Share

After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife
After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife
Author: Sienna Fox

Chapter 1

Author: Sienna Fox
last update Petsa ng paglalathala: 2026-02-09 17:03:15

Biglang tumunog ang cellphone ni Aera. Mensahe mula sa bangko:

"Your transaction of PHP 2,000,000.00 has been successfully processed. Recipient: Serene Villamor. Remark: “Make up”  Available balance: PHP 65.70."

Natigilan si Aera. Ito ang perang inipon nila ni Zach para sa kasal. Kahapon pa sana niya ito gagamitin para sa isang proyekto sa kumpanya, ngunit pinigilan siya ni Zach. Noon, sinabi pa nito:

"Maliit na halaga lang, pero special yan. Hindi mo pwedeng gastusin maliban kung hindi matutuloy ang kasal."

Ngunit ngayon, malinaw na ginamit na ni Zach ang pera. Ipinadala ito kay Serene Villamor isang empleyado sa kanilang kumpanya at isang single mother na madalas makatrabaho ni Zach sa mga proyekto.

Para patunayan ang kanyang pag-ibig at makalaya sa kontrol ng pamilya, kusang isinantabi ni Aera ang kanyang pagkakakilanlan bilang anak ng mayayaman. Sinamahan niya si Zach sa lungsod, handang magsimula mula sa wala.

Tinawagan niya si Zach, kahit pa mahigpit nitong ipinagbawal na istorbohin siya kapag nasa business trip.

"Nag-transfer ka ba ng pera kay Serene? Para sa kasal natin yon, bakit mo ginalaw?"

Hindi agad naka sagot si Zach, puro ingay sa paligid ang tanging maririnig. Para bang na sa pasyalan ito.

“May overseas client si Serene. Kailangan niya ng capital. Sayang kung hindi matutuloy, malaki ang kikitain natin. Tungkol sa kasal… puwede naman ’yang ipagpaliban.”

“Para sa kasal ang perang ’yon! Bawal galawin! Sino ba ang client? Ako ba ang kakausap?” galit na sabi ni Aera.

“Nagpapatawa ka ba?” malamig na sagot ni Zach.“Ikaw ang kakausap? Alam mo ba ang project? Baka nakakalimutan mo wala kang silbi kung wala ako. Hindi pa tayo kasal, anong problema mo?”

Parang may pumutok sa dibdib ni Aera.

Siya ang tumulong para ibangon ang kumpanya nagbayad ng utang, nagpuyat gabi-gabi, at naospital dahil sa sobrang pagod. Pero ngayon, ganito na lang siya tratuhin.

Biglang may marahang boses na nagsalita sa linya, parang boses ng babae.

“Zachy pwede ba bilan mo si Ced ng Ice Cream? Hindi kasi ako maka alis eh” mahina pero sapat na para marinig ni Aera.

Nagbago agad ang tono ni Zach.

"Pagod ako, Aera. May client pa akong hihintayin. Matulog ka na, ha? Please be understanding," biglang mahinahong sambit ni Zach at agad na binaba ang tawag.

Doon tuluyang naunawaan ni Aera ang katotohanan. Ginagamit ni Zach ang negosyo para manipulahin at lokohin siya.. 

Naalala niya kung paano siya ang nag-ahon sa kumpanya ni Zach mula sa bingit ng bankruptcy nagbayad ng mga utang, nagpuyat gabi-gabi, at naospital dahil sa sobrang pagod. Ngunit ngayon, lahat ng effort niya ay parang walang halaga, samantalang si Serene, kahit sa simpleng gawain lang, ay puring-puri.

Pumasok si Aera sa opisina ni Zach at, dahil birthday pa rin ang password nito, nabuksan niya ang desktop. Sa WeChat, nakita niya ang isang account na may username na Rene. Pinindot niya ang profile at bumungad ang larawan ng isang babae sa ilalim ng Eiffel Tower si Serene.

Tila nahilo si Aera sa kanyang nakita. Pilit niyang pinakalma ang sarili at patuloy na tiningnan ang profile ni Serene. May huli itong post isang oras ang nakalipas isang screenshot ng isang conversation.

“Nag-away kami ng mahal ko the other day. After that, niregaluhan niya ako ng cash at kwintas para raw maramdaman ko na mahal niya talaga ako. It's funny to say na dati pinapangarap ko lang ‘to, tapos ngayon nasa kamay ko na. I guess this is my life now. And yes, I want to stay with him forever."

Natigilan si Aera nang makita ang kwintas. Iyon ang parehong kwintas na minsan na niyang nakita sa desktop ni Zach noong nakaraang buwan. Noon, sinabi ni Zach na para raw iyon sa isang kliyente.

Agad binasa ni Aera ang screenshot. Hindi na siya nag-atubili unang tumuon ang mga mata niya sa mensaheng galing kay Zach.

“Rene, pasensya ka na. Naging duwag ako noon. Hinayaan kong paghiwalayin tayo ng pamilya mo. Hindi ko rin alam na buntis ka na pala noon. Pero ngayon, kaya na kitang ipaglaban. Hindi ko na kayang makita kang magtiis sa lahat ng hirap. Bigyan mo lang ako ng sapat na oras, aayusin ko lang ang sa amin ni Aera. Pagkatapos nito, bibigyan ko kayo ng magandang kinabukasan.”

