LOGINHawak ko ang isang mug ng mainit na kape habang bored akong nakatingin sa labas ng coffee shop nang makatanggap ako ng isang tawag mula sa hindi kilalang numero, "Hello? Who is this?"
"This is Zack Fuentes, the owner of Z Fashion Company. Are you Isabella Rivera?" Napa-upo ako ng maayos ng marinig ko ang pangalan ng tumawag sa'kin. Totoo ba ito? Si Zack Fuentes ng Z Fashion Company ang kausap ko ngayon? Ang sikat na si Zack Fuentes na may-ari ng sikat na kompanya na dinudumog ng mga gustong sumikat na modelo? Omygosh! "Yes, Sir. I'm Isabella Rivera. Bakit po?" Tanong ko at pinilit na hindi ipahalata ang labis na pagkatuwa ko sa pagtawag niya. "Mr. Mendez recommend you to me na pumalit sa isa sa mga modelo ko dahil nagkasakit ito. Pwede ka ba mamaya?" Tanong niyang muli. "Yes, Sir. Saan po ba at anong oras?" Mabilis na sagot ko dito at hindi mapigilang ngumiti ng malawak. "Here in Z Tower at 5 pm." "Okay po. Makakarating po ako sa oras." Excited na sabi ko at tumango-tango pa. "Kami na rin ang bahala sa make-up at mga damit mo kaya don't worry. We will wait for you later. I need to hang up now. Bye." Sabi nito at pinatay na ang tawag. Wala sa sariling napahiyaw ako ng malakas dahil sa labis na tuwa at agad na napatakip ng bibig dahil napatingin sa'kin ang lahat ng tao. Ito na ata ang chance ko upang makilala bilang modelo dahil sa pagkuha sa'kin ng Z Fashion Company. This is my biggest dream ang maging parte ng Z Fashion. "Kahit kailan ang ingay mo talaga." Nilingon ko naman kung sino ang nagsalita at nakita ko ang pinsan kong si Aurelia. "Himala! Nandito ka?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya dahil sa pagkakaalam ko ay may OJT siya ngayong araw. "Wala kaming pasok, eh." Sabi niya at sumimsim sa kapeng hawak niya. "Pupunta pala ako mamaya sa Z fashion Company. Kinuha nila ako bilang model," masayang sabi ko sa kanya habang nag-iiscroll sa cellphone ko. "Wow! Good for you basta huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Okay?" Sabi niya at tumingin sa'kin ng nakangiti. "Siyempre naman. Ako pa ba, ate?" Simula ng mamatay ang mga magulang ko ay sa kanila na ako nakatira. Tinuring nila ako na parang tunay na anak at si Aurelia ay tinuring akong parang totoong kapatid. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil hindi ako masyadong nakaramdam ng pangungulila sa aking mga magulang. "May date kayo?" Tanong ko sa kanya ng makita ko si Jayson na naglalakad papasok sa loob ng coffee shop. Nakahood ito habang naka-sunglasses at kumaway ng bahagya ng makita akong nakatingin sa kanya. "Huh? Anong pinagsasabi mo?" Tanong niya ng kunot-noo at bumalatay ang pagtataka sa mukha ng pinsan ko. "Si Jayson kasi andyan." Sabi ko at ngumuso sa likuran niya. Agad naman siyang lumingon sa likuran niya. "Hi, Girls," sabi ni Jayson pagkalapit kay Aurelia at hinalikan siya sa kanyang pisnge. "Edi kayo na magjowa," Sabi ko ng napapa-irap at nagpalumbaba. "Maghanap ka na kasi..." Natatawang sabi ni Aurelia at sinamaan ko lang siya ng tingin. "Alam mo namang bawal pa sabi ni Tito," sabi ko at nginusuan siya saka bumulong ng mahina, "tsaka hindi pa nga ako napapalapit sa lalaking gusto ko." "By the way, kamusta naman ang honeymoon ni Claire at Ysrael sa Japan?" Tanong ko upang maiba naman ang usapan. "I don't know. Hindi naman tumatawag si Yuri sa'min at mas lalong hindi namin siya tinatawagan dahil ayaw naming maka-istorbo sa kanila." Sagot ni Jayson sa'kin. Kung hindi lang siguro ito boyfriend ng pinsan ko ay kanina ko pa ito niyakap. Gosh! Ang gwapo kaya niya. Sobra talaga akong nagulat nang malaman kong boyfriend ni Aurelia si Jayson. Biruin mo ang swerte niya. Isang sikat na photographer si Jayson at kilala ito sa buong bansa kung kaya ay maraming kumukuha dito para maging photographer nila. Higit sa lahat puro babae ang halos nanliligaw sa kanya. He's one of the most influential photographer here in the Philippines tapos na inlove sa pinsan ko? Ano kayang gayuma ang ginamit nito kay