Se connecterNora
Dinala ako ng waitress sa isang medyo sulok na bahagi ng restaurant. Pabor sa akin, at least pwede akong makapag-observe ng mga pumapasok at lumalabas dito.
Naupo ako, facing the entrance. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa loob ng isang private room na nasa bandang kanan ko.
Alam kong one way mirror iyon kaya hindi ko kita ang loob pero kitang-kita ako ng kung sinumang nandoon.
“Here's the menu. Kung may order na po kayo ay pwede nyong pindutin ang button na nasa gitna ng table.” Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng waitress bago ako tumango.
First time kong kumain dito dahil palagi akong nasa private room. May button din sa loob pero sa dingding naman nakakabit.
“No need. Mabilis akong mag-order. Pwede mo ng kunin ngayon.” Pagkasabi ko non ay agad akong namili sa menu.
Simple lang naman ang gusto ko at kahit nasa katawan na ako ni Emily ay hindi iyon nagbago.
Seafood.
Oh, I love seafood.
Walang pag-aatubili, nilista na ng waitress ang lahat ng order ko habang naghintay naman ako ng umalis na ito.
Ilang saglit pa at nilapag na niya isa-isa ang mga pagkain.
Pakiramdam ko ay tila ako batang naglalaway sa hipon.
Agad akong nagsuot ng plastic gloves at nagsimulang ipagbalat ang sarili.
Hindi muna ako tumikim kahit na isa, hinintay kong matapos ko ang lahat para dire-diretso ang kain ko.
At ng makatapos ako sa pagbabalat ay tsaka ako sumubo ng isa.
“Hmm…” Hindi ko napigilan ang pag-ungol. Napapikit pa ako dahil talagang napakasarap.
Sumunod na subo pa at may bahid na ng ngiti sa aking mga labi.
Nag-eenjoy na ako ng bigla akong matigilan.
Pakiramdam ko ay nangangati na ang aking buong katawan. Agad kong inabot ang baso ng tubig at inisang lagok yon.
Nang ilapag ko ang baso ay napansin kong tila nagpapantal na ang aking kamay.
Kumunot ang noo ko.
Damn, is there something wrong with my food?
No.
Unang beses kong pumunta dito bilang Emily Hills. Sino naman ang magtatangkang maglason sa akin kung sakali.
Maya-maya, pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga.
Then it hits me.
Fuck!
Allergy yata si Emily sa hipon!
Napatayo ako, I need to go to the hospital pero nahihirapan na akong makahinga.
Hanggang sa tila manlabo ang aking paningin at naramdaman kong parang babagsak na ako.
Pero bago mangyari yon ay napansin ko ang pigura ng isang lalaking mabilis na papalapit sa akin. Bago pa man ako bumagsak ay may mga braso ng sumalo sa akin then nothing.
Everything went black.
“Shit!” bulalas ko kasabay ang biglang pagbangon. Nilibot ko ng tingin ang paligid and then I realized na nasa hospital ako.
“You’re awake,” sabi ng lalaking nakaupo sa isang three-seater sofa. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Pero kumunot ang noo ko.
“Who are you?” tanong ko.
Tumayo ang lalaki kaya mas napagmasdan ko siyang mabuti. He’s wearing a casual red shirt and denim pants. Sa sofa ay napansin ko na nakapatong sa sandalan ang denim din na jacket.
“I’m Devon,” sagot niya ng nasa tabi na siya ng hospital bed ko. Ni wala man lang apelyido? “I’m on my way to my table ng mapansin kong parang matutumba ka. Good thing, nasalo kita agad,” dagdag pa niya.
Tinignan ko siyang mabuti bago tumugon. “Thank you.” It was plain and simple and judging by the look on his face, I know na nakuha niyang wala na akong interes na alamin pa ang ibang detalye.
“The hospital called your parents, papunta na siguro sila dito.” Tumango ako sa sinabi niya bago inayos ang unan sa aking likod para makasandal ako.
Hindi niya ako tinulungan, ni hindi rin siya nagtangka. Alam ba niya na tatanggihan ko lang din siya kung sakali?
“Your face says it all.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi. “The I don’t need your help, look,” dagdag pa niya, making me chuckle.
“At least you’re sharp.”
“Hmm,” tugon niya.
“Anyway, thank you again. You can leave, I can take care of myself. You must have something to do personally.”
“I’ll leave pag dating ng parents mo.” Palagay ko ay may taglay na tigas ng ulo ang lalaking ito.
Sakto pagkasabi niya non ay bumukas ang pintuan, pero hindi sina Rod at Esmeralda ang pumasok.
