Share

CHAPTER 19

ANB-19

DAHIL sa pagkaramdam ng pagkainip matapos ang halos mahigit isang linggong pananatili sa loob ng bahay. Minabuti ni Kiara na lumabas muna. Dalawang araw na ngayon at hindi pa rin umuuwi ng bahay si Tristan sa hindi niya malamang dahilan. Marahil ay may importanteng lakad ito. Mabuti na rin naman 'yon, dahil kahit paano ay walang gugulo sa kanya kahit pansamantala lang.

Naghanda siya para maligo. At dahil wala naman sariling banyo sa kanyang masikip na silid ay kailangan pa niyang gamitin ang banyo na nasa malapit sa kusina.

Kampante siya na nag-iisa naman sa bahay kaya nakatapis lang siya ng twalya ng lumabas mula roon. Wala sa hinagap niya na may isang tao pala na nagmamasid sa kanya mula sa pintuan ng komedor paglabas pa lamang niya ng banyo.

"Beautiful! Hindi ka pa rin nagbabago, Kiara!" sabi ng tila paos na tinig mula sa kanyang likuran.

Gulat na napalingon si Kiara sa may-ari ng tinig at mahigpit na hinawakan ang buhol ng twalya sa kanyang dibdib, habang ang isang kamay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status