Share

Chapter 38

Author: R.Y.E.
last update publish date: 2026-03-12 23:56:33
Devon

“Again.”

Napatingin si Cesar sa akin mula sa kabilang dulo ng conference table habang pinapagalaw ko ang slide deck sa malaking screen sa harap namin.

“Devon,” sabi niya habang kinukusot ang sentido. “Ilang beses na nating inulit ’to.”

“Not enough,” sagot ko habang pinipindot ang remote para lumipat sa susunod na slide.

Nasa private conference room kami sa headquarters ng kumpanya ko. Halos tatlong oras na kaming nandito, paulit-ulit kong inaayos ang presentation para sa research collabora
R.Y.E.

Mukhang mas na-in love ka, Devon ah.

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 42

    NoraHindi na ako nagtagal matapos ang pag-uusap namin ni Dante. Walang seremonyang paghihiwalay ang nangyari sa pagitan namin, at wala ring kailangang sabihin pa dahil pareho naming naiintindihan ang sitwasyon.Isang tingin lang ang ipinagpalitan namin, isang tahimik na kasunduan na sapat na para ipaalala ang mga susunod naming gagawin.Magpapanggap siya.Magpaplano ako.Paglabas ko ng maliit na breakfast shop na tinatawag naming where the sun shines, sinalubong ako ng mas maliwanag na umaga.Ngunit kahit ganoon, nanatiling mabigat ang takbo ng isip ko. Paulit-ulit na bumabalik ang mga pangalang hindi ko dapat kalimutan—Andres at ang babaeng may mukha ko.Walang galaw si Andres na walang dahilan, at mas lalo akong nagiging sigurado na ang impostor na iyon ay may partikular na misyon.Sumakay ako sa motorsiklo at umalis nang hindi na lumilingon. Tahimik ang biyahe, ngunit sa loob ko ay parang may ingay na hindi tumitigil. Ang bawat posibilidad ay pinoproseso ko habang binabagtas ang k

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 41

    NoraTahimik ang mesa namin matapos kong sagutin ang tanong ni Dante.Hindi siya agad nagsalita at hindi rin umiwas ng tingin.Direkta lang siyang nakatingin sa akin, parang sinusukat kung hanggang saan ang mga alam ko. Kung hanggang saan ang kaya kong sabihin.Kumuha ako ng tinapay at dahan-dahang pinahiran ng butter habang hinihintay ko siyang mag-isip.“You’re quiet,” sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya.“Because this shouldn’t be possible,” sagot niya.Ngumiti ako nang bahagya.“Yet here we are.”Napabuntong-hininga siya at hinawakan ang tasa ng kape niya.“So,” sabi niya, “you’re telling me that the real Nora Dumont is sitting in front of me—inside the body of Emily Hills.”“Correct.”“And the woman claiming to be you…” sabi pa niya.“Is an impostor.”“Someone sent by Andres?” dugtong niya sa sagot ko.Tumango ako.Sandali siyang tumingin sa labas ng bintana kung saan nagsisimula nang lumiwanag ang kalangitan. Dahan-dahang pumapasok ang sikat ng araw sa loob ng shop—kaya nga

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 40

    NoraUmagang-umaga pa lang ay gising na ako. Hindi dahil sa meeting o kahit na anong schedule sa opisina, kundi dahil may kailangan akong kumpirmahin.Tahimik pa ang townhouse nang lumabas ako ng garahe sakay ng motorsiklo. Manipis pa ang hangin ng umaga at kakaunti pa lang ang mga sasakyan sa kalsada.Habang nagmamaneho ako, hindi ko mapigilang maalala ang lugar na pupuntahan ko.Isang maliit na breakfast shop.Wala itong engrandeng pangalan. Wala ring eleganteng façade o VIP rooms.Pero para sa amin ni Dante, may sarili itong pangalan.Where the sun shines.Doon kami pumupunta tuwing gusto lang naming magpahinga mula sa gulo ng mundo.Tuwing gusto naming makaramdam ng katahimikan.At tuwing pumupunta kami roon, laging alas-sais ng umaga.Kaya iyon ang tawag namin sa lugar.Where the sun shines.Nang makarating ako sa maliit na shop, nagsisimula pa lang sumilip ang araw sa gilid ng mga gusali.Tahimik ang paligid.May ilang regular customers na nakaupo na sa loob habang umuusok ang m

