Share

Kabanata 004

Auteur: Alwida Alem
last update Dernière mise à jour: 2026-02-24 16:03:11

Elena's Pov

Dala-dala ko ang aking bagahe na tinakas ni manang Belinda para sa akin, sa kabilang kamay naman ay ang ticket papuntang Manila na binigay sa akin ni Sabrina.

Huminga ako ng malalim, at naglakad na patungo sa airport. Umupo ako sa may waiting area kung saan makikita kung kailan ang byahe sa may flat screen. Rinig ko ang kaliwa't kanang mga impormasyon habang nakatingin ng diretso sa tv.

Hindi na ako makapaghintay na makaalis sa lugar na ito, kalimutan ang nakaraan, at kung anuman ang nangyari kagabi.

Simula kaninang umaga ay hindi na siya maalis sa isip ko, gumugulo kasi hindi ko man lang nalaman kung anong pangalan niya. Pero hindi ba dapat ay ganoon naman kapag one night stand lang?

Hindi ako makapaniwalang mas inaalala ko pa siya kaysa sa nangyari sa amin ni Spencer at ng kapatid ko. Ipinilig ko ang aking ulo, dapat ay hindi ko na siya iniisip. Hanggang doon lang iyon, wala ng ibang dahilan pa.

"Final boarding call for passengers of Flight 5J 621 bound to Manila. All remaining passengers are requested to proceed immediately to Gate 6. The gate will be closing shortly." Naalimpungatan ako nang marinig iyon.

I looked at the flatscreen and realized that it was the plane I'll be on, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Mabilis akong naglakad papunta sa gate at pumasok sa loob ng plane, hinanap ang aking sit.

After a few minutes, the plane announced na aalis na kami kaya mas lalo lamang akong kinabahan pero confident naman ako na magiging maayos rin ang daloy ng buhay ko sa aking pamilya.

***

Sinalubong ako ni Cassandra, siya ang inutusan na maglibot sa akin sa aking condo na provide ng kompanya.

"Thank you," sambit ko nang matapos.

"Basta ay sabihan mo ako kapag gusto mo ng pumunta sa kompanya para ma-orient kita." Nakangiti niyang sinabi, tumango lang ako at ngumiti pabalik.

Masyado siyang madaldal at ayokong makipag-usap ng nonsense lang kaya hindi ko na pinahaba ang usapan namin.

Sinirado ko ang pintuan nang makaalis na siya, tiningnan ko ang kabuuan sa aking unit at mas maganda pa ito kaysa sa bahay namin. Mas malawak ang espasyo at malinis pa tingnan sa mata.

I finally have the privacy that I've always wanted. Hindi katulad sa bahay na laging nakasunod sa akin si Margaux tapos ay kukunin ang mga gamit ko nang hindi man lang nagpapaalam.

This is my dream life.

***

Wala akong sinayang na oras, kinabukasan pagkagising ko ay tinawagan ko si Cassandra dahil gusto ko ng magtrabaho. Ayokong magmukmok sa condo kasi ang daming pumapasok sa isipan ko, mababaliw ako katagalan.

Hindi naman siya nagtanong pero alam kong gusto niyang magtanong. Sinuyod namin ang buong kompanya, tapos ay sinabi sa akin kung anong mga dapat at hindi ko dapat gawin.

"Masyadong perfect ang ating CEO kaya iwasan mo ang magkamali kahit isang letra lang sa mga papel na ipapasa mo." Mahina niyang bulong nang makarating kami sa department.

Tinuro niya ang isang opisina na nakabuklod sa amin, "iyan ang opisina ni sir Enzo Gabriel Monteverde."

Tumango ako, "anything that I should do?"

"Oo nga pala, dark coffee ang gusto niya at kailangan ay hindi sobrang init at hindi rin malamig." Dagdag pa niya, bahagyang napaawang ang aking labi.

"Kapag may tutunog na bell, ibig sabihin ay nasa entrance na siya at kung anumang ginagawa mo ay kailangan mo ng itigil dahil kapag nakita ka niyang wala pa o may ibang ginagawa ay sisante ka agad." Napangiwi ako sa kanyang pagkwento.

Sobrang strikto naman niya. I mean, hindi naman ako takot dahil gusto ko rin naman na dapat perpekto ang lahat pero hindi naman ako ganyan ka exaggerated. Well, I couldn't do anything since he was the boss and we needed to obey him.