Mugto na ang mga mata ni Aera sa kakaiyak, sa bigat ng mga salitang nababasa at ng mga katotohanang unti-unting lumilitaw.

Hindi niya kayang hayaan silang magdusa? Paano naman siya na tahimik na nagtiis ng napakaraming paghihirap sa tabi niya?

Ibig bang sabihin nito, lahat ng pangakong binitiwan ni Zach sa kanya ay pawang kasinungalingan lamang?

Hindi siya makapaniwala sa mga nabasa niya. Para siyang binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig. Hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.

Pinaglaban niya si Zach laban sa sarili niyang pamilya, umaasang ito ang makakasama niya habang buhay at magbibigay sa kanya ng isang magandang kinabukasan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
HU¡ MARTIR NA NAMAN!!
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 285

    Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Aera.Malabo ang kanyang paningin sa una.Puting kisame.Malamig na ilaw.At isang pamilyar na pigura na nakaupo sa tabi ng kanyang kama.Si Ethan.Nakayuko ito habang hawak ang kanyang kamay.Halatang ilang araw nang hindi nagpapahinga.Magulo ang buhok.Maitim ang ilalim ng mga mata.At tila pumayat pa.Bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri.Agad na napaangat ang ulo ni Ethan.Nanlaki ang mga mata nito."Aera?"Mahina siyang ngumiti.Ngunit bago pa siya makapagsalita ay mabilis na tumayo ang lalaki.Parang natatakot na baka panaginip lamang ang lahat."Aera..."Bahagyang namamaos ang boses nito.Hindi niya alam kung ilang beses nitong binigkas ang kanyang pangalan sa nakalipas na tatlong araw.Tiningnan niya ito nang mabuti.At agad siyang nakaramdam ng kirot sa puso.Dahil mas mukha pang siya ang nasaktan kaysa sa kanya."Ang pangit mo."Mahina niyang biro.Natigilan si Ethan.Pagkatapos ay bahagyang natawa.Isang mahinang tawa na may halong pagod at ginhawa."

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 284

    Alas-nuwebe y medya nang magsimula ang press conference.Punong-puno ng mga mamamahayag ang conference hall.Sa gitna ng entablado ay nakatayo si Aera habang hawak ang remote ng projector.Sa kanyang likuran ay ang lahat ng ebidensyang maglilinis sa pangalan ng Dela Cruz Atelier.Sa ibaba naman ng entablado, tahimik na nakaupo si Ethan.Ngunit hindi siya nakikinig sa presentasyon.May kung anong hindi mapakali sa kanyang dibdib.Parang may paparating na panganib.Samantala, sa kabilang gusali...Tahimik na nakapwesto ang isang sniper.Nakatutok ang rifle nito sa dibdib ni Aera.Nakadiin na ang daliri nito sa gatilyo.Sa loob ng conference hall, tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Aera."Ang lahat ng ebidensyang ito ay magpapatunay na may planadong sabwatan upang sirain ang aming kumpanya."Lumabas sa malaking screen ang mga dokumento.Nagkagulo ang mga reporter.Sunod-sunod ang flash ng kamera.Pagkatapos ay lumitaw ang pangalan ni Chang Tan.Kasabay noon—Humigpit ang daliri ng sniper.At pinindot ni

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 283

    Alas-sais ng umaga. Kakaunti pa lamang ang gising sa buong lungsod.Nang lumabas si Aera mula sa gusali ng kumpanya habang hawak ang external hard drive, bahagya pa lamang nagliliwanag ang kalangitan.Hindi na niya pinasama ang kanyang asawa.Buong gabi itong gising at halatang pagod na pagod. Maitim ang ilalim ng mga mata nito kaya halos pilitin niya itong maupo sa sofa ng lounge.“Matulog ka na muna ng dalawang oras,” sabi niya.“Pumunta ka samin ng alas-otso. Ang press conference ay alas-nuwebe y medya.”Naibalik ni Ethan ang mga ebidensya na nawala kina Aera, kaya kailangan agad ng babae na magsagawa ng press conference upang iligtas ang reputasyon at negosyo ng kumpanya.Tumingin siya rito ngunit hindi nakipagtalo.Nang tumalikod na siya para umalis, hinawakan nito ang kanyang pulsuhan.“Isama mo si Tj, hindi ka na pwedeng umalis ng hindi mo siya kasama.”Si Tj ang bagong tauhan na kinuha ni Ethan upang maging personal na bantay ng kanyang asawa.“...Sige.”Si Tj ang nagmamaneho ng

