LOGINKakai
Hinawakan niya ang kanyang ilong na may dugo, matalim ang tingin sa akin. Hala! Hala, ang 100,000 ko! Patay. Halos maubusan na ako ng hangin sa kakapigil-hininga habang nakatingin sa kanya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at mabilis na lumuhod. Wala akong sinayang na oras at humingi ng tawad sa kanya. "S-sir, s-sorry po," mabilis kong sinabi kahit na nauutal na. "Patawarin niyo po talaga ako, Sir!" Wala siyang sinabi. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Ako naman ay nakaluhod lang at kaharap ang sahig habang mariin na pinipikit ang aking mga mata. Ano ba kasing nakain ko at bigla-bigla ko na lang siyang binato? Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko rin maintindihan ang tibok ng puso ko. Parang binabayo ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Paano na ang sahod ko? Paano na ang future ko? Ang mga vitamins nina lola? Gusto kong kutusan ang sarili ko pero kailangan ko munang humingi ng tawad sa lalaki na nasa unahan ko. Humingi nang tawag? Hell no! I smirked at him. Hindi ko ginawa ang bagay na akala niya ay gagawin ko—ang magmakaawa. Nakatayo lang ako sa harapan niya habang pinupunasan niya ang kanyang ilong. Hindi ako hihingi ng tawad sa bagay na alam kong hindi lang ako ang may mali. Mali rin siya. Nagkatitigan kaming dalawa. Sobrang sama ng titig niya sa akin, pero nilabanan ko lang iyon ng isang blangkong tingin. Alam kong sayang ang isang daang libo. Pero ang dignidad ko bilang tao ay hindi mapapalitan ng pera. Kikitain ko na lang 'yan. Maghahanap na lang ako ng trabaho kapag sinabi niyang fired na ako bilang sekretarya niya. Iyon na lang. I stood there, chin up, and facing his punishment towards me. Tumayo siya, dahan-dahan na naglalakad patungo sa akin. Hindi sobrang hina, hindi rin sobrang bilis—sapat lang na para bang alam niya kung hanggang saan lang siya maglalakad. Nang nasa tapat ko na siya. Ramdam ko pa rin ang galit sa kanyang mga mata kahit na pilit siyang nakangiti. Iyong ngiti na hindi natutuwa. Kundi ngiti na animo'y gusto na niya akong sakmalin. He leaned closer. Nanuyo ang lalamunan ko pero nagawa ko pa ring magtapang-tapangan sa harap niya. "Galit ka, di ba?" matapang kong tanong. "Fired me, Mr. Zamoras." Hamon ko sa kanya. "Akala mo ba ay ikaw lang ang kumpanyang tatanggapin ako, huh? Hindi ko ikakamatay kung mawala ako sa kumpanya mo!" Siyempre, kasinungalingan ang lahat ng iyon. Dahil sa oras na he fired me, sa kangkungan kami pupulutin ng mga pamilya ko. He smiled, playfully. "You think I will just fire you after you did?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Anong... anong ibig niyang sabihin? Umangat ang gilid ng kanyang labi saka biglang ngumiti. Tapos parang multo iyon na bigla na lamang naglaho sa kanyang labi at napalitan ng matalim na titig. He held my chin, enough to look away from him. "You'll fvcking suffer in my hands, Kakai." Mariin niyang sinabi saka binitawan ang baba ko. Napasinghap ako. Mas nakakatakot ang sinabi niyang iyon kaysa sa inalis niya ako sa trabaho. Tinitigan ko siyang nakangisi. Anong binabalak mo, Matteo? "But I have a condition now." Mas lalong kumunot ang noo ko. At talagang humirit pa ng kondisyon gayong siya naman ang may kasalanan kung bakit sumapol sa ilong niya ang mga papel! Pero hindi ako nagsalita at tumingin lang sa kanya. "You'll obey what I want. When I need you to be with me, even where you are, what are you doing, or who are you with? You have to come." He deliberately said, pointing it out to me. "No complaints, no mistakes, no excuses, because if you fail..." he leaned closer. "Alam mo na kung saan ka pupulutin kapag nagkataon, Miss Bautista." Hindi iyon isang banta, kundi isang pangako. -SA LABAS NG OPISINA NI MATTEO- Dalawa kaming nakabantay sa lalaki. Si Kael at ako. Alam kong gusto niyang magtanong sa akin, pero dahil alam niyang bawal mag-usap habang nasa trabaho,anay lang ang tingin niya sa akin tapos ay sa p***o ng opisina ni Matteo. