Share

Papeles

Author: Moonlitwrites
last update publish date: 2026-11-11 17:50:43

Kakai

"Napagalitan ka na naman ba?"

"Bakit may bago ba?" patanong kong sagot kay Kael, assistant ng boss kong may dalawang D—dragon at demonyo.

Huminga ako nang malalim pero hindi pa ako tapos nang matalim na mata ng boss ko ang sumalubong sa akin.

"Get into my office."

Nalaglag ang panga ko.

Gusto ko pang magkape!

Pero itinikom ko ang aking bibig at agad na sumunod sa kanya sa loob.

Diyos ko, masisiraan na yata ako ng bait sa lalaking ito.

Pumasok ako sa loob ng kanyang opisina.

Madalas ay sa penthouse niya siya nagpapahinga, mabuti, at naisipan niyang bumisita sa kanyang kumpanya.

"Where is my coffee?"

Kumunot ang noo ko.

Nag-angat ang tingin niya sa akin. Agad na nagkasalubong ang kanyang makakapal na kilay, at umigting ang mga panga nang makita akong naguguluhan.

"You've been working for me for three years, yet you still didn't know my routine?" Sarkastiko niyang tanong.

Gusto ko siyang sagutin.

"Baka naman gusto mong bawasan ko ang sahod mo?"

Wala akong nagawa. Agad kong sinunod siya, kaya tumalikod ako sa kanya.

Lahat sila, iniisip na sobrang suwerte ko dahil siya ang boss ko.

Si Matteo Yverick Zamoras.

Hindi nila alam na lahat ng sasabihin niya ay dapat kong sinusunod.

Kung ayaw niyang magsuot ako ng skirt ay hindi puwede.

Kung gusto niyang naka-skinny jeans ako kahit hindi naman trendy sa panahong ito ay iyon ang susuotin ko.

Jusq! Lahat na lang talaga ay dinidiktahan niya. Kulang na lang, pati paghinga ko ay diktahan niya.

Kung hindi lang talaga isang daan ang sahod ko bilang sekretarya niya. Matagal na akong umalis.

Bukod pa doon, may pinapaaral ako sa kolehiyo; malaki ang kakailanganin ko. Tapos ay ang maintenance pa ng lolo at lola ko kaya kailangan ko talagang kumayod para mabuhay kami.

Para magkaroon kami ng magandang buhay.

Kapag napagtapos ko talaga si Kokoy, at may trabaho na siya, tapos natapos na rin iyong maliit na bahay na pinapagawa ko. Talagang magre-resign na ako sa trabahong 'to!

At ako naman ay mag-aalaga ng mga baka at kalabaw sa bukif kapag nakaipon na ako. Pagkatapos ay magpapatayo ng grocery para hindi na sa malayo bibili ang mga kapitbahay ko.

Sa ngayon kailangan ko munang magtiis.

Nang matapos ko siyang timplahan ng kape ay nagtungo na ako sa opisina niya at nakangiti kahit sa totoo lang ay gusto ko na siyang sungalngalin.

"Here's your coffee, sir," nakangiti kong inilapag iyon malapit sa kanya.

Tinapunan niya lang iyon ng tingin, tumingin ulit sa kanyang ginagawa.

"You may leave."

Hindi na ako nagsalita at yumuko na upang umalis.

Pagbalik ko sa loob ng opisina niya dahil pinatawag niya ako. Natagpuan ko ang hindi niya ginalaw na kapeng ginawa ko.

Pinatunog ko ang aking mga ngipin pero hindi ko ipinakita sa lalaki na galit ako.

Para saan pa't sininghalan niya ako pero hindi naman pala niya iinumin?

"Ano pong kailangan niyo, Sir?" magalang kong tanong sa kanya, matamis na ngumiti.

Nakita ko kung paano siya lumunok habang pinasadahan ako ng tingin at bumaba iyon sa aking dibdib, pero agad din na bumalik sa aking mga mata.

Nandilim na ang kanyang paningin sa pagkakataong ito.

May ibinagsak siyang papeles sa kanyang lamesa. Tumingin ako doon, tapos sa mukha niya.

Umigting ang kanyang panga. "Make a hundred copies of each of them," matigas niyang utos.

Nalaglag ang panga ko sa narinig.

Seryoso ba siya?

Tambak ang papeles na iyon tapos...

Napakurap ako.

Pero siyempre hindi ako nagreklamo dahil binabayaran naman niya ako. Kaya kinuha ko na iyon, at binuhat paalis sa kanyang opisina.

