na ginawa ko ay hawak ko ang payong at saka ngumiti. Next, naman ay nakabukas na ang payong na para bang umuulan.

"Okay. Last one, Iha. You're really good," sabi ng photographer kaya ang sumunod kong pose ay umupo ako habang ang payong ay nasa gilid ko at nagpalumbaba.

"Mr. Fuentes, ang ganda niyang model. My camera really loves her." Nakangiting sabi nito kay Mr. Fuentes na kadarating lang.

"That's good to hear," sabi ni Mr. Fuentes atsaka ako binalingan ng tingin.

"Hindi ako nagkamaling kunin ka," Sabi niya at nginitian ako.

"Thank you for this opportunity, Sir." Masaya kong sabi sa kanya at tumango naman siya sa akin.

"Sige po. Magpapalit na po ako para mabalik ko na ang damit na ito." Napatingin naman ako kay Mr. Fuentes ng pigilan niya ako sa paglalakad, "Bakit po?"

"That dress is yours now and you're very pretty wearing that." Nakangiting saad niya habang nakatingin sa'kin. Quotang-quota na ko ngayong araw kakasabi nila na maganda ako, ah.

"But—"

"Atsaka pasasalamat ko iyan ngayong araw. You really deserve that dress." sabi niya sa'kin kaya nagpasalamat nalang ako sa kanya. Ang ganda kaya ng dress na ito at mukhang mamahalin pa. Huwag tangihan ang libre.

"Looking forward to work with you again in the future, Ms. Rivera. Thank you din sa pagpunta dito." saad ni Mr. Fuentes bago umalis.

"Okay, pack up na. Salamat sa inyong lahat." Saad niya sa mga staff at tinulungan sila sa pagliligpit.

Matapos ko magpaalam sa lahat ay lumabas na ako sa studio. Naglalakad na ako sa hallway ng mapadaan ako muli sa lugar kung saan ko nakita sila Brian kanina. Wala na sila doon at nakalock na ang pinto. Papalabas na ako ng makita ko ang pamilyar na likod ng isang lalaki kaya dali-dali akong lumabas.

"Justin?" Bulong ko sa sarili at napangiti. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag at kinunan siya ng litrato kahit nakatalikod siya sa'kin.

"Hmmm... Kung hindi ako tutulungan ng tadhanang mapalapit sa'yo. Pwes, ako ang tutulong kay tadhana para ilapit ka niya sa'kin." Kinikilig na bulong ko sa sarili habang walang tigil sa pagkuha ng litrato niya habang nakatalikod. Naglakad ako papalapit kay Justin habang kunwari ay may kung anong kinakalikot sa cellphone ko hanggang sa mabangga ko siya.

"Ow! Sorry. I didn't mean to—Justin?" Kunwaring gulat kong sabi sa kanya ng makita siya.

"It's okay. Wait you look familiar. Do I know you?" Tanong niya ng nakakunot ang noo sa'kin. Pinigilan ko naman ang mapangiti dahil mukhag makatotohanan ang acting ko.

"Ahh... Maybe nakita mo ako no'ng kasal ni Claire?" Patanong kong sagot sa kanya.

"Ahh. Right doon nga," nakangiti niyang saad sa'kin at saka nagpamulsa, "It's nice to see you again, Miss." Pagpapatuloy niya pa.

Shemay! Anong klaseng mukha iyan ang gwapo!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • That Night With Him   Chapter 56: Pag-asa

    Nandoon siya samantalang ako bored na bored na dito. Kukuhanin ko na sana ang vodka sa harap ko nang biglang tapikin ng kung sino man ang kamay ko. "What?" Inis kong sambit. "Anong what? Huwag mong sabihin na iinumin mo iyan? Masama iyon para kay baby." Sambit ni Justin at umupo sa tabi ko. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. "Tsk! Alam ko naman iyon. Hindi ko naman iinumin, eh.” Nakangusong sambit ko. “Sus! Hindi daw,” sambit niya at inayos ang damit niya. “Nakakainip naman dito." Reklamo ko at inikot ang paningin ko sa buong lugar. "Gusto mo bang magsayaw?" Tanong niya sa'kin at nilahad ang kamay niya. Ayiee! Sige, na nga. Inabot ko ang kamay niya saka ngumiti. Wait! Kinikilig ako. Nagpalit ang musika. Slow dance na ito ngayon. Pumunta kami sa gitna, inilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat, ang isang kamay naman ay nasa aking beywang. Nangibabaw sa musika ang malakas na tibok ng puso ko. Napapaisip tuloy ako kung naririnig din ba niya ito? "Nabobored ka na b

  • That Night With Him   Chapter 55: Party

    Sumakay kami sa sasakyan ni Hiro at agad niyang binuksan ang music player at nagplay ang isang masiglang tugtog. “Kamusta maganda ba?” Tanong niya kaya napalingon ako. “Gawa mo?” Curious kong tanong sa kanya. “Oo, ipapasa ko next week kay Javier once na natapos ko ang lyrics at natapos ang track. “Ang ganda! Buhay na buhay ang tugtog. Mapapasayaw ka kapag narinig. Iba talaga kapag may kaibigan na sikat nauuna ka makinig bago i-release,” humahagikgik na saad ko. “Naku! Ikaw talaga. Hindi pa nga naaprubahan release na agad nasa isip mo,” natatawang saad niya rin. “But seriously, maganda siya. Sikat kaya lahat ng gawa mo. Kaya proud na proud ako sayo, eh,” saad ko sa kanya na taos sa puso ko. “Nga pala…” seryosong saad niya kaya napalingon ako sa kanya. “Bakit ganon? Kanin sa bahay niyo napakatahimik? I mean ang gara ng atmosphere,” sambit niya ng hindi tinatanggap ang paningin sa daan. Napatingin ako sa bintana,”Ganon ba?” Baka dahil ako lang mag-isa…” huminto ako sa pagsasalit