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang buong akala ko ay mawawalan na ako ng trabaho. Pero... pero hindi ko maipagkakaila na may kung anong kaba akong nararamdaman habang iniisip kung ano talaga ang binabalak sa akin ni Matteo. Lumipas ang isang oras, pinatawag si Kael sa loob. Paglabas niya ay tumingin agad siya sa akin, parang nagsadalawang-isip sa sasabihin niya. "Ahh," napakamot siya sa kanyang batok tapos nilingon ang p***o ng opisina ni Matteo. "Ano kasi..." itinikom niya ang kanyang bibig pero sa huli ay bumuga ng malalim na hininga. "Sinabi ni Mr. Matteo Yverick Zamoras na gusto niya ng lobster at king crab." Nagkasalubong ang kilay ko. Eh di iutos niya sa mga chef dito. Pero nang mag-iwas siya ng tingin, doon ko agad napagtanto kung bakit parang nagdadalawang-isip siyang sabihin iyon at kung bakit sa akin niya sinabi. "Huwag mong sabihin na..." Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko dahil para akong nasusuka habang iniisip ko pa lang iyon. "Oo," tumango siya, bumuntong-hininga. "Ikaw raw ang magluto at kailangan kitang bantayan dahil baka lasunin mo raw siya." Mababaliw na ata ako sa dragon na iyon! Sinamaan ko ng tingin ang p***o ng kanyang opisina, tapos ay pinukol ang tingin sa CCTV kung saan ay alam kong nakikita niya ako. Nilakihan ko ang aking mga mata at pinagdikit ang aking mga ngipin habang masama ang titig sa camera. Kainis ka, Matteo Yverick Zamoras! May araw ka rin sa aking lintik ka at kapag dumating ang araw na iyon, ikaw naman ang mababaliw kapag nawala ako sa kumpanya mo. Sisiguraduhin ko 'yan. Sisiguraduhin ko na gagapang ka sa lupa at makikiusap sa akin para lang manatili ako sa kumpanya mo.Matteo I didn't know that a woman could be this troublesome. Una, pumasok siya sa kumpanya ko na basa ang buong damit at kita na ang lingerie niya, kaya ako nagalit. Hindi ko maintindihan dahil may epekto siya sa akin. Pangalawa, binato niya ako ng kumpol na papel at hindi man lang siya humingi ng tawad. At may gana pa siyang hamunin ako sa sarili kong kumpanya. The nerve, right! And now, she had nearly poisoned me with her sauce. Napailing ako. Hindi ako makapaniwala na hindi ko pa siya sinesante. Dapat ay pinaalis ko na siya. But somehow... I couldn't. Parang may bumubulong sa akin na huwag ko siyang paalisin sa hindi ko malamang dahilan. So, I didn't. But of course, I'll make her suffer in every single way. Sa paraan na alam kong pagsisisihan niya na binagga niya ako. Pero somehow, she's getting on my nerves talaga. "Cold coffee for rain? Talaga ba?" sarkastiko kong tanong sa kanya. I saw her lips twist; she was trying to hold back the
