Share

Kabanata 833

Author: Crazy Carriage
"Mabuhay ang Dragon King! Mabuhay ang Dragon King! Mabuhay ang Dragon King…"

Umalingawngaw ang mga hiyawan sa buong lugar sa sandaling bumaba si James ng helicopter. Bumubugso ang mga boses at palakas ito nang palakas.

Tumingin siya nang diretso sa libo-libong sundalo sa harapan niya, tinaas ang kamay niya, at nagbigay ng isang pababang kumpas.

Biglang tumigil ang hiyawan.

Pagkatapos, lumapit sa kanya ang ilang mga heneral na nakasuot ng military uniforms.

"Mabuhay ang Dragon King," si Henry ang naunang nagsalita nang may masiglang ngiti sa kanyang naarawang mukha. "Ang tagal na naming hinihintay ang araw na'to. Nagbalik na rin sa wakas ang pinakahihintay na Dragon King."

"Ikaw bata ka. Kailan ka pa natutong mambola?" Sinara ni James ang kamao niya at marahang tinapik si Henry sa dibdib.

"Hehe." Tusong tumawa si Henry.

"Tara na."

Tumalikod si James at umalis.

Nakasunod ang Elite Eight na sinusundan ng iba pang mga heneral.

Naghanda si James ng biyahe para makaalis
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 834

    Ang babaeng lumitaw ay mukhang nasa edad bente. Nakasuot siya ng military uniform at may bob haircut. Matapang at mala-bayani ang kanyang dating. “James,” nilapitan siya nito at malambing na binati. Nakaupo si James sa sopa. Tiningnan niya ito ng maigi, pagkatapos ay si Henry, at tumawa. “Hindi masama. Nagbunga din ang pagsisikap mo. Kailan kayo magpapakasal?”Namula ang mukha ni Henry. “Hindi kami…”Sa mga sandaling ito, kinurot siya. Mabilis niyang itinama ang kanyang sarili, ‘Malapit na. Malapit na din mangyari yun.”“James, kamusta naman kayo ni Thea?” Tanong ni Whitney nang umupo siya ng may masiglang ngiti sa kanyang mukha.Bahagyang umiling si James. Hindi siya interesado na pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. Umupo si Henry at mahinang siniko si Whitney. Naunawaan niya ito at hindi na nagtanong pa. “Halina kayo, samahan niyo kong uminom.” Tinaas ni James ang kanyang wine glass. Sumunod si Henry at nakipagtama ng baso kay James. ‘Mr. Caden, ngayong araw ay a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 835

    ”Hindi ko dapat siya sinisi.”Tiningnan ni Delilah ang puntod habang ang kalungkutan sa kanyang mukha habang banayad na nagsasalita, “Akala ko ay isa siyang walang kwentang tao. Hindi ako nangahas na banggitin ang tungkol sa kanya sa harapan ng mga tao dahil sa natatakot ako na pagtawanan, pero… hindi ko alam na isa pala siyang bayani.”Nagsimulang mamugto ang kanyang mga mata habang nagsasalita siya. Nang mapagtanto niya na si James ay ang Black Dragon sa may Cansington medical conference, dinaig siya ng samu’t saring emosyon.Ang Black Dragon ay ang superior ng kanyang ama. Iyon ang dahilan kung bakit isinantabi niya ang kanyang kaligtasan para magtrabaho bilang assistant ni James, kahit na alam niya na pwede siyang mamatay.Balak niya sanang tanungin si James tungkol sa kanyang ama pagkatapos ng conference. Subalit, nakaalis na si James bago pa man matapos ang medical conference. “Pwede bang… Pwede mo bang ikwento sa akin ang tungkol sa kanya?”“Sige.” Tumango siya. Sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 836

    Pareho itong napasimangot nang narinig nila ito.“Nagbigay ng isang lihim na misyon ang Hari para kay James na bumalik ng Southern Plains at bawiin ang pamumuno ng Black Dragon Army. May kakaiba dito. Magtatanong-tanong ako sa paligid para malaman kung ano ang gustong mangyari ng Hari. Mag-ingat ka,” sabi ni Reign ng may seryosong ekspresyon.Pagkatapos, tumayo siya at umalis. Si Professor C ay naninigarilyo at tiningnan ang Emperor. “Naniniwala ako na malapit nang magsimula ang kaguluhan. Ang Hari ay tiyak na hinahabol ka. Dapat ay mag-isip ka na ng paraan para iligtas ang iyong sarili sa lalong madaling panahon.”“Imposible yun.” Napailing ang Emperor at sinabi, “Ako ang pinuno ng Five Commanders at ang Heneral ng Red Flame Army. Hindi niya ako hahabulin. Bukod dun, wala siyang dahilan para gawin ang bagay na iyon.”“Ang pagbabalik ni James sa Southern Plains ay isang babala. Gayunpaman, dapat ka pa din mag-ingat.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo si Professor C at umalis ng b

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 837

    Sa may Capital, sa Mansyon ng Emperor…Isa itong magarbong kwarto. Sa may lamesa ay may nakakamanghang hilera ng putahe. Mga mamahalin na mga inumin at alak ang makikita din dito. Ang Emperor at nakaupo sa sopa. Na may malapad na ngiti sa kanyang mukha, tinaas niya ang kanyang wine glass. “Para sayo, Bobby.”Nakaupo sa kabilang panig ng Emperor ang isang lalaki na nasa edad na bente. Nakasuot siya ng puting suit at may maputing balat at makisig na itsura. Ang kanyang presensya ay kahanga-hanga.Tinaas ni Bobby ang kanyang wine glass at uminom ng konti. “Sigurado ako na may gusto ko mula sa akin, Mr. Johnston. Kung anuman iyon, sabihin mo lang sa akin,” walang gana niyang sinabi. Binaba ng Emperor ang kanyang wine glass at tinuro ang mga putahe na nasa lamesa. “Bago yun, kumain na muna tayo,” Hindi pa din ginalaw ni Bobby ang kanyang plato.Bilang miyembro ng Caden family, alam niya ang kasalukuyang sitwasyon sa Capital. Ang mga pangunahing mga manlalaro sa laro ng political c

