Share

Impossible

Author: Moonlitwrites
last update publish date: 2026-11-11 20:57:14

Kakai

Tinitigan ko lang ang lobster at king crab na nasa harapan ko.

Anong gagawin ko sa mga 'yan?

Malamang lulutuin!

Boba din talaga ako minsan. Minsan lang naman.

Napapikit ako sa inis.

Kung hindi ka ba naman kasi isang loka-loka, Kakai. Eh di sana ay wala ka sa sitwasyon na ito.

Sanay ako sa pag-aayos ng dokumento, pag-a-arrange ng schedule ni Sir Matteo, at pagsunod sa lahat ng utos niya nang hindi nagrereklamo basta hindi niya inaagrabiyado ang pagkatao ko.

Pero ito?

Napailing ako habang naiiyak na pinagmamasdan ang mga iyon sa harapan ko.

Para silang buhay na kumakaway sa akin upang lutuin ko.

Napangiwi ako.

"Manood ka na lang ng tutorial," offer sa akin ni Kael na nakaupo lang sa may unahan.

Parang supervisor.

"Kung ikaw kaya magluto dito," asik ko, pero nagkibitbalikat lang siya.

Hindi naman niya ako puwedeng tulungan at baka biglang sumulpot ang dragon na demonyo kong boss. At baka mas malala pa dito ang ipagawa sa akin.

Huminga ako nang malalim at kinuha ang cellphone ko saka nag-search ng mga tutorial sa pagluto ng mga seafood.

Actually, madali lang naman talaga siya kung tutuusin.

Pero kasi... hindi naman ako marunong magluto.

Sa landlady ko nga lang ako bumibili ng ulam o di kaya ay sa karenderya ako kumakain, tapos nagpiprito lang ako kapag tamad akong bumaba, kaya paano ko lulutuin ang lobster at king crab na 'to?

Napakamot ako sa aking ulo na may hairnet.

Nakasuot pa ako ng hairnet at apron, tapos may gloves pa. Kumpleto ako sa garments pero sa kaalaman sa pagluluto?

Napailing na lamang ako.

Imposibleng maluto ko 'to.

Pero... baka kapag nagkamali pa ako dito, mas lalo pa niya akong parusahan.

"You'll have to suffer in my hands, Kakai." Naririnig ko na naman ang nakakakilabot niyang banta sa utak ko.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng panginginig sa katawan ko.

Huminga ako nang malalim. Sa pagkakataong ito, nagseryoso na ako.

Pinanood ko ang kanyang ginagawa. Sinunod ko naman, pero napadaing lang ako nang tumusok ang galamay ng crab sa gloves.

Gusto ko nang sumuko pero wala akong magawa.

Nalilito ako dahil hindi ko masundan ang sinasabi ng chef sa tutorial.

Pinakuluan ko iyong isang lobster at king crab. Nang kumulo na, hinango ko na ito, kaso dahil sa kabubuhan ko. Hindi ako gumamit ng ipit para kunin ang lobster at king crab, bagkus ay kinamay ko kaya napaso.

Tanga nga.

Napadaing ako sa sakit.

"What the hell?" sigaw ng demonyo sa likod ko ,pero hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa sink. Hinubad ang gloves at pinaagos ang tubig sa aking kamay.

"Hindi ka pa tapos?"

Huwag kang magsasalita, Kakai. Sinasabi ko sa'yo. Huwag kang pangunahan ng emosyon dahil hindi ka niya aalisin sa trabaho mo; mas lalo ka niyang paparusahan.

"It's just a simple dish, but you can't cook."

Nagngitngit na ako sa galit, pero pinilit kong kumalma.

"Kael, I have something to give to you at my office. Get it and do it."

"Pero—"

"No buts, and just do what I say." Sinabi niya iyon sa paraang kahit tumanggi ka ay wala kang magagawa.

Hindi siya nakikinig sa iba, dahil gusto niya kung ano ang nais niya ay iyon agad ang masusunod. Wala nang tanong-tanong pa.

"Yes, sir," magalang na sagot ni Kael.

Naging magaan na rin ang pakiramdam ko kaya bumalik na ako sa aking ginagawa. Inayos ko na ang paghahanda sa lobster at king crab.

Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay gumawa ng sauce.

"Ang bagal," narinig kong komento niya habang pinapanood ako.

Pinigilan ko ang magtaas ng kilay.

Nagpatuloy lang ako kahit nahihirapan na ako sa paghiwa ng bawang at sibuyas.