Jayson? Waah! Tapos si Claire naman ay kinasal kay Ysrael last week. Ang asawa lang naman ni Claire ay isa sa mga sikat na singer dito sa Pilipinas. Mapapa-sana all ka nalang talaga. Siguro no'ng magpaulan ng ka-swertehan ay nakipagsiksikan ang dalawang ito bitbit ang malaking drum. Ang swerte ko na rin pala dahil sa pagiging modelo ko ay nakakasama ko ang ibang artista. "Are you okay?" Tanong ni Jayson sa'kin na ikinakunot ng noo ko. "Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil ayos lang naman ako. "Kanina ka pa kasi tulala d'yan at puno na ng asukal iyang kape mo. Ano lutang lang?" Natatawang sabi ni Aurelia at napatingin naman ako sa kape ko na naging arnibal na sa dami ng asukal. "Hehehe... Kinakabahan kasi ako para mamaya, eh. Biruin mo si Zack Fuentes ang tumawag sa'kin. Ang owner ng Z Fashion Company ang mismong nakausap ko." Hindi makapaniwalang saad ko sa kanila. "Really? Bakit ka niya tinawagan?" Curious na tanong ni Jayson sa'kin at inakbayan niya si Ren. "Kinukuha siyang model kapalit no'ng nagkasakit, Wangja." Nakangiting sabi ni Aurelia sa kanya. "Yup, kinukuha niya akong model. Owemji kahit na hindi pangmatagalan iyon ay ayos lang basta maging parte ako ng Z Fashion." Masayang sabi ko at sinenyasan ang waiter para umorder ng panibagong kape. "Oh, nice! Model ka pala? Baka sa susunod ay ako na ang maging photographer mo niyan." Sabi ni Jayson kung kaya ay napalingon ako sa kanya. "Talaga? Ayaw mo no’n may dyosang maliligaw sa camera mo," biro ko sa kanya na ikinatawa naming dalawa. "Nandoon din pala ako mamaya. May photoshoot kasi sila Justin, Brian at Ysrael ngayong araw doon." Sabi niya at hinalo ang kapeng hawak niya. Lihim naman akong napangiti sa sinabi niya. "Aurelia, una na ako sa inyo. Uuwi na muna ako ng makapag-ayos na. Magdate nalang muna kayo ni Jayson dyan, Bye!" Sabi ko sa kanila saka nagmamadaling umalis. "Ingat ka." Narinig ko pang sinabi ni Aurelia bago ako tuluyang makalayo sa kanila. -Nandoon siya samantalang ako bored na bored na dito. Kukuhanin ko na sana ang vodka sa harap ko nang biglang tapikin ng kung sino man ang kamay ko. "What?" Inis kong sambit. "Anong what? Huwag mong sabihin na iinumin mo iyan? Masama iyon para kay baby." Sambit ni Justin at umupo sa tabi ko. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. "Tsk! Alam ko naman iyon. Hindi ko naman iinumin, eh.” Nakangusong sambit ko. “Sus! Hindi daw,” sambit niya at inayos ang damit niya. “Nakakainip naman dito." Reklamo ko at inikot ang paningin ko sa buong lugar. "Gusto mo bang magsayaw?" Tanong niya sa'kin at nilahad ang kamay niya. Ayiee! Sige, na nga. Inabot ko ang kamay niya saka ngumiti. Wait! Kinikilig ako. Nagpalit ang musika. Slow dance na ito ngayon. Pumunta kami sa gitna, inilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat, ang isang kamay naman ay nasa aking beywang. Nangibabaw sa musika ang malakas na tibok ng puso ko. Napapaisip tuloy ako kung naririnig din ba niya ito? "Nabobored ka na b
Sumakay kami sa sasakyan ni Hiro at agad niyang binuksan ang music player at nagplay ang isang masiglang tugtog. “Kamusta maganda ba?” Tanong niya kaya napalingon ako. “Gawa mo?” Curious kong tanong sa kanya. “Oo, ipapasa ko next week kay Javier once na natapos ko ang lyrics at natapos ang track. “Ang ganda! Buhay na buhay ang tugtog. Mapapasayaw ka kapag narinig. Iba talaga kapag may kaibigan na sikat nauuna ka makinig bago i-release,” humahagikgik na saad ko. “Naku! Ikaw talaga. Hindi pa nga naaprubahan release na agad nasa isip mo,” natatawang saad niya rin. “But seriously, maganda siya. Sikat kaya lahat ng gawa mo. Kaya proud na proud ako sayo, eh,” saad ko sa kanya na taos sa puso ko. “Nga pala…” seryosong saad niya kaya napalingon ako sa kanya. “Bakit ganon? Kanin sa bahay niyo napakatahimik? I mean ang gara ng atmosphere,” sambit niya ng hindi tinatanggap ang paningin sa daan. Napatingin ako sa bintana,”Ganon ba?” Baka dahil ako lang mag-isa…” huminto ako sa pagsasalit
