"What do you mean? May alam ka ba sa nangyayari? Bakit ganiyan ka kung magsalita? Siguro may alam ka, 'no?" may pang-uusig na sabi ko. Matalim ang pagtitig ko sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. "Do you think titigil iyon? Hindi iyon titigil kung talagang gusto ka niyang patayin," deretsong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ibig sabihin ba nito wala siyang itinatago? Nagagawa niyang tignan ako nang deretso sa mukha at ni hindi man lang siya nautal! "Huwag mo akong pagdudahan. Hindi ako masamang tao. Kailangan mo lang magtiwala."Napabuntong-hininga nalang ako sa sinabi niya. Baka nga kailangan ko lang magtiwala. "S-sorry," sincere kong sabi at tumango nalang siya bilang sagot. Tinignan kong maigi ang screen ng cellphone niya bago pinindot ang iilang numero. Cellphone number ko lang naman ang malalaman niya at hindi ang pangalan ko kaya ayos lang na ibigay ko sa kaniya. Mukhang hindi na rin naman ako makakatanggi. "Nak
"I'm here outside your room, so open the door. No one is here.""Wait," sambit ko. In-end ko ang tawag at mabilis na bumaba sa kama ko. Dinampot ko ang susi ng kuwarto ko at naglakad na palapit sa pintuan. "Makitulog ka muna sa kuwarto ko," seryoso niyang sabi nang makalabas na ako sa kuwarto ko. "Ligtas ka kapag kasama mo ako.""Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kumunot naman bigla ang noo niya dahil sa tanong ko. "Mukha ba akong nagbibiro?" inis na tanong niya. "I'm not a rapist," dagdag niya pa. Grabe naman sa rapist! Hindi ko naman naisip na rapist siya. "Nahihiya ako." Totoong nahihiya ako. Hindi na rin naman siguro babalik iyong kumatok kaya tatanggi nalang ako. "Huwag nalang. Ayos lang ako sa kuwarto ko.""Ayos lang? Seriously? E, parang nasa bingit ka na ng kamatayan kanina ah. Tsk. Halata sa boses mo kanina kung gaano ka katakot tapos sasabihin mo ngayon na ayos ka lang? Ayos ka lang ba talaga?" sarkastikong sabi niya. "Paano kung may duplicate key ng kuwarto mo an
"None," deretsong sagot niya. "Ano ba iyan. Akala ko pa naman nagbabasa ka. Mukhang character ka kaya sa mga nobela HAHAHA!" Hindi ko napigilang hindi tumawa dahil sa naisip ko. Para siyang bida sa mga nobela. Ideal man ba na madalas i-describe kapag physical appearance ang usapan. "Hindi ako nagbabasa ng mga ganon. Ang kulit mo rin. Mas guwapo pa ako sa mga character kaya tumigil ka sa kahibangan mo." Sa kisame lang kami nakatitig at hindi kami sobrang malapit sa isa't isa. May unan din sa pagitan naming dalawa. "How did you know na mas guwapo ka sa kanila? Nagbabasa ka, 'no?" pang-aasar ko sa kaniya. "Alam ko lang na guwapo ako pero hindi ako nagbabasa. Tsk! Huwag mo akong idadamay ka sa kalokohan mo.""Ang suplado! Akala mo naman guwapo talaga," inis na sabi ko sa kaniya. "Tongeks! Compliment kaya ang sinabi ko. Isa ka rin palang hindi maka-appreciate e." "Bingi ka kasi! Hindi mo ba narinig na tinawanan mo ako? Bingi talaga. Nakaka-insulto iyon. Nakaka-insulto!" inis din na s
Hindi na siya nagsalita pa. Naasar siguro pero nagtimpi nalang. "Share tayo sa kumot ah," sabi ko bago nagkumot. Maluwang ang kumot kaya sapat para sa dalawang tao. Ayaw ko namang manginig mamaya kaya kinapalan ko na ang mukha ko na magsabi na share kami. Hindi na siya sumagot at pumikit na. Inaantok na rin siguro. Sana makatulog ako nang maayos. Hindi naman ako masiyadong nailang na katabi siya dahil wala naman itong malisya. Ang totoo niyan, ayaw kong matulog mag-isa sa banig na nakalatag sa sahig dahil baka may tumabi sa akin na multo. Basta natatakot lang ako. At least alam kong tao ang katabi ko kapag kay Flakes ako tumabi. Pang-isang tao lang kasi ang kama ko sa kabilang kuwarto kaya hindi ako natatakot matulog doon mag-isa. Ang luwang ng sahig dito kaya ang creepy para sa akin na matulog mag-isa sa banig. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at nagdasal. Matapos kong magdasal ay tinignan ko si Flakes. Siya ang unang lalaking nakatabi ko matulog bukod kay Benny at kay daddy