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 282

    Nang dumating si Ethan sa kumpanya ng kanyang asawa, ang Design Department na lamang ang may ilaw sa buong palapag.Si Roan at dalawa pang designer ay nakaupo sa harap ng ilang computer, abala sa trabaho. Naka-seal pa rin ng pulisya ang karamihan sa mga propesyonal na kagamitan ng departamento.Nang makita nilang pumasok si Ethan, bahagya silang kinabahan.“Nasaan si Aera?” tanong niya.“Si Miss Aera po?... nasa opisina po,” maingat na sagot ni Roan.“Kasama niya si Miss Suzy. Tatlong oras na siyang nasa loob. Wala siyang sinasabi at ayaw rin niyang may pumasok.”Tumango ang lalaki at naglakad patungo sa opisina sa dulo ng pasilyo.Binuksan niya ang pinto.Nakita niyang nakaupo sa sofa ang kanyang asawa.May lumang photo album sa kanyang kandungan.Katabi nito si Suzy. Nang makita nito si Ethan, tahimik itong tumayo at lumabas ng silid, saka marahang isinara ang pinto.Lumapit si Ethan at lumuhod sa harap ng kanyang asawa.Hindi siya nito tiningnan.Marahang hinaplos ng kanyang mga daliri a

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 281

    Dumating na ang panahon ng tag-ulan.Nakatayo si Zach sa harap ng bintana habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan na dumadaloy pababa sa lumang salamin.Ikapitong araw na nila sa maliit na bayan malapit sa hangganan.Halos magaling na ang sugat sa kanyang lalamunan.Hindi na masakit magsalita, ngunit mas mababa na ang kanyang boses kaysa dati at may magaspang na paos na tunog.Kapag tumitingin siya sa salamin, halos hindi na niya makilala ang sarili.Sobrang pumayat siya.Lumitaw ang kanyang cheekbones sa ilalim ng manipis na balat.Lumubog ang kanyang mga mata.Ang kanyang jawline ay tila inukit ng matalim na kutsilyo.At ang dati niyang mga mata ay wala nang anumang bakas ng liwanag.Sabi ni Chang, maganda raw ang hitsura niyang iyon.Hindi na siya katulad ng dating mayabang na CEO ng Tuazon Group.Mas mukha raw siyang isang taong nakabalik mula sa impiyerno.Walang sinabi si Zach.Hindi niya kailangang maging katulad ng kahit sino.Isa lang ang kailangan niya, ang manalo.Sa ikaapat na gab

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 280

    Samantalang sa Baguio, nakatakda na ang press conference ng alas-tres ng hapon. Alas-diyes pa lang ng umaga, nakaupo na si Aera sa pansamantalang opisina ng Design Department, huling beses na sinusuri ang mga ebidensyang ipapakita sa press conference.Nakatayo sa tabi niya si Chriztle. Magkatabi silang nakatitig sa monitor habang isa-isang tinitingnan ang mga scanned copy ng mga draft at iba pang dokumentong nagsisilbing ebidensya.Seryoso silang tinitingnan ang mga ebidensya nang may kumatok sa pinto.Pumasok si Suzy na may dalang dalawang tasa ng kape at inilapag ang mga iyon sa mesa.Kagabi lang ay opisyal na siyang lumipat sa apartment ni Aera upang samahan ito sa gitna ng lahat ng kaguluhan.Hindi na tumanggi si Aera.Alam niyang sa sitwasyon niya ngayon, hindi niya kailangan magpanggap na kaya niya ang lahat mag-isa.“Kinumpirma na ni Shawn,” sabi ni Suzy.“Inaprubahan na ng korte ang preservation order para sa mga ebidensya. Mamayang hapon, ise-seal nila ang mga orihinal na draft

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 95

    Ang lalaking ito… lagi siyang kakaiba kumilos, pero kontrolado niya pa rin ang lahat.Yung sobrang natural na tawag nito ng asawa, at ang kasunod nitong tanong tungkol sa pagkuha ng marriage certificate, agad nagpataas ng init ng usapan sa mesa.“Hay naku!” unang natawa si Eva ang ina ni Ethan. “It

    last updateHuling Na-update : 2026-04-05
  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 94

    Kakasabi pa lang ni Ethan ng pampakalma niyang salita nang may biglang sumingit na matinis at malambing na boses ng babae.“Kuya Ethan! Dumating ka rin sa wakas! Kanina pa kita hinihintay!”Bitbit ang laylayan ng damit niya, mabilis na lumapit ang dalaga na parang paru-paro, at dumiretso ang tingin

    last updateHuling Na-update : 2026-04-05
  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 55

    Pagtapos makipag bati ni Zach kay Serene, medyo gumaan ang loob niya habang pabalik sa bahay nila. Pero pagkapasok pa lang niya, narinig na niya agad ang iyak ng anak niyang si Cedric sobrang lakas at parang nasasaktan.May kasabay pang matinding pagsigaw ng Mommy niya.Biglang sumikip ang dibdib n

    last updateHuling Na-update : 2026-03-26
  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 37

    Naghahanda si Aera para sa paparating na business conference. Nasa walk-in closet siya, nakatingin sa sarili niya sa salamin, at bigla niyang na-realize na baka ito ang unang malaking chance niya mula nang bumalik siya sa rito sa Baguio.Tama si Ethan masyado na siyang matagal na “na-stuck” sa mga

    last updateHuling Na-update : 2026-03-22
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status