ログインAng unang weekend ng buwan, kulay abo ang langit at may mga maliliit na ambon na bumabagsak.Si Aera ay nakabalot ng isang wool shawl, habang may hawak na mainit na kape.Sa oras na iyon, binabasa niya ang financial newspaper, pero napunta ang pansin niya sa isang balita sa social section.“Pangunahing suspek sa malaking underground casino case na si Chang Tan, nakatakas habang nililipat sa kulungan, patuloy ang paghahanap ng pulis.”May malabong larawan sa ilalim ng headline isang lalaking naka-itim na suit, nakatagilid ang mukha.Maikli lang ang balita. Sinasabi na si Chang ay isang malaking boss ng underground casino sa lungsod, at sangkot sa money laundering, illegal gambling, at pananakit bilang paniningil ng utang.Nahuli siya sa isang police operation, pero habang nililipat sa kulungan, naaksidente ang sasakyan ng pulis at nakatakas siya sa kaguluhan.Sa dulo ng ulat, nakasulat nang malalaking letra.“Mapanganib ang taong ito. Kung may impormasyon, agad ipagbigay-alam sa pulis.
Maraming pasukan papunta sa madilim na mundo ng lungsod.Alas-onse na ng gabi. Tahimik ang parking lot, at iilang lumang sasakyan na puno ng alikabok lang ang nakaparada sa mga sulok.Mahigpit na hawak ni Elizabeth ang isang itim na briefcase.Nasa loob nito ang huling perang kayang ilabas ng kanyang ama limang milyong yuan. Hindi man ganoon kalaki, sapat na iyon para makapasok sa mundong iyon.Mula nang makulong si Zach, wala na siyang maayos na tulog.Umuugong ang tunog ng kanyang mga hakbang sa malawak at bakanteng parking lot.Mula sa mga anino, lumabas ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Mga nasa kwarenta anyos ito.“Madam Elizabeth?” paos nitong tanong, na para bang kiniskis sa papel de liha ang boses.“Ako nga,” kalmadong sagot ng matanda.Sinukat siya ng lalaki ng tingin at saglit na tumigil ang mga mata nito sa briefcase.“Sumunod ka sa akin.”Naglakad ito patungo sa pinakadulong bahagi ng parking lot.“Alam mo na ang mga patakaran?” tanong nito.“Alam ko,” tumango a
Masagana ang tanghalian.Ipinahanda ni Lola Amanda ang mga paboritong pagkain ng mag asawa.May steamed sea bass na paborito ni Aera.May braised pork na paborito ni Ethan.At marami pang simpleng lutong-bahay.Naupo silang apat sa bilog na mesa na gawa sa pulang kahoy, parang isang ordinaryong pamilya na masayang nag sasalo-salo at nagkukwentuhan.Hindi sila sanay, mas madaldal si Lolo Gerald noong araw na iyon.Ikinuwento niya ang mga nangyari noon sa pamilya nila at maging ang mga nakakahiyang karanasan ni Ethan noong bata pa ito.Paminsan-minsan ay dinadagdagan o kinokontra siya ni Lola Amanda, at nauuwi muli sa kanilang magiliw na pagtatalo.Ngunit sa bawat biruan, ramdam ang lalim ng kanilang pagmamahalan bilang mag-asawa.Tahimik na nakinig si Aera.Paminsan-minsan, sinasalinan niya ng pagkain si Ethan.Sa kauna-unahang pagkakataon, malinaw niyang naramdaman na tunay na siyang tinanggap sa pamilyang ito.Hindi bilang anak ng mga Dela Cruz.Hindi lamang bilang asawa ng apo nila.