Paano kasi, imbes na matuto ako sa pagluluto dati ay kailangan kong maglaba at maglinis sa ibang bahay para lang may makain kami. Kaya pera ang inaabot ko kay lola, tapos siya na ang bahala na magluto.

Hindi ito ang oras para maging emosyonal ako.

"Hindi ka ba marunong maghiwa ng sibuyas? Ang simple lang niyan," iritado niyang tanong.

Tumingin ako sa gawi niya. Humigpit ang paghawak ko ng kutsilyo.

Baka masaksak ko siya katagalan.

"Pasensya ka na, sir ha, hindi kasi pagluluto ang pinagkakaabalahan ko noong bata ako. Pagtatrabaho para may mapakain sa pamilya ko na hikaos sa pera." Bigla kong sinabi.

Hindi ko dapat sinabi iyon. Pero hindi ko gusto ang pag-iinsulto niya.

Oo, alam ko na dapat ay natuto nga ako sa pagluluto, pero wala naman siyang alam sa kwento ko, kaya sana nanahimik na lang siya.

Natahimik siya habang nakatitig sa akin nang ilang minuto.

Hindi ko iyon pinansin, at nagpatuloy ako sa aking giangawa. Ginawa ko ang lahat pero kahit ganoon, alam kong palpak ako.

Inilapag ko sa lamesa ang pagkain niya.

Overcooked ang mga seafood.

Pero sana bumawi naman ako sa sauce.

Napangiwi siya nang hawakan ang galamay ng king crab, baliin iyon, tapos isinawsaw ang laman nito sa sauce.

Nang tikman niya ito, nakaabang lang ako sa reaksiyon niya.

Kinakabahan ako sa sasabihin niya.

Ano?

Bakit ang tagal mong sabihin!

"It tastes bland," komento niya.

Napangiwi ako. "Hindi naman kasi ako graduate sa culinary, sir." Sarkastiko kong sinabi.

Tinaasan niya ako ng kilay, pero nginitian ko lang siya nang matamis.

"Kung gusto niyo po, sir, paglulutuan ko kayo mula umaga hanggang gabi." Offer ko sa kanya, pero agad na umasim ang mukha niya.

"No thanks, I want to live for how many years."

Ayan na naman siya sa mapang-insulto niyang mga words na akala mo talaga ay napakaperpekto niya.

Pinunasan niya ang kanyang labi ng napkin tapos ay tumingin sa gawi ko. Ngumiti ako nang matamis.

"I have another task for you," kumunot ang noo ko.

Task?

Ano 'to, nasa PBB pala kami nang hindi ko alam?

"Since you're not good at cooking, then starting tomorrow you'll be accompanying me. I don't want another assistant handling my personal affairs."

Nalaglag ang panga ko pero agad ding bumawi.

"Sir, sekretarya niyo po ako. Hindi anino."

"You got a problem with that?"

Ngumiti ako. "Of course, no, sir." Sagot ko, "May iba pa ba kayong ipag-uutos? Iutos niyo na dahil kaya kong gawin lahat ng 'yan."

"Yup," he replied.

Wow, hindi man lang talaga sinabing wala na.

Mayroon nga.

"This weekend, you'll be accompanying me on a series of provincial business trips."

Iyon ang sinabi niya saka tumayo at umalis.

Napapadyak ako sa paa.

Talaga ngang magdurusa ako sa mga kamay niya!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Boss Kong Baliw sa Akin   Wrong

    Matteo I didn't know that a woman could be this troublesome. Una, pumasok siya sa kumpanya ko na basa ang buong damit at kita na ang lingerie niya, kaya ako nagalit. Hindi ko maintindihan dahil may epekto siya sa akin. Pangalawa, binato niya ako ng kumpol na papel at hindi man lang siya humingi ng tawad. At may gana pa siyang hamunin ako sa sarili kong kumpanya. The nerve, right! And now, she had nearly poisoned me with her sauce. Napailing ako. Hindi ako makapaniwala na hindi ko pa siya sinesante. Dapat ay pinaalis ko na siya. But somehow... I couldn't. Parang may bumubulong sa akin na huwag ko siyang paalisin sa hindi ko malamang dahilan. So, I didn't. But of course, I'll make her suffer in every single way. Sa paraan na alam kong pagsisisihan niya na binagga niya ako. Pero somehow, she's getting on my nerves talaga. "Cold coffee for rain? Talaga ba?" sarkastiko kong tanong sa kanya. I saw her lips twist; she was trying to hold back the