Nang makapasok na ako sa kuwarto ko ay inihanda ko na ang mga pampalit ko. Hindi na ako nagulat sa mga sanitary napkin na binili niya. Kulang nalang bilhin niya lahat ng klase at brand. Ganito talaga kapag hindi alam ng tao kung ano ang ginagamit mong sanitary napkin. "Thanks talaga, Flakes."Maya-maya lang din ay pumunta na ako sa comfort room. Naglinis ako ng katawan pero hindi ako naligo. Bawal daw maligo kapag bagong dating lang ang regla sabi ni Manang Ebang kaya ginagawa ko nalang. Ewan ko rin ba kung bakit ako naniniwala. Bukas pa ako puwedeng maligo kaya pinag-igihan ko ang paglilinis sa katawan ko. Bigla kong naramdaman ang gutom pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili kaya nagdesisyon ako na sa baba nalang ako kakain. Yayayain ko sana si Flakes kaso nakakailang katok na ako sa pinto ng kuwarto niya pero wala pa ring sumasagot at lumabas na Flakes kaya bumaba nalang ako mag-isa. Um-order ako ng plain rice, pinakbet, hinalabos na hipon, hinog na papaya para sa panghimagas, at
"S-sorry. M-may naalala lang," agad kong sabi dahil mukhang naiinis na talaga siya. Ang ikli ng pasensiya niya. "Don't tell me na iniisip mo ang boyfriend mo," mapang-asar niyang sabi bago inginuso si Flakes na kasalukuyang kinakausap ang isang waitress para um-order siguro. Maya-maya lang ay umalis na rin ang waitress na kausap niya. Nagkaroon nalang ako ng chance na sagutin ang sinabi ni Chasi nang ilagay ni Flakes ang earphones niya sa magkabilang tainga niya. "He's not my boyfriend," seryosong sabi ko at tinignan siya nang deretso. "What made you think that he's my boyfriend? Are we that sweet together para maisip mo 'yon? Sa pagkakaalam ko kasi never kaming naging sweet sa isa't isa." "Last night, it seemed that you told him that I was staring at you," nakangisi niyang sabi. Napangiwi nalang ako dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin nakahalata talaga siya kagabi. Sino ka nga ba Chassica Cion? Bakit mo ako kinakausap ngayon? "Ah, don't mind it. I just told him that you were st
Lalapit ako sa kaniya dahil nasa table niya ang mga in-order ko. Oo, babawi ako sa kaniya pero nakakaasar ang ginawa niya dahil hindi niya naman kailangang isabay pa akong kumain. "Thank you, sir. Mauna na po ako sa inyo," paalam niya pero hindi na ako umimik at nginitian ko nalang siya. "Okay," maikling sambit ni Flakes. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Nix bago tuluyang tumalikod at lumakad paalis. "Ang dami mong alam," naasar kong sabi bago tumayo at naglakad papunta sa table niya samantalang sumunod nalang siya. "I thought babawi ka," nakangisi niyang sabi nang maka-upo na kami sa table ko. "Nagugutom na ako." "Let's eat," agad niyang sabi. "Let's pray first," seryosong sabi ko kaya ipinikit niya na rin ang mga mata niya. "Thank you for these blessings, Lord Jesus. Bless those people who prepared these for us. May these give us more strengths. Bless us also, Lord Jesus. In Jesus Christ name we pray... Amen."Pagmulat ko ng mga mata ko ay napansin kong nakatitig siy
"I've talked to the management about what happened. They'll take care of the security in this resort. Mas pag-iigihan nila ang pagbabantay. Dadagdagan din ang mga ilaw sa paligid ng resort. Iyon ang inasikaso ko kanina kaya wala ako sa kuwarto ko," pagkukuwento niya. "That's great," nakangiti kong sabi. Pero hindi sapat na dahilan iyon para manatili pa ako sa lugar kung saan nanganganib ang buhay ko. "Sasamahan kita sa Christmas Eve at sabay nating sasalubungin ang Araw ng Pasko kung ayos lang sa iyo.""Ayos lang since you'll go away after Christmas." Naalala ko kasi na madalas mag-isa daw siya kapag pumupunta siya rito kaya bilang pambawi ay sasamahan ko siya bago ako umuwi. "Ayos!""Huwag kang hihiwalay sa akin habang nandito ka pa. We need to be sure that youre safe. I came with you last night to make sure that nothing bad would happen. But you didn't let me come with you when you went to the comfort room and that made me useless. Tsk! I wouldn't do nasty things. I couldn't follo