Pagkatapos makita ang disenyo, akala ni Aera ay simpleng titingnan lang iyon ng dalawang matanda. Hindi niya inaasahang bibigyan nila iyon ng napakaseryoso at taos-pusong papuri.Lalo na si Lolo Gerlad.Kilala itong tahimik at istriktong tao, at bihira itong magpahayag ng ganoon kalinaw na paghanga.“Salamat po, Lolo,” nakangiting sabi ni Aera habang kinukuha ang kanyang cellphone. May init na sumiklab sa kanyang puso.Tinanggal ni Lola Amanda ang kanyang salamin at tila biglang may naalala.“Naku, muntik ko nang makalimutan ang totoong dahilan kung bakit ko kayo pinapunta.”Tumayo siya at sinabi sa kasambahay, “Aling Lusing, pakikuha mo nga ang kahong gawa sa purple sandalwood sa kwarto ko.”“Opo, Madam.”Ilang minuto ang lumipas at bumalik ang mayordomo na may dalang maliit ngunit eleganteng kahon.Malalim na kulay ube ang kahon at halatang matagal na itong nasa pamilya. May ukit itong mga bulaklak, at makinis na ang mga gilid dahil sa tagal ng paggamit.Tinanggap iyon ni Lola Amand
Sabado ng umaga, alas-diyes, pumasok ang sasakyan ni Ethan sa village kung saan matatagpuan ang lumang mansyon kung saan nakatira ang Lola Amanda niya.Malalago ang mga puno sa paligid. Ang mga pulang pader ay nababalutan ng mga baging, at bawat bahay ay may sariling hardin. Ang lumang bahay ng pamilya nila ang pinakamalaki sa lahat tatlong palapag, may malawak na hardin sa harap at likod, at naipasa na ito sa tatlong henerasyon.Huminto ang sasakyan sa harap ng malaking bakal na gate. Naghihintay na roon ang kasambahay. Pagkakita sa kanila, agad itong lumapit.“Sir, Mam, hinihintay na po kayo nina Master at Madam sa sala.”May dala si Aera na bagong lutong almond cookies. Mainit-init pa ang kahon.Si Ethan naman ay may dalang isang kahon ng tsaa ang paboritong tsaa ng Lolo niya.Magkatabi silang naglakad papasok sa bakuran.Napakaganda ng hardin sa harap. Punong-puno ng namumulaklak na rosas, at mabango ang hangin. Sumisilip ang sikat ng araw sa pagitan ng mga dahon at nag-iiwan ng m
Pormal nang ginawa ni Aera ang disenyo ng kanyang wedding gown sa ikasampung araw matapos niyang manalo bilang kampeon sa design show.Ginawa niyang pansamantalang design studio ang kanyang study room.Ang kalahati ng dating estanteng puno ng mga dokumento sa negosyo ay nilagyan na ngayon ng mga sample ng tela, color boards, at mga libro ng mga tungkol sa mga designs.Sa ibabaw ng malapad na mesa na gawa sa pulang kahoy ay nakalatag ang isang malaking puting drawing paper.Sa tabi nito ay nakakalat ang iba’t ibang uri ng lapis, pambura, at measuring tape.Sa mga sandaling iyon, nakatayo si Aera sa harap ng mesa, hawak ang isang 2B pencil at bahagyang nakakunot ang noo.Mahigit sampung sketch na ang nagawa niya, ngunit wala pa ring nakapagbigay sa kanya ng kasiyahan.Masyadong komplikado.Masyadong simple.Masyadong tradisyonal.Masyadong moderno.Anuman ang iguhit niya, parang hindi pa rin iyon ang eksaktong imaheng nasa isip niya.Sa labas ng bintana ay ang maliwanag ngunit hindi nak
Kinabukasan ng umaga, ginising si Zach ng anak niya.Pumasok ang liwanag ng araw sa mga siwang ng bintana.Kinuskos ni Zach ang sentido niyang masakit. Yung sandamakmak na work emails sa phone niya, halos hindi siya makahinga.Yung kapos na pera ng kumpanya, mga kliyente ng umaalis, tambak na papel
Dahan-dahan binitawan ni Serene ang hawak na bulak, at saka lumingon kay Zach. “Ganun ba talaga? Kailangan mo talagang hintayin na bumalik siya? Pag hindi siya bumalik, hindi mo na kaya?”Iniwasan ni Zach ang tingin niya, umupo sa kama at tinanggal ang kurbata.“Para lang ’yan sa trabaho. Pag nala
Napakuyom ng kamay si Zach ng hindi niya namamalayan. Pumuti ang mga buko ng kamay niya sa sobrang gigil niya.Pinigil niya ang galit.“Magpatawag ka agad ng meeting ng mga head ng bawat department. Darating ako sa kumpanya sa loob ng thirty minutes.”“Sir Zach… may mas masama pa po,” alanganing sa
Punong-puno ng tao ang ball room, pero wala siyang nakikita na kakilala niya.Mag-isa lang siya sa labas ng waiting area, at bigla siyang nakaramdam ng lungkot.Sana kasama niya si Aera. Dahil kung kasama niya ito ay siguradong sasamahan siya nito at palalakasin yung loob niya. Magkakaroon ulit siy