He was ruthless.

Kahit kailan ay wala talaga siyang konsiderasyon sa kahit na ano.

Alam niya kung paano pakuluin ang dugo ko.

Padabog kong pinaxerox ang lahat ng iyon.

Mabuti na lang at imported ang mga machine sa kumpanya nila, kung hindi ay baka nasira na hindi pa ako nakakahalati.

Natapos ko na rin.

Sobrang sakit sa kamay at nangangalay na rin ang paa ko sa kakatayo.

Binuhat ko iyon pabalik sa kanya nang ako lang. Ayaw niyang may tumutulong sa akin, lalo na kapag lalaki. Mas lalo lamang siyang nagiging dragon kaya hindi na uli ako nagpapatulong kahit sa babae.

Binagsak ko iyon sa lamesa niya.

"Narito na po sir."

Tumango lang siya.

Wala man lang pasalamat.

Alam ko naman na trabaho ko iyon, pero hindi ba niya alam ang empathy? Hindi ba iyon inaral sa kanila?

Tsk.

Bahala na nga siya, at least tapos na ako.

Makachismis nga kila Nichole.

Hehehe.

Pero bago pa man ako makaisang hakbang, agad na nagkalat sa sahig ang bawat pirasong papel na pinaxerox ko.

"Tanga ka ba? O bobo ka lang talaga?" Singhal niya.

Gumuhit ang tandang pananong sa noo ko, nakatingin sa kanya at naguguluhan.

"Ang laki-laki ng pinapasahod ko sa'yo pero simpleng pagpapaxerox ng mga importanteng dokumento ay hindi mo pa magawa?"

His eyes widened. Galit na galit siya.

Napalunok ako.

May kinuha siyang papel. "Look at this? The words were faded; I couldn't even read them properly!" Inihagis niya iyon sa kung saan, tapos pumulot na naman ng isa. "And this!" Itinuro niya ang maliit na tinta sa may gilid na kapag nagmamadali ka sa trabaho mo ay hindi mo talaga makikita. "Ni hindi mo man lang napansin ito, huh?"

Nanginginig ako.

Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa galit.

Kumalma ka, Kakai.

Boss mo pa rin siya.

Binibigyan ka niya ng isang daang libo para sa sahod mo, kaya dapat lang na hayaan mo siyang pagalitan ka.

Sige lang.

Itinikom ko ang aking bibig.

Pinulot ko ang mga papel na nagkalat sa sahig, kahit parang pinupunit ang puso ko, ay nagawa kong lunukin ang pride ko.

"Ayan kasi, hindi marunong ayusin ang trabaho palibhasa ay kalandian lang ang alam." Bulong niya, at doon tuluyang napantig ang tenga ko.

I gritted my teeth and tightened my grip on the paper, then stood up to him.

Masama ang tingin ko sa kanya habang nag-e-encode siya.

"Anong sinabi mo, tangina ka?!" sigaw ko sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Watch your words!"

Binilog ko iyong papel na nasa kamay ko, tapos nang maging bola na siya ay hindi ako nagdalawang-isip na ibato sa kanya iyon.

Sapul sa kanyang ilong at may dugong tumulo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Boss Kong Baliw sa Akin   Wrong

    Matteo I didn't know that a woman could be this troublesome. Una, pumasok siya sa kumpanya ko na basa ang buong damit at kita na ang lingerie niya, kaya ako nagalit. Hindi ko maintindihan dahil may epekto siya sa akin. Pangalawa, binato niya ako ng kumpol na papel at hindi man lang siya humingi ng tawad. At may gana pa siyang hamunin ako sa sarili kong kumpanya. The nerve, right! And now, she had nearly poisoned me with her sauce. Napailing ako. Hindi ako makapaniwala na hindi ko pa siya sinesante. Dapat ay pinaalis ko na siya. But somehow... I couldn't. Parang may bumubulong sa akin na huwag ko siyang paalisin sa hindi ko malamang dahilan. So, I didn't. But of course, I'll make her suffer in every single way. Sa paraan na alam kong pagsisisihan niya na binagga niya ako. Pero somehow, she's getting on my nerves talaga. "Cold coffee for rain? Talaga ba?" sarkastiko kong tanong sa kanya. I saw her lips twist; she was trying to hold back the