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 39

    DevonHindi ko agad nilapitan si Emily matapos ang sparring.Nanatili muna ako sa kinatatayuan ko sa gilid ng gym habang pinapanood siyang bumaba mula sa ring. Tinanggal niya ang mouthguard niya at iniabot ang gloves sa trainer bago kumuha ng tuwalya mula sa bench.May ilang hibla ng buhok ang kumawala mula sa ponytail niya at dumikit sa gilid ng pisngi niya dahil sa pawis.May kaunting pamumula rin sa panga niya.Pero kung masakit man iyon, wala sa kilos niya.Parang normal lang sa kanya ang lahat.Napailing ako habang nakasandal pa rin sa railing.Sa lahat ng pagkakataon na nasubaybayan ko si Emily—ito ang unang beses na nakita ko siya na literal na nakikipagbagbagan sa isang lalaki.At hindi lang basta sparring.Talagang nagkakasakitan sila.Ang mas nakakagulat pa ay katotohanan na parang wala lang iyon sa kanya.“Interesting,” bulong ko sa sarili ko.Nang matapos siyang magpunas ng pawis, saka ko pa lang siya nilapitan.Napansin niya ako agad.Hindi ko alam kung kailan niya ako nak

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 38

    Devon“Again.”Napatingin si Cesar sa akin mula sa kabilang dulo ng conference table habang pinapagalaw ko ang slide deck sa malaking screen sa harap namin.“Devon,” sabi niya habang kinukusot ang sentido. “Ilang beses na nating inulit ’to.”“Not enough,” sagot ko habang pinipindot ang remote para lumipat sa susunod na slide.Nasa private conference room kami sa headquarters ng kumpanya ko. Halos tatlong oras na kaming nandito, paulit-ulit kong inaayos ang presentation para sa research collaboration na balak kong i-offer sa Hills Care Pharmacy.Hindi ito simpleng partnership proposal.Kung papasa ito kay Emily—Magiging isang malaking hakbang ito sa pagitan ng kumpanya namin at ng bagong direksyon ng Hills Pharma sa ilalim ng pamumuno niya.“Devon,” ulit ni Cesar. “Kung ako si Emily, matagal ko na itong in-approve.”Hindi ako agad sumagot.Pinagmasdan ko ang slide sa screen—market projections, drug development pipeline, joint research facilities, shared intellectual property framework.

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 37

    NoraSobrang pagod ang nararamdaman ko sa tuwing umuuwi ako sa townhouse.Hindi lang ito yung tipong pagod na nawawala sa isang mahabang tulog. Ito yung pagod na galing sa tuloy-tuloy na pagdedesisyon, sa bawat meeting, bawat negotiation, bawat kalkulasyon kung sino ang dapat pagkatiwalaan at sino ang dapat panatilihin sa distansya.Pero sa tuwing maiisip ko kung gaano kaproductive ang naging araw ko, hindi ko rin mapigilan ang paggaan ng pakiramdam ko.Bawat meeting ay isang hakbang papalapit sa gusto kong mangyari.Bawat signature ay isang piraso ng kontrol.Iba na ang takbo ng buhay ko kumpara noong ako pa si Nora Dumont sa sarili kong katawan.Noon, magulo at mapanganib ang buhay ko, pero rganisado. Malayo sa corporate wars at sa mga taong handang magngitian sa harap mo habang may hawak na kutsilyo sa likod.Ngayon?Mas magulo.Pero mas makapangyariha sa legal na paraan.At sa kabila ng lahat ng iyon, may isang bagay na patuloy na bumabalik sa isip ko.Ang organisasyon at ang babae

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status