  • That Night With Him   54

    Isabella’s POVNaririnig ko ang mga hakbang ni Justin sa labas ng pintuan, pero hindi ko alam kung pagbubukaan ko ba siya o hindi. Huminga ako ng malalim saka iyon binuksan. Nakita kong naglalakad na siya papunta sa kanyang silid.“Justin?” mahina kong sambit. Wala tugon at patuloy pa rin siya sa paglalakad. Pinikit ko ang mga mata ko at hinaplos ang tiyan ko. “Okay lang marahil ay hindi niya ako narinig,” bulong ko. Subalit kahit paulit-ulit kong sinasabi, ramdam ko ang luhang gustong lumabas sa aking mga mata.Hindi ko alam kung anong nasa isip niya—galit ba? Pagod? O ginagampanan lang niya ang mga iniutos sa kanya?“Isabella,” napasinghap ako ng marinig ang tinig niya. Bumalik siya?“Hindi nga ako nagkamali na gising ka pa. Narito lang ako para siguraduhin kung natutulog ka, marahil ay naninibago ka. Heto ang gatas upang makatulog ka,” seryoso ang boses niya at hindi ko mabasa ang nasa utak niya.“Salamat,” mahina kong sambit. Kinuha ko ang gatas mula sa kanya at tulad kanina ay hi

  • That Night With Him   53

    Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ang salitang “Act” kaysa sa malamig niyang asal kanina sa bahay. Pilit akong ngumiti sa harap niya ng maka-recover.“Ah—oo,” sambit ko habang sinisikap na magmukhang kalmado. Nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa’min. May mga bulungan. May mga nakataas na cellphone para kunan kami. May mga taong nagtilian din dahil sa ginawa ni Justin.“Kalalabas mo lang ng ospital gumala ka kaagad,” kumunot ang kilay niya saglit bago siya ngumiti ulit. Pilit na ngiti bago niya nilapit muli ang mukha niya sa akin para bumulong.“Naabutan ko pa ang Tito mo sa bahay at pinagalitan ako dahil hindi ko masagot ang tanong niya,” may inis sa boses niya at pa-simpleng tumingin sa akin ng masama. Hinawakan niya ang likod ko, marahan pero may distansya. Para bang sapat lang para magmukha kaming magkasama, pero kulang para maramdaman kong totoo. Pagkaraan ay humarap siya na nakangiti sa mga taong nanonood sa amin.Tsk! Akala ko pa naman! R

  • That Night With Him   52

    Lumabas ako ng silid at nadama ang pag-iisa dahil tahimik ang buong lugar. Hindi ko alam kung bakit ngunit naramdaman kong namasa muli ang aking pisngi. Mabilis ko iyong pinunasan at pilit na ngumiti.“Sanay naman ako dati mag-isa pero bakit ngayon parang ang bigat sa pakiramdam?” Sambit ko sa sarili pagkaraan ay kinuha ang cellphone ko sa bulsa.Si Tito tumatawag…“Isabella,” sambit ni Tito sa kabilang linya ngunit di ako sumagot. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya hanggang sa muli siyang magsalita.“Hindi ko ginagawa ’to para parusahan ka,” sabi niya. “Ginagawa ko ’to para hindi ka mag-isa.” Napatigil ako sa narinig ko. Totoo ba? Pero bakit ngayon ay nag-iisa ako?“Naiintindihan ko po,” tanging saad ko sa tawag bago ito tinapos. Napabuntong hininga aoo pagkaraan ay naglakad papunta sa sala."Ano na ngayon ang mangyayari sa amin? Hays!" Kinuha ko ang shoulder bag ko sa sofa bagk muling bumalik sa kwarto ko.Inayos ko ang mga gamit ko pagkaraan ay naligo na upang mahimasmasan. D

  • That Night With Him   51

    Isabella's Pov:Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom ngunit paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Justin. Kasalukuyan siyang natutulog sa sofa, napakurap-kurap pa nga ako at mahinag tinampal ang mukha ko upang siguraduhin na hindi ako nananaginip. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Hindi ko napigilang hindi ngumiti ng makita ang guwapo niyang mukha. Totoo ngang nandito siya at hindi ito panaginip. Mas lalong hindi ako namamalikmata. Kanina pa kaya siya dito?Dama ko ang malakas na kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan kong nilalapit ang kamay ko sa mukha niya. Nais ko kasing haplusin ang pisnge niya. Pagdating talaga sa kanya ay para bang nagkakarera ang puso ko sa pagtibok. Nakakainis.Malapit na sana dumampi ang kamay ko sa mukha niya nang bigla siyang gumalaw at dahan-dahan dumilat."Anong ginagawa mo?" kunot-noo niyang tanong sa'kin."Ah! Ano... Hehe... Ewan?" patanong na sambit ko dahil hindi ko na malaman ang sasabihin ko.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status