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 838

    Ang Emperor ay mabilis na ipinakita ang kanyang pasasalamat at pumasok na sa loob.Sa may entrance, dahan-dahan niyang kinatok ang pinto at mapagpakumbaba na tumawag, “Mr. Gabriel.” “Mmh.” Mula sa loob ng bahay, isang malumanay na sagot ang maririnig. “Pasok.”Binuksan ng Emperor ang pinto at saka pumasok sa loob. Sa loob ng bahay, may tsimineya na may nagliliyab na kahoy sa loob nito. Sa tan nito, may iniihaw na mga kamote. Sa harapan ng tsimineya ay may isang lalaki na nakaupo na mukhang nasa edad singkwenta. Nakasuot ito ng itim na jacket at nagpapainit ng kamay sa may apoy. Lumapit ang Emperor at tumayo sa tabi nito. “Mr. Gabriel,” sabi niya, na may seryosong ekspresyon.Hindi tiningnan ni Mr. Gabriel ang Emperor. “Masyado kang padalos-dalos. Dapat ka lang parusahan sa mga pagkakamali mo,” sinabi nito ng may malumanay na boses. “Kasalanan itong lahat ni James, Mr. Gabriel. Hindi naman ako malalagay sa ganitong kalaking gulo kung hindi dahil sa kanya…”Malumanay siyang

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 839

    Ang Emperor. Buong pangalan: Theodore Johnston. Mula siya sa Johnston family ng Ancient Four. Ang kanyang ama ay napakababa sa herarkiya ng pamilya. At ang resulta, mababa din ang katayuan niya dito. Subalit, may nakatagpo siyang isang marangal na tao. Sa tulong ni Mr. Gabriel, matagumpay niyang nakuha ang kontrol ng Red Flame Army bilang Commander at naging pinuno ng Five Commanders ng Sol. Ilang taon na ang nakaraan, pinag-isipan niya kung ano ang nangyari sa kanya sa bandang huli. Kaya naman, lihim siyang nagsasanay at nagtipon ng ilang mapagkakatiwalaan niya.Siya ang Commander ng Red Flame Army. Tanging siya lang ang susundin ng mga ito.Sampung minuto na ang lumipas simula ng binigay niya ang kanyang utos. Ilang mga heneral ang dumating sa kanyang mansyon. “Commander, may nangyari ba?”“Commander, bakit mo gustong patayin ang Hari? Lalo na, siya ang Hari. Magkakaroon ng anarkiya kapag pinatay natin siya.”“Tama siya, Commander. Pakiusap at pag-isipan mo muna ito.”

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 840

    Tumango si Mr. Lee at sinabi, ‘Mabuti naman at parating na siya. Lalo na, isa itong rebolusyon, at magkakaroon ng mga sakripisyo.”Wala nang iba pang sinabi si Gloom. Pati din ang Hari, na tinuon ang kanyang tingin sa may chessboard. Ilang minuto at segundo ang lumipas.Sa labas…Isang malaking bilang ng mga sasakyan ng militar ang palapit. Ilan sa mga armadong sundalo ng Red Flame Army ay lumabas na sa kanilang mga sasakyan at pinalibutan ang palasyo.May mga guwardiya sa palasyo. Sila ay mga miyembro ng Forbidden Army ng Hari at mga bodyguards din niya. Nang nakalapit ang Red Flame Army, isang lalaki ang lumapit at malamig na sinabi, “Ano to? Hindi niyo ba alam kung anong lugar to? Walang sinuman ang pwedeng lumapit dito na may hawak na baril. Saang departamento kayo kabilang?”Gayunpaman, hindi nagsalita ang heneral ng Red Flame Army. Pinalibutan ng Red Flame Army ang lokasyon ngunit wala pang ginagawang anumang aksyon. Naghihintay sila—naghihintay sila sa utos ng Emperor

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 841

    Ang isang hayop na wala nang kawala ay magiging desperado na panatilihin ang kanyang sarili na mabuhay. Ganung klaseng hayop ang Emperor. Kahit na alam niyang malapit na siyang mamatay, ayaw niyang mawala ng tahimik. Sinama niya ang kanyang mga tauhan dito at nagtanim ng bomba sa buong paligid. Tumayo ang Emperor at mapanghamon na sumigaw, “Hindi ako mamamatay na parang isang aso! Mabubuhay ako, kahit na anong mangyari!” Umupo ang Hari sa sopa, hindi man lang natinag sa ipinakitang panlalaban ng Emperor. Tahimik lang na nakatayo si Gloom sa kanyang tabi, pinagmamasdan ang nangyayaring eksena. Sinabi ng Hari, “Sumosobra na si Mr. Gabriel. Mali na binuhay niya ang planong inabandona isang siglo na ang nakakaraan. Ipinagbabawal ito dahil sa magandang dahilan. Ngayon na nabunyag na ang lahat, hindi sasalo si Mr. Gabriel ng bala para sa isang kasangkapan na pwedeng itapon na kagaya mo. Sumuko ka na lang, bata.”“Sige kung ganun.” Nagpakita ng isang kakaibang ngiti ang

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4151

    Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4150

    Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4149

    Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4148

    Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4147

    Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4146

    Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4145

    Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4144

    Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4143

    Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status