  • Ang Boss Kong Baliw sa Akin   Impossible

    Kakai Tinitigan ko lang ang lobster at king crab na nasa harapan ko. Anong gagawin ko sa mga 'yan? Malamang lulutuin! Boba din talaga ako minsan. Minsan lang naman. Napapikit ako sa inis. Kung hindi ka ba naman kasi isang loka-loka, Kakai. Eh di sana ay wala ka sa sitwasyon na ito. Sanay ako sa pag-aayos ng dokumento, pag-a-arrange ng schedule ni Sir Matteo, at pagsunod sa lahat ng utos niya nang hindi nagrereklamo basta hindi niya inaagrabiyado ang pagkatao ko. Pero ito? Napailing ako habang naiiyak na pinagmamasdan ang mga iyon sa harapan ko. Para silang buhay na kumakaway sa akin upang lutuin ko. Napangiwi ako. "Manood ka na lang ng tutorial," offer sa akin ni Kael na nakaupo lang sa may unahan. Parang supervisor. "Kung ikaw kaya magluto dito," asik ko, pero nagkibitbalikat lang siya. Hindi naman niya ako puwedeng tulungan at baka biglang sumulpot ang dragon na demonyo kong boss. At baka mas malala pa dito ang ipagawa sa akin. Huminga ako na

  • Ang Boss Kong Baliw sa Akin   Condition

    Kakai Hinawakan niya ang kanyang ilong na may dugo, matalim ang tingin sa akin. Hala! Hala, ang 100,000 ko! Patay. Halos maubusan na ako ng hangin sa kakapigil-hininga habang nakatingin sa kanya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at mabilis na lumuhod. Wala akong sinayang na oras at humingi ng tawad sa kanya. "S-sir, s-sorry po," mabilis kong sinabi kahit na nauutal na. "Patawarin niyo po talaga ako, Sir!" Wala siyang sinabi. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Ako naman ay nakaluhod lang at kaharap ang sahig habang mariin na pinipikit ang aking mga mata. Ano ba kasing nakain ko at bigla-bigla ko na lang siyang binato? Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko rin maintindihan ang tibok ng puso ko. Parang binabayo ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Paano na ang sahod ko? Paano na ang future ko? Ang mga vitamins nina lola? Gusto kong kutusan ang sarili ko pero kailangan ko munang humin

  • Ang Boss Kong Baliw sa Akin   Papeles

    Kakai "Napagalitan ka na naman ba?" "Bakit may bago ba?" patanong kong sagot kay Kael, assistant ng boss kong may dalawang D—dragon at demonyo. Huminga ako nang malalim pero hindi pa ako tapos nang matalim na mata ng boss ko ang sumalubong sa akin. "Get into my office." Nalaglag ang panga ko. Gusto ko pang magkape! Pero itinikom ko ang aking bibig at agad na sumunod sa kanya sa loob. Diyos ko, masisiraan na yata ako ng bait sa lalaking ito. Pumasok ako sa loob ng kanyang opisina. Madalas ay sa penthouse niya siya nagpapahinga, mabuti, at naisipan niyang bumisita sa kanyang kumpanya. "Where is my coffee?" Kumunot ang noo ko. Nag-angat ang tingin niya sa akin. Agad na nagkasalubong ang kanyang makakapal na kilay, at umigting ang mga panga nang makita akong naguguluhan. "You've been working for me for three years, yet you still didn't know my routine?" Sarkastiko niyang tanong. Gusto ko siyang sagutin. "Baka naman gusto mong bawasan ko ang s

  • Ang Boss Kong Baliw sa Akin   Dragon kong boss

    Kakai Hala! Baha pa rin sa labas. Paano ako makakapasok sa trabaho nito? Patay talaga ako sa boss kong dragon. Siguradong raratratin na naman niya ako ng bunganga niya na akala mo naman talaga ay sobrang perfect niya. Ang sarap na ngang sabihin na 'Perfect ka, sir? Eh di ikaw na lang magtrabaho lahat!' Kairita! Pero siyempre kailangan kong magpa-good shot dahil masyadong malaki ang sahod ko, baka bigla akong tanggalin. Isa pa at malapit na ang christmas kaya kailangan kong magpakabait pa lalo. Hehehehe Puwede ko kayang sabihin na pass muna ako sa trabaho ngayong araw? Wow, na parang umiinom lang ah? Napapadyak ako sa inis dahil maganda pa naman ang outfit ko today tapos biglang bumaha. Kung bumalik na lang kaya ako sa kwarto, tapos ay kalimutan ko na ang trabaho ko? "And forget about your salary too!" Napailing ako nang marinig ko ang boses ng demonyong 'yon sa isipan ko. Nakakakilabot. Kahit nasa boarding house ako, naririnig ko ang malamig n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status