  • Ang Boss Kong Baliw sa Akin   Impossible

    Kakai Tinitigan ko lang ang lobster at king crab na nasa harapan ko. Anong gagawin ko sa mga 'yan? Malamang lulutuin! Boba din talaga ako minsan. Minsan lang naman. Napapikit ako sa inis. Kung hindi ka ba naman kasi isang loka-loka, Kakai. Eh di sana ay wala ka sa sitwasyon na ito. Sanay ako sa pag-aayos ng dokumento, pag-a-arrange ng schedule ni Sir Matteo, at pagsunod sa lahat ng utos niya nang hindi nagrereklamo basta hindi niya inaagrabiyado ang pagkatao ko. Pero ito? Napailing ako habang naiiyak na pinagmamasdan ang mga iyon sa harapan ko. Para silang buhay na kumakaway sa akin upang lutuin ko. Napangiwi ako. "Manood ka na lang ng tutorial," offer sa akin ni Kael na nakaupo lang sa may unahan. Parang supervisor. "Kung ikaw kaya magluto dito," asik ko, pero nagkibitbalikat lang siya. Hindi naman niya ako puwedeng tulungan at baka biglang sumulpot ang dragon na demonyo kong boss. At baka mas malala pa dito ang ipagawa sa akin. Huminga ako na

  • Ang Boss Kong Baliw sa Akin   Condition

    Kakai Hinawakan niya ang kanyang ilong na may dugo, matalim ang tingin sa akin. Hala! Hala, ang 100,000 ko! Patay. Halos maubusan na ako ng hangin sa kakapigil-hininga habang nakatingin sa kanya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at mabilis na lumuhod. Wala akong sinayang na oras at humingi ng tawad sa kanya. "S-sir, s-sorry po," mabilis kong sinabi kahit na nauutal na. "Patawarin niyo po talaga ako, Sir!" Wala siyang sinabi. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Ako naman ay nakaluhod lang at kaharap ang sahig habang mariin na pinipikit ang aking mga mata. Ano ba kasing nakain ko at bigla-bigla ko na lang siyang binato? Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko rin maintindihan ang tibok ng puso ko. Parang binabayo ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Paano na ang sahod ko? Paano na ang future ko? Ang mga vitamins nina lola? Gusto kong kutusan ang sarili ko pero kailangan ko munang humin

  • Ang Boss Kong Baliw sa Akin   Papeles

    Kakai "Napagalitan ka na naman ba?" "Bakit may bago ba?" patanong kong sagot kay Kael, assistant ng boss kong may dalawang D—dragon at demonyo. Huminga ako nang malalim pero hindi pa ako tapos nang matalim na mata ng boss ko ang sumalubong sa akin. "Get into my office." Nalaglag ang panga ko. Gusto ko pang magkape! Pero itinikom ko ang aking bibig at agad na sumunod sa kanya sa loob. Diyos ko, masisiraan na yata ako ng bait sa lalaking ito. Pumasok ako sa loob ng kanyang opisina. Madalas ay sa penthouse niya siya nagpapahinga, mabuti, at naisipan niyang bumisita sa kanyang kumpanya. "Where is my coffee?" Kumunot ang noo ko. Nag-angat ang tingin niya sa akin. Agad na nagkasalubong ang kanyang makakapal na kilay, at umigting ang mga panga nang makita akong naguguluhan. "You've been working for me for three years, yet you still didn't know my routine?" Sarkastiko niyang tanong. Gusto ko siyang sagutin. "Baka naman gusto mong bawasan ko ang s

  • Ang Boss Kong Baliw sa Akin   Dragon kong boss

    Kakai Hala! Baha pa rin sa labas. Paano ako makakapasok sa trabaho nito? Patay talaga ako sa boss kong dragon. Siguradong raratratin na naman niya ako ng bunganga niya na akala mo naman talaga ay sobrang perfect niya. Ang sarap na ngang sabihin na 'Perfect ka, sir? Eh di ikaw na lang magtrabaho lahat!' Kairita! Pero siyempre kailangan kong magpa-good shot dahil masyadong malaki ang sahod ko, baka bigla akong tanggalin. Isa pa at malapit na ang christmas kaya kailangan kong magpakabait pa lalo. Hehehehe Puwede ko kayang sabihin na pass muna ako sa trabaho ngayong araw? Wow, na parang umiinom lang ah? Napapadyak ako sa inis dahil maganda pa naman ang outfit ko today tapos biglang bumaha. Kung bumalik na lang kaya ako sa kwarto, tapos ay kalimutan ko na ang trabaho ko? "And forget about your salary too!" Napailing ako nang marinig ko ang boses ng demonyong 'yon sa isipan ko. Nakakakilabot. Kahit nasa boarding house ako, naririnig ko ang malamig n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status