LOGINLumubog na ang araw ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay naroon pa rin sa loob ng sunroom sina Elyan at Yugi. Sa kabila ng pananahimik nila roon ay rinig ang tunog na nililikha ng kanilang mga labi sa kanilang paghahalikan. Kung tutuusin, kanina pa nila balak lumabas doon upang ipagpatuloy sa kanilang kuwarto kung anuman ang nasimulan nila rito.Ang problema, baka kapag bumalik sila sa mansion ay maudlot ang mga sandaling iyon. Tiyak na haharangin sila ng mga pamilya ni Yugi at bukod pa roon ay may usapan sina Elyan at ang mga pinsan ng kanyang nobyo na matutulog sila sa guest room.They told her that they want to know her more and better. Bukod pa roon ay gusto ring malaman ng mga ito ang kwento sa likod ng relasyon nila ni Yugi. Iyon at ang ilan pang mga bagay na maaaring magpakilig sa kanila.Yugi pulled away from Elyan. "I don't think it's a good idea that we should do that here. Baka may makakita sa 'tin? Isa pa, baka sa paghahanap nila sa 'tin ay mapadpad sila rito."Hindi u
Walking outside had been a good idea for Yugi. Kung tutuusin, inaasahan niyang makikita o makakasalubong niya ang kanyang pamilya sa labas. They went out a minute ago. Ngunit sa kasamaang palad, tila ba bigla na lamang naglaho ang mga ito.Wala siyang ideya kung saan sila nagpunta pero nagpapasalamat siya dahil masosolo niya si Elyan nang walang istorbo.Sa kasagsagan ng kanilang paglalakad ay mabilis pa sa alas kuwatro niyang hinawakan ang kamay ng nobya. Mahigpit iyon at tila ba ayaw niyang kumawala pa. Though they weren't talking, the way they held each other's hands screamed intimacy.Ramdam niya ang pag-aalala ni Elyan sa narinig nitong usapan nila ni Vivian kanina. He knew that she wanted to ask more about his past with Honey, but she decided to respect his silence.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Sa katunayan, inaasahan niyang kukulitin siya nito. Kadalasan ay hindi siya nito tinatantanan sa mga bagay na nagbibigay ng kuryosidad sa kanya. She would keep
Bagama't magkasama sa iisang kwarto, ngunit nananatiling walang imik sa bawat isa sina Yugi at Elyan. Habang ang binata ay nasa balkonahe at nakatanaw sa paligid ng hacienda, ang dalaga naman ay nasa loob ng kanilang kwarto at nakahiga sa kama.Kung tutuusin, kanina pa gustong lapitan ni Elyan ang nobyo. Sa kasamaang palad, mismong si Yugi ang nagsabi sa kanya na gusto nitong mapag-isa muna. Gustong-gusto niyang kausapin ito, ngunit ang problema ay hindi niya ito mapilit.Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya.Narinig niya ang usapan nila ni Vivian kanina. She's been wanting to know about Honey, pero hindi niya inaasahan na masasagot na ang lahat ng kanyang mga katanungan.Tita Bella told her that Yugi and Honey are so in love with each other. Hindi raw nila magawang malayo sa isa't isa at bukod pa roon, hindi makalimutan ni Yugi ang first girlfriend niya. Gabi-gabi raw umiiyak ang binata simula nang maghiwalay sila.Kabaliktaran pala ang lahat ng sinabi ng tiyahin nito.
Napabuga ng hangin si Vivian sa kuwentong iyon ni Yugi. Napapailing na lamang siya sa mga sandaling iyon habang inuulit-ulit niya ang mga eksena at mga katagang binitawan ng binata tungkol sa naging experience nito kay Honey.Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao at kalaunan ay padabog na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.Bagama't wala siya roon nang mangyari ang mga sandaling iyon, pero sagad sa buto ang inis niya tungo sa dalaga. Kating-kati ang kanyang mga kamao at gusto niyang bangasan ang pagmumukha ng babaeng iyon. Gusto niyang hanapin si Honey at sampalin ito ng ilang ulit.Ngunit sa kabilang banda naman ay hindi rin niya mapigilang sisihin si Yugi tungkol sa bagay na iyon.Kung tutuusin, may magagawa ang binata kung gugustuhin niya. Sana ay lumayo na siya. Sana ay hindi na siya nagpakita pa. Tumakbo na lang sana siya at, higit sa lahat, dapat ay ipinagsabi niya ang tungkol sa bagay na iyon sa kanilang mga magulang. Ang masaklap, nanatiling tahimik si Yugi at walang ginawa kundi
High school, freshman year, month 7Hindi maipinta ang mukha ni Yugi pag-uwi niya ng kanilang bahay. Akmang didiretso na kasi siya sa kusina ay natigilan siya nang makita niya roon si Honey. Kulang na lang ay ibato niya ang kanyang bag at ang kanyang mga gamit. Kulang na lang ay lumayas siya para tantanan na siya ng babaeng ito.Simula kasi nang may nangyari sa kanila ay hindi na siya tinigilan ng dalaga. Palagi na itong naglalagi sa kanilang bahay at kapag tinatanong ito ng mga magulang nito, ganoon din ng mga magulang ni Yugi, ay marami itong ibinibigay na kung ano-anong dahilan.Keso raw napalapit na siya kay Yugi. Para nang kapatid ang turing nilang dalawa sa isa't isa. Malungkot siya dahil wala siyang kapatid at si Yugi ang parating nandyan para sa kanya."Bullshit!" bulalas ni Yugi at mabilis pa sa alas kuwatrong tumakbo patungo sa kanyang kwarto. "May magkapatid bang nagkatikiman na? Bwisit talaga ang babaeng 'yan! Masasabi bang fifteen years old lang 'yan?"Isang malalim na bu
High school, freshman yearAlas-singko na ng hapon nang makauwi si Yugi mula sa school. Iyon ang ikaapat na araw nang magsimula ang school year ngunit marami na kaagad requirement ang kani-kanilang subject teacher. Hindi lamang isa sa bawat subject kundi sobra pa sa inaasahan niya.Kaya naman napagkasunduan nilang magkakagrupo na manatili muna sa school upang pag-usapan ang kanilang project. Naisip din ni Yugi na ayos lang dahil wala rin naman siyang aabutan sa kanilang bahay.Wala ang kanyang mga magulang at tiyak na nasa trabaho pa ang mga ito.Pagdating na pagdating niya ay agad siyang dumiretso sa kusina upang maghanap ng makakain. Wala naman na siyang poproblemahin pagdating sa pagkain dahil inihanda na rin iyon ng kanilang katulong. Matapos niyon ay dumiretso na siya patungo sa kanyang kuwarto upang magpahinga.Lubos din siyang nagpapasalamat dahil bukas ay holiday—Philippine's Independence Day. Magkakaroon pa siya ng saktong oras at panahon para asikasuhin ang ilang mga project
Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.Gusto niyang magwala.Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay nabigo siya. Hindi niya magaw
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan. Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siya
Matapos ang naganap na meeting sa conference room ay agad na ring nagsialisan ang mga professor. Nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang mga klase ganoon din ang Dean na agad na ring bumalik sa opisina nito.Ngunit nanatiling tahimik at tulala si Yugi sa loob ng silid na iyon.Napahilamos siya sa kan
Papunta na sana si Yugi sa library nang isang masigabong palakpakan ang narinig niya mula sa gym. Natigil siya sa paglalakad at mula sa loob ay nakita niya ang ilang mga cheerleaders na nagpa-practice. Akmang lalakad na sana siya upang magpatuloy papuntang second floor ay natigil siya nang marinig n