Isabella’s POVNaririnig ko ang mga hakbang ni Justin sa labas ng pintuan, pero hindi ko alam kung pagbubukaan ko ba siya o hindi. Huminga ako ng malalim saka iyon binuksan. Nakita kong naglalakad na siya papunta sa kanyang silid.“Justin?” mahina kong sambit. Wala tugon at patuloy pa rin siya sa paglalakad. Pinikit ko ang mga mata ko at hinaplos ang tiyan ko. “Okay lang marahil ay hindi niya ako narinig,” bulong ko. Subalit kahit paulit-ulit kong sinasabi, ramdam ko ang luhang gustong lumabas sa aking mga mata.Hindi ko alam kung anong nasa isip niya—galit ba? Pagod? O ginagampanan lang niya ang mga iniutos sa kanya?“Isabella,” napasinghap ako ng marinig ang tinig niya. Bumalik siya?“Hindi nga ako nagkamali na gising ka pa. Narito lang ako para siguraduhin kung natutulog ka, marahil ay naninibago ka. Heto ang gatas upang makatulog ka,” seryoso ang boses niya at hindi ko mabasa ang nasa utak niya.“Salamat,” mahina kong sambit. Kinuha ko ang gatas mula sa kanya at tulad kanina ay hi
Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ang salitang “Act” kaysa sa malamig niyang asal kanina sa bahay. Pilit akong ngumiti sa harap niya ng maka-recover.“Ah—oo,” sambit ko habang sinisikap na magmukhang kalmado. Nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa’min. May mga bulungan. May mga nakataas na cellphone para kunan kami. May mga taong nagtilian din dahil sa ginawa ni Justin.“Kalalabas mo lang ng ospital gumala ka kaagad,” kumunot ang kilay niya saglit bago siya ngumiti ulit. Pilit na ngiti bago niya nilapit muli ang mukha niya sa akin para bumulong.“Naabutan ko pa ang Tito mo sa bahay at pinagalitan ako dahil hindi ko masagot ang tanong niya,” may inis sa boses niya at pa-simpleng tumingin sa akin ng masama. Hinawakan niya ang likod ko, marahan pero may distansya. Para bang sapat lang para magmukha kaming magkasama, pero kulang para maramdaman kong totoo. Pagkaraan ay humarap siya na nakangiti sa mga taong nanonood sa amin.Tsk! Akala ko pa naman! R
Lumabas ako ng silid at nadama ang pag-iisa dahil tahimik ang buong lugar. Hindi ko alam kung bakit ngunit naramdaman kong namasa muli ang aking pisngi. Mabilis ko iyong pinunasan at pilit na ngumiti.“Sanay naman ako dati mag-isa pero bakit ngayon parang ang bigat sa pakiramdam?” Sambit ko sa sarili pagkaraan ay kinuha ang cellphone ko sa bulsa.Si Tito tumatawag…“Isabella,” sambit ni Tito sa kabilang linya ngunit di ako sumagot. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya hanggang sa muli siyang magsalita.“Hindi ko ginagawa ’to para parusahan ka,” sabi niya. “Ginagawa ko ’to para hindi ka mag-isa.” Napatigil ako sa narinig ko. Totoo ba? Pero bakit ngayon ay nag-iisa ako?“Naiintindihan ko po,” tanging saad ko sa tawag bago ito tinapos. Napabuntong hininga aoo pagkaraan ay naglakad papunta sa sala."Ano na ngayon ang mangyayari sa amin? Hays!" Kinuha ko ang shoulder bag ko sa sofa bagk muling bumalik sa kwarto ko.Inayos ko ang mga gamit ko pagkaraan ay naligo na upang mahimasmasan. D
Isabella's Pov:Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom ngunit paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Justin. Kasalukuyan siyang natutulog sa sofa, napakurap-kurap pa nga ako at mahinag tinampal ang mukha ko upang siguraduhin na hindi ako nananaginip. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Hindi ko napigilang hindi ngumiti ng makita ang guwapo niyang mukha. Totoo ngang nandito siya at hindi ito panaginip. Mas lalong hindi ako namamalikmata. Kanina pa kaya siya dito?Dama ko ang malakas na kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan kong nilalapit ang kamay ko sa mukha niya. Nais ko kasing haplusin ang pisnge niya. Pagdating talaga sa kanya ay para bang nagkakarera ang puso ko sa pagtibok. Nakakainis.Malapit na sana dumampi ang kamay ko sa mukha niya nang bigla siyang gumalaw at dahan-dahan dumilat."Anong ginagawa mo?" kunot-noo niyang tanong sa'kin."Ah! Ano... Hehe... Ewan?" patanong na sambit ko dahil hindi ko na malaman ang sasabihin ko.