“What are you doing here?” taas ang kilay kong tanong. Ngunit si Asher ay hindi ako pinansin at nanatiling nakatutok ang mga mata kay Devon. “What are you doing here?” tanong ko ulit, this time ay mas malakas at mas may diin.
Tumingin sa akin si Asher na ikinairita ko dahil nagtangka pa siyang hawakan ako. “Are you out of your mind?” tanong niya. “Alam mong allergic ka sa hipon pero kumain ka pa rin?”
I roll my eyes. “Wala kang karapatan na maging concern pa sa akin, Mr. Bennett. Nakalimutan mo na bang hiwalay na tayo?”
“I went to the civil registry and canceled our divorce. Walang hiwalayang mangyayari.” Pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Bigla, parang gusto kong tumayo mula sa kama at basagin ang mukha niya. “Kaya tapusin mo na kung anumang relasyon niyo ng lalaking ito,” sabi pa niya sabay turo kay Devon na ngayon ay nakangisi na. What’s with this man? Bakit parang may kakaiba sa kanya na hindi ko mawari, mahirap siyang basahin hindi kagaya ng Asher na ito na halatang nagseselos.
“You’re dreaming kung inaakala mong babalik pa ako sayo,” sabi ko. Final na ‘yon at alam kong dama na rin niya na desisdido na ako.
“Ilang beses ko ng sinabi sayo na walang kahit na anong nangyayari sa amin ni Corrine. Kailan mo ba maiintindihan ‘yon?” galit na tugon ni Asher.
“Kung ganon, simulan nyo ng may mangyari sa inyo dahil wala din naman akong pakialam. I just want to be separated from you. Don’t make me do something you’ll regret, Mr. Bennett. Hindi na ako ang Emily na kilala mo.”
Natigilan si Asher, hindi inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Kita ko ang pagkalito, ang pagtataka sa kanyang mukha.
“Mr. Bennett,” singit ni Devon. Naningkit ang mga mata ko dahil ayaw ko ng may nakikisawsaw sa kahit na anong usapan na kinapapalooban ko. “Narinig mo ang sinabi ni Emily, you can leave.”
“Tsk!” sabi ni Asher ng humarap kay Devon. “Maghintay ka sa wala dahil hindi ko hihiwalayan si Emily.”
“Do you think I care about that? As long as she’s with me, I don’t care.” This time, ako naman ang nagulat. Who the hell is this man?
NoraSobrang pagod ang nararamdaman ko sa tuwing umuuwi ako sa townhouse.Hindi lang ito yung tipong pagod na nawawala sa isang mahabang tulog. Ito yung pagod na galing sa tuloy-tuloy na pagdedesisyon, sa bawat meeting, bawat negotiation, bawat kalkulasyon kung sino ang dapat pagkatiwalaan at sino ang dapat panatilihin sa distansya.Pero sa tuwing maiisip ko kung gaano kaproductive ang naging araw ko, hindi ko rin mapigilan ang paggaan ng pakiramdam ko.Bawat meeting ay isang hakbang papalapit sa gusto kong mangyari.Bawat signature ay isang piraso ng kontrol.Iba na ang takbo ng buhay ko kumpara noong ako pa si Nora Dumont sa sarili kong katawan.Noon, magulo at mapanganib ang buhay ko, pero rganisado. Malayo sa corporate wars at sa mga taong handang magngitian sa harap mo habang may hawak na kutsilyo sa likod.Ngayon?Mas magulo.Pero mas makapangyariha sa legal na paraan.At sa kabila ng lahat ng iyon, may isang bagay na patuloy na bumabalik sa isip ko.Ang organisasyon at ang baba
NoraNagpunta ako sa isang restaurant. Medyo malayo siya sa kumpanya pero ayon sa nakita ko ay mukhang masarap ang pagkain.Sa totoo lang, I love eating. Kahit noong bata pa ako, natatandaan ko na palaging iyon ang motivation sa akin ng aking ama para lang pasunurin ako.Kapag ayaw kong magtraining ay pagkain ang pinangsusuhol niya sa akin. Kaya hanggang sa paglaki ko ay hindi siya makapaniwala na uubra pa rin ang ganon.Pero ang hindi niya alam, iyon ay dahil sa siya ang nanunuhol sa akin. Kung ibang tao, I don’t think na madadaan nila ako sa kahit na anong pagkain lalo na sa panahon ngayon.Nagpark ako at naglakad papasok sa loob ng resto, sinalubong ako ng waitress at dinala sa isang bakanteng pangdalawahang table.“Here’s the menu,” sabi ng nakangiting waitress. “Babalikan ko po kayo or pwede nyo po akong tawagin kung may napili na kayo.”“Okay,” tugon ko at iniwan na niya ako.Hindi na ako naging mayabang kagaya noong una. May food allergy ako kaya dapat akong maging maingat.Bus
NoraNews about Hills Care Pharmacy spread like wildfire.Halos araw-araw ay may bagong email, bagong tawag, bagong request for meeting. Hindi na ito simpleng internal expansion plan ng Hills Pharma—naging usap-usapan na ito sa business circles.Sa pag-uusap namin ni Matt ay nalaman ko na maraming negosyante ang kumokontak sa kanya upang mag-invest. May mga venture capital groups, private investors, at maging ilang established distributors na biglang naging interesado sa proyekto.Predictable.Retail pharmacy backed by a pharmaceutical giant will always attract attention.Ngunit ayon na rin sa previous instruction ko, na-filter na niya ang karamihan sa mga iyon.Very reliable si Matt pagdating sa trabaho. Systematic, organized, at mabilis umintindi ng instructions. Hindi ko na kailangang ulit-ulitin ang gusto kong mangyari dahil kaya niyang mag-adjust agad sa direction ko.Pero sa kabila ng efficiency niya, may isang tanong na paminsan-minsan ay pumapasok sa isip ko.Mapagkakatiwalaan
NoraTahimik ang opisina ko sa Hills Pharma, pero ang table ko ay puno ng papeles, projections, at annotated drafts. Nakabukas sa harap ko ang final proposal para sa Hills Care Pharmacy—ang retail arm na matagal ko nang gustong itayo.Hindi ito impulsive decision. Pinag-aralan ko itong mabuti matapos kong maulinigan sina Mr. at Mrs. Hills sa nangyari tungkol sa kumpanya matapos nila akong iuwi sa mansyon nila.Inalam ko ang lahat mula sa market behavior, supply chain vulnerabilities, at consumer trust patterns. Lahat ng posibleng risk, tinimbang ko.At ngayon, aprubado na.Inilapag ko ang papel at sandaling tumingin sa pirma sa huling pahina.Board: Approved.Majority shareholders: In favor.Mabilis ang naging proseso lalo na ang pirma ni Clara.Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay ko nang maalala ko ang meeting. Inaasahan kong kokontrahin niya ako. Inaasahan kong haharangin niya ang expansion.Pero pumirma siya.Tahimik at walang kondisyon kaya naman kinailangan kong ihanda ang akin
DevonTahimik ang opisina ko, pero hindi ang isip ko.Floor-to-ceiling glass ang harapan ng building, kita ang skyline—malinis, organisado, predictable. Isang mundo na kayang kontrolin ng tamang numbers, tamang strategy, tamang leverage.Pero may mga bagay na hindi nadadaan sa quarterly reports.“Andres,” sabi ko habang umiikot ang swivel chair ko paharap kay Cesar. “Full name?”“Walang malinaw,” sagot niya, nakasandal sa couch sa tapat ng mesa ko. Bilang front-facing CEO ng kumpanya namin, sanay siyang magmukhang relaxed kahit seryoso ang usapan. “May ilang records ng property acquisitions under shell corporations. Pero walang direct ownership. Walang public profile. Walang board affiliations.”“Too clean,” sagot ko.“Exactly.”Sa screen sa harap ko, naka-open ang background checks na pinatakbo ko kaninang madaling-araw. Standard databases. Corporate registries. International affiliations.Nothing.As if he doesn’t exist.“At yung babae?” tanong ko.“Nora Dumont,” sagot ni Cesar, baha
DevonMatagal na akong sanay magbasa ng tao.Sa kagaya kong hindi lang dito sa bansa ang negosyo, mahalaga iyon—micro-expressions, shifts in posture, involuntary reactions. Mas marami kang nalalaman sa hindi sinasabi kaysa sa direktang binibitawan ng bibig.Kaya nang makita kong bahagyang naging stiff ang balikat ni Emily, kahit sandali lang, napansin ko agad.Nasa kalagitnaan kami ng magaan na usapan nang maramdaman kong nagbago ang focus niya. Hindi ako lumingon agad, pero alam kong may nakita siya.Sinundan ko ang tinitginan niya.Isang may edad na lalaki ang papalapit, dignified ang tindig, may uri ng kumpiyansang hindi nagmumula sa pera lang kundi sa kontrol. Sa tabi niya ay isang babaeng mas bata—elegante, composed, at may kakaibang pamilyar na aura.Diretso ang tingin nilang dalawa kay Emily.Hindi iyon random approach ng investor na gustong bumati.May agenda.Naramdaman ko ang bahagyang pag-igting ng katawan ni Emily bago niya ito mabilis na itinago. Kung hindi ko siya tinitin