Kakai Tinitigan ko lang ang lobster at king crab na nasa harapan ko. Anong gagawin ko sa mga 'yan? Malamang lulutuin! Boba din talaga ako minsan. Minsan lang naman. Napapikit ako sa inis. Kung hindi ka ba naman kasi isang loka-loka, Kakai. Eh di sana ay wala ka sa sitwasyon na ito. Sanay ako sa pag-aayos ng dokumento, pag-a-arrange ng schedule ni Sir Matteo, at pagsunod sa lahat ng utos niya nang hindi nagrereklamo basta hindi niya inaagrabiyado ang pagkatao ko. Pero ito? Napailing ako habang naiiyak na pinagmamasdan ang mga iyon sa harapan ko. Para silang buhay na kumakaway sa akin upang lutuin ko. Napangiwi ako. "Manood ka na lang ng tutorial," offer sa akin ni Kael na nakaupo lang sa may unahan. Parang supervisor. "Kung ikaw kaya magluto dito," asik ko, pero nagkibitbalikat lang siya. Hindi naman niya ako puwedeng tulungan at baka biglang sumulpot ang dragon na demonyo kong boss. At baka mas malala pa dito ang ipagawa sa akin. Huminga ako na
Kakai Hinawakan niya ang kanyang ilong na may dugo, matalim ang tingin sa akin. Hala! Hala, ang 100,000 ko! Patay. Halos maubusan na ako ng hangin sa kakapigil-hininga habang nakatingin sa kanya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at mabilis na lumuhod. Wala akong sinayang na oras at humingi ng tawad sa kanya. "S-sir, s-sorry po," mabilis kong sinabi kahit na nauutal na. "Patawarin niyo po talaga ako, Sir!" Wala siyang sinabi. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Ako naman ay nakaluhod lang at kaharap ang sahig habang mariin na pinipikit ang aking mga mata. Ano ba kasing nakain ko at bigla-bigla ko na lang siyang binato? Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko rin maintindihan ang tibok ng puso ko. Parang binabayo ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Paano na ang sahod ko? Paano na ang future ko? Ang mga vitamins nina lola? Gusto kong kutusan ang sarili ko pero kailangan ko munang humin
Kakai "Napagalitan ka na naman ba?" "Bakit may bago ba?" patanong kong sagot kay Kael, assistant ng boss kong may dalawang D—dragon at demonyo. Huminga ako nang malalim pero hindi pa ako tapos nang matalim na mata ng boss ko ang sumalubong sa akin. "Get into my office." Nalaglag ang panga ko. Gusto ko pang magkape! Pero itinikom ko ang aking bibig at agad na sumunod sa kanya sa loob. Diyos ko, masisiraan na yata ako ng bait sa lalaking ito. Pumasok ako sa loob ng kanyang opisina. Madalas ay sa penthouse niya siya nagpapahinga, mabuti, at naisipan niyang bumisita sa kanyang kumpanya. "Where is my coffee?" Kumunot ang noo ko. Nag-angat ang tingin niya sa akin. Agad na nagkasalubong ang kanyang makakapal na kilay, at umigting ang mga panga nang makita akong naguguluhan. "You've been working for me for three years, yet you still didn't know my routine?" Sarkastiko niyang tanong. Gusto ko siyang sagutin. "Baka naman gusto mong bawasan ko ang s
Kakai Hala! Baha pa rin sa labas. Paano ako makakapasok sa trabaho nito? Patay talaga ako sa boss kong dragon. Siguradong raratratin na naman niya ako ng bunganga niya na akala mo naman talaga ay sobrang perfect niya. Ang sarap na ngang sabihin na 'Perfect ka, sir? Eh di ikaw na lang magtrabaho lahat!' Kairita! Pero siyempre kailangan kong magpa-good shot dahil masyadong malaki ang sahod ko, baka bigla akong tanggalin. Isa pa at malapit na ang christmas kaya kailangan kong magpakabait pa lalo. Hehehehe Puwede ko kayang sabihin na pass muna ako sa trabaho ngayong araw? Wow, na parang umiinom lang ah? Napapadyak ako sa inis dahil maganda pa naman ang outfit ko today tapos biglang bumaha. Kung bumalik na lang kaya ako sa kwarto, tapos ay kalimutan ko na ang trabaho ko? "And forget about your salary too!" Napailing ako nang marinig ko ang boses ng demonyong 'yon sa isipan ko. Nakakakilabot. Kahit nasa boarding house ako, naririnig ko ang malamig n







