Share

Chapter 19

Maghahating-gabi na at gising na gising pa rin ang diwa ko. Nakamulat ang dalawang mata at hindi matigil sa mabilis na pagkalabog ang puso dulot ng kaba.

Kanina pa tumatakbo sa isipan ko ang nangyari kanina na tipong libu-libong mga imahinasyon, ideya at iba't-ibang senaryo na ang nagagawa ng aking utak.

Hindi ko inaasahang sasabihin iyon ni Waylen. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko inaasahang ipagsasabi niya sa iba ang tungkol sa amin. Pinili kong manahimik na mag-asawa na kaming dalawa dahil ang akala ko ay ayaw niya itong ipaalam sa mga tao pero bakit bigla nalang nitong pinagsabi? At sa harapan pa talaga ni Ace.

Sa matagal naming pagsasama ni Ace noong kami'y mga bata pa, sa halos buong araw naming pag-uusap dalawa ay kabisado ko na kung anong magiging reaksyon niya sa mga bagay-bagay. Paniguradong magtatampo iyon dahil hindi ko man lang siya sinabihan na kasal na pala ako. Paniguradong magmamaktol iyon at kukwestiyonin na siya na kaibigan ko simula
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status