Tuwing babahing si Alyanna, namumugto at sumasakit ang kanyang mga mata habang tumutulo ang luha.Hindi ba’t sabi nila, kapag sobra-sobra ang saya ng isang tao sa gabi, mas malaki ang epekto noon sa mga lalaki?Bakit siya ang lupaypay, samantalang may isang tao diyan na parang walang kapaguran pagdating doon?Pinikit niya nang mariin ang kanyang mga matang tila lagi nang basa, at tinitigan nang masama ang isang tao.Si Clark ay nakaupo sa pinakadulo ng hapag-kainan, tahimik na kumakain. Marangal ang kanyang aura, elegante ang bawat kilos. Ang kanyang mapuputing daliri ay marahang humawak sa sandwich at kinakain ito na para bang isang ritual ng karangyaan. Wala man lang bakas ng pagod sa kanyang gwapong mukha, parang hindi siya ang dahilan kung bakit muntik nang mahimatay si Alyanna kagabi sa sobrang kapaguran.Nakakainis talaga na ihambing niya ang sarili sa iba!Matapos niyang ibaba ang kutsilyo’t tinidor, maingat na kinuha ni Clark ang napkin at pinunasan ang kanyang labi. Bahagy
Dahil sa isang karanasan noong kabataan kung saan siya muntik nang mabiktima ng pangmomolestiya, nakabuo siya ng matinding kawalan ng seguridad sa sarili. Kaya’t pinag-aralan niya ang Taekwondo sa loob ng maraming taon. Ngayon ay isa na siyang black belt at bihasa rin sa paghawak ng baril—isang dalagang may kagalingan sa parehong larangan ng talino at pakikipaglaban.Ilang araw ang nakalipas, ikinulong siya ng kinikilala niyang pamilya dahil tumanggi siyang magpakasal sa isang business partner ng kanilang kumpanya.Pagkatapos niyang makatakas, bigla na lamang siyang naglaho,l at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya.Karamihan sa impormasyong ito ay tumutugma sa sinabi ni Valerie.Gayunpaman, habang lalo niya itong pinagmasdan, mas lalo lamang nagdududa si Clark kay Jenny.Tumunog bigla ang doorbell. Napatingin si Clark sa security screen at nakita niyang sina Valerie at Jenny ang dumating. Inabot niya ang kanyang cellphone at ipinasok ang wireless remote control code. Agad na bum
Sinipsip ni Alyanna ang mga labi ng asawa na para bang candy, walang tigil ang malikot niyang dila. Galit na galit, bumaon ang kanyang matatalim na ngipin at kinagat ito nang mariin. Agad kumalat sa hangin ang amoy ng dugo.Sa kapilyahan ng munting babae sa bibig niya, biglang sumiklab ang dugo ni Clark. Malalim siyang huminga, hinawakan ang ulo ni Alyanna at mabilis na yumuko upang ipulupot ang kanyang dila sa dila nito.Ang kanyang halik ay walang bahid ng lambing, mabangis, mapusok, parang unos na walang tigil, iniwang walang laban si Alyanna.Pinabayaan na lang niyang halikan siya nito, blangko na ang kanyang isip noong mga oras na iyon.Nang halos maubos ang hangin sa kanyang bibig, namula ang kanyang mukha sa hirap ng paghinga. Bahagya niyang inangat ang kamao at marahang tinapik ang dibdib ng asawa.Napilitan si Clark na alisin ang labi mula sa kanya, kahit may pag-aatubili. Kinagat-kagat pa nito ang kanyang mapupulang labi bago nagsalita, malamig at mababa ang boses.“Hindi mo
Sumagot si Jenny sa seryosong tono, “Ako ang magiging confidant mo at tutulungan kitang maging isang makapangyarihang tao.”Natigilan si Alyanna at bahagyang naantig. Matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng isang taong sa kanya lang lubos na nakatutok.“Ano’ng kapalit ang gusto mo?”“Protektahan mo ako habang-buhay,” casual na sabi ni Jenny. Hindi naman siya humiling ng sobra; ang nais niya lamang ngayon ay makalaya sa gapos at gulo ng pamilya ni Quinn.“Sige.” Tumango si Alyanna.Napatingala si Jenny sa kanya, tila nagulat. “Pumayag ka na agad-agad sa gusto ko?”“Oo.”“Hindi mo man lang ba iisipin muna ang tungkol dito? Alam mo na, baka nagugulat ka lang.”Ngumiti si Alyanna na may halong biro. “Kung handa kang ipagsapalaran ang buhay mo para sa akin, bakit pa ako magdadalawang-isip, hind ba?”Hindi pa rin makapaniwala si Jenny noong mga oras na iyon. “Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nito?”Napangiwi si Alyanna. “Magiging kaaway lang naman natin ang pamilya ni Quinn. Eh m
“Talagang matalino ka, Alyanna. Agad mong nakita ang lungkot sa aking mga mata. Alam mo agad na may pinagdadaanan ako.” Ngumiti si Jenny kay Alyanna at magalang na nagsalita. “Kailangan mo ba ng tulong ko? Kahit ano, gagawin ko dahil lagi mo na lang akong nililigtas.” “Oo.” Dahil marami nang nasabi si Alyanna, hindi na nagpaligoy-ligoy si Jenny sa pakay niya at diretsahang nagsabi, “Alyanna, sa totoo lang, dahil sa nangyari noong iniligtas kita at nasaktan si Quinn, pinalayas nila ako mula sa pamilya namin.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Alyanna. “Hindi nga? Parang sobra naman ‘yon. Dapat ba talaga ay gawin pa nila iyon sa’yo?” Wala lang naman kundi ang pagsira sa masamang balak ni Quinn kay Alyanna at pinalayas agad siya ng pamilya nila? Para yatang OA naman iyon. Alam ni Jenny na hindi sapat ang mga sinabi niya, kaya agad niyang sinabi ang totoong dahilan. “Sa katunayan, hindi ako tunay na kapatid ni Quinn kaya ganun ang nangyari. Ampon lang nila ako. Inampon nila ako dahil
Isang makapal at masculine na amoy ang tila pumasok sa kanyang pandinig, mainit, nakakakiliti at wari’y nanunukso.Napakunot ang noo ni Alyanna at mabilis na umatras ng isang hakbang.“Tungkol sa kasal ko kay Clark,” diretsong tanong niya habang nakatitig sa mga mata nito, “paano mo nalaman ang tungkol doon?”“Miss Suarez, wala namang lihim na hindi nabubunyag,” sagot ni Ralph, dahan-dahang lumalapit.Agad na nag-ingat si Alyanna, umatras at binalaan siya.“Mr. Ralph Sy, wala pang balak ang asawa ko na ipahayag ang aming kasal. Masama ang ugali niya, kaya ipinapayo ko na huwag mong ipalabas ang bagay na ito. Kung hindi, hindi lang ikaw ang hindi niya patatawarin, pati ang buong pamilya mo ay madadamay.”“Ha…” Napangisi nang mapanlait si Ralph habang palapit nang palapit. Sa ilang hakbang lang, naitulak na niya si Alyanna sa pader at naipit doon.“Akala mo ba natatakot ang pamilya ko sa kanya? Bakit? Sino ba siya?”Mariing itinulak ni Alyanna ang lalaki.“Hindi ko alam kung natatakot