"At saka, may isang batas na hindi mo pwedeng labagin." tumingin siya sa paligid, lumapit sa akin. "Hindi ka pwedeng makipagrelasyon sa katrabaho mo o kung saan ka pa mang department." Mahina niyang bulong, halos hindi ko na marinig.

"O siya, good luck sa first day mo bukas Elena Navarro. Sana ay magtagal ka," sambit niya, kumaway kaya tipid akong ngumiti tapos ay tinalikuran na siya.

Ano bang sinasabi niya? Magtatagal talaga ako dito sa Monteverde Enterprises, hindi pwedeng hindi dahil wala na akong mapupuntahan kapag mapapaalis pa ako dito.

May sarili akong kotse na galing sa kompanya—isa kasi iyon sa sinaad ko sa kontrata bago ko nilagdaan. Kailangan kong maging praktikal sa pagkakataong ito, pero babawiin naman ito kapag nilabag ko ang napagkasunduan kaya dapat ay gagawin ko ang lahat para sa trabaho ko. Hangga't hindi niya inaapakan ang pagiging employee ko ay hindi ako lalaban, huwag niya lang talaga akong susubukan.

Hindi muna ako umuwi, bagkus ay dumaan ako sa may mall upang bumili ng mga damit na pormal kasi iyon ang gusto ni Mr. Monteverde.

Nang matapos ay bumalik na ako sa condo at inayos ang ibang mga binili ko kasi gusto kong organized lahat. Naglinis na rin ako, nanglaba ng mga gamit, at naligo pagkatapos.

Tomorrow will be a big day for me. Makikilala ko na si Enzo Gabriel Santiago Monteverde na balita ko ay maagang nag-take over sa kanilang kompanya dahil sa hindi inaasahang aksidente ng kanyang papa.

Dahan-dahan akong humiga sa malambot na kama, inaabala ang sarili na mag-daydream sa kung anong mangyayari bukas.

I'm pretty sure it will be perfect, since I'm confident in my work and do my best.

But my world suddenly stopped when I saw who my boss was the next day.

Hindi na mundo ang tumigil sa pagkakataong ito.

Ako na.

Mahigpit ang kapit ko sa aking pencil skirt pero maayos parin ang tindig.

Habang siya naman ay hindi inalis ang tingin sa akin. Kalmado at tila kontrolado lamang ang kanyang galaw. Ni hindi siya kumurap o nagbigay ng emosyon.

"This is your new secretary, Mr. Monteverde—Elena Castillo Navarro." pakilala ni Cassandra sa akin kay Mr. Monteverde na tumango lamang.

Tila ba hindi ako ang babaeng pinapili niya ng gabing iyon.

Fvck!

Siya ang boss ko?

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • After One Night, He Became My Boss   Kabanata 005

    Elena's Pov"Ito ang mga dapat mong gawin." Maikli niyang sinabi sabay bigay sa akin ng mga listahan ng mga hindi at dapat kong gawin. Nahihilo ako sa dami ng letrang nakasulat sa papel. Is this how organized he was, like Cassandra told me? Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Gusto kong magreklamo dahil mukhang hindi naman ata ganito karami ang gawain ng isang sekretarya pero kailangan kong sumunod sa kanya dahil siya ang boss. "Anything else, sir?" Pormal kong tanong, nakatingin sa kanya. Ganoon din naman siya, nakatingin ng diretso at tila may kung anong inaabangan sa bawat pagdaan ng emosyon sa aking mga mata pero hindi ko ipinakita. Hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho. Hindi ako papayag na ang isang gabing iyon ang magpapaalis sa akin dito. Kaya kung kaya kong magpanggap na hindi ko siya kilala at umakto na walang nangyari ng gabing iyon. Gagawin ko. I know it was nothing to him, given the fact that he was a CEO—a powerful man in the city. I know that he fvcked a lot of

  • After One Night, He Became My Boss   Kabanata 004

    Enzo's PovAll my life. I'm the one who always dumped the girls after I used them. Pero iba ang babaeng iyon. Hindi niya lang ako basta iniwan kundi binigyan niya pa ako ng limang libo sa may mesa.Hindi matanggal ang tingin ko sa limang libo na nakapatong sa lamesa. Umigting ang aking panga, hindi makapaniwalang nainsulto ako ng isang babae. Siya lang rin ang unang babae na iniwan ako, kung ibang babae iyon ay baka nagmakaawa na sa akin na makipag-sex pa. I clicked my tongue inside my cheeks. Vision darkening. "I'll find you. Not because I want you, but because I refused to be forgotten." I whispered through the air. Kinuha ko ang aking cellphone, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pa siyang hanapin. It was just a plain one-night stand. Dapat ay kalimutan ko na iyon pero hindi siya mabura sa isipan ko. Ang kanyang namumungay na mga mata, ngiting hindi umaabot sa tenga, at prangkang bibig ay hindi nagpatigil sa kakaisip sa kanya.Tinawagan ko ang aking kaibigan, si Art

  • After One Night, He Became My Boss   Kabanata 004

    Elena's PovDala-dala ko ang aking bagahe na tinakas ni manang Belinda para sa akin, sa kabilang kamay naman ay ang ticket papuntang Manila na binigay sa akin ni Sabrina.Huminga ako ng malalim, at naglakad na patungo sa airport. Umupo ako sa may waiting area kung saan makikita kung kailan ang byahe sa may flat screen. Rinig ko ang kaliwa't kanang mga impormasyon habang nakatingin ng diretso sa tv. Hindi na ako makapaghintay na makaalis sa lugar na ito, kalimutan ang nakaraan, at kung anuman ang nangyari kagabi. Simula kaninang umaga ay hindi na siya maalis sa isip ko, gumugulo kasi hindi ko man lang nalaman kung anong pangalan niya. Pero hindi ba dapat ay ganoon naman kapag one night stand lang? Hindi ako makapaniwalang mas inaalala ko pa siya kaysa sa nangyari sa amin ni Spencer at ng kapatid ko. Ipinilig ko ang aking ulo, dapat ay hindi ko na siya iniisip. Hanggang doon lang iyon, wala ng ibang dahilan pa. "Final boarding call for passengers of Flight 5J 621 bound to Manila. Al

  • After One Night, He Became My Boss   Kabanata 002

    Elena's PovHindi ko alam kung saan ako pupunta basta ay gusto ko lang na magpakalayo sa kanila. At hindi ko maintindihan kung paanong nasa may bar na ako na malapit lang rin sa dagat. Dito kami madalas ng mga kaibigan ko noong college palang kami, todo inom sila habang ako naman ay nag-aaral lang kasi kailangan kong ipakita sa pamilya ko na matalino ako at worth it ang pagpapaaral nila sa akin. I never drink. Laging yakult o di kaya chuckie ang dala ko noon kapag umiinom ang barkada at naiintindihan naman nila ako. Pero ngayon, sa unang pagkakataon ay gusto kong magpakalunod sa alak—kahit isang araw lang. Gusto ko lang kalimutan ang pamilya ko, si Spencer at ang mga nalaman ko. Umupo ako sa may counter malapit sa bartender, "isang pinakamatapang na mix of alcohol nga." "At your service," nakangiti niyang sagot pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. Naalala ko na naman kasi bigla ang nangyari kanina, sumisikip ang dibdib ko at gusto ko ng makalimutan ito. "One hard drink for t

  • After One Night, He Became My Boss   Kabanata 001

    Elena's Pov"Elena," kinuha ni mama ang aking kamay at marahan iyong hinaplos. "Alam kong ayaw mo pang ikasal pero gusto mo bang mawala sa'yo si Spencer?" Tanong niya na nagpatigil sa akin. Si Spencer ang bagong CEO ng Vallamor enterprises kaya lahat ng mga tao ay halos nakadikit sa kanya at isa na doon ang mga pamilya ko. Hindi ko mawari kung bakit gustong-gusto na niya kaming ikasal pero sana pala ay natunugan ko na ito noon pa."Ma, next year na lang po." Mahina kong sagot, ayaw ng magkaroon pa ng gulo. "Besides, aalis pa papuntang New York si ate." Mahigpit ang pagkakahawak ni mommy sa kamay ko, tila may halong gigil pero pinigilan ko ang aking sarili na magreklamo. Humugot siya ng isang malalim na buntonghininga bago muling nagsalita ng may ngiti sa labi. Hinaplos ang likod ng aking kamay, nakatitig sa aking mga mata at bumuka ang bibig handa na sanang magsalita pero naunahan ni ate. "Sige na kasi, Elena." Si ate iyong nagsalita na kanina pa nanonood sa amin. Naglakad